Share

Kabanata 3

last update Last Updated: 2022-12-15 16:05:41

MAGKAHALONG KABA at pananabik ang nararamdaman ni Aiha ngayon. Maaga siyang naligo at nag-ayos para naman ay maging prisentable siya kapag nakita siya ng kaniyang amo.

Hindi pa sumilip ang araw ay naka-abang na si Kanor sa tapat ng gate ni Sabel.

"Aiha, ang mga bilin ko sa iyo ay pakatandaan lagi. May tiwala ako sa iyo, Aiha. Alam ko na kakayanin mo kung ano man ang mga kahaharapin mo sa mansyon at sa buong Maynila!" anang Tiya Sabel niya.

Yumakap saglit si Aiha sa kaniyang tiya. "Iisipin ko po at hindi ko hahayaan na mapunta lang sa wala ang malaking oportunidad na ito, Tiya Sabel. Maraming salamat po!" aniya.

"Sige na! Umalis na kayo ni Kanor. Baka naghihintay na ang amo mo. Gusto ka raw makapanayam no’n," anang Sabel.

Ngumiti si Aiha at kumuway na lamang bilang hudyat na siya'y aalis na.  Nang nakalabas na siya mula sa residensiya ng kaniyang tiya ay tinulungan na siya ni Kanor na ipasok sa van ang mga dala niyang gamit.

"Maraming salamat, Manong Kanor," ani Aiha nang maka-upo na siya sa tabi ni Kanor.

Kinabit ni Aiha ang seatbelt sa kaniyang katawan.

"Handa ka na ba makita sa personal ang crush mo?" natatawang tanong ni Kanor.

"Alam mo,  Manong Kanor,  ang aga pa para tuksuhin mo ako. Kinakabahan kaya ako na makita siya. Hindi lang naman basta-bastang tao ang lalaking iyon. Isa siyang successful at famous bachelor sa bansa at maging sa ibayo," ani Aiha na halos lagutan na siya ng hininga.

"Akala ko ba ikaw na ang makapagpabago sa kaniya? Nabahag na ba ang buntot ni Kaihannah Kaguran?" mapanuksong tanong ni Kanor.

Ngumiti si Aiha sa kaniyang tiya na nakatingin pa rin sa kaniya kahit na sinisimulan ng lumayo ang kanilang sasakyan mula sa gate nito. Lumingon si Aiha sa kaniyang kausap. "Hindi naman sa ganoon! Pinag-aralan ko kasi ang background niya kagabi. Medyo puyat nga ako dahil doon. Parang hirap niya baguhin, Manong," aniya.

Napatawa na lamang si Kanor at niliko niya ang manibela ng kotse pakanan. "Ang sabi ng mga tao sa mansyon ay mabait raw siya sa kanila," ani'to.

"T-Talaga, Manong?" tanong niya kay Kanor.

"Sa kanila," diing paalala ni Kanor.

"Bakit, Manong? Masungit ba siya sa iyo?" usisa ni Aiha.

"Hindi naman. Mabait din siya sa akin." May pagmamayabang sa boses ng ginoo.

Humalukipkip si Aiha at dumiretso na lang siya ng tingin sa unahan. "Ano ba ang totoo, Manong? Mabait ba siya o hindi?" Naiinis na siya sa kausap niya.

"Eneng, lahat ng tao ay mabait kapag mabait ka sa kaniya. Kung masungit ka ay kasungitan din ang isusukli sa iyo," anang Kanor. "Nakakita ka na ba ng taong bumili gamit ang bente pesos na sinuklian ng bato?"

"Ng bato, Manong, ay wala pa. Pero kendi, aba'y marami na akong nakita!" pilyang tugon ni Aiha.

Tumawa pa lalo ang lalaki dahil sa sinabi ni Aiha. Mabuti na lang at mabait sa kaniya si Kanor. Kahit papaano ay lumalakas ang loob niya na harapin ang buong Maynila. Kasi nga'y nakaakay sa kaniya ang Tiya Sabel niya at ang kaniyang bagong kaibigan na si Kanor.

Marahil walang mabigat na trapiko kasi'y maaga pa lamang ay agad na nakarating sina Aiha at Kanor sa mansyon.

Kinusot-kusot ni Aiha ang kaniyang mga mata nang makita ang dambuhalang mansyon ng kaniyang amo.

"W-Wow! Totoo ba itong nakikita ko, Manong?" hindi makapaniwalang wika niya.

"Tara na sa loob at hinihintay ka na ng iyong amo," anang Kanor at hindi na nito sinagot ang dalaga.

Palinga-linga si Aiha sa buong paligid. Akala niya ay sa mga pantaserye niya lamang makikita ang magaganda't nagdadambuhalang bahay.

Tumigil siya sa kaniyang pagnilay-nilay nang bumukas ang pintuan. Napalunok na lamang siya nang makita ang loob ng mansyon.

"Kamote!" aniya. "Para akong nasa mundo ng mga dugong-bughaw! Ang ganda-ganda naman ng mansyon ni Sir Weiss," aniya.

