Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2022-12-15 16:06:17

SINARADO NIYA ang pintuan at nanatili lamang siyang nakatayo pasandal sa pinto. Lubos ang kaniyang hiya marahil sa mga sinabi ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ang amo niya. Nagpasalamat lang naman siya kanina.

Huminga siya ng malalim bago niya tinungo ang higaan niya. Niligaw niya ang tingin niya sa buong paligid. Sa bango at linis ng silid ay hindi mo aakalain na tulugan ito ng isang working student.

Naisipan niyang tawagan ang kaniyang mga magulang. Kinuha niya ang kaniyang lumang keypad phone at dinial niya ang numero ng kaniyang Mamang Kanda.

"Eneng! Kumusta na? Nandiyan ka na ba sa mansyon?" agad na tanong ng Mamang niya kay Aiha.

"Oo, Mamang! Nandito na po ako sa mansyon," tugon nito.

Inabot niya ang unan at at niyakap niya ito sabay higa patakilid.

"Kumusta naman ang mansyon, Aiha!? Kumusta ang pakitungo nila sa iyo?" tanong ng kaniyang Mamang.

"Okay naman ang mansyon. Pati ang mga butlers at mga katulong. Mababait sila. Ang problema lang ay ang amo ko! Napakametikuluso kasi, 'Mang! Nakaiinis!" bulyas niya.

"Ano ba ang ginawa niya sa'yo? Baka naman sa umpisa lang iyon? Malay mo bukas hanggang makalawa'y magiging mabait na siya sa iyo. Kapag nakilala ka niya, anak, ay tiyak akong pakikitaan ka na niya ng kabaitan," anang Mamang niya.

"Ewan ko, Mamang. Sobra pa siya sa babae.  Napakaarte niya talaga! Nakat-turn off ang ugali niya!" wika niya. "Sige na,  Mamang. Mag-iingat kayo lagi riyan. Tatawag ako kapag bakante ako. Subukan niyo rin akong tawagan kapag bakante kayo," aniya.

"Oo, Eneng. Sige na't kailangan ko pang ayusin ang mga kailangan namin sa bukid. Paalam na. Mahal na mahal ka namin!" anang Mamang niya.

Ngumiti siya. "Mahal na mahal ko rin po kayo, 'Mang!" aniya bago niya pinutol ang tawag.

Nilatag niya sa kaniyang tabi ang kaniyang keypad. Tumitig siya sa kisami. Maya't maya'y nakikita niya ang kaniyang sarili na naglalakad sa gitna ng kamotehan nila. Masagana ang ani ng kamote ngayon. Masayang inaayos ng kaniyang mga magulang ang sako na puno ng naglalakihang mga kamote.

"Aiha, ano pa ba ang hinihintay mo? Tulungan mo nga kami ng iyong Papang dito!" sigaw ng kaniyang Mamang mula sa kabilang dulo ng kamotehan.

Napailing si Aiha. Tumakbo siya palapit sa kaniyang Mamang at Papang. Agad siyang yumuko at pinili nila sa nakalatag na mga kamote ang malalaki at iniba nila ito ng lagayan sa mga katamtaman lamang.

"Mabuti na lang dahil malalaki ang ani natin, Mamang!" aniyang pangiti-ngiti habang patuloy siya sa kaniyang ginagawa.

"Pasalamat tayo sa Diyos, Aiha! Kung hindi niya tayo biniyayaan ng magandang panahon na akma sa ating mga tanim at lakas na alagaan ang mga ito'y hindi magiging masagana ang ani natin!" anang Papang niya.

"Tama ang iyong Papang, Aiha! Sa Diyos ang papuri't pasasalamat! Siya lang ang---" Naputol ang sabi nito nang mapunta sa taong parating ang kanilang mga sulyap.  "H-Hindi ba si Tonyo iyon, Tacio?" Lumingon ang Mamang niya upang matiyak na tama siya.

Tumango ang kaniyang Papang. Sinalubong ni Tacio ang kapatid nitong si Tonyo. Halata kasing nag-mamadali at animo'y importante ang lakad.

"Ton-"

"Papang!" sigaw ni Aiha palapit sa kaniyang Papang.

"Diyos ko! Ano ba itong nangyayari, Tonyo? Ni hindi ka man lang nagsabi ukol sa pasya mo!" halos maiyak na anang Kanda sabay alalay sa asawa niyang nakahiga na sa kamotehan marahil sa malakas na suntok ni Tonyo.

Tumayo si Tacio. Napasapo ito sa tabi ng kaniyang labi.

"Ano ba ang nangyari, 'Nyong?" magalang na tanong ni Tacio.

Walang-salitang sinabi si Tonyo. Dumiretso siya sa mga nakatayong sako ng kamote at agad niya itong tinabas na parang damo.

"Tama na, Tiyo Tonyo! A-Ano ba ang kasalanan namin sa i-inyo?" naiiyak na tanong ni Aiha sa kaniyang tiyo.

Tinadtad ni Tonyo na parang damo ang mga kamote na walang malay. Salitang nilingon ni Aiha ang kaniyang mga magulang. Naawa siya sa dalawa. Ang kanilang pinagpaguran sa loob ng anim na buwan ay nawala lang. Kung kailan gumanda ang ani ng kanilang kamote ay roon pa nila naranasan ang bagay na ito.

