Mariemar " Good morning Tay!" Bati ko sa aking ama ng aking itong mabungaran sa may maliit na sala ng aming bahay. Agad naman itong tumingin ngunit hindi sa akin kundi sa aking likuran. Waring may sinisipat ito roon at ng walang makita napailing pa. Nangunot rin agad ang noo nito saka nagsalita. " Si Azul na saan na Nak?" Sagot nito sa bati ko ng good morning. Napanguso ako dahil ako ang bumati at anak n'ya pero ang hinanap ay yung lalaking naiwan sa kwarto at nag-iinaso sa arte at pagpapa-bebe sa akin. "Asus gusto mo rin naman!" Natatawa ako na naiilang sa mga pinaggagawa ni Azul kanina kaya iniwan ko na sa kwarto dahil baka may maganap pa na wala sa oras. " Tay naman e,,, Binati ko po kayo tapos si Azul ang hanap niyo!" Pinatunog selos ko ang paraan ng pagkakasabi ko noon sa aking Tatay. " Aba, aba naman! Selos na selos e, Nako Mariemar e, nobyo mo naman iyon kaya naman inaalala ko. Anak isa pa bisita natin si Azul kaya kung, inaalala ko siya ay para din naman walang masabi a
Magbasa pa