NAKAUPO SA tabi si Weiss. Natapos niya nang kumustahin ang mga taong dumalo sa kaniyang party. Isang tao ang may pinakamalaking ambag sa Andromeda at ang tao na iyon ay si Varix Davieneda. Davieneda's are one of the richest clan in town, maging sa ibayo ay kilala ang angkan nila. Napag-sabihan din si Weiss na marapat lamang na ayusin ang trato sa Pamilyang Davieneda. "Mister Fortalejo." Tumayo si Weiss at nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ng asawa ni Varix ang kamay ni Weiss at nakipagkamay ito sa kaniya. "You got a beautiful wife, Mister Davieneda!" sabi ni Weiss patingin kay Varix. "Pleasure to meet you, Madame Davieneda!" Tumingin siya sa ginang. "Pleasure to meet you, Mister Fortalejo." Binawi ng ginang ang kamay niya. "I am so sorry for being late, hindi na tuloy namin naabutan ang speech mo," sabi pa nito. "Nothing to worry about.""Sasamahan ko muna itong si Barbara sa mga kaibigan namin, Mister Fortalejo. Excuse us," sabi ni Varix. Tumango si Weiss. "Sige. Enjoy th
SHE FIXED herself. Ang kanina na masayang damdamin niya ay bigla na lang nalungkot. Pakiramdam niya ay si Cinderella siya na sumaya lang nang ilang saglit. Akala ni Aiha na sa mga nobela lang nangyayari ang mga kaganapang ito. Akala niya ay puwede ang mahirap at mayaman sa totoong buhay, pinaasa na naman siya ng mga fairytales na kinukuwento ng Mamang niya sa kaniya noong mga araw. Nasa labas na siya at hinanap si Joseph. Nawalan kasi siya nang gana buhat nang pagsabihan siya ni Kloudette kanina. Namataan niyang mag-isang umiinom sa isang sulok si Joseph kaya ay kumapit siya sa kaibigan. "What took you so long, Aiha?" tanong ng lalaki sa kaniya. "S-Sumakit ang tiyan ko. I guess dahil ito sa kinain kong alimango kanina," pagsisinungaling niya. "Want a drink?" alok ng kaibigan niya. Umiling si Aiha at tipid na ngumiti. "P-Pass muna ako. Actually, gusto ko sanang magpaalam sa iyo," sabi niya sa kaibigan. "Why? Saan ka na naman pupunta?""I have to go home, Joseph. Baka kasi lumala
MAAGANG GUMISING si Aiha. Lahat ng mga tao sa mansion ay nakapansin ng kaniyang kasiyahan. Mas lalo pa itong gumada ngayon dahil sa tuwa na bakas sa kaniyang mukha. Maigi niyang tinanggap ang katotohanan na hindi nila puwedeng ilantad ang relasyon nila ng amo niya dahil sa mga taong magiging balakid sa kanilang pagmamahalan kapag mabunyag ang totoo tungkol sa kanila, gayunpaman ay masaya siya at kontento siya rito. "Eneng, ang saya natin ngayon ah!""Wala lang, Aling Belen. Masaya lang ako dahil—""Bati na talaga kayo ng amo mo.""O-Oo po. Ganoon na nga po," pag-sang-ayon niya sa wika ng ale. Hindi alam ni Aling Belen na higit pa sa pagkakabati ang naganap sa pagitan ni Aiha at Weiss. May kiss nga na nangyari at mag-nobyo't nobya na ang dalawa. "Mabuti naman kung ganoon, Aiha. Alam mo ba na pati kami ay nalulungkot kapag hindi kayo okay ng amo mo?" sabat ni Manong Kanor. "Huwag na kayong malungkot, Manong Kanor. Hindi na kami mag-aaway ni Lord Weiss," nakangiting sabi ni Aiha at n
