KINABUKASAN. . . “Yes, we are on our way, Dale. Hmm, yes I am not alone, I brought someone. Yeah, we will be there around nine-thirty in the morning. Uh-huh, just call Maria and make sure she won’t be late. Great, thank you. . ." Maaga pa lang ay tadtad na ng maraming phone calls ang cellphone ni Eionn. Hindi rin yata lumipas ang isang minuto na wala siyang text na natatanggap. Umiling na lamang ako at sinandal ang aking ulo sa bintana sa gilid ko at pinagmasdan ang mga kalyeng nadadaanan ng sasakyan. Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humikab, bumuntonghininga at kung ilang beses kong tinapik ang aking pisngi para lang hindi pumikit nang tuluyan ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagkaantok at ang kaunting pagsakit ng aking ulo dahil sa nangyaring inuman namin kagabi. Kung sinabi niya lang agad na isasama niya ako sa Baguio ay sana hindi na ako uminom ng beer. Hindi ko alam kung ano sa antok at sakit ng ulo ang uunahin ko. Sabayan pa nang matinding pagkai
Last Updated : 2023-04-01 Read more