Mariemar Hindi na pala mawala-wala ang ngiti sa aking labi halos kanina pa, at dahil ito sa nakikita ko na kasiyahan at aliwas sa mukha ni Azul habang nakikisali sa gulo ng mga kamag-anak ko. Masayang masaya siya sa biruan at asaran ng mga ito. Pakiwari ko naging ka close ko ang mga pinsan ko in an instant ng dahil kay Azul. Mapapansin kasi talaga nino man na may kakaiba sa kanila ngayon. Ayon na rin sa tunay na pagtrato nila sa akin noon pa nang wala pa si Azul sa eksena. Masaya naman na din ako dahil kahit paano ay maayos sila na nakisama sa aming bisita. Gusto ko kasi masayang alaala ang dala ng pagbisita ni Azul dito sa amin. Sa totoo lang naaaliw ako ng sobra dahil sa nakikita ko ngayon ang ibang katauhan ni Azul, at masasabi ko na mahusay ang kanyang mga magulang sa pag-akay sa kanilang anak dahil sa husay ni Azul makibagay sa mga tao sa paligid niya. Simple lang kasi ang mga ito at hindi sila maarte sa mga pagkain, lugar at kung sino ang makakahalubilo . Pero sa totoo lang h
MariemarMatapos ang sagutan na iyon at ang simple yet satisfying moment namin ni Azul ay umuwi na rin kami sa bahay kaagad. Magaan at masarap sa pakiramdam ang baon ko pauwi sa amin. Lahat ng masasakit na salita ay natabunan ng mga salitang ibinato sa akin ni Azul. Sa lahat ng 'yon na ipinamalas sa akin ni Azul ang ilang reyalisasyon. Iyon ay ang pagiging totoo, tapat at bukas sa sarili. Totoo naman kasi na mas pinili kong itago o ikulong sa loob ko ang mga sakit, masasakit naganap o makadurog puso na pangyayari. Masisisi niyo ba ako kung gawin ko 'yon? Pinili ko 'yon dahil kailangan at 'yon ang makakabuti sa akin/ sa amin. Hindi ako pwedeng madurog at manghina kasi nasa akin 'yun source na pinaghuhugutan ng lakas nina Paula at Tatay. Pinili kong ako ang sumalo ng extra, takot, sakit, pagod at responsibilidad dahil kailangan. Mali pala hindi dahil kailangan kundi para magkaroon ako ng halaga at kabahagi sa pamilya nila. Mali man ang iniisip o iisipin ng iba sa akin wala naman ako
MariemarDalawang araw ang mabilis na lumipas. Lahat ng oras sa mga araw na iyon pakiwari ko ay espesyal. Natuloy kami ni Azul nung isang araw para mag-grocery. Sa totoo lang para kaming mag ina sa grocery dahil panay siya lagay sa cart ako naman panay balik, lalo't alam kong hindi naman iyon kailangan. Pero mapilit ang huli at iginigiit niya pa rin na gusto iyon kaya wala na akong nagawa kundi hayaan na siya sa mga gusto niyang bilihin tutal siya naman ang magbabayad ng lahat ng 'yon. Tila ba talagang nag-asal bata si Azul habang namimili kami. Kitang-kita ko ang pagkatuwa at aliw niya sa mga bagay at pagkain na kinuha niya. Panay ang dampot ng kung anu-ano na mga pagkain like chips, cookies, gummies, chocolate, yakult at iba pa. Grabe nakalimutan ata ng lalaki na ito kung ano ang tunay niyang edad sa mga oras na 'yun. Marami nga sigurong na miss out si Azul sa mga nagdaang taon ng buhay niya dahil sa kabiguan kay Erra. Hindi ko tuwirang kilala ang babae, ngunit nahihiwagaan ako ku