"PAALAM, ATE!" anang Aiha nang matapos siyang kumain kasabay ang mag-ina. Lumapit kay Aiha ang bata at agad siyang niyakap nito. Ngumiti si Aiha. Dahil sa mag-ina ay gumaan ang mabigat na pakiramdam niya. "Sana bumalik ka pa, Ate Ganda.""Babalik ako at magdadala ako ng pagkain para sa inyo ng nanay mo. Basta, magpakabait ka palagi ha," anang Aiha nang humiwalay ang bata sa kaniya. "Opo," magalang na tugon nito kay Aiha. Humalungkat si Aiha sa kaniyang bag at kinuha niya ang kaniyang wallet. Kumuha siya ng pera at binigay ito sa ina ng bata. "Ate, alam ko na kulang pa ito para alisin kayo sa kung saan man kayo ngayon pero sana makatulong ito kahit papaano," sabi ni Aiha. Nakita ni Aiha paano gumulong ang butil ng mga luha ng babae. Nanginginig ang mga labi nito at hindi maisatinig ang pasasalamat dahil nauna pa ang pagguho ng kaniyang damdamin dahil sa saya. "S-Salamat, miss," tanging nasabi ng babae. "Babalik ako at tutulungan ko kayong mag-nanay. Bukas, sisikapin kong makapu
KANINA PA tinitingnan ni Aiha ang mukha ni Weiss. Namumula ang lalaki at nahihirapan ito sa pag-hinga. Wala ring tigil ang kaniyang pag-bahing. Nasa mansion na sila kaya ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi mabuti ang pakiramdam ng lalaki kahit na pilit niyang pinakikitaan ng masayang ekspresyon si Aiha. "Dumiretso na tayo sa taas," sabi ni Weiss. Sumunod si Aiha sa lalaki. Tumigil si Aiha at bigla na lang napahawak sa balikat niya si Weiss dahil halos matumba na siya. "Lord Weiss, ang init mo," sabi niya sa lalaki. Hindi siya pinansin ni Weiss. Lumakad si Weiss kaya ay lumakad na rin si Aiha dahil nga'y naging silbing saklay siya ni Weiss ngayon. Sinikap ni Weiss na tumungo sa kama mag-isa. Napalunok si Aiha nang biglang hinubo at hinubad ni Weiss ang mga suot niyang saplot. Akmang hihilahin na ni Weiss pababa ang slacks niya kaya ay agad na tumalikod si Aiha. "Why you're turning you're back from me, Aya?""Ahm. B-Bakit kasi bigla ka na lang humuhubo at humuhubad diyan
HE WAS thinking about what Kloudette told him. Nasa opisina na siya ngayon. Wala siya sa mood. "Sir Weiss, kailangan mo na pong pirmahan ang partnership contract na ipinadala ni Mister Torres," sabi ng kaniyang sekretarya. "Put it there and get off of my sight," sabi niya at tinuro ang gilid ng table niya. "O-Opo," anang sekretarya niya at agad na umalis. Tinitigan niya ang papeles bago niya ito inabot. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na ako gumawa ng paraan na maging partner ang lalaking ito. If I knew it before that Kloudette would grow spoiled and selfish, I would not dare to be their business partner," sabi niya sa sarili. Napailing na lamang si Weiss habang binabasa ang renewal ng kontrata ng partnership nila ng daddy ni Kloudette. Kung tutuusin ay puwede naman niyang hindi pirmahan at putulin na lang ang ugnayan nila ng pamilyang iyon. Ang problema ay ang kapatid niya at ang kanilang Abuelo. Hindi maalala ni Weiss kung kailan ang huling beses na hina
MALALIM ANG sugat na natamo ni Weiss at maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Nasa labas si Aiha at inaabangan niya ang paglabas ng pamilya ni Weiss. Walang narinig na salita mula sa Abuelo ni Weiss si Aiha pero alam niya na hindi siya gusto nito. Hindi na nag-expect si Aiha na magugustuhan siya ng matanda dahil si Kloudette ang gusto nito. Tumayo si Aiha nang nakita niyang lumabas ang Abuelo ni Weiss. Nilapitan niya ang matanda. Tinitigan siya nito. "K-Kumusta po ang lagay ni L-Lord Weiss?" "Let's talk, miss," sabi ni Senior Fortalejo sa halip na sagutin ang tanong ni Aiha.Lumakas lalo ang tibok ng puso ni Aiha. Hindi pa man sabihin ng matanda ay alam niya kung ano ang pag-uusapan nila. Sumunod si Aiha sa matanda hanggang sa pinakadulo ng corridor. Tumigil ang matanda at humarap siya kay Aiha. Wala pang sinasabi ang matanda pero bumigat na ang damdamin ni Aiha. Ang mga luha niya rin ay numuo na sa ilalim na bahagi ng kaniyang mga m