Lumapit sa kaniya ang isang katulong na halos ka-edad lang ng kaniyang Tiya Sabel. Nginitian siya nito.

"Ito na ba ang pamangkin ni Maria Isabel?" tanong nito't tumingin kay Kanor.

"Oo, Manang Belen," tugon ni Kanor.

"Napakagandang bata naman nito!" pagpuri ni Belen kay Aiha. "Ako si Belen, eneng. Matalik akong kaibigan ng iyong Tiya Sabel," pagpakilala nito.

Ngumiti si Aiha. "Ako naman po si Kaihannah. Aiha na lang po. Ikinagagalak kong makilala kayo, Aling Belen. Maraming salamat po sa oportunidad na ito," aniya.

"Walang anuman, Eneng," masayang sabi ni Belen. "Tama na itong pagpakikilala natin sa isa't isa. Kanina pa naghihintay ang iyong amo sa taas," anang Belen.

Napalunok na lamang si Aiha nang marinig ang wika ni Belen. Bigla siyang nilamon ng kaba. Pakiramdam niya'y kakapusan siya ng hininga dahil sa palpitasyong nararamdaman niya.

"H-Ho?" walang-malay niyang sabi.

"Ang sabi ko'y tara na sa taas," anang Belen.

Lumingon si Aiha sa kaniyang Manong Kanor. Tila ba tinatanong niya kung bakit hindi humakbang ang lalaki.

"Hindi ako puwedeng umakyat sa taas kapag walang utos mula kay Sir Weiss. Kaya mo 'yan, Aiha!" anang lalaki.

Tumango na lang si Aiha at tinuon na ang pansin sa kanilang paglalakad ni Belen.

Wala pa sila sa kalagitnaan ng hagdan ay nahingal na siya. Kahit napakalamig sa buong mansyon ay pinagpawisan siya.

"Paano niyo po natitiis umakyat-panaog sa hagdan na ito? Parang tulay na po ito patungong langit," aniya. "Kanina pa tayo akyat ng akyat," anas pa niya.

"Masasanay ka rin, Eneng," anang Belen.

Napahawak na lamang sa pader si Aiha nang makarating sila sa taas. Huminga siya ng malalim. Hindi na lamang kaba ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito. Namayani rin ang pagod niya. Ang aga-aga pero hingal na siya ng hingal.

"Mainam na kalmahin mo ang iyong sarili. Punasan mo ang iyong mga pawis baka mapagalitan ka ni Sir Weiss," payo ni Belen sa kaniya. "Sabihan mo ako kapag handa ka na at kakatok na ako," imporma nito.

"S-Sige po!" Muling huminga ng malalim si Aiha. "Sasamahan niyo po ako sa loob?" tanong niya kay Belen.

"Hindi na. Bababa na ako kapag nakapasok ka na. Dadalhin ko pa sa silid mo ang mga gamit mo," ani'to. "Ano? Handa ka na?"

"Para akong maiihi, Aling Belen," aniya.

"Naku! Ikaw talagang bata ka! Kaya mo iyan. Ikaw pa!" anang Belen at kinatok ang pinto ng silid ni Weiss. "Aalis na ako ha," paalam nito.

"Aling Belen-!"

"Come in," ani ng baritonong boses mula sa loob.

Pumikit na lamang si Aiha. Kinumkom niya ang kaniyang kaliwang palad gamit ang kanan. Inangat niya ang mga kamay niya't hinalikan niya ang kaniyang hinlalaki.

"Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis....Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo."

Sana dinggin ng Santa Maria ang kaniyang dalangin. Pakiwari niya kasi'y nanlulumo siya't binubura ng baritonong boses na iyon ang kaniyang pag-iral.

HINDI YATA siya narinig noong taong nasa likod ng pinto nitong silid niya.

"Come in," pangalawang beses niya na itong pag-imporma.

Wala pa ring responde mula sa taong kumatok. He stood up because of the annoyance he felt. Ayaw niyang pinaghihintay siya. Ayaw niya rin sa taong nagtataingang-kawali.

Hawak na niya ang doorknob at inikot niya ito. He pulled the door to his way. Nakita niya ang isang babae na halos hanggang balikat niya lang ang tangkad. Nasa ilalim ng mga labi nito ang mga kamay habang may kung anong binubulong.

"You are Miss Kaguran. Aren't you!?" aniya.

Naatras ang babae nang binuksan nito ang kaniyang mga mata. Naawang ang mga labi ng babae. He noticed how the woman was stunned.

"S-Sir Weiss!? I-Ikaw po ba talaga ito!?" hindi makapaniwalang tanong ng babae. 

Kumunot ang kaniyang noo nang humakbang papalapit sa kaniya ang babae. Halos maduling siya noong hinawakan ni Aiha ang magkabilang pisngi niya.

"W-Wait! Ouch! Fuck the hell! Take your hands off of me," aniya't pilit na tinatanggal ang mga daliri ni Aiha na pinisil ang kaniyang mukha.

