Lahat ng Kabanata ng Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo: Kabanata 1 - Kabanata 10

45 Kabanata

Prologo

IN A beautiful and historic land of Spain, many churches stood wonderfully that mesmerized hearts and satisfies the eyes of people. The land has a lot to offer; love, acceptance and hope. Kaya siguro naisipan ng kaniyang kapatid na pakasalan ang napangasawa nitong si Mina rito sa Basilica of Santa Maria del Mar. According to the advertisement he had read, 'located in the district of La Ribera, in the center of Barcelona and widely considered culturally interesting, this basilica is from the XIVth century and is notable thanks to its gothic Catalan style. The building has a robust feel and its facade stands out thanks to its octogonal towers. On the inside of the church there are three naves, very high ceilings and narrow windows that give it a unique charm.'Sabi ng kapatid niya ay gusto niyang iparamdam kay Mina ang pagmamahal na walang-humpay at walang-katulad. Minsan natatawa na lang ang lalaki sa mga turan ng kaniyang kapatid. Weiss didn't expect his brother to recover from his sa
last updateHuling Na-update : 2022-12-02
Magbasa pa

Kabanata 1

NAKATANAW SA niyugan ang dalaga habang nakasandal siya sa bangkong dinikit sa ding-ding. Nasa tabi niya ang isang puting tasa na may lamang kapeng-barako na binayo mismo ng kaniyang ina at sinala upang maiwan ang malalaking butil na hindi na kayang dugmukin pa. Inabot niya ang tainga ng tasa at sumimsim siya ng kape. Kahit na mayroong magaspang na teksturang nararamdaman ang kaniyang dila at gilagid ay talaga namang kay sarap ng kapeng-barako.Madilim na ang kapaligiran. Nag-iingay na ang mga palakang-bukid na para bang sinusunog ang kanilang tahanan kaya sila humihingi ng saklolo. Malungkot na inangat ni Aiha ang kaniyang sulyap sa taong tumabi sa kaniya. "Papang?" aniya. Huminga ng malalim ang kaniyang Papang at suminghot ito. "Umayos ka roon, Aiha. Tumatanda na kami ng Mamang mo. Ikaw lang ang pag-asang pinanghahawakan namin. Pares kaming hindi nakapag-eskuwela ng iyong Mamang. Alam ko naman na ilang beses mo na ring narinig paano kami maliitin ng mga tiyuhin at ibang tiyahin mo
last updateHuling Na-update : 2022-12-02
Magbasa pa

Kabanata 2

NAAWANG ANG kaniyang mga labi habang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang natunghayan. Mula pa sa Davao hanggang ngayong nasa Maynila na siya ay hindi niya maiwasang sambahin ang matatayog na mga gusali. "Ito na ba ang Maynila?" tanong niya. "Oo, Miss Aiha! Nandito na po tayo sa Maynila!" Kanina pa niya ito naririnig mula sa kasama niya. Hanggang ngayong nagt-taxi sila papunta sa bahay ng kaniyang tiyahin ay iisa lang ang tanong niya. 'Ito na ba ang Maynila?' Ilang milya na rin ang layo nila mula sa airport subalit parehong tanong pa rin ang binubungat ng kaniyang bibig. "Kurutin mo nga ho ako, manong!" utos niya pa sa sundo niya. Tumingin sa kaniyang gawi ang ginoo at napailing na lang ito. "Miss Aiha, kahit na hindi po kita kurutin. Totoo po ang nakikita mo! Nasa Maynila na tayo," anang ginoo. Tumigil ang kaniyang sulyap sa isang matayog at napakalaking gusali. Bagay na bagay sa gusali ang pangalang nakaukit sa taas na bahagi nito. Mabuti na lang at medyo traffic
last updateHuling Na-update : 2022-12-02
Magbasa pa