"Tonyo! A-Ano ba ang nangyari? Magsalita ka naman!" wika ni Tacio na hindi na mapigilan ang sarili. 

"Tandaan mo ito, Tacio, hindi ka na makapagtatanim pa sa lugar na ito! Puro ka lang tanim! Hindi ka marunong magbahagi sa amin!" sigaw ni Tonyo habang tinuturo gamit ng itak si Tacio.

"Hindi ba kabibigay ko lang ng parte niyo noong nakaraang ani? Sinabi ko na rin sa inyo noon na pangmatrikula ni Aiha ang makukuhang pera kapag binenta na ang mga kamote, Tonyo! Sinang-ayunan niyo ang bagay na iyon," anang Tacio.

"Putang matrikula naman iyan! Ikaw kasing ambisyosa ka! Aral ka ng aral! Pabigat ka sa pamilya! Iyan ang mga kamote niyo't pagdikit-dikitin niyo!" Nilagpasan ni Tonyo ang tatlo at agad siyang pumaibaba ng bundok.

Halos sabay na naupo ang mga magulang ni Aiha. Kanina lamang ay napakasaya nila dahil sa ani nila. Ngayon ay parang hibla na pinutol ang saya na iyon. Ang mga ngiti sa mga labi nila'y napalitan ng pagkasawi.

Hindi na napigilan ni Aiha ang kaniyang sarili. Humagulgol siya ng iyak sabay luhod sa paanan ng kaniyang mga magulang.

"P-Pang!? M-Mang!? Bakit ganoon sila sa atin? Kung umasta si T-Tiyo Tonyo ay parang hindi nila tayo kaanak! Ang pinagpaguran at pinagtiyagaan natin ay napunta lamang sa wala!" iyak niya.

Malabo man dahil sa mga luha'y nakita ni Aiha paano umangat-baba ang balikat ng mga magulang niya. Kung kanina'y nagtatawanan sila dahil sa galak. Ngayon ay nag-iyakan na lamang sila dahil sa sinapit ng mga kamoteng nahiwa ng itak ni Tonyo.

"Diyos ko! Saan na ako kukuha ng pang matrikula ng a-aking anak!?" iyak ni Tacio.

Wala siyang narinig mula sa kaniyang mga magulang maliban sa gusto ng mga ito na makapag-tapos siya. Kahit kapos sa pera at naghihirap sa buhay ang pamilya nila'y nagsisikap ang kaniyang mga magulang upang may pang-gastos lamang si Aiha sa pag-aaral niya.

Tinipon ni Kanda ang mga kamote't pinilit niya itong binubuo subalit palagi siyang nasawi.

"B-Baka puwede pa n-natin itong mapakinabangan, Tacio? I-Ito! Ito pang i-isa! B-Bilhin pa ito ng mga tao sa baranggay! B-Baka---"

"Mamang!"

Dahil sa awa ni Aiha sa kaniyang mga magulang at pighati niya sa kanilang sinapit ay nasigawan niya ang kaniyang ina.

"T-Tama na po iyan! H-Hindi na iyan bibilhin sa baranggay," awat ni Aiha sa kaniyang Mamang.

"K-Kaya pa ito, Aiha! H-Halika! Piliin natin ang p-puwede pang-"

"Diyos ko!" umaalingawngaw na sigaw ni Tacio sa gitna ng kamotehan kaya'y natigil si Kanda sa ginagawa at napaluhod na lamang ito habang yakap-yakap ang mga kamoteng nasa bisig niya.

Humagulgol sa pag-iyak si Aiha nang makita ang sitwasyon ng kaniyang mga magulang.

"H-Huwag na lang natin ipilit ang hindi na kaya. A-ang pag-aaral ay para lamang sa mapapalad, 'M-Mang at 'Pang! Hindi na ako mag-aaral," aniya't pinunasan ang kaniyang mga luha.

"A-Anak!?" anang Tacio. "G-Gawa ako ng paraan. K-Kaya natin ito. P-Pupunta ako sa baranggay mamaya. Susubukan kong umutang-!"

"Sabing hindi na ako mag-aaral! T-Tama na muna itong natapos ko! Kung kapalit ng pag-aaral ko ang pahirapan kayo ng mga kapatid niyo 'Pang ay mabuti pa na hindi ko na lang itutuloy ang pagsumamong makamtan ang mga pangarap ko! A-Ayaw ko na po! S-Suko na ako! Kaya kung puwede ay s-sumuko na rin kayo!" aniya.

Tumalikod siya. Para na siyang sasabog sa galit niya sa kaniyang tiyuhin. Akala niya'y  iintindihin ng mga kamag-anak niya ang sitwasyon at susuportahan siya upang makapagtapos ng pag-aaral. Nagkamali siya. Umasa siya sa mga taong akala niya'y magiging lakas niya pero ang totoo'y sila itong dahilan upang mas malayo pa siya sa kaniyang pangarap.

Suminghot si Aiha at agad na bumangon. Nakarinig kasi siya ng ilang pagkatok mula sa likod ng pinto. Tinuyo niya ang kaniyang basang mga mata gamit ang kaniyang mga daliri. Ilang taon na ang lumipas noong nangyari ang alaalang humigop sa kaniya kanina pero hindi niya ito malimut-limot. Iyon ang isa sa mga bagay na tunay na masalimoot na naganap sa buhay ni Aiha at ng kaniyang mga magulang.