Napasapo siya sa kaniyang magkabilang pisngi. Tumakbo siya papalapit sa kaniyang lamesa at agad siyang bumuhos ng alkohol sa kaniyang mga palad. Kinalat niya sa mga palad niya ang alkohol at agad niya itong pinahid sa kaniyang mga pisngi.

Bumalik siya sa babaeng nanatiling nakatayo habang nakatitig ito sa kaniya. Maiinis ba siya o matatakot sa babae? Para kasing may masamang plano si Aiha sa kaniya.

"Hey! Ikaw ba si Aiha!?" tanong niyang muli sa babae.

Naalimpungatan ang babae at ngumiti ito. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Napayuko kasi ang babae sabay sabit ng buhok nito sa kaniyang tainga. Shit! Why he felt like this?

"Stop smiling! Will you?" inis niyang sabi sa dalaga.

Tinikom ng babae ang bibig niya.

"Kanina pa kita tinatanong! Are you Miss Kaguran!?" muli niyang tanong sa babae.

Tumikhim ang babae sabay ngiti.

"Oo, Sir Weiss, ako po si Kaihannah Kaguran," aniya.

Sinamaan niya ng tingin ang babae. Hindi ba marunong makiramdam ang babae? Halata naman na ayaw niya rito pero nanatili pa rin ang ngiti sa mga labi nito.

Tinitigan niya ang babae mula paa hanggang sa ulo nito. She expected the worse. But what he saw was above standard. Akala niya kapag taga-probinsiya ay hindi na marunong pumili ng mga damit na nababagay sa kanila.

"Why you didn't greet me?" Tinaas niya ang kaniyang kabilang kilay.

"You hate greetings. Bago pa lang ako rito sa mansyon kaya susunod ako sa mga patakaran mo. Pasensiya na lang ho sa nagawa ko kanina. Hindi ko kasi naiwasan na mamangha. Akala ko hindi ko makikita sa personal ang crush ko!" ani'to.

Naramdaman ni Weiss paano tumalon-talon ang kaniyang puso dahil sa tuwa. Alam naman niya na maraming nagkakandarapa at nagkagugusto sa kaniya. Kaso, itong si Kaihannah lang ang matapang na nagsabing crush siya nito.

"I'm real. Obviously, you're not dreaming! Pumasok ka na," aniya.

"Maraming salamat po," anang dalaga. "Kamoteng-kahoy!" diing sambit ng dalaga nang makita ang ganda ng buong paligid ng silid ni Weiss.

Lihim na natawa si Weiss dahil sa reaksiyon ng dalaga. This woman has something in her. Alam naman ni Weiss na mula sa probinsiya ang dalaga kaso hindi niya ito magawang pandirian ng lubusan. Nalilito siya sa marapat niyang maramdaman tungkol sa babae. Gusto niyang mandiri pero hindi naman nakadidiri ang babae. Gusto niyang hindi mandiri pero ayaw niyang tapakan ang pride at standard niya.

"Sit-down," aniya.

Sumunod naman ang babae "Salamat," anang Aiha.  Nakatitig si Weiss sa puting kamisetang suot ng dalaga. Medyo manipis ang tela nito kaya naman halos makita niya ang balat ng babae sa dibdib nito. Napalunok lang si Weiss dahil sa nakita niya. Ang lulusog naman ng dyoga nitong si Aiha. Hindi na nga magawang tumitig sa ibang direksiyon si Weiss.

"Hindi na ako magpaliligoy-ligoy pa, Miss Kaguran. For sure that they already mentioned you about your job. Gusto ko lang ulitin na weekends lang ang pahinga mo. Pero kapag may duty ako on Saturday o hindi naman kaya ay may pupuntahan ako ay isasama kita. You have 10,000 pesos allowance weekly. Ang sahod mo naman sa pagtatrabaho dito sa kuwarto ko at sa opisina ay didiretso sa iyong bank account, your salary is 15,000 pesos. If you do your job better, dadagdagan natin ang sahod mo," aniya't inangat niya ang titig sa mukha ng babae.

Bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa. "T-Talaga po? Ang laking halaga po para sa akin ang magiging allowance at sahod ko!" masayang sabi ng dalaga.

Hindi alam ni Weiss kung nagbibiro ang dalaga. Para kasi sa kaniya ay barya lang ang mga halagang binanggit niya. Pero pansin niya na tuwang-tuwa si Aiha habang pinakikinggan siya nito.

"Really!? Malaking halaga na iyan para sa iyo?" tanong niya sa dalaga.

"O-Oo po!" halos maiyak na tugon ni Aiha.

"About your school... Since Fortalejo University is offering Entrepreneurship, you will school there. Ihahatid-sundo ka ni Mang Kanor. Ang schedule ng klase mo ay 5-9PM! Klaro!?" tanong niya sa babae.

Tumango ang babae. "Opo, S-Sir Weiss!" masayang sabi nito.

Kumunot ang kaniyang noo. Pakiramdam niya ay sobrang tanda niya para po-in ng dalaga.

"Cut the 'po!'" aniya. "H-Hindi pa ako matanda!" angal niya.