Kabanata 3

MAGKAHALONG KABA at pananabik ang nararamdaman ni Aiha ngayon. Maaga siyang naligo at nag-ayos para naman ay maging prisentable siya kapag nakita siya ng kaniyang amo. Hindi pa sumilip ang araw ay naka-abang na si Kanor sa tapat ng gate ni Sabel. "Aiha, ang mga bilin ko sa iyo ay pakatandaan lagi. May tiwala ako sa iyo, Aiha. Alam ko na kakayanin mo kung ano man ang mga kahaharapin mo sa mansyon at sa buong Maynila!" anang Tiya Sabel niya. Yumakap saglit si Aiha sa kaniyang tiya. "Iisipin ko po at hindi ko hahayaan na mapunta lang sa wala ang malaking oportunidad na ito, Tiya Sabel. Maraming salamat po!" aniya. "Sige na! Umalis na kayo ni Kanor. Baka naghihintay na ang amo mo. Gusto ka raw makapanayam no’n," anang Sabel. Ngumiti si Aiha at kumuway na lamang bilang hudyat na siya'y aalis na. Nang nakalabas na siya mula sa residensiya ng kaniyang tiya ay tinulungan na siya ni Kanor na ipasok sa van ang mga dala niyang gamit. "Maraming salamat, Manong Kanor," ani Aiha nang maka-up
last updateHuling Na-update : 2022-12-15
Magbasa pa

Kabanata 4

SINARADO NIYA ang pintuan at nanatili lamang siyang nakatayo pasandal sa pinto. Lubos ang kaniyang hiya marahil sa mga sinabi ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ang amo niya. Nagpasalamat lang naman siya kanina. Huminga siya ng malalim bago niya tinungo ang higaan niya. Niligaw niya ang tingin niya sa buong paligid. Sa bango at linis ng silid ay hindi mo aakalain na tulugan ito ng isang working student. Naisipan niyang tawagan ang kaniyang mga magulang. Kinuha niya ang kaniyang lumang keypad phone at dinial niya ang numero ng kaniyang Mamang Kanda. "Eneng! Kumusta na? Nandiyan ka na ba sa mansyon?" agad na tanong ng Mamang niya kay Aiha. "Oo, Mamang! Nandito na po ako sa mansyon," tugon nito. Inabot niya ang unan at at niyakap niya ito sabay higa patakilid. "Kumusta naman ang mansyon, Aiha!? Kumusta ang pakitungo nila sa iyo?" tanong ng kaniyang Mamang. "Okay naman ang mansyon. Pati ang mga butlers at mga katulong. Mababait sila. Ang problema lang ay ang amo
last updateHuling Na-update : 2022-12-15
Magbasa pa

Kabanata 5

ANG BILIS ng oras. Napatitig si Aiha sa kaniyang cellphone at nakita niya na ilang minuto na lamang at dadako na sa Alas Quattro. "Lord Weiss, akala ko ba aalis ka? Kanina pa natin nakita ang susi ng kotse mo. Tapos na rin po ako sa paglilinis ng kuwarto mo," anang Aiha. Parang walang narinig ang lalaking abala sa pagtutok sa screen ng laptop nito. Umirap na lang si Aiha. "Guwapo sana, kaso bingi," pamimintas niya sa kaniyang amo. Inangat ng lalaki ang titig nito sa kaniya. Biglang kinabahan si Aiha marahil sa titig na iyon ng kaniyang amo. "I heard you," maikling sabi ng amo niya. "Iyon naman pala, Lord Weiss. Bakit hindi ka sumasagot?" usisa niya. "Friends ba tayo? Belong ka ba sa family ko?" pambarang tanong ng amo niya. Ngumiti si Aiha at nilakasan niya ang loob niya para titigan sa mga mata ang kaniyang amo. Isang malagkit at mapagnasang titig ang binato niya sa kaniyang amo. "Hindi. Pero malay mo, ako pala ang future wife mo!?" Napailing na lang ang amo niya marahil sa
last updateHuling Na-update : 2022-12-15
Magbasa pa

Kabanata 6

UMUNAT SI Aiha. Minulat niya ang kaniyang mga mata. Umahon siya bigla at inayos ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim nang natauhan siya. Wala siya sa kaniyang silid. Nasa silid siya ng kaniyang amo."Kamote ka, Aiha!" anas niya. "Kapag malaman ito ng Mamang mo ay patay ka talaga. Bakit ka nakipag-inuman sa amo mo?" wika niyang mag-isa sa loob ng silid ng amo niya. Napakamot siya sa kaniyang ulo nang bigla siyang nakarinig ng pagkatok. Humakbang siya ng may pagdadalawang-isip papunta sa pintuan. Muling kumatok ang tao sa labas ng silid ni Weiss. "What the heck are you doing, Weiss!? Buksan mo ang pintuan! Bullshit, P're!" sigaw ng lalaki mula sa labas.Inisip niyang baka kaaway ng amo niya ang lalaki sa labas. Sa halip na buksan ang pintuan ay tumungo s'ya sa banyo. Kumatok siya ng kumatok. "Aya, is that you!?" pasigaw na tanong ng amo niya. "Oo, Lord Weiss.""Buti naman at gising ka na. Akala ko wala ka ng planong gumising pa," supladong sabi ng amo niya. "By the way, what
last updateHuling Na-update : 2022-12-15
Magbasa pa