Mariemar Matapos namin mag-usap ni She, ay mabilis din kami na lumabas. Wala namang ibang mga tanong na inurirat ang aking kaibigan sa akin. Hinanap namin kaagad ni She, si Azul at Dragen ilang sandali lang naman ay nakita naman na namin ang mga ito sa may parte kung nasaan nakagarahe ang mga sasakyan na aming gagamitin namin sa pag-alis papunta sa beach resort. Kapansin-pansin naman ang parang may awkwardness na sa dalawa na namamagitan sa bigla sa magkaibigan. Para bang may mga isyu sila na hindi na pinagkasunduan o napagkaunawaan. Ngunit para bang hangin naman na nawala iyong awkwardness sa pagitan nila ng makalapit na kami ni She, sa pwesto kung saan naroon silang dalawa. Magiliw naman na niyakap ni Dragen agad ang aking kaibigan at pinatakan ng magaan na halik sa labi at noo. I find that so sweet and respectful. Sa mga ganung gesture masabilis akong nahuhulog.Kitang-kita ko kung gaano kasaya silang pareho sa kanilang relasyon. Sa isip at puso ko ay lihim kong inuusal ang dalang
MariemarNaalimpungatan ako dahil pakiwari ko ay may nakamasid sa akin habang ako'y natutulog. Unti-unti ay idinilat ko ang aking mata na gusto pa ata manatiling pikit. Kumpirmadong may nagmamasid nga sa akin. Walang iba kundi ang lalaki na katabi ko sa malawak na kama pero parang bawal ata higaan ang ibang parte dahil sa sobrang dikit namin ni Azul. Mahihiya nga ang hangin na dumaan sa pagitan namin sa sobrang pagkakadikit ng katawan namin sa isa't isa. Isang seryoso na tingin o titig ang taglay ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Wari ko'y nilamon din siya ng kanyang mga isipin. Dahil nanatili lang siya sa ganun na ekspresyon habang ako naman din ay malaya ng nagmamasid sa mukha niya wala talagang kapintasan na maipupula sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan. Hindi ko na rin nga mapigilan ang aking sarili kaya naman gamit ang aking kanang kamay marahan ko na iniangat ito at pinadapo sa mukha ni Azul upang haplusin ito ng buong ingat. Para namang dahil sa ginawa ko ay b
Mariemar Bago buksan ang pintuan ay inaayos ko muna ang aking sarili, tapos medyo inaral ko pa muna kung paano umakto na bagong gising sa harapan nilang dalawa. Mga dalawang minuto pa nga ang mabilis na lumipas kaya mabilis ko ng pinihit ang seradura at kinabig ang pinto pa bukas . Nagka-gulatan pa nga kami ni She, na akmang kakatok na namang muli dahil naiinip. Nang makabawi ako ay nginitian ko ito at ang lalaki na nasa bandang likuran nito. Tila ba makahulugan ang ngiti at titig na ipinukol sa akin ni Dragen. Pilit ko mang huwag indahin ang hatid na hiya ay nadama ko pa rin ng bigla na lang nanginit ang aking pisngi. Alam kong bahagyang namula iyon dahil sa aking hiya at parang pagakakasukol. Pero advantage din pala ang pagiging morena ko dahil hindi naman sobrang magiging obvious ang pamumula ko. " Bakit ba ang tagal n'yong magbukas ng pintuan? Mariemar nasaan si Azul? May milagro ba kayong ginagawa ni Azul kanina kaya ang tagal niyong buksan ang pintuan?" Bungad na bati na agad
MariemarRumaragasa ang tensyon at excitement sa aking loob habang papasok kami ni Azul sa loob ng banyo. Iniisip ko kung paano ko pakalmahin ang kanyang alaga? Bukod sa gwapo ang lalaki, may magandang katawan , galing sa mayaman na angkan at higit din na pinagpala ang lalaki sa kanyang kargada na taglay. Iniisip ko pa lang na papasok iyon sa aking bibig ay parang nahihirapan na ako agad huminga at uubuhin din ako pihado 'yun. Paano pa kaya kung sa aking butas na pikit na pikit pa papasok? Siguradong matinding pagkawasak ang mangyayari sa akin. Baka kahit nga maghabulan ang mga aso sa pagitan ng aking mga hitan ay kasya dahil hindi na sumauli dahil na bikaka na ng sobra dahil sa laki ng alaga ni Azul. Hindi ko naman napansin na nasa banyo na pala kami at kanina pa pala ako minamasdan ni Azul. Buong kahubaran ko ay lantad na lantad sa mga mata niya ganun din naman ang lalaki. Ngunit hindi ko mabistrahan ng ayos ang katawan niya dahil sa aking kakaibang iniisip ukol sa kahandaan niya n