"Aiha! Tumawag ang iyong amo," anang Belen mula sa labas. "May ipagagawa raw siya sa iyo," dagdag nito.

Tumikhim si Aiha bago siya tuluyang tumayo mula sa kaniyang pag-upo sa ibabaw ng malambot na kama.

Lumapit siya sa pintuan. Binuksan niya ito. Nakita niya si Belen kaya ngumiti siya. "Pupunta na po ako," aniya.

Ngumiti pabalik sa kaniya ang ginang. Nang nalagpasan niya ito ay tumikhin ito kaya'y tumigil siya. Lumingon siya kay Belen.

"May sasabihin po ba kayo?" magalang niyang tanong.

"Aiha, pagpasensiyahan mo na sana ang amo mo," ani'to. "Sa simula lang iyan ganiyan. Kapag lumaon ay magiging mabait din iyan sa iyo," dagdag pa ng ginang.

Umaasa si Aiha na sana'y mangyari ang winika ng ginang. Sabagay, wala pa naman siya sa lugar para husgahan ang amo niya. Metikuluso nga ito pero baka kapag palagi na silang magkasama'y mababawasan na ang hindi kaaya-ayang ugali ng amo niya.

"H'wag ka pong mag-alala, Aling Belen. Kung kaya kong harapin ang mga banta sa aming sakahan ay sisikapin ko rin na haharapin ang kahit na anumang mga bagay na sasabihin at ipakikita ni Lord Weiss sa akin. Siya ang amo ko. Kahit na hindi pabor sa akin ang trato at mga ginagawa niya'y susundin ko pa rin siya," aniya. "Kailangan ko na po tumungo sa taas nang sa ganoon ay mapagsilbihan ko na siya," paalam niya sa kaniyang kausap.

Tumango ang ginang bilang pahintulot nito kay Aiha kaya naman ay agad na tinungo ng dalaga ang silid ng kaniyang amo.

HUMINGA SIYA ng malalim at siniguro na wala siyang pawis nang nasa tapat na siya ng pinto ni Weiss. Kaniya ring tiniyak na walang kahit na anong uri ng dumi sa kaniyang damit at mukha bago siya kumatok.

"Come in," anang baritonong boses mula sa loob ng silid.

Inikot ni Aiha ang doorknob at tinulak niya ang pinto papasok. Sinarado niya ang pintuan at agad siyang lumapit sa kaniyang amo.

Tanging paa lang ni Weiss ang nakita ni Aiha dahil nahihiya siyang iangat ang kaniyang sulyap.

"Umupo ka muna," utos ng kaniyang amo.

Hinamak ni Aiha na unti-unting iangat ang kaniyang sulyap. Nagulat siya nang makita ang maputing binti ng kaniyang amo at may malalagong buhok na nakapalibot dito. Kinabahan si Aiha nang makita ang kaniyang amo na puting tuwalya lamang ang naikot sa kaniyang mga baiwang.

"Ang laking kamote," bulong niya sa sarili nang makita ang mahaba at malaking umbok sa gitna ng mga hita ni Weiss.

Bumilis ang tibok ng puso ni Aiha nang lumapit sa kaniya ang kaniyang amo. Napalunok siya nang makita paano umalog ang malaking kuwan ni Weiss.

Umatras ng umatras si Aiha nang makita niyang palapit ng palapit ang bawat hakbang ng kaniyang amo sa kaniyang direksiyon.

"M-My Lord, h-huwag po. B-Bata pa po ako," aniya at tinakpan niya ang kaniyang mga dibdib.

Kumunot ang noo ng kaniyang amo dahil sa inasta niya. Bumalik ang kaniyang katinuan nang makita niya paano inabot ni Weiss ang plastik na bote ng alkohol.

"Insane," kunot-noong sabi ni Weiss.

Puwersang umupo si Aiha dahil nahiya siya. Akala niya kung ano na ang gagawin ng kaniyang amo. Uminit ang kaniyang mga pisngi dahil sa hiyang sinapit niya.

"Aya, stop looking on my body! Turn around and do not look on my way," supladong sabi ng amo niya. "Lalo na ng puwet ko!" dagdag pa ng amo niya.

"Aiha po, My Lord," koreksiyon niya sa kaniyang amo.

"Whatever!" Umirap pa ang amo niya bago siya tinalikuran nito.

Kahit na sinabihan na siya ni Weiss na huwag niya itong titigan ay hindi niya pa rin maiwasan iyon. Matambok at mukhang matigas kasi ang magkabilang pisngi ng puwet nitong amo niya kaya'y para siyang minamagnet ng mga ito para ituon ang titig niya rito.

"Kamote!" gulat na gulat niyang sambit nang biglang lumingon ang kaniyang amo.

"I told you to not look on to my butt. Insane!" anas ng kaniyang amo.

"S-Sorry!" aniya sabay liko ng kaniyang sulyap.

Ninakaw niyang silipin ang kaniyang amo. Sinuot ng amo niya ang mga damit nito. Sumuklay ang amo niya't halos pinaligo nito ang hawak nitong pabango. Napailing na lang si Aiha dahil sa nasaksihan niya. Ngayon lang siya nakakita ng lalaki na daig pa ang babae pagdating sa pananamit at kalinisan.

"Ano ba, Aya!? Can you please cut that way of staring!?" anang Weiss.

