Mariemar " Good morning Tay!" Bati ko sa aking ama ng aking itong mabungaran sa may maliit na sala ng aming bahay. Agad naman itong tumingin ngunit hindi sa akin kundi sa aking likuran. Waring may sinisipat ito roon at ng walang makita napailing pa. Nangunot rin agad ang noo nito saka nagsalita. " Si Azul na saan na Nak?" Sagot nito sa bati ko ng good morning. Napanguso ako dahil ako ang bumati at anak n'ya pero ang hinanap ay yung lalaking naiwan sa kwarto at nag-iinaso sa arte at pagpapa-bebe sa akin. "Asus gusto mo rin naman!" Natatawa ako na naiilang sa mga pinaggagawa ni Azul kanina kaya iniwan ko na sa kwarto dahil baka may maganap pa na wala sa oras. " Tay naman e,,, Binati ko po kayo tapos si Azul ang hanap niyo!" Pinatunog selos ko ang paraan ng pagkakasabi ko noon sa aking Tatay. " Aba, aba naman! Selos na selos e, Nako Mariemar e, nobyo mo naman iyon kaya naman inaalala ko. Anak isa pa bisita natin si Azul kaya kung, inaalala ko siya ay para din naman walang masabi a
Mariemar" Breathless kiss…. Breathless kiss…." Parang dumadagundong ang salitang iyong sa aking buong sistema. Tila rin waring humihinto na ang gulong o pag-inog ng aking mundo ibang iba ang epekto ni Azul sa aking buong pagkatao. " Is this for real? " Malaking tanong na sa sarili ko, na waring maaarok ko lang rin ang mga posibleng sagot sa aking sarili. Pero ang totoo talaga na malaking tanong dito ay kung totoo ba, sincero ba siya at hindi lang ba talaga basta panaginip itong nangyari sa amin ni Azul? Gusto ko naman ang malagay sa ganitong sitwasyon, I mean kami ni Azul pero sa ngayon na biglang nangyayari sa amin ay parang ang bilis naman at parang instant naman agad-agad ang hiling ko. Parang tunay na may kakaibang intesyon ang lalaki sa akin at tila rin ba may kung anong nag-uudyok sa akin na 'wag muna maniwala agad. Dahil para bang isang bitag lang ito nanakaumang o nakahatag sa akin, at tunay na nakakalamang na sa bandang huli ay ako lang rin ang papatayin sa sakit kung
AzulHindi ko na maarok sa sarili ko kung bakit biglang nagbago na lang basta ang desisyon ko na nauna. Sa isang iglap naging vocal ako sa babaeng kanina lang hinaharot ko. Akala siguro ni Mariemar ay puro banat lang iyon at kalokohan, pero ang totoo ay iyon naman talaga ang laman ng puso at isip ko. Kakatwa na bumalik ang dating gaan at sigla ko sa pakikipag-usap sa ibang tao. " Baka mahal mo na talaga?" Sigaw ng aking isipin na ikinangisi ko lang. Mahal ko na nga ba ang lalaking ito? o baka naman nadadala lang ako ng kakaibang pakiramdam na dala niya sa akin? o pwede rin na nababaguhan lang ako sa mga pahiwatig niya.Naging masarap nga ang tulog ko mag mula pa kagabi ng matulog kaming sa iisang kama, kaya siguro ganadong ganado akong magpakatotoo sa dalaga. Aliw na aliw naman ako sa mga kakaibang reaksyon ni Mariemar sa tuwing mag bibitaw ako ng mga tirada ko. I'm sure if Dragen was here and already witness what I did to her, Malamang aabutin ako ng katakot-takot na kanchaw sa kany