ILANG ARAW na hindi umuwi sa mansion si Aiha. Sa kaniyang Tiya Sabel siya umuuwi. Kinuwento niya sa kaniyang tiya ang pangyayari kaya ay naintindihan siya nito. "Eneng, hindi ko talaga inakala na magagawa sa iyo 'yon ni Senior Fortalejo. Mabait naman siya at hindi gahaman sa pera. Si Mina nga at Nigoel ay nagawa niyang tanggapin kahit na niloko siya ng mga ito. Hays, hindi ko makuha bakit ganoon niya na lang tratuhin ang iyong relasyon kay Weiss," anang Sabel habang binabanlawan ang mga damit na nakuso na. Malungkot lamang na huminga si Aiha. Namimiss niya ang kaniyang nobyo at tanging sa chat na lamang niya ito nakakausap. "Hindi ko rin alam, Tiya Sabel. Hinahangaan ko pa naman siya dahil nga ay tinitingala siya ng lahat. Akala ko rin na kaya niyang tanggapin ang relasyon namin ni Weiss," sambit ni Aiha.Umiling ang tiyahin niya. "Naku, Aiha. Hayaan mo na at magmadali ka na lamang diyan. Wala tayong magagawa kung iyon ang trato ni Senior Fortalejo sa inyo ni Weiss sa ngayon. Umasa
ITO ANG alam niyang tama. Hindi niya kakayanin na mawala sa kaniya nang tuluyan si Aiha. Ginawa niya ang lahat para lang makarating sa lugar na ito. Bago sa kaniya ang paligid at hindi niya man lang alam kung makakalabas pa ba siya rito nang buhay. Tinuro lang sa kaniya ng ale sa daan kanina ang daan patungo kuno sa tinutuluyan nila Aiha ngayon. "Fuck the hell! Ano bang lugar ito?" tanong niya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nawawala siya. Napatitig na lang siya sa kaniyang puting damit na puno na ng putik. Katatapos lang kasi ng ulan kaya masyadong maputik ang daan. Nagtanong siya kanina sa daan kung makakapasok ba ang sasakyan sa loob pero pinagtawanan lang siya ng mga tao. He sighed. Napatingala siya. Para siyang maiiyak dahil sa takot na naramdaman niya.Kabaliktaran ng pagkatao niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hinamak nita talaga ang sarili niya para lang makita si Aiha at makasama itong muli. Hindi pa nakauwi galing sa Morocco si Cleint kaya si Joseph ang ginawa niy
HE WAS missing her so much. Gayunpaman ay hindi niya hinamak na makipagkita o magkaroon ng komunikasyon sa babae. Sa totoo lang, gusto niyang hagkan si Aiha pero tiniis niya ito. Ayaw niyang mapahamak ang babae. He knew that Aiha might get hurt even more if he will confront the Toresses. Handa na siya ngayon na tumungo sa Andromeda. Nagulat ang mga stakeholders ng kompanya dahil bigla na lang siyang nagpatawag ng meeting. Nang nalaman niya ang plano ng nga Torres ay agad siyang nakapagdesisyon na magpa-emergency meeting. Hindi niya hahayaan ang mga ito na maisakatuparan ang masama nilang balak. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang kotse kahit na nasa building na siya ng Andromeda. Kaniyang tinanod ang pagdating ng bawat stakeholders niya. He breathed heavily. Gusto niyang pakalmahin ang sarili niya. He was feeling deep anger towards the Torreses. Sa tingin niya nga kung hindi niya makontrol ang sarili niya ay masapak niya agad ang ama ni Kloudette. Pumitik ang ugat sa gilid ng ulo niy