"Trenta ka na po, Sir Weiss! Dapat lang na i-po kita! Isa pa amo kita kaya dapat lang na respetuhin kita," paliwanag ng babae.

"Ayaw ko nga na i-po mo ako!"

"E ano'ng gusto mo? Babe? Honey?" biro ng babae.

Napapikit si Weiss dahil sa suhestiyon ni Aiha. "I'm not kidding," aniya.

"E ano nga ang gusto mo?"

"Lord... Address me Lord," aniya.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang humagalpak ng tawa ang babae.

"Hindi ka Diyos! Isa lang ang Diyos na pinaniniwalaan ko at tatawagin kong Lord!" natatawang sabi ni Aiha.

"Do you think I'm kidding!?" aniya.

Biglang natahimik ang babae nang sinabi niya ang linyang iyon. Nababanas na kasi siya sa ugali ni Aiha.

"S-Sorry, My Lord," anang Aiha.

"Masyado kang komportable na kausapin ako. Malayo ka sa totoong probinsyana!" aniya.

Huminga ng malalim si Aiha. Mabuti na lang dahil natauhan na ang babae.

"H-Hindi na mauulit," ani'to.

"Better not! Pinagbigyan lang kita dahil bago ka pa lang dito. Later,  I will not going to tolerate your manner!" seryuso niyang saad.

Nawala ang sigla sa mukha ng dalaga. Para itong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya rito.

"S-Sorry ulit, My Lord," anang Aiha.

Hindi siya umimik. "You can leave now. Tatawag lang ako sa baba kapag may kailangan ako," aniya at agad na inikot ang kaniyang swivel chair.

"Aalis na ako, My Lord," anang Aiha.

Sa halip na tumugon ay minabuti niyang hablutin ang kaniyang smartphone mula sa kaniyang bulsa.

He breathed heavily. He did not hate Aiha. It's just he couldn't fake his feelings regarding province people. Admittedly, he found Aiha beautiful but he must always remind himself about the dirt of a province.

"M-My Lord!?"

Lumingon siya sa babaeng nagsalita. Tumayo ang balahibo niya nang makita ang pawisang mukha ni Aiha. Kanina pa kasi ginagalaw ni Aiha ang inside knob pero hindi niya ito maikot.

Tumayo siya. Lumapit siya kay Aiha subalit iniiwasan niyang makatitig siya sa pawisang mukha ni Aiha. He really hate sweats.

"You just have to push the push botton twice before you do it like this," he explained while performing it. Umawang ang pintuan, senyales na bumukas na ito.

"Salamat," anang babae sabay hawak sa kaniyang pulsuhan.

Ramdam niya paano tumayo ng tuluyan ang bawat balahibo niya sa buong parte ng kaniyang katawan. Hinawakan kasi siya ni Aiha at dama niya ang malagkit na pawis mula sa palad ng dalaga.

"Take your sweaty hands away!" sigaw niya.

Binawi ni Aiha ang mga kamay at tinago ang mga ito sa ibabang bahagi ng kaniyang likod.

"S-Sorry, M-My Lord," anang babae.

"Leave!" pasigaw niyang sabi sabay turo sa pintuang naka-awang na.

Hindi na nagsalita ang babae. Nagmadali itong lumabas.

Sumakit ang ulo ni Weiss dahil sa ginawa ni Aiha. Agad niyang tinungo ang kaniyang swivel chair. Kinuha niya ang alkohol at binuhusan niya ang kaniyang pulsuhan n hinawakan ni Aiha. 

"She's so dirty!" iritado niyang sabi.

At saka lamang niya hininto ang pagbuhos ng alkohol sa kniyang balat nang makaramdam siya ng hapdi.

Napasabunot sa buhok niya si Weiss dahil hindi maalis sa isip niya ang ginawa ni Aiha. Kahit na hinugasan niya ang kaniyang balat gamit ang alkohol ay pakiramdam niya'y nakadikit pa rin sa balat niya ang pawis ng babae.

"Fuck the hell!" muktal niya at tumayo agad.

Hindi siya nakontento sa pag-hugas ng alkohol. Pinuntirya niya ang kaniyang bathroom para maligo. Ang sagwa-sagwa para sa kaniya ang madiktan ng pawis ng ibang tao. He felt depressed.

Related chapters

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 4

    SINARADO NIYA ang pintuan at nanatili lamang siyang nakatayo pasandal sa pinto. Lubos ang kaniyang hiya marahil sa mga sinabi ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ang amo niya. Nagpasalamat lang naman siya kanina. Huminga siya ng malalim bago niya tinungo ang higaan niya. Niligaw niya ang tingin niya sa buong paligid. Sa bango at linis ng silid ay hindi mo aakalain na tulugan ito ng isang working student. Naisipan niyang tawagan ang kaniyang mga magulang. Kinuha niya ang kaniyang lumang keypad phone at dinial niya ang numero ng kaniyang Mamang Kanda. "Eneng! Kumusta na? Nandiyan ka na ba sa mansyon?" agad na tanong ng Mamang niya kay Aiha. "Oo, Mamang! Nandito na po ako sa mansyon," tugon nito. Inabot niya ang unan at at niyakap niya ito sabay higa patakilid. "Kumusta naman ang mansyon, Aiha!? Kumusta ang pakitungo nila sa iyo?" tanong ng kaniyang Mamang. "Okay naman ang mansyon. Pati ang mga butlers at mga katulong. Mababait sila. Ang problema lang ay ang amo