"Sorry, My Lord." Inayos niya ang kaniyang pag-upo. "Ano pala ang dahilan bakit mo ako pinatawag?" tanong niya sa kaniyang amo.

Tinungo ng bagong ligo niyang amo ang swivel chair nito. Dumequatro ito sabay titig sa gawi ni Aiha. Saglit na pumikit si Aiha buhat noong tinangay ng hangin ang mala-tsokolateng amoy ni Weiss patungo sa kaniyang gawi. Bigla siyang natakam dahil sa kaniyang naamoy.

Napalunok siya at ang masaklap ay nakita ng kaniyang amo paano namukol saglit ang kaniyang lalamunan dulot ng paglunok niya.

"Insane!" bulong ng kaniyang amo. "Aya, do find the key of my car." utos ng amo niya.

"Saan po?" magalang niyang tanong bago siya tumayo.

Tinitigan siya nitong amo niyang parang palaging may menstrual period. "Sa Malacañang Palace!" wika nito.

"Totoo?" tanong niya sa amo niya.

"Aya, dito malamang sa mansyon ka maghahanap," kunot-noo nitong sabi.

Nalito si Aiha sa kaniyang amo. Lalaki ba talaga itong amo niya? Natalo pa niya ang babae dahil sa ugali niya.

"Rito po sa kuwarto niyo, My Lord?" usisa ni Aiha.

Tumigil ang amo niya sa ginagawa nito. Umismid siya at sinamaan ng tingin si Aiha.

"Subukan mo hanapin sa stockroom o hindi kaya ay sa maid's room. Baka sakaling makita mo roon ang susi ko!" anang Weiss bago binalik ang pansin sa kaniyang ginagawa.

"Sige po, My Lord. Pupuntahan ko po ang maid's room-"

"Aya!" pasigaw nitong wika kay Aiha.

"Saan ka pupunta!?" naiinis na tanong ni Weiss.

"Pupunta po sa stockroom," inosente niyang sabi.

Nakita niya paano napatukod ang mga siko ni Weiss sa ibabaw ng mesa. Hinilot din ng lalaki ang magkabilang bahagi ng ulo nito.

"Dito ka sa kuwarto ko maghanap, Aya," ani'to.

"Akala ko po sa stockroom at sa maid's room?" tanong niya kay Weiss. "Alam mo, My Lord, pakiramdam ko ay ginagawa mo akong baliw," aniya.

Umiling si Weiss. Bumuga ng hangin ang lalaki dahil sa inis niya. Ramdam naman ni Aiha na naiinis sa kaniya itong amo niya. Marami kasing satsat si Weiss kapag may inuutos kaya nalilito siya dahil doon.

"Hindi ko na kailangang gawin ang bagay na iyon. Baliw ka naman talaga," supladong anas ni Weiss.

"Kung baliw ako ikaw naman loko-loko. Nasa tabi lang ng telepono ang susi ng sasakyan mo tapos pinahahanap mo pa sa akin!" inis na wika ni Aiha. Hindi pa siya nakontento. Kinuha niya ang susi ni Weiss at nilapag niya ito sa tapat ng lalaki. "Ito po, Lord Weiss!" aniya.

Halatang nandiri ang amo niya kaya'y kinuha niya ang alkohol na nasa ibabaw ng kama ni Weiss. Binuksan niya ang takip nito at binuhusan niya ang susi.

"You are really insane, Aya!" inis na sabi nito kay Aiha.

Ngumiti lang si Aiha. "Binuhusan ko na ng alkohol para matanggal ang dumi ng susi mo na mula pa sa mga kamay ko. Baka kasi makaligo ka na naman ng hindi oras e!" sarkastikong sabi ng dalaga.

"You are-"

"Insane! I am insane, Lord Weiss! Baliw na talaga ako kaiisip bakit may taong tulad mo. Ngayon pa lang kita nakasama pero parang gusto ko na lang mag-alaga ng kahit na ilang hektarya ng kamotehan," aniya na may ngiti pa sa mga labi.

"Gusto mo hindi ka pa nagsisimula ay bibigyan na kita ng red card?" tanong ng amo niya.

Nasabihan na siya ng tiyahin niya tungkol sa red card. Ito ang magsisilbing minus points ng pagiging iskolar niya ng Andromeda. Limang piraso lamang red card ang maaari niyang matanggap mula kay Weiss. Kapag nakalima siya ay otomatikong tatanggalin siya bilang iskolar ng kompaniya.

"Sige! Bigyan mo ako ng isa, My Lord. Hindi naman ako natatakot dahil lang sa red card na iyan," wika niya.

"Sumasakit ang ulo ko sa iyo, Aya," reklamo ni Weiss.

Namula ang mukha ng kaniyang amo. Pansin ni Aiha na seryuso ang amo niya pero wala siyang pakialam sa lalaki. Sa halip na ikonsidera niya ang galit ng amo niya'y inalayan pa niya ito ng mapang-inis na ngiti.

"My Lord, kapag masakit ang ulo mo ay huwag kang mahiyang magtanong...kung ano ang rightmed nito!" asar niya pa sa lalaki.

"Fuck the hell! I'm getting crazy!" reklamo ni Weiss.

Tinawanan ni Aiha ang lalaki. "Ayaw mo noon? Baliw ako. Tapos baliw ka. Masaya iyon kapag dalawa na tayo! Ang boring kapag ako lang ang tinatawag mong baliw, Lord Weiss!" aniya.