Nakita ko sa mga mata ni Mariemar ang kakaibang saya, katanungan at takot. Nauunawaan ko naman ang damdamin niyang iyon dahil nga bago lang ito sa kanya maging sa akin din naman. Hindi ko pa ito nararamdaman noon. Siguro kaya ganun din ay dahil alam niya kung saan kami nag simula at alam niya din ang pwedeng maganap. Ngunit wala na akong pakialam pa doon dahil sa ngayon ay gustong gusto ko ang nararamdaman ko na kaligayahan ngayon sa puso ko habang kasama ko si Mariemar. I even considering na kalimutan na muna si Erra at subukan talaga ang samin ni Mariemar para ang gaan sa loob ko kung susubukan ko. Tama ang huli ng sinabi na subukan na nga namin para walang pagsisihan. From that I know she already had feelings for me. Hanga na din ako sa aking sarili dahil napigil ko ang init at gigil na nadarama ko sa dalaga ng mag lapat ang aming mga balat at labi. I feel that I need to respect her because she deserves it. Yun bang kailangan dahan dahanin ko lang para mas maging magaan, tumatata
Mariemar Hindi na pala mawala-wala ang ngiti sa aking labi halos kanina pa, at dahil ito sa nakikita ko na kasiyahan at aliwas sa mukha ni Azul habang nakikisali sa gulo ng mga kamag-anak ko. Masayang masaya siya sa biruan at asaran ng mga ito. Pakiwari ko naging ka close ko ang mga pinsan ko in an instant ng dahil kay Azul. Mapapansin kasi talaga nino man na may kakaiba sa kanila ngayon. Ayon na rin sa tunay na pagtrato nila sa akin noon pa nang wala pa si Azul sa eksena. Masaya naman na din ako dahil kahit paano ay maayos sila na nakisama sa aming bisita. Gusto ko kasi masayang alaala ang dala ng pagbisita ni Azul dito sa amin. Sa totoo lang naaaliw ako ng sobra dahil sa nakikita ko ngayon ang ibang katauhan ni Azul, at masasabi ko na mahusay ang kanyang mga magulang sa pag-akay sa kanilang anak dahil sa husay ni Azul makibagay sa mga tao sa paligid niya. Simple lang kasi ang mga ito at hindi sila maarte sa mga pagkain, lugar at kung sino ang makakahalubilo . Pero sa totoo lang h
MariemarMatapos ang sagutan na iyon at ang simple yet satisfying moment namin ni Azul ay umuwi na rin kami sa bahay kaagad. Magaan at masarap sa pakiramdam ang baon ko pauwi sa amin. Lahat ng masasakit na salita ay natabunan ng mga salitang ibinato sa akin ni Azul. Sa lahat ng 'yon na ipinamalas sa akin ni Azul ang ilang reyalisasyon. Iyon ay ang pagiging totoo, tapat at bukas sa sarili. Totoo naman kasi na mas pinili kong itago o ikulong sa loob ko ang mga sakit, masasakit naganap o makadurog puso na pangyayari. Masisisi niyo ba ako kung gawin ko 'yon? Pinili ko 'yon dahil kailangan at 'yon ang makakabuti sa akin/ sa amin. Hindi ako pwedeng madurog at manghina kasi nasa akin 'yun source na pinaghuhugutan ng lakas nina Paula at Tatay. Pinili kong ako ang sumalo ng extra, takot, sakit, pagod at responsibilidad dahil kailangan. Mali pala hindi dahil kailangan kundi para magkaroon ako ng halaga at kabahagi sa pamilya nila. Mali man ang iniisip o iisipin ng iba sa akin wala naman ako
MariemarDalawang araw ang mabilis na lumipas. Lahat ng oras sa mga araw na iyon pakiwari ko ay espesyal. Natuloy kami ni Azul nung isang araw para mag-grocery. Sa totoo lang para kaming mag ina sa grocery dahil panay siya lagay sa cart ako naman panay balik, lalo't alam kong hindi naman iyon kailangan. Pero mapilit ang huli at iginigiit niya pa rin na gusto iyon kaya wala na akong nagawa kundi hayaan na siya sa mga gusto niyang bilihin tutal siya naman ang magbabayad ng lahat ng 'yon. Tila ba talagang nag-asal bata si Azul habang namimili kami. Kitang-kita ko ang pagkatuwa at aliw niya sa mga bagay at pagkain na kinuha niya. Panay ang dampot ng kung anu-ano na mga pagkain like chips, cookies, gummies, chocolate, yakult at iba pa. Grabe nakalimutan ata ng lalaki na ito kung ano ang tunay niyang edad sa mga oras na 'yun. Marami nga sigurong na miss out si Azul sa mga nagdaang taon ng buhay niya dahil sa kabiguan kay Erra. Hindi ko tuwirang kilala ang babae, ngunit nahihiwagaan ako ku