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 5

    ANG BILIS ng oras. Napatitig si Aiha sa kaniyang cellphone at nakita niya na ilang minuto na lamang at dadako na sa Alas Quattro. "Lord Weiss, akala ko ba aalis ka? Kanina pa natin nakita ang susi ng kotse mo. Tapos na rin po ako sa paglilinis ng kuwarto mo," anang Aiha. Parang walang narinig ang lalaking abala sa pagtutok sa screen ng laptop nito. Umirap na lang si Aiha. "Guwapo sana, kaso bingi," pamimintas niya sa kaniyang amo. Inangat ng lalaki ang titig nito sa kaniya. Biglang kinabahan si Aiha marahil sa titig na iyon ng kaniyang amo. "I heard you," maikling sabi ng amo niya. "Iyon naman pala, Lord Weiss. Bakit hindi ka sumasagot?" usisa niya. "Friends ba tayo? Belong ka ba sa family ko?" pambarang tanong ng amo niya. Ngumiti si Aiha at nilakasan niya ang loob niya para titigan sa mga mata ang kaniyang amo. Isang malagkit at mapagnasang titig ang binato niya sa kaniyang amo. "Hindi. Pero malay mo, ako pala ang future wife mo!?" Napailing na lang ang amo niya marahil sa

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 6

    UMUNAT SI Aiha. Minulat niya ang kaniyang mga mata. Umahon siya bigla at inayos ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim nang natauhan siya. Wala siya sa kaniyang silid. Nasa silid siya ng kaniyang amo."Kamote ka, Aiha!" anas niya. "Kapag malaman ito ng Mamang mo ay patay ka talaga. Bakit ka nakipag-inuman sa amo mo?" wika niyang mag-isa sa loob ng silid ng amo niya. Napakamot siya sa kaniyang ulo nang bigla siyang nakarinig ng pagkatok. Humakbang siya ng may pagdadalawang-isip papunta sa pintuan. Muling kumatok ang tao sa labas ng silid ni Weiss. "What the heck are you doing, Weiss!? Buksan mo ang pintuan! Bullshit, P're!" sigaw ng lalaki mula sa labas.Inisip niyang baka kaaway ng amo niya ang lalaki sa labas. Sa halip na buksan ang pintuan ay tumungo s'ya sa banyo. Kumatok siya ng kumatok. "Aya, is that you!?" pasigaw na tanong ng amo niya. "Oo, Lord Weiss.""Buti naman at gising ka na. Akala ko wala ka ng planong gumising pa," supladong sabi ng amo niya. "By the way, what

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 7

    TUWANG-TUWA si Aiha papasok sa mansion. Maya't maya kasi ay papasok na siya sa paaralan. Matagal-tagal na panahon na rin kasi ang lumipas noong huli niyang pagtapak sa paaralan. Panibagong yugto na rin ito ng kaniyang buhay. May makikilala siyang mga bagong tao na tiyak ay magiging kaibigan niya. "Aiha, nag-away na naman kayo?" tanong ni Aling Belen. "Hinahanap ka niyan kanina. Tapos pagdating niya ay galit na galit siya. Parang may sanib ng demonyo. Nagtago nga ang iba kanina dahil baka mapagbuntungan ng galit niya. Ano ba kasi ang nangyari?" usisa pa ng ginang. Huminga ng malalim si Aiha. Pakiwari niya ay wala naman talaga siyang ginawa sa amo niya. Sinabihan niya lang ito kanina na kung ayaw niya sa palengke edi umalis na siya."Pinilit niya akong mag-mall, Manang. Tapos nandiri pa siya sa palengke kanina. Sumuka siya ng sumuka dahil nakita niya ang sitwasyon ng mga trabahante roon. Nakakainis siya. Kung gusto niya sa malinis edi doon siya sa malinis. Ayaw ko sa mga metikuluso.

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 8

    NAWALA SA isip niya ang mga tao sa paligid. Alam niya naman na nagtatawanan sila dahil ito ang unang araw ng pasukan. Tulad ng pinlano ay pinagpatuloy ni Aiha ang kurso niyang may kaugnayan sa Entrepreneurship. Nakaupo siya sa unahan. Simula kasi noong elementarya siya ay gustung-gusto niya ang pag-upo sa harap. Mas marami kasi siyang natututuhan kumpara kung sa likod siya umuupo. Bukod dito ay ayaw ni Aiha ng maraming distruksiyon. Hindi rin siya masyadong matangkad na makita ang taong nagsasalita sa harapan at kung may nakasulat man sa pisara. "Miss?" dinig niyang tawag ng instructor nila. Nakatulala lang siya at iniisip ang sinabi ng lalaking 'yon. Bakit naman kasi siya magseselos? Hayop talaga siya! Hindi na tuloy alam ni Aiha kung ano ang gagawin niya. Ayaw niya ng distruksiyon pero kanina pa pala siya inalipin nito. Wala na siyang alam kun'di ang tumunganga. Ilang beses niya ng sinubukang alisin ang mga salitang sinabi ni Weiss pero nasawi lamang siya. Sa halip na maalis nga