Gumapang ang mga daliri ng lalaki patungo sa batok nito. Marahan nitong minasahe ang likod ng kaniyang ulo.

Mabuti nga para kay Weiss. Nakatagpo na nga siya ng isang taong katulad ni Aiha.

Related chapters

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 5

    ANG BILIS ng oras. Napatitig si Aiha sa kaniyang cellphone at nakita niya na ilang minuto na lamang at dadako na sa Alas Quattro. "Lord Weiss, akala ko ba aalis ka? Kanina pa natin nakita ang susi ng kotse mo. Tapos na rin po ako sa paglilinis ng kuwarto mo," anang Aiha. Parang walang narinig ang lalaking abala sa pagtutok sa screen ng laptop nito. Umirap na lang si Aiha. "Guwapo sana, kaso bingi," pamimintas niya sa kaniyang amo. Inangat ng lalaki ang titig nito sa kaniya. Biglang kinabahan si Aiha marahil sa titig na iyon ng kaniyang amo. "I heard you," maikling sabi ng amo niya. "Iyon naman pala, Lord Weiss. Bakit hindi ka sumasagot?" usisa niya. "Friends ba tayo? Belong ka ba sa family ko?" pambarang tanong ng amo niya. Ngumiti si Aiha at nilakasan niya ang loob niya para titigan sa mga mata ang kaniyang amo. Isang malagkit at mapagnasang titig ang binato niya sa kaniyang amo. "Hindi. Pero malay mo, ako pala ang future wife mo!?" Napailing na lang ang amo niya marahil sa

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 6

    UMUNAT SI Aiha. Minulat niya ang kaniyang mga mata. Umahon siya bigla at inayos ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim nang natauhan siya. Wala siya sa kaniyang silid. Nasa silid siya ng kaniyang amo."Kamote ka, Aiha!" anas niya. "Kapag malaman ito ng Mamang mo ay patay ka talaga. Bakit ka nakipag-inuman sa amo mo?" wika niyang mag-isa sa loob ng silid ng amo niya. Napakamot siya sa kaniyang ulo nang bigla siyang nakarinig ng pagkatok. Humakbang siya ng may pagdadalawang-isip papunta sa pintuan. Muling kumatok ang tao sa labas ng silid ni Weiss. "What the heck are you doing, Weiss!? Buksan mo ang pintuan! Bullshit, P're!" sigaw ng lalaki mula sa labas.Inisip niyang baka kaaway ng amo niya ang lalaki sa labas. Sa halip na buksan ang pintuan ay tumungo s'ya sa banyo. Kumatok siya ng kumatok. "Aya, is that you!?" pasigaw na tanong ng amo niya. "Oo, Lord Weiss.""Buti naman at gising ka na. Akala ko wala ka ng planong gumising pa," supladong sabi ng amo niya. "By the way, what

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 7

    TUWANG-TUWA si Aiha papasok sa mansion. Maya't maya kasi ay papasok na siya sa paaralan. Matagal-tagal na panahon na rin kasi ang lumipas noong huli niyang pagtapak sa paaralan. Panibagong yugto na rin ito ng kaniyang buhay. May makikilala siyang mga bagong tao na tiyak ay magiging kaibigan niya. "Aiha, nag-away na naman kayo?" tanong ni Aling Belen. "Hinahanap ka niyan kanina. Tapos pagdating niya ay galit na galit siya. Parang may sanib ng demonyo. Nagtago nga ang iba kanina dahil baka mapagbuntungan ng galit niya. Ano ba kasi ang nangyari?" usisa pa ng ginang. Huminga ng malalim si Aiha. Pakiwari niya ay wala naman talaga siyang ginawa sa amo niya. Sinabihan niya lang ito kanina na kung ayaw niya sa palengke edi umalis na siya."Pinilit niya akong mag-mall, Manang. Tapos nandiri pa siya sa palengke kanina. Sumuka siya ng sumuka dahil nakita niya ang sitwasyon ng mga trabahante roon. Nakakainis siya. Kung gusto niya sa malinis edi doon siya sa malinis. Ayaw ko sa mga metikuluso.

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 8

    NAWALA SA isip niya ang mga tao sa paligid. Alam niya naman na nagtatawanan sila dahil ito ang unang araw ng pasukan. Tulad ng pinlano ay pinagpatuloy ni Aiha ang kurso niyang may kaugnayan sa Entrepreneurship. Nakaupo siya sa unahan. Simula kasi noong elementarya siya ay gustung-gusto niya ang pag-upo sa harap. Mas marami kasi siyang natututuhan kumpara kung sa likod siya umuupo. Bukod dito ay ayaw ni Aiha ng maraming distruksiyon. Hindi rin siya masyadong matangkad na makita ang taong nagsasalita sa harapan at kung may nakasulat man sa pisara. "Miss?" dinig niyang tawag ng instructor nila. Nakatulala lang siya at iniisip ang sinabi ng lalaking 'yon. Bakit naman kasi siya magseselos? Hayop talaga siya! Hindi na tuloy alam ni Aiha kung ano ang gagawin niya. Ayaw niya ng distruksiyon pero kanina pa pala siya inalipin nito. Wala na siyang alam kun'di ang tumunganga. Ilang beses niya ng sinubukang alisin ang mga salitang sinabi ni Weiss pero nasawi lamang siya. Sa halip na maalis nga