Mariemar Matapos namin mag-usap ni She, ay mabilis din kami na lumabas. Wala namang ibang mga tanong na inurirat ang aking kaibigan sa akin. Hinanap namin kaagad ni She, si Azul at Dragen ilang sandali lang naman ay nakita naman na namin ang mga ito sa may parte kung nasaan nakagarahe ang mga sasakyan na aming gagamitin namin sa pag-alis papunta sa beach resort. Kapansin-pansin naman ang parang may awkwardness na sa dalawa na namamagitan sa bigla sa magkaibigan. Para bang may mga isyu sila na hindi na pinagkasunduan o napagkaunawaan. Ngunit para bang hangin naman na nawala iyong awkwardness sa pagitan nila ng makalapit na kami ni She, sa pwesto kung saan naroon silang dalawa. Magiliw naman na niyakap ni Dragen agad ang aking kaibigan at pinatakan ng magaan na halik sa labi at noo. I find that so sweet and respectful. Sa mga ganung gesture masabilis akong nahuhulog.Kitang-kita ko kung gaano kasaya silang pareho sa kanilang relasyon. Sa isip at puso ko ay lihim kong inuusal ang dalang
Halo-halong kaba, tensyon at excitement ang aking nararamdaman. Ito na 'yung araw na matutupad ko na ang mga pangako ko sa babaeng mahal ko. Kagabi hindi na halos ako nakatulog mula ng sunduin ko siya mula sa kalokohan na bridal shower ni Nanay at mga Ninang. Mukhang sila lang naman ang nag-benifits ng ginawa nila na pakulo. Nababago lang ang usad ng panahon but their bubbliness and playful schemes never changed. Oo hindi nagbago para mabawasan kundi mas nadagdagan pa. The original plan ay kina Ninong Isko kami magmumula pero dahil na nangyari kagabi ay na iba na. Sa bahay na ni Nanay at Tatay ako tumuloy pagkatapos ko ihatid si Mariemar sa bahay namin. Si Kuya Nuke na ang nagdala ng damit ko na susuotin sa importanteng araw na ito. I can't hide my overflowing happiness right now. " Congratulations! Noon pa alam ko na siya na talaga ang para sayo!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig na may nagsalita. Si Dragen 'yun mula ng mangyari ang gulo noon sa amin ay hindi niya na ako kin
Noong sabihin ni na Ninang Romary na kailangan ng bridal shower ay kinabahan ako. Sa totoo lang ayaw ko ng mga ganun sana dahil alam ko ang kalakaran nila. Pero wala naman akong nagawa dahil sa lahat ng tulong, pag-alalay, pagmamalasakit at pagmamahal nila sa amin ay hindi ko yata maatim na mahindian ko pa sila. Dahil pumayag ako magaganap ang bridal shower sa bisperas ng aming wedding. In 2 week time na lang naman ikakasal na kami ni Azul, hindi na ako nagulat o nabibilisan sa totoo lang. Dahil ang totoo ay naiinip nga ako. Gusto ko na nga na agad-agad na. Okay lang naman kasi talaga sa akin kahit simple lang ang lahat sa kasal namin ni Azul. Dahil para sa akin ang tunay na mahalaga naman ay lahat sila kasama namin sa importante na araw para sa amin ni Azul. Gusto ko kasama ko sila sa araw na haharap kami sa panginoon at mangangako na magiging magkatuwang sa hirap o sarap. Sabi ko kay Azul pwede rin silang mag stag party pero mariin niyang inilingan at tinutulan 'yun. Ayaw na daw ni