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 9

    LUMALABAS LANG si Aiha sa kaniyang silid kapag alam niyang wala sa mansion ang kaniyang amo. At saka lang din siya maglilinis sa kwarto ng amo niya kapag nakaalis na ito. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ng amo niyang iyon. Isang malaking insulto para kay Aiha ang pagsabihan siya ng mga salitang hindi naman nararapat para sa kaniya. Pinagkaitan na nga siya ng kaibigan sa probinsiya, tapos pati rito ay kinokontrol din siya ng amo niya na makipag-kaibigan. Nagpapahatid si Aiha minsan sa Andromeda para linisin ang opisina ng amo niya, ginagawa niya rin ito kapag nasa mansion ang amo niya. Kapag pumapasok naman si Aiha ay hindi na siya nagpapahatid at sundo kay Weiss. Sa halip na ang amo niya ang maghahatid at sundo sa kaniya ay si Mang Kanor na. "Wala si Lord Weiss?" halos pabulong na tanong ni Aiha kay Aling Belen. Lumapit sa kaniya ang mayordoma. "Kumain ka na, Aiha. Ilang araw ka lang nagkakaganiyan pero nangangayayat ka na," sabi ng mayordoma at hindi sinagot ang tanong ni Aih

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 10

    INAARAL NI Aiha ang galaw ng kaniyang amo. Hindi kasi mapakali ang lalaki. Kanina ang sabi niya ay aayusin niya lang ang kaniyang suot upang makaalis na ito patungo sa trabaho. "Akala ko ay aalis ka?"Tumigil sa paglalakad ang amo niya at tinitigan siya nito. Umirap si Weiss na parang babae kaya ay halos matawa si Aiha. "Akala ko magtatrabaho ka? Malapit na kayang kumalahating araw, Lord Weiss.""Bakit ba gusto mo akong umalis, Aya?" Naningkit ang mga mata ng amo niya. Humakbang papalapit sa kaniya ang lalaki kaya ay tumayo na siya agad at hinablot niya ang kaniyang bag. "Lord Weiss, padaan po. Kung ayaw mong magtrabaho ay bahala ka. Pero, ako po? Gusto ko pong mag-aral," sabi ni Aiha sa kaniyang amo na nakaharang sa dadaanan niya. Tiningnan siya ni Weiss mula paa hanggang ulo at pabalik. Umismid si Aiha dahil sa titig ni Weiss. "Mamaya pang 4PM ang klase mo, Aya. Bakit ba nagmamadali ka?" walang emosyong tanong ng kaniyang amo. Umiling si Aiha at agad niyang iniwasan ang kaniy

    Last Updated : 2022-12-15
  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 11

    NASA PARK si Aiha. Tapos na ang proyekto nila ni Joseph. Gusto siyang isama ng kaibigan niya sa bahay nito subalit ay tumangggi siya. Gusto niya kasing mapag-isa. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya ay masyado nang marumi ang hanging nalalanghap niya sa tabi ni Weiss. Malinis sa katawan ang amo niya pero parang ang dumi na ng ugali nito. Napasinghap si Aiha habang dinuduyan-duyan niya ang sarili. Kinabit niya ang kaniyang earphones at agad na nagpatugtog. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Habang siya ay nakapikit ay bigla na lang tumigil ang duyan. Puwersang binuksan ni Aiha ang kaniyang mga mata at tumingala siya sa lalaking pumigil sa duyan. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng lalaki. Tumayo si Aiha at agad niyang hinarap ang amo niya. "Lumalanghap ng sariwang hangin. Kaso, bigla na lang naging amoy bulok ang hanging nalalanghap ko dahil nasa paligid pala ang masangsang na bagyo," sabi ni Aiha. Umalis siya at hindi na siya lumingon-ling

    Last Updated : 2022-12-15

Latest chapter

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Epilogo

    ITO ANG alam niyang tama. Hindi niya kakayanin na mawala sa kaniya nang tuluyan si Aiha. Ginawa niya ang lahat para lang makarating sa lugar na ito. Bago sa kaniya ang paligid at hindi niya man lang alam kung makakalabas pa ba siya rito nang buhay. Tinuro lang sa kaniya ng ale sa daan kanina ang daan patungo kuno sa tinutuluyan nila Aiha ngayon. "Fuck the hell! Ano bang lugar ito?" tanong niya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nawawala siya. Napatitig na lang siya sa kaniyang puting damit na puno na ng putik. Katatapos lang kasi ng ulan kaya masyadong maputik ang daan. Nagtanong siya kanina sa daan kung makakapasok ba ang sasakyan sa loob pero pinagtawanan lang siya ng mga tao. He sighed. Napatingala siya. Para siyang maiiyak dahil sa takot na naramdaman niya.Kabaliktaran ng pagkatao niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hinamak nita talaga ang sarili niya para lang makita si Aiha at makasama itong muli. Hindi pa nakauwi galing sa Morocco si Cleint kaya si Joseph ang ginawa niy