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 9

    LUMALABAS LANG si Aiha sa kaniyang silid kapag alam niyang wala sa mansion ang kaniyang amo. At saka lang din siya maglilinis sa kwarto ng amo niya kapag nakaalis na ito. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ng amo niyang iyon. Isang malaking insulto para kay Aiha ang pagsabihan siya ng mga salitang hindi naman nararapat para sa kaniya. Pinagkaitan na nga siya ng kaibigan sa probinsiya, tapos pati rito ay kinokontrol din siya ng amo niya na makipag-kaibigan. Nagpapahatid si Aiha minsan sa Andromeda para linisin ang opisina ng amo niya, ginagawa niya rin ito kapag nasa mansion ang amo niya. Kapag pumapasok naman si Aiha ay hindi na siya nagpapahatid at sundo kay Weiss. Sa halip na ang amo niya ang maghahatid at sundo sa kaniya ay si Mang Kanor na. "Wala si Lord Weiss?" halos pabulong na tanong ni Aiha kay Aling Belen. Lumapit sa kaniya ang mayordoma. "Kumain ka na, Aiha. Ilang araw ka lang nagkakaganiyan pero nangangayayat ka na," sabi ng mayordoma at hindi sinagot ang tanong ni Aih

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 10

    INAARAL NI Aiha ang galaw ng kaniyang amo. Hindi kasi mapakali ang lalaki. Kanina ang sabi niya ay aayusin niya lang ang kaniyang suot upang makaalis na ito patungo sa trabaho. "Akala ko ay aalis ka?"Tumigil sa paglalakad ang amo niya at tinitigan siya nito. Umirap si Weiss na parang babae kaya ay halos matawa si Aiha. "Akala ko magtatrabaho ka? Malapit na kayang kumalahating araw, Lord Weiss.""Bakit ba gusto mo akong umalis, Aya?" Naningkit ang mga mata ng amo niya. Humakbang papalapit sa kaniya ang lalaki kaya ay tumayo na siya agad at hinablot niya ang kaniyang bag. "Lord Weiss, padaan po. Kung ayaw mong magtrabaho ay bahala ka. Pero, ako po? Gusto ko pong mag-aral," sabi ni Aiha sa kaniyang amo na nakaharang sa dadaanan niya. Tiningnan siya ni Weiss mula paa hanggang ulo at pabalik. Umismid si Aiha dahil sa titig ni Weiss. "Mamaya pang 4PM ang klase mo, Aya. Bakit ba nagmamadali ka?" walang emosyong tanong ng kaniyang amo. Umiling si Aiha at agad niyang iniwasan ang kaniy

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 11

    NASA PARK si Aiha. Tapos na ang proyekto nila ni Joseph. Gusto siyang isama ng kaibigan niya sa bahay nito subalit ay tumangggi siya. Gusto niya kasing mapag-isa. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya ay masyado nang marumi ang hanging nalalanghap niya sa tabi ni Weiss. Malinis sa katawan ang amo niya pero parang ang dumi na ng ugali nito. Napasinghap si Aiha habang dinuduyan-duyan niya ang sarili. Kinabit niya ang kaniyang earphones at agad na nagpatugtog. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Habang siya ay nakapikit ay bigla na lang tumigil ang duyan. Puwersang binuksan ni Aiha ang kaniyang mga mata at tumingala siya sa lalaking pumigil sa duyan. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng lalaki. Tumayo si Aiha at agad niyang hinarap ang amo niya. "Lumalanghap ng sariwang hangin. Kaso, bigla na lang naging amoy bulok ang hanging nalalanghap ko dahil nasa paligid pala ang masangsang na bagyo," sabi ni Aiha. Umalis siya at hindi na siya lumingon-ling

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 12

    TUMITIG SI Aiha sa kaniyang amo na walang ibang ginagawa kun’di maglagay ng alkolol sa kamay matapos ang ilang segundo. Umiling si Aiha."Wala ka bang tiwala sa mga trabahante mo?" tanong niya sa amo. "Do your thing," supladong sabi ng amo niya. "Your thing is—""What!?" tanong ng amo niya. "W-Wala! Sabi ko nga na, I will do my thing now." Sa tingin ni Aiha ay may hula na ang amo niya sa mga bagay na sinasabi niya. Ayaw niya man banggitin at gusto niyang kalimutan ang bagay na iyon ay bigla na lang siyang binabagsak ng mga tulak ng kaniyang matabil na dila. "Nakaka-sense na ako, Aya," sabi na lamang ng amo niya. Kumanta-kanta si Aiha upang kunwa'y hindi niya naririnig ang sinabi ng kaniyang amo. "Someone to love me," kanta ni Aiha. Lumapit sa kaniya ang amo niya. "Control your voice, Aya.""Someone to hold me, the way that you dooooooo!""Aya, please!"Tinaasan niya ng kabilang kilay ang amo niya. "Sabi mo, do your thing. Pakialamero ka na naman, Lord Weiss," anang Aiha. Umi