NAGING SANDIGAN niya ang alak. Nakailang lata na siya ng beer habang naglalakad siya sa gitna ng maraming tao. Gabi na at mas dumami pa ang mga tao. Bakit ganoon? Alam niyang kasalanan niya dahil hindi niya inalam kung may sakit ba si Senior Fortalejo o wala. Pero parang sobra naman iyong ginawa ni Weiss at sinabi nito sa kaniya. Hindi siya manhid para hindi niya maramdaman na tuluyan na siyang pinaaalis ng lalaki sa buhay nito. Wala na siyang pinagkaiba sa mga manginginom sa kanilang lugar. Pagewang-gewang na siyang naglalakad ngayon at ang masahol pa ay hindi niya alam kung saan siya tutungo. Hindi niya maiwasan na masaktan. Nang gumawa siya ng isang hakbang ay pumatak ang luha niya. Nang sumunod niyang mga hakbang ay doon na tumodo ang pagpatak ng sandamakmak niyang mga luha.Gusto niya lang naman mailigtas ang lalaki at ang angkan nito mula sa kapahamakan pero pinaramdam ni Weiss sa kaniya na mali ang ginawa niya. Sinabihan pa siya ng lalaki na huwag nang makisali pa dahil probl
HE GULPED the drink from his cup. Inom sila nang inom ng Kuya Nigoel niya. Nakailang Jack Daniels na sila. Sa totoo ay medyo nahihilo na siya. "Basta ako, kahit na sino papakasalan mo ay susuportahan kita," sabi ng kapatid niya sa kaniya."Nasa loob ng kuwarto na iyan ang gusto kong pakasalan, Kuya," aniya at tinuro ang silid kung saan pumasok si Nigoel.Tumayo siya. Gusto niyang makatabi ngayon ang babae. Nagtatampo iyon sa kaniya dahil nagsinungaling siya rito. Inayos niya ang sarili niya. Susuyuin niya ang babae ngayon mismo. Ayaw niyang umabot pa bukas ang tampo na nararamdaman ng babae sa kaniya.Halos matumba siya pero nasalo siya ng kaniyang kapatid."Saan ka pupunta!?" Sumenyas siya na tutungo siya sa silid ni Aiha. Umiling ang kapatid niya pero wala itong nagawa dahil humiwalay na siya rito. Humakbang na ito papunta sa silid ni Aiha."Lorden Weiss, baka magising si oldman," anang Kuya Nigoel niya.Lumingon siya sa kaniyang kapatid. Nanliliit ang kaniyang mga mata patitig sa
PAGTINGIN NI Aiha sa loob ay nakita niyang dumaan si Mang Kanor kaya ay tinawag niya ito. "Manong Kanor!" tawag niya sa mama.Nakilala siya ng lalaki agad kaya ay tumungo sa gate si Mang Kanor. Tinaasan ni Aiha ng kilay ang bagong guwardiya na ayaw siyang papasukin dahil hindi raw siya kilala nito. "Kanor, hindi ko kasi kilala ang babaeng iyan kaya hindi ko siya pinagbuksan ng gate. Kanina pa niya ako kinukulit na papasukin ko raw siya. Sino ba ito?" tanong ng guwardiya.Huminga nang malalim si Aiha. Ngayon ay kay Mang Kanor na naman siya tumitig. Halos isang oras na siyang pinaghintay ng guwardiya. Sinabihan na nga niya ito kanina na tawagin si Weiss dahil kakilala niya ito pero hindi naniwala ang guwardiya. Lumabas na ang mga ugat niya kanina habang pinapaliwanag niya sa guwardiya ang katayuan niya sa kasal ni Weiss pero hindi pa rin siya pinapasok ng guwardiya. Ang rason nito ay walang sinabi sa kaniya ang mga amo niya na may darating na handler ng kasal."Mang Kanor, kanina pa a
ISANG BAGAY ang kumuha ng atensyon niya. Ito ay ang isang wallet na nasa upuan. Inabot niya ito at agad niyang nakita ang mukha ng ama ni Kloudette sa loob nito. "Nakakainis. Bibigyan ka pa nila ng obligasyon," reklamo niya at piniga pa niya ang pitaka.Nagmadali siyang lumabas sa bahay at agad siyang bumaba. Hinanap niya ang ama ni Kloudette pero hindi niya ito nakita. Tumawag siya sa security personnel at nagtanong siya tungkol sa taong nakasuot ng kulay black na suit. Sinabi nila sa kaniya na na nasa labas ito ng banyo sa ikalawang palapag. Nagduda siya kung ano ang ginawa ng lalaki sa lugar na iyon. Tumungo siya kung saan tinuro ng mga security personnel kung nasaan si Mister Torres. Didiretso sana siya pero nabitawan niya ang wallet kaya nahulog ito sa sahig."Ayaw ko na magkaroon ng bakas ang pinapatrabaho ko sa iyo. Dapat ay malinis mong gagawin ang trabaho mo nang sa ganoon ay walang magiging problema."Nalito si Aiha sa kaniyang narinig. Tiyak siya na boses iyon ng ama ni