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 43

    HE WAS missing her so much. Gayunpaman ay hindi niya hinamak na makipagkita o magkaroon ng komunikasyon sa babae. Sa totoo lang, gusto niyang hagkan si Aiha pero tiniis niya ito. Ayaw niyang mapahamak ang babae. He knew that Aiha might get hurt even more if he will confront the Toresses. Handa na siya ngayon na tumungo sa Andromeda. Nagulat ang mga stakeholders ng kompanya dahil bigla na lang siyang nagpatawag ng meeting. Nang nalaman niya ang plano ng nga Torres ay agad siyang nakapagdesisyon na magpa-emergency meeting. Hindi niya hahayaan ang mga ito na maisakatuparan ang masama nilang balak. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang kotse kahit na nasa building na siya ng Andromeda. Kaniyang tinanod ang pagdating ng bawat stakeholders niya. He breathed heavily. Gusto niyang pakalmahin ang sarili niya. He was feeling deep anger towards the Torreses. Sa tingin niya nga kung hindi niya makontrol ang sarili niya ay masapak niya agad ang ama ni Kloudette. Pumitik ang ugat sa gilid ng ulo niy

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 42

    NAGING SANDIGAN niya ang alak. Nakailang lata na siya ng beer habang naglalakad siya sa gitna ng maraming tao. Gabi na at mas dumami pa ang mga tao. Bakit ganoon? Alam niyang kasalanan niya dahil hindi niya inalam kung may sakit ba si Senior Fortalejo o wala. Pero parang sobra naman iyong ginawa ni Weiss at sinabi nito sa kaniya. Hindi siya manhid para hindi niya maramdaman na tuluyan na siyang pinaaalis ng lalaki sa buhay nito. Wala na siyang pinagkaiba sa mga manginginom sa kanilang lugar. Pagewang-gewang na siyang naglalakad ngayon at ang masahol pa ay hindi niya alam kung saan siya tutungo. Hindi niya maiwasan na masaktan. Nang gumawa siya ng isang hakbang ay pumatak ang luha niya. Nang sumunod niyang mga hakbang ay doon na tumodo ang pagpatak ng sandamakmak niyang mga luha.Gusto niya lang naman mailigtas ang lalaki at ang angkan nito mula sa kapahamakan pero pinaramdam ni Weiss sa kaniya na mali ang ginawa niya. Sinabihan pa siya ng lalaki na huwag nang makisali pa dahil probl

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 41

    HE GULPED the drink from his cup. Inom sila nang inom ng Kuya Nigoel niya. Nakailang Jack Daniels na sila. Sa totoo ay medyo nahihilo na siya. "Basta ako, kahit na sino papakasalan mo ay susuportahan kita," sabi ng kapatid niya sa kaniya."Nasa loob ng kuwarto na iyan ang gusto kong pakasalan, Kuya," aniya at tinuro ang silid kung saan pumasok si Nigoel.Tumayo siya. Gusto niyang makatabi ngayon ang babae. Nagtatampo iyon sa kaniya dahil nagsinungaling siya rito. Inayos niya ang sarili niya. Susuyuin niya ang babae ngayon mismo. Ayaw niyang umabot pa bukas ang tampo na nararamdaman ng babae sa kaniya.Halos matumba siya pero nasalo siya ng kaniyang kapatid."Saan ka pupunta!?" Sumenyas siya na tutungo siya sa silid ni Aiha. Umiling ang kapatid niya pero wala itong nagawa dahil humiwalay na siya rito. Humakbang na ito papunta sa silid ni Aiha."Lorden Weiss, baka magising si oldman," anang Kuya Nigoel niya.Lumingon siya sa kaniyang kapatid. Nanliliit ang kaniyang mga mata patitig sa

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 40

    PAGTINGIN NI Aiha sa loob ay nakita niyang dumaan si Mang Kanor kaya ay tinawag niya ito. "Manong Kanor!" tawag niya sa mama.Nakilala siya ng lalaki agad kaya ay tumungo sa gate si Mang Kanor. Tinaasan ni Aiha ng kilay ang bagong guwardiya na ayaw siyang papasukin dahil hindi raw siya kilala nito. "Kanor, hindi ko kasi kilala ang babaeng iyan kaya hindi ko siya pinagbuksan ng gate. Kanina pa niya ako kinukulit na papasukin ko raw siya. Sino ba ito?" tanong ng guwardiya.Huminga nang malalim si Aiha. Ngayon ay kay Mang Kanor na naman siya tumitig. Halos isang oras na siyang pinaghintay ng guwardiya. Sinabihan na nga niya ito kanina na tawagin si Weiss dahil kakilala niya ito pero hindi naniwala ang guwardiya. Lumabas na ang mga ugat niya kanina habang pinapaliwanag niya sa guwardiya ang katayuan niya sa kasal ni Weiss pero hindi pa rin siya pinapasok ng guwardiya. Ang rason nito ay walang sinabi sa kaniya ang mga amo niya na may darating na handler ng kasal."Mang Kanor, kanina pa a