    Last Updated : 2022-12-15

Latest chapter

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Epilogo

    ITO ANG alam niyang tama. Hindi niya kakayanin na mawala sa kaniya nang tuluyan si Aiha. Ginawa niya ang lahat para lang makarating sa lugar na ito. Bago sa kaniya ang paligid at hindi niya man lang alam kung makakalabas pa ba siya rito nang buhay. Tinuro lang sa kaniya ng ale sa daan kanina ang daan patungo kuno sa tinutuluyan nila Aiha ngayon. "Fuck the hell! Ano bang lugar ito?" tanong niya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nawawala siya. Napatitig na lang siya sa kaniyang puting damit na puno na ng putik. Katatapos lang kasi ng ulan kaya masyadong maputik ang daan. Nagtanong siya kanina sa daan kung makakapasok ba ang sasakyan sa loob pero pinagtawanan lang siya ng mga tao. He sighed. Napatingala siya. Para siyang maiiyak dahil sa takot na naramdaman niya.Kabaliktaran ng pagkatao niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hinamak nita talaga ang sarili niya para lang makita si Aiha at makasama itong muli. Hindi pa nakauwi galing sa Morocco si Cleint kaya si Joseph ang ginawa niy

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 43

    HE WAS missing her so much. Gayunpaman ay hindi niya hinamak na makipagkita o magkaroon ng komunikasyon sa babae. Sa totoo lang, gusto niyang hagkan si Aiha pero tiniis niya ito. Ayaw niyang mapahamak ang babae. He knew that Aiha might get hurt even more if he will confront the Toresses. Handa na siya ngayon na tumungo sa Andromeda. Nagulat ang mga stakeholders ng kompanya dahil bigla na lang siyang nagpatawag ng meeting. Nang nalaman niya ang plano ng nga Torres ay agad siyang nakapagdesisyon na magpa-emergency meeting. Hindi niya hahayaan ang mga ito na maisakatuparan ang masama nilang balak. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang kotse kahit na nasa building na siya ng Andromeda. Kaniyang tinanod ang pagdating ng bawat stakeholders niya. He breathed heavily. Gusto niyang pakalmahin ang sarili niya. He was feeling deep anger towards the Torreses. Sa tingin niya nga kung hindi niya makontrol ang sarili niya ay masapak niya agad ang ama ni Kloudette. Pumitik ang ugat sa gilid ng ulo niy

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 42

    NAGING SANDIGAN niya ang alak. Nakailang lata na siya ng beer habang naglalakad siya sa gitna ng maraming tao. Gabi na at mas dumami pa ang mga tao. Bakit ganoon? Alam niyang kasalanan niya dahil hindi niya inalam kung may sakit ba si Senior Fortalejo o wala. Pero parang sobra naman iyong ginawa ni Weiss at sinabi nito sa kaniya. Hindi siya manhid para hindi niya maramdaman na tuluyan na siyang pinaaalis ng lalaki sa buhay nito. Wala na siyang pinagkaiba sa mga manginginom sa kanilang lugar. Pagewang-gewang na siyang naglalakad ngayon at ang masahol pa ay hindi niya alam kung saan siya tutungo. Hindi niya maiwasan na masaktan. Nang gumawa siya ng isang hakbang ay pumatak ang luha niya. Nang sumunod niyang mga hakbang ay doon na tumodo ang pagpatak ng sandamakmak niyang mga luha.Gusto niya lang naman mailigtas ang lalaki at ang angkan nito mula sa kapahamakan pero pinaramdam ni Weiss sa kaniya na mali ang ginawa niya. Sinabihan pa siya ng lalaki na huwag nang makisali pa dahil probl

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 41

    HE GULPED the drink from his cup. Inom sila nang inom ng Kuya Nigoel niya. Nakailang Jack Daniels na sila. Sa totoo ay medyo nahihilo na siya. "Basta ako, kahit na sino papakasalan mo ay susuportahan kita," sabi ng kapatid niya sa kaniya."Nasa loob ng kuwarto na iyan ang gusto kong pakasalan, Kuya," aniya at tinuro ang silid kung saan pumasok si Nigoel.Tumayo siya. Gusto niyang makatabi ngayon ang babae. Nagtatampo iyon sa kaniya dahil nagsinungaling siya rito. Inayos niya ang sarili niya. Susuyuin niya ang babae ngayon mismo. Ayaw niyang umabot pa bukas ang tampo na nararamdaman ng babae sa kaniya.Halos matumba siya pero nasalo siya ng kaniyang kapatid."Saan ka pupunta!?" Sumenyas siya na tutungo siya sa silid ni Aiha. Umiling ang kapatid niya pero wala itong nagawa dahil humiwalay na siya rito. Humakbang na ito papunta sa silid ni Aiha."Lorden Weiss, baka magising si oldman," anang Kuya Nigoel niya.Lumingon siya sa kaniyang kapatid. Nanliliit ang kaniyang mga mata patitig sa

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 40

    PAGTINGIN NI Aiha sa loob ay nakita niyang dumaan si Mang Kanor kaya ay tinawag niya ito. "Manong Kanor!" tawag niya sa mama.Nakilala siya ng lalaki agad kaya ay tumungo sa gate si Mang Kanor. Tinaasan ni Aiha ng kilay ang bagong guwardiya na ayaw siyang papasukin dahil hindi raw siya kilala nito. "Kanor, hindi ko kasi kilala ang babaeng iyan kaya hindi ko siya pinagbuksan ng gate. Kanina pa niya ako kinukulit na papasukin ko raw siya. Sino ba ito?" tanong ng guwardiya.Huminga nang malalim si Aiha. Ngayon ay kay Mang Kanor na naman siya tumitig. Halos isang oras na siyang pinaghintay ng guwardiya. Sinabihan na nga niya ito kanina na tawagin si Weiss dahil kakilala niya ito pero hindi naniwala ang guwardiya. Lumabas na ang mga ugat niya kanina habang pinapaliwanag niya sa guwardiya ang katayuan niya sa kasal ni Weiss pero hindi pa rin siya pinapasok ng guwardiya. Ang rason nito ay walang sinabi sa kaniya ang mga amo niya na may darating na handler ng kasal."Mang Kanor, kanina pa a