Kabanata 7

TUWANG-TUWA si Aiha papasok sa mansion. Maya't maya kasi ay papasok na siya sa paaralan. Matagal-tagal na panahon na rin kasi ang lumipas noong huli niyang pagtapak sa paaralan. Panibagong yugto na rin ito ng kaniyang buhay. May makikilala siyang mga bagong tao na tiyak ay magiging kaibigan niya. "Aiha, nag-away na naman kayo?" tanong ni Aling Belen. "Hinahanap ka niyan kanina. Tapos pagdating niya ay galit na galit siya. Parang may sanib ng demonyo. Nagtago nga ang iba kanina dahil baka mapagbuntungan ng galit niya. Ano ba kasi ang nangyari?" usisa pa ng ginang. Huminga ng malalim si Aiha. Pakiwari niya ay wala naman talaga siyang ginawa sa amo niya. Sinabihan niya lang ito kanina na kung ayaw niya sa palengke edi umalis na siya."Pinilit niya akong mag-mall, Manang. Tapos nandiri pa siya sa palengke kanina. Sumuka siya ng sumuka dahil nakita niya ang sitwasyon ng mga trabahante roon. Nakakainis siya. Kung gusto niya sa malinis edi doon siya sa malinis. Ayaw ko sa mga metikuluso.
last updateHuling Na-update : 2022-12-15
Magbasa pa

Kabanata 8

NAWALA SA isip niya ang mga tao sa paligid. Alam niya naman na nagtatawanan sila dahil ito ang unang araw ng pasukan. Tulad ng pinlano ay pinagpatuloy ni Aiha ang kurso niyang may kaugnayan sa Entrepreneurship. Nakaupo siya sa unahan. Simula kasi noong elementarya siya ay gustung-gusto niya ang pag-upo sa harap. Mas marami kasi siyang natututuhan kumpara kung sa likod siya umuupo. Bukod dito ay ayaw ni Aiha ng maraming distruksiyon. Hindi rin siya masyadong matangkad na makita ang taong nagsasalita sa harapan at kung may nakasulat man sa pisara. "Miss?" dinig niyang tawag ng instructor nila. Nakatulala lang siya at iniisip ang sinabi ng lalaking 'yon. Bakit naman kasi siya magseselos? Hayop talaga siya! Hindi na tuloy alam ni Aiha kung ano ang gagawin niya. Ayaw niya ng distruksiyon pero kanina pa pala siya inalipin nito. Wala na siyang alam kun'di ang tumunganga. Ilang beses niya ng sinubukang alisin ang mga salitang sinabi ni Weiss pero nasawi lamang siya. Sa halip na maalis nga
last updateHuling Na-update : 2022-12-15
Magbasa pa

Kabanata 9

LUMALABAS LANG si Aiha sa kaniyang silid kapag alam niyang wala sa mansion ang kaniyang amo. At saka lang din siya maglilinis sa kwarto ng amo niya kapag nakaalis na ito. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ng amo niyang iyon. Isang malaking insulto para kay Aiha ang pagsabihan siya ng mga salitang hindi naman nararapat para sa kaniya. Pinagkaitan na nga siya ng kaibigan sa probinsiya, tapos pati rito ay kinokontrol din siya ng amo niya na makipag-kaibigan. Nagpapahatid si Aiha minsan sa Andromeda para linisin ang opisina ng amo niya, ginagawa niya rin ito kapag nasa mansion ang amo niya. Kapag pumapasok naman si Aiha ay hindi na siya nagpapahatid at sundo kay Weiss. Sa halip na ang amo niya ang maghahatid at sundo sa kaniya ay si Mang Kanor na. "Wala si Lord Weiss?" halos pabulong na tanong ni Aiha kay Aling Belen. Lumapit sa kaniya ang mayordoma. "Kumain ka na, Aiha. Ilang araw ka lang nagkakaganiyan pero nangangayayat ka na," sabi ng mayordoma at hindi sinagot ang tanong ni Aih
last updateHuling Na-update : 2022-12-15
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status