Home / Romance / ISADORA, THE BATTERED WIFE / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng ISADORA, THE BATTERED WIFE: Kabanata 1 - Kabanata 10

90 Kabanata

Chapter One

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyun mong iyan anak?" tanong ni Merced sa anak na dalaga."Opo, Mommy. Mahal ko po si Albert." Tumango ang dalaga sa ina bilang pagsang-ayun."Kung iyan ang gusto mo ay wala na kaming magagawa ng Papa mo. Pero nasabi mo na ba sa Kuya mo ang balak n'yo ni Albert?" muli ay tanong ng Ginang.Pero bago pa man makasagot ang dalaga ay naunahan na siya ng isa pang anak na babae."At bakit kailangan pa niyang magpaalam kay Kuya? Gusto na niyang mag-asawa 'di sumama na lang siya sa lalaking papakasalan niya." Aryana smirked."Aryana! Huwag kang ganyan sa kapatid mo! Bakit may narinig ka ba noong nag-asawa ka kahit hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo? Wala kaming tutol sa lahat ng ninanais ninyo dahil ayaw namin ng Papa ninyo na magrebelde ang isipan n'yo kaya kahit ayaw namin ay sumasang-ayon kami. Kaya huwag kang bastos at palalo sa kapatid mo, Aryana!" hindi napigilan ng Ginang ang pagtaas ng boses dahil sa inasal ng anak.Sa pag-aalalang baka mag-away ang kapa
last updateHuling Na-update : 2022-12-02
Magbasa pa

Chapter Two

"Kumusta na kaya ang anak natin?" naisipang itanong ni Along Merced. Isang gabi na namamahinga silang mag-asawa."Okay naman siguro asawa ko, hindi mo ba natawagan?" balik-tanong ng Ginoo."Ilang araw na iyong huli naming pag-uusap, asawa ko. Masaya man siyang nagkukuwento pero parang may lungkot sa boses niya." Tumagilid ang Ginang paharap sa asawa."Hindi naman siguro, asawa ko. Ikaw na rin ang nagsabing masaya siyang kausap mo, ibig sabihin ma okay lang siya. Kung gusto mo ay pasyalan natin siya sa lugar nila Albert, but it will takes time alam mo namang malayo din ang lugar nila, o di kaya'y ang manugang natin ang tawagan mo para mangumusta." Nakangiti namang suhestiyunni Mang Jun."Nakakahiya naman yatang disturbuhin natin ang manugang natin, asawa ko. Si Isadora na lang ang tatawagan kong muli." Napailing na pagsalungat ng Ginang. Hindi naman sa ayaw niyang tawagan ang manugang nila ngunit hindi siya kumportable.Gano'n na nga ang ginawa ng mag-asawa, ang kanilang anak ang tinaw
last updateHuling Na-update : 2022-12-02
Magbasa pa

Chapter Three

"Kumusta na po ang pakiramdam mo, Mommy?" masuyong tanong ni Isadora sa biyanang babae."Okey lang ako, anak. Si Albert dumating na ba?" tanong ng may sakit na si Adela."Wala pa po, Mommy. Pero baka parating na rin po siya. Bakit po may kailangan ka po ba, Mommy?" sagot ni Isadora. Subalit duda siyang makakauwi ng maaga ang kaniyang asawa. Palala ng palala ang ugali nito, lingid sa kaalaman ng mga biyanan niya ay minsan hindi umuuwi ang asawa niya. Kung dati ay resibo ang nakukuha sa damit nito'y ngayon hindi na dahil gamit na ng babae. Minsan nakakuha siya ng lipstick, minsan hikaw, at iba pa pero hindi ma niya inulit ang pagkastigo dahil hindi na lang sakal ang inaabot niya dito.Samantala, sa tahanan ng mga magulang niya."Ano bang nangyayari sa iyo, Aryana? Bakit nag-alsa ka na naman? Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo?" sita ni Aling Merced dito."Hindi na po ako uuwi doon, Mama. Dito na lang kami ng mga anak ko," sagot ni Aryana."Ano kamo? Dito na kayo? Hindi naman puwedi i
last updateHuling Na-update : 2022-12-02
Magbasa pa

Chapter Four

"F-Fred ikaw pala. Pasok ka." Nautal na pagpapasok ni Jun-Jun nang napagsino ang nasa labas ng apartment niya. "Kailangan ko na ang pera ko, Jun-Jun. May usapan tayo at nangako kang ibibigay mo sa takdang panahon, pero ano ang nangyari? Iniwasan mo ako, ngayon akin na ang pera ko," bagkus ay sabi ni Fred sa napakalamig na boses. Dahil dito ay hindi agad nakasagot ang binata. Kaya't muling nagsalita ang kaharap. Ang mabait niyang kaibigan noong mayroon pa siya ay naging mapang-insulto na. Ang boses nito ay punong-puno ng pang-aalipusta. "Walang pera 'diba? Sige nga, Jun-Jun, saan ka ngayon kukuha ng pera para bayaran ako? Huwag mong sabihing mangungutang ka sa iba upang may maipambayad ka sa akin? Sa akala mo ba ay papaniwalaan ka pa ng kapwa ko inutangan mo? Inuulit ko, Jun-Jun, akin na ang pera ko kung ayaw mong samain sa akin," anito na mas bumagsik pa ang mukha. Sa madaling salita ay talagang handang-handa itong pumatay. Subalit para mapagtakpan ang kabang dumadagundong sa kaniy
last updateHuling Na-update : 2022-12-12
Magbasa pa

Chapter Five

"Mamamatay tao ka, Albert! Pinatay mo ang magiging anak mo! Kriminal ka! Kriminal!" galit na sigaw ni Mang Noy.Kahit may sakit silang mag-asawa subalit hindi naging sagabal iyon nang narinig nila ang sigaw ng kanilang manugang. Pinilit nilang maka-akyat sa kuwarto ng mag-asawa kahit wala sana silang balak makialam lalo at usapang mag-asawa. Iyon nga lang ay halatang boses nang naghihingalo ang boses nito. Nadatnan nila ang walang-hiya nilang anak na nagbihihis samantalang walang malay si Isadora. Halatang wasak ang kasuutan at naliligo sa sariling dugo o mula sa kaselan dulot ng pagdurugo nito."Anong malay ko riyan, Daddy. Kinuha ko lang naman ang bahagi ko ah. At saka malay ko ba kung anak ko iyan eh may lalaki naman siya. Nadatnan ko nga silang magka-usap diyan sa bintana. Diyan na kayo late na ako sa lakad ko." Kibit-balikat ni Albert.Without hesitation, pinalagapak ni Aling Adela ang palad sa pisngi ng anak. Sa unang pagkakataon ay nasaktan niya ang anak. Ngunit wala siyang pin
last updateHuling Na-update : 2022-12-12
Magbasa pa

Chapter Six

"Mga hayop kayo! Ako ang pinagbibintangan mong may lalaki pero ikaw naman pala ang may gawain! Mga baboy!" malakas na sigaw ni Isadora.Without a warning, sinugod niya