Nanatiling tahimik ako matapos ng naging sagutan na biruan namin ni She. Nakadama ako ng lungkot bigla dahil doon. Literal kong sinalo ang biro niya o patutsada na hindi naman rekta na ako ang sinabihan pero sinambot ko at inangkin ko. Nagpatianod na lang ako sa pag-akay sa akin ni Azul kung saan man kami pupunta . Naglalakbay talaga ang isip ko sa kung saan at mga pwedeng mangyari sa amin ng lalaki, kaya naman hindi ko namalayan na huminto na pala si Azul paharap sa akin at dahil doon tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Ay mali, hindi pala bagay kundi matigas niyang dibdib. Hindi naman agad, kumibi o nagsalita ang lalaki, nakatitigan kaming dalawa pero ako ang unang bumawi at yumuko para hindi niya makita na may kung anong kaguluhan sa aking kalooban. Ngunit ini-angat ni Azul ng buong suyo ang aking baba. Halos napasinghap nga ako ng mabilis niyang yukuin at ilapat ang kanyang labi sa akin labi. Ilang beses na inulit-ulit na dinampi-dampian ni Azul ang aking labi ng magaan na hal
Halo-halong kaba, tensyon at excitement ang aking nararamdaman. Ito na 'yung araw na matutupad ko na ang mga pangako ko sa babaeng mahal ko. Kagabi hindi na halos ako nakatulog mula ng sunduin ko siya mula sa kalokohan na bridal shower ni Nanay at mga Ninang. Mukhang sila lang naman ang nag-benifits ng ginawa nila na pakulo. Nababago lang ang usad ng panahon but their bubbliness and playful schemes never changed. Oo hindi nagbago para mabawasan kundi mas nadagdagan pa. The original plan ay kina Ninong Isko kami magmumula pero dahil na nangyari kagabi ay na iba na. Sa bahay na ni Nanay at Tatay ako tumuloy pagkatapos ko ihatid si Mariemar sa bahay namin. Si Kuya Nuke na ang nagdala ng damit ko na susuotin sa importanteng araw na ito. I can't hide my overflowing happiness right now. " Congratulations! Noon pa alam ko na siya na talaga ang para sayo!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig na may nagsalita. Si Dragen 'yun mula ng mangyari ang gulo noon sa amin ay hindi niya na ako kin
Noong sabihin ni na Ninang Romary na kailangan ng bridal shower ay kinabahan ako. Sa totoo lang ayaw ko ng mga ganun sana dahil alam ko ang kalakaran nila. Pero wala naman akong nagawa dahil sa lahat ng tulong, pag-alalay, pagmamalasakit at pagmamahal nila sa amin ay hindi ko yata maatim na mahindian ko pa sila. Dahil pumayag ako magaganap ang bridal shower sa bisperas ng aming wedding. In 2 week time na lang naman ikakasal na kami ni Azul, hindi na ako nagulat o nabibilisan sa totoo lang. Dahil ang totoo ay naiinip nga ako. Gusto ko na nga na agad-agad na. Okay lang naman kasi talaga sa akin kahit simple lang ang lahat sa kasal namin ni Azul. Dahil para sa akin ang tunay na mahalaga naman ay lahat sila kasama namin sa importante na araw para sa amin ni Azul. Gusto ko kasama ko sila sa araw na haharap kami sa panginoon at mangangako na magiging magkatuwang sa hirap o sarap. Sabi ko kay Azul pwede rin silang mag stag party pero mariin niyang inilingan at tinutulan 'yun. Ayaw na daw ni