Almost 30 minutes lang na naghanda kami ng mga gamit ni Mhina at good to go na sila ni Mama Marikit. Hindi na sila nagtagal pero bago tuluyang umalis si Mama Marikit ay nag-iwan ito ng mga salita na tumagos sa puso ko. Dahil sa kabila ng ginawa ko o nagawa ko sa anak nila ay ganitong tiwala at pagtanggap pa rin ang nakuha ko mula sa kanila." Azul, anak! Salamat ha! Salamat sa mga panahon na iparanas mo sa anak ko ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon. Azul sa totoo lang nasaktan ako ng malaman ko ang mga dinaanan ng bunso kong anak. Sobrang sakit sa akin lalot may pagkukulang din kami. Ngunit sa totoo lang bay hindi ko na kailanman mababago pa ang nakaraan kaya babawi kami sa kanya at sa inyo ngayon. Salamat na dahil sayo nalaman ng anak ko na may halaga siya at karapat dapat din siyang mahalin at alagaan. Noon iniisip ko na kalimutan ang lahat dahil sa ginawa mo sa kanya, 'yun bang tablahin kayo pero ng malaman ko ang dahilan mo— ay na kumpirma ko lang na mahal na mahal mo lang
Azul..HINDI naging madali ang mga lumipas na araw, linggo at buwan magmula ng nanggaling kami sa kulungan at nakausap si Erra. Napaisip din ako na all along biktima rin siya at tama si Marie na dapat namin siyang tulungan at bigyan ng second chance, lalo't may naghihintay rin sa kanya. Tsaka ilang buwan naman siya na nagdusa sa loob ng bilangguan. We made a fair decision in that matter. Pero nang simulan namin na ibahagi sa aming mga magulang ay talagang nahirapan kami, na ipaunawa sa kanila. Bilang bagong panganak palang si Marie noon ay na stress siya na feeling niya kasi hindi siya nauunawaan ng parents namin. Alam ko naman na kabutihan at safety namin ang lubos na inaalala nila kaya ayaw nilang basta pagbigyan ang hiling namin. Naging tahimik si Marie dahil doon kaya naman naging worried ako sa kanya o sa pinagdadaanan niya.Lagi ko siyang kinakausap at ang pag-uusap na 'yun ay palaging nauuwi sa pag-iyak niya dahil sa awa kay Erra. Napakalambot ng puso niya para sa lahat.Napaka
Ang bilis na nagbago ang pangyayari o kaganapan sa buhay namin ni Mhina ng magising si Azul. Parang biglang nagkaroon ng mas makulay na buhay ang buhay naming mag Ina at para bang biglang dumami na rin ang mga tao na tunay na nagmamahal sa amin. Ilang araw pa kaming nanatili sa hospital upang masiguro na ligtas na si Azul sa kahit na anong komplikasyon. Maging ako man ay siniguro nila na hindi nagkaroon ng binat sa panganganak dahil sa mga stress at reyalisasyon na sumambulat sa akin.Naging magaan naman ang mga araw na lumipas sa akin dahil maraming nag boluntaryo na mag alaga kay Mhina. Ang baby Mhina namin parang instant celebrity dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga Mommy La , Mama la, Papa Lo at Daddy Lo niyo. Grabe ang giliw nila kay Mhina kaya happy na happy din ako. Dahil alam ko na never matutulad si Mhina sa pagiging malungkot ko na bata noon. Kung ano man ako noon ay ang laking bagay o parte niya ngayon sa akin kung ano at sino ako bilang tao. Sa loob ng ilang ara
MariemarNaalimpungatan ako na parang may nakatitig sa aking mukha at may tila banayad rin na humahaplos ng aking pisngi at labi. Para ngang hagya na lang na dumapo ang kanyang kamay o daliri sa mukha ko dahil parang iniiwasan din ng kung sino na maistorbo ako sa aking pagpapahinga. Hanggang sa may lumapat na sa labi ko na isang malambot na labi rin. Labi na pamilyar sa akin at pinanabikan ko na muling matikman at malasap. Napadilat ako nga aking mga mata at ganun na lang ang gulat ko dahil si Azul ang bumungad sa akin. Isang gwapo at nakangiting Azul na kay tagal kong inasam na masulyapan muli ang mukha. Halos maiyak pa ako ng biglang nagsalimbayan sa utak ko ang naganap na komosyon kanina sa aming dalawa kasama ang mga taong mahal namin at nagmamahal din sa amin. Nang magising kasi si Azul kanina ay ang daming naging rebelasyon na sumambulat sa amin. Kay hiwaga talaga ng buhay ng tao. Hinaplos ng huli muli ang aking mukha upang alisin ang mga takas na buhok at maging ang aking mga l