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 39

    ISANG BAGAY ang kumuha ng atensyon niya. Ito ay ang isang wallet na nasa upuan. Inabot niya ito at agad niyang nakita ang mukha ng ama ni Kloudette sa loob nito. "Nakakainis. Bibigyan ka pa nila ng obligasyon," reklamo niya at piniga pa niya ang pitaka.Nagmadali siyang lumabas sa bahay at agad siyang bumaba. Hinanap niya ang ama ni Kloudette pero hindi niya ito nakita. Tumawag siya sa security personnel at nagtanong siya tungkol sa taong nakasuot ng kulay black na suit. Sinabi nila sa kaniya na na nasa labas ito ng banyo sa ikalawang palapag. Nagduda siya kung ano ang ginawa ng lalaki sa lugar na iyon. Tumungo siya kung saan tinuro ng mga security personnel kung nasaan si Mister Torres. Didiretso sana siya pero nabitawan niya ang wallet kaya nahulog ito sa sahig."Ayaw ko na magkaroon ng bakas ang pinapatrabaho ko sa iyo. Dapat ay malinis mong gagawin ang trabaho mo nang sa ganoon ay walang magiging problema."Nalito si Aiha sa kaniyang narinig. Tiyak siya na boses iyon ng ama ni

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 38

    SHE SLOWLY closed the door as she was ready to leave. Masama pa ang pakiramdam niya pero tiniis niya ito dahil parang ikamamatay niya kung mananatili lang siya sa loob ng unit niya na mag-isa.Maharan siyang lumakad patungo sa elevator. Sumakay siya at sumandal siyang nakahalukipkip. Hindi niya namalayan kung ilang beses na huminto ang elevator at ang tunig ng sapatos ng mga taong pumasok at nakisabay sa kaniya pababa dahil nakatitig lang siya sa screen ng kaniyang smartphone. She was waiting for Weiss' message. Tanga na kung tanga pero naghihintay talaga siya. Umaasa siya na kahit isang mensahe lang mula sa lalaking iyon ay may matatanggap siya. She was heading up to K Events building now. Hindi niya pa nakikita ang kompanya niya dahil nilaunch ito ni Marie mag-isa. Kahit ang opisina niya ay hindi niya pa rin nakikita sa personal. Kuwento ni Marie sa kaniya na ang building ay may apat na palapag. Nasa basement ang mga mananahi ng mga kurtina, table and chair clothes, damit na isusu

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 37

    HER HEART was a half happy and a half bothered. Ang hirap ng sitwasyon nila ni Weiss. Kung tutuusin ay pagtataksil ito kay Kloudette. Napabuga na lamang siya ng mainit na hangin dahil sa nangyari. She slept with the who was to marry someone. Siya naman ang nauna pero hindi parin tama ang ginawa niya. Wala siyang nagawa dahil sa pagdominante ng puso niyang taksil sa katotohanan na mali ang ginagawa nila ni Weiss. Nakalabas na sa banyo si Weiss at tanging puting tuwalaya na lamang ang nakatabon sa pribadong katawan nito. The man walked to her way and he bowed to kiss her. Sinalubong niya ang halik ng lalaki. Weiss' lips tastes like heaven. Matamis ito at nakakaadik ang kalambutan nito. She was like kissing a marshmallow with a flavor of strawberries and a magic sugar. "Ughm," daing niya nang pinasok ng lalaki ang dila nito sa kaniyang bibig. Shit! Parang bawal na gamot ang lalaki at siya ang konsyumer na nalulong na rito. Umatras ang lalaki pero hinabol niya ito. Sinipsip niya ang la

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 36

    HE SLOWLY opened his eyes. Umangat ang dulo ng mga labi niya nang matanto niya na nasa mga bisig niya pa rin si Aiha at natutulog nang mahimbing ang babae. Hinalikan niya ang ulo nito. The woman hugged him even more tighter. Pinikit niyang muli ang kaniyang mga mata. Alam niya na alas sais na at oras na para umuwi dahil kailangan niyang dumalaw sa ospital pero mas pinili niyang manatili muna sa ibabaw ng kama at yakapin ang babae. Pakiramdam niya ay nasa kalawakan siya at nakasakay sa mga ulap habang ang hangin ay marahan siyang pinapatulog muli dahil sa kalmado at puno ng pag-ibig na kapaligiran. "Fuck the hell," bulong niya nang lumipas pa ang ilang minuto.Ayaw niya pang umahon pero tigas na tigas ang mahaba niyang batuta dahil sa morning erection niya. Naiihi pa siya kaya ay marahan siyang humiwalay kay Aiha. Tumungo siya sa banyo at agad siyang umihi.Napabitaw siya nang hininga nang pumaibaba sa kaniyang alaga ang kaniyang pagsulyap. Kung ang iba ay namomroblema dahil maliit l

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status