SHE SLOWLY closed the door as she was ready to leave. Masama pa ang pakiramdam niya pero tiniis niya ito dahil parang ikamamatay niya kung mananatili lang siya sa loob ng unit niya na mag-isa.Maharan siyang lumakad patungo sa elevator. Sumakay siya at sumandal siyang nakahalukipkip. Hindi niya namalayan kung ilang beses na huminto ang elevator at ang tunig ng sapatos ng mga taong pumasok at nakisabay sa kaniya pababa dahil nakatitig lang siya sa screen ng kaniyang smartphone. She was waiting for Weiss' message. Tanga na kung tanga pero naghihintay talaga siya. Umaasa siya na kahit isang mensahe lang mula sa lalaking iyon ay may matatanggap siya. She was heading up to K Events building now. Hindi niya pa nakikita ang kompanya niya dahil nilaunch ito ni Marie mag-isa. Kahit ang opisina niya ay hindi niya pa rin nakikita sa personal. Kuwento ni Marie sa kaniya na ang building ay may apat na palapag. Nasa basement ang mga mananahi ng mga kurtina, table and chair clothes, damit na isusu
HER HEART was a half happy and a half bothered. Ang hirap ng sitwasyon nila ni Weiss. Kung tutuusin ay pagtataksil ito kay Kloudette. Napabuga na lamang siya ng mainit na hangin dahil sa nangyari. She slept with the who was to marry someone. Siya naman ang nauna pero hindi parin tama ang ginawa niya. Wala siyang nagawa dahil sa pagdominante ng puso niyang taksil sa katotohanan na mali ang ginagawa nila ni Weiss. Nakalabas na sa banyo si Weiss at tanging puting tuwalaya na lamang ang nakatabon sa pribadong katawan nito. The man walked to her way and he bowed to kiss her. Sinalubong niya ang halik ng lalaki. Weiss' lips tastes like heaven. Matamis ito at nakakaadik ang kalambutan nito. She was like kissing a marshmallow with a flavor of strawberries and a magic sugar. "Ughm," daing niya nang pinasok ng lalaki ang dila nito sa kaniyang bibig. Shit! Parang bawal na gamot ang lalaki at siya ang konsyumer na nalulong na rito. Umatras ang lalaki pero hinabol niya ito. Sinipsip niya ang la
HE SLOWLY opened his eyes. Umangat ang dulo ng mga labi niya nang matanto niya na nasa mga bisig niya pa rin si Aiha at natutulog nang mahimbing ang babae. Hinalikan niya ang ulo nito. The woman hugged him even more tighter. Pinikit niyang muli ang kaniyang mga mata. Alam niya na alas sais na at oras na para umuwi dahil kailangan niyang dumalaw sa ospital pero mas pinili niyang manatili muna sa ibabaw ng kama at yakapin ang babae. Pakiramdam niya ay nasa kalawakan siya at nakasakay sa mga ulap habang ang hangin ay marahan siyang pinapatulog muli dahil sa kalmado at puno ng pag-ibig na kapaligiran. "Fuck the hell," bulong niya nang lumipas pa ang ilang minuto.Ayaw niya pang umahon pero tigas na tigas ang mahaba niyang batuta dahil sa morning erection niya. Naiihi pa siya kaya ay marahan siyang humiwalay kay Aiha. Tumungo siya sa banyo at agad siyang umihi.Napabitaw siya nang hininga nang pumaibaba sa kaniyang alaga ang kaniyang pagsulyap. Kung ang iba ay namomroblema dahil maliit l