Continuation. “ Holiday ngayon anak kaya maluwag ang kalsada kaya medyo mabilis tayo.” Biglang sabi ni Papa kaya agad ko naman naunawaan kung bakit parang malapit na agad kami. Tahimik naman si Mhina habang karga ng kanyang Mama La. Ako naman ay biglang nakaramdam ng kakaibang saya at excitement na makita ang mga taong hindi ko nakita ng halos 7 months..Halos dalawang oras pa ang mabilis na lumipas, at nasa Manila na kami. Hindi kami malimit mag stop over dahil may baon kami na mga pagkain at may cr rin ang personal van na gamit namin. Tingin ko ay sa Cristobal Hospital kami pupunta, naroon kasi ang mga mahuhusay na doctor. Hindi ko mawari ang sarili ko pero parang umuurong ang pwet ko, para bang ayoko na makita si Azul sa ganun na estado. Tumunog ang cp ko. Bago ito bigay ni Kuya Ja sa akin. Tumunog pala ito para sa isang message na galing kay Paula.Paula:Nasa loob na kami Ate ng hospital.. Kayo ba? Kamusta na ang baby Mhina natin? Hindi ba siya umiiyak o umiyak sa biyahe?Basa
MariemarNang araw na malaman ko ang lahat tungkol sa mga nangyari sa loob ng halos 7 months na nagdaan ay parang hindi na ako mapalagay. Alam ko na makakasama ‘yun sa akin dahil baka mabinat pa ako pero hindi na talaga mawaglit sa isip ko ang kung ano ba talaga na ang tunay na lagay ni Azul sa ngayon. Syempre ang iba na mga detalye ay posibleng na nilaktawan na ni Mama para hindi ako ganun masyado mabahala. Habang magulo naman ang isip ko si Mhina naman ay parang nakikisama na mawisyong bata. Iingit lang ito kapag gutom na or basa na ang suot na diaper. Kaya naman naihandle ko ang sarili ko. Hindi na rin naman ako nanghihina pero kahit ganun parang ang utak ko naman ang napapagod sa kakaisip ng kung ano-ano. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabantay kay Mhina habang tulog siya habang ako naman ay nakahiga rin sa hospital bed. Pinilit ko na ipikit ang mata ko hanggang sa tangayin na rin nga ako ng antok. Naalimpungatan lang ako na parang may naglalaro kay Mhina at na bungaran ko ang ak
MariemarParang nasa kung saan ako na punta na malayong lugar. Pakiwari ko ay narating ko ang isang napaka-payapa at ganda na paraiso. Sa paraiso na ito, ay pihado na mai-ingganyo ka na manatili dito at piliin na huwag ng bumalik sa kung saan ka tunay na nanggaling o kabahagi na lugar. Ang bango rin ng lugar na ito para bang inanod ng hangin sa lugar ang mga isipin ko ng mga oras na ito. Pakiramdam ko malaya ako sa kahit na anong sakit, problema at alalahanin sa buhay sa lugar na ito.Habang nagtatagal ako sa lugar para bang may mga nakalimutan ako na sobrang importante na bagay o alaala na kahit pilit ko man ns sariwain sa utak ko ay hindi ko magawa. Nilabang ko na lang ang sarili ko at hinayaan na ang kung ano man ang nakalimutan ko. Hanggang sa may tinig na waring nagmamadali na kunin ang atensyon ko.“ Marie….Marie… Anak nandyan ka ba? Anak ako ito? Nasaan ka?” Sunod-sunod na tawag sa akin ng pamilyar na boses. Ilang taon na pero hindi ko pa rin nalilimutan ang boses at paraan kun