Almost 30 minutes lang na naghanda kami ng mga gamit ni Mhina at good to go na sila ni Mama Marikit. Hindi na sila nagtagal pero bago tuluyang umalis si Mama Marikit ay nag-iwan ito ng mga salita na tumagos sa puso ko. Dahil sa kabila ng ginawa ko o nagawa ko sa anak nila ay ganitong tiwala at pagtanggap pa rin ang nakuha ko mula sa kanila." Azul, anak! Salamat ha! Salamat sa mga panahon na iparanas mo sa anak ko ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon. Azul sa totoo lang nasaktan ako ng malaman ko ang mga dinaanan ng bunso kong anak. Sobrang sakit sa akin lalot may pagkukulang din kami. Ngunit sa totoo lang bay hindi ko na kailanman mababago pa ang nakaraan kaya babawi kami sa kanya at sa inyo ngayon. Salamat na dahil sayo nalaman ng anak ko na may halaga siya at karapat dapat din siyang mahalin at alagaan. Noon iniisip ko na kalimutan ang lahat dahil sa ginawa mo sa kanya, 'yun bang tablahin kayo pero ng malaman ko ang dahilan mo— ay na kumpirma ko lang na mahal na mahal mo lang
Azul..HINDI naging madali ang mga lumipas na araw, linggo at buwan magmula ng nanggaling kami sa kulungan at nakausap si Erra. Napaisip din ako na all along biktima rin siya at tama si Marie na dapat namin siyang tulungan at bigyan ng second chance, lalo't may naghihintay rin sa kanya. Tsaka ilang buwan naman siya na nagdusa sa loob ng bilangguan. We made a fair decision in that matter. Pero nang simulan namin na ibahagi sa aming mga magulang ay talagang nahirapan kami, na ipaunawa sa kanila. Bilang bagong panganak palang si Marie noon ay na stress siya na feeling niya kasi hindi siya nauunawaan ng parents namin. Alam ko naman na kabutihan at safety namin ang lubos na inaalala nila kaya ayaw nilang basta pagbigyan ang hiling namin. Naging tahimik si Marie dahil doon kaya naman naging worried ako sa kanya o sa pinagdadaanan niya.Lagi ko siyang kinakausap at ang pag-uusap na 'yun ay palaging nauuwi sa pag-iyak niya dahil sa awa kay Erra. Napakalambot ng puso niya para sa lahat.Napaka
Ang bilis na nagbago ang pangyayari o kaganapan sa buhay namin ni Mhina ng magising si Azul. Parang biglang nagkaroon ng mas makulay na buhay ang buhay naming mag Ina at para bang biglang dumami na rin ang mga tao na tunay na nagmamahal sa amin. Ilang araw pa kaming nanatili sa hospital upang masiguro na ligtas na si Azul sa kahit na anong komplikasyon. Maging ako man ay siniguro nila na hindi nagkaroon ng binat sa panganganak dahil sa mga stress at reyalisasyon na sumambulat sa akin.Naging magaan naman ang mga araw na lumipas sa akin dahil maraming nag boluntaryo na mag alaga kay Mhina. Ang baby Mhina namin parang instant celebrity dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga Mommy La , Mama la, Papa Lo at Daddy Lo niyo. Grabe ang giliw nila kay Mhina kaya happy na happy din ako. Dahil alam ko na never matutulad si Mhina sa pagiging malungkot ko na bata noon. Kung ano man ako noon ay ang laking bagay o parte niya ngayon sa akin kung ano at sino ako bilang tao. Sa loob ng ilang ara
MariemarNaalimpungatan ako na parang may nakatitig sa aking mukha at may tila banayad rin na humahaplos ng aking pisngi at labi. Para ngang hagya na lang na dumapo ang kanyang kamay o daliri sa mukha ko dahil parang iniiwasan din ng kung sino na maistorbo ako sa aking pagpapahinga. Hanggang sa may lumapat na sa labi ko na isang malambot na labi rin. Labi na pamilyar sa akin at pinanabikan ko na muling matikman at malasap. Napadilat ako nga aking mga mata at ganun na lang ang gulat ko dahil si Azul ang bumungad sa akin. Isang gwapo at nakangiting Azul na kay tagal kong inasam na masulyapan muli ang mukha. Halos maiyak pa ako ng biglang nagsalimbayan sa utak ko ang naganap na komosyon kanina sa aming dalawa kasama ang mga taong mahal namin at nagmamahal din sa amin. Nang magising kasi si Azul kanina ay ang daming naging rebelasyon na sumambulat sa amin. Kay hiwaga talaga ng buhay ng tao. Hinaplos ng huli muli ang aking mukha upang alisin ang mga takas na buhok at maging ang aking mga l