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 39

    ISANG BAGAY ang kumuha ng atensyon niya. Ito ay ang isang wallet na nasa upuan. Inabot niya ito at agad niyang nakita ang mukha ng ama ni Kloudette sa loob nito. "Nakakainis. Bibigyan ka pa nila ng obligasyon," reklamo niya at piniga pa niya ang pitaka.Nagmadali siyang lumabas sa bahay at agad siyang bumaba. Hinanap niya ang ama ni Kloudette pero hindi niya ito nakita. Tumawag siya sa security personnel at nagtanong siya tungkol sa taong nakasuot ng kulay black na suit. Sinabi nila sa kaniya na na nasa labas ito ng banyo sa ikalawang palapag. Nagduda siya kung ano ang ginawa ng lalaki sa lugar na iyon. Tumungo siya kung saan tinuro ng mga security personnel kung nasaan si Mister Torres. Didiretso sana siya pero nabitawan niya ang wallet kaya nahulog ito sa sahig."Ayaw ko na magkaroon ng bakas ang pinapatrabaho ko sa iyo. Dapat ay malinis mong gagawin ang trabaho mo nang sa ganoon ay walang magiging problema."Nalito si Aiha sa kaniyang narinig. Tiyak siya na boses iyon ng ama ni

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 38

    SHE SLOWLY closed the door as she was ready to leave. Masama pa ang pakiramdam niya pero tiniis niya ito dahil parang ikamamatay niya kung mananatili lang siya sa loob ng unit niya na mag-isa.Maharan siyang lumakad patungo sa elevator. Sumakay siya at sumandal siyang nakahalukipkip. Hindi niya namalayan kung ilang beses na huminto ang elevator at ang tunig ng sapatos ng mga taong pumasok at nakisabay sa kaniya pababa dahil nakatitig lang siya sa screen ng kaniyang smartphone. She was waiting for Weiss' message. Tanga na kung tanga pero naghihintay talaga siya. Umaasa siya na kahit isang mensahe lang mula sa lalaking iyon ay may matatanggap siya. She was heading up to K Events building now. Hindi niya pa nakikita ang kompanya niya dahil nilaunch ito ni Marie mag-isa. Kahit ang opisina niya ay hindi niya pa rin nakikita sa personal. Kuwento ni Marie sa kaniya na ang building ay may apat na palapag. Nasa basement ang mga mananahi ng mga kurtina, table and chair clothes, damit na isusu

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 37

    HER HEART was a half happy and a half bothered. Ang hirap ng sitwasyon nila ni Weiss. Kung tutuusin ay pagtataksil ito kay Kloudette. Napabuga na lamang siya ng mainit na hangin dahil sa nangyari. She slept with the who was to marry someone. Siya naman ang nauna pero hindi parin tama ang ginawa niya. Wala siyang nagawa dahil sa pagdominante ng puso niyang taksil sa katotohanan na mali ang ginagawa nila ni Weiss. Nakalabas na sa banyo si Weiss at tanging puting tuwalaya na lamang ang nakatabon sa pribadong katawan nito. The man walked to her way and he bowed to kiss her. Sinalubong niya ang halik ng lalaki. Weiss' lips tastes like heaven. Matamis ito at nakakaadik ang kalambutan nito. She was like kissing a marshmallow with a flavor of strawberries and a magic sugar. "Ughm," daing niya nang pinasok ng lalaki ang dila nito sa kaniyang bibig. Shit! Parang bawal na gamot ang lalaki at siya ang konsyumer na nalulong na rito. Umatras ang lalaki pero hinabol niya ito. Sinipsip niya ang la

  • Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo   Kabanata 36

    HE SLOWLY opened his eyes. Umangat ang dulo ng mga labi niya nang matanto niya na nasa mga bisig niya pa rin si Aiha at natutulog nang mahimbing ang babae. Hinalikan niya ang ulo nito. The woman hugged him even more tighter. Pinikit niyang muli ang kaniyang mga mata. Alam niya na alas sais na at oras na para umuwi dahil kailangan niyang dumalaw sa ospital pero mas pinili niyang manatili muna sa ibabaw ng kama at yakapin ang babae. Pakiramdam niya ay nasa kalawakan siya at nakasakay sa mga ulap habang ang hangin ay marahan siyang pinapatulog muli dahil sa kalmado at puno ng pag-ibig na kapaligiran. "Fuck the hell," bulong niya nang lumipas pa ang ilang minuto.Ayaw niya pang umahon pero tigas na tigas ang mahaba niyang batuta dahil sa morning erection niya. Naiihi pa siya kaya ay marahan siyang humiwalay kay Aiha. Tumungo siya sa banyo at agad siyang umihi.Napabitaw siya nang hininga nang pumaibaba sa kaniyang alaga ang kaniyang pagsulyap. Kung ang iba ay namomroblema dahil maliit l

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status