Continuation. “ Holiday ngayon anak kaya maluwag ang kalsada kaya medyo mabilis tayo.” Biglang sabi ni Papa kaya agad ko naman naunawaan kung bakit parang malapit na agad kami. Tahimik naman si Mhina habang karga ng kanyang Mama La. Ako naman ay biglang nakaramdam ng kakaibang saya at excitement na makita ang mga taong hindi ko nakita ng halos 7 months..Halos dalawang oras pa ang mabilis na lumipas, at nasa Manila na kami. Hindi kami malimit mag stop over dahil may baon kami na mga pagkain at may cr rin ang personal van na gamit namin. Tingin ko ay sa Cristobal Hospital kami pupunta, naroon kasi ang mga mahuhusay na doctor. Hindi ko mawari ang sarili ko pero parang umuurong ang pwet ko, para bang ayoko na makita si Azul sa ganun na estado. Tumunog ang cp ko. Bago ito bigay ni Kuya Ja sa akin. Tumunog pala ito para sa isang message na galing kay Paula.Paula:Nasa loob na kami Ate ng hospital.. Kayo ba? Kamusta na ang baby Mhina natin? Hindi ba siya umiiyak o umiyak sa biyahe?Basa
MariemarNang araw na malaman ko ang lahat tungkol sa mga nangyari sa loob ng halos 7 months na nagdaan ay parang hindi na ako mapalagay. Alam ko na makakasama ‘yun sa akin dahil baka mabinat pa ako pero hindi na talaga mawaglit sa isip ko ang kung ano ba talaga na ang tunay na lagay ni Azul sa ngayon. Syempre ang iba na mga detalye ay posibleng na nilaktawan na ni Mama para hindi ako ganun masyado mabahala. Habang magulo naman ang isip ko si Mhina naman ay parang nakikisama na mawisyong bata. Iingit lang ito kapag gutom na or basa na ang suot na diaper. Kaya naman naihandle ko ang sarili ko. Hindi na rin naman ako nanghihina pero kahit ganun parang ang utak ko naman ang napapagod sa kakaisip ng kung ano-ano. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabantay kay Mhina habang tulog siya habang ako naman ay nakahiga rin sa hospital bed. Pinilit ko na ipikit ang mata ko hanggang sa tangayin na rin nga ako ng antok. Naalimpungatan lang ako na parang may naglalaro kay Mhina at na bungaran ko ang ak
MariemarParang nasa kung saan ako na punta na malayong lugar. Pakiwari ko ay narating ko ang isang napaka-payapa at ganda na paraiso. Sa paraiso na ito, ay pihado na mai-ingganyo ka na manatili dito at piliin na huwag ng bumalik sa kung saan ka tunay na nanggaling o kabahagi na lugar. Ang bango rin ng lugar na ito para bang inanod ng hangin sa lugar ang mga isipin ko ng mga oras na ito. Pakiramdam ko malaya ako sa kahit na anong sakit, problema at alalahanin sa buhay sa lugar na ito.Habang nagtatagal ako sa lugar para bang may mga nakalimutan ako na sobrang importante na bagay o alaala na kahit pilit ko man ns sariwain sa utak ko ay hindi ko magawa. Nilabang ko na lang ang sarili ko at hinayaan na ang kung ano man ang nakalimutan ko. Hanggang sa may tinig na waring nagmamadali na kunin ang atensyon ko.“ Marie….Marie… Anak nandyan ka ba? Anak ako ito? Nasaan ka?” Sunod-sunod na tawag sa akin ng pamilyar na boses. Ilang taon na pero hindi ko pa rin nalilimutan ang boses at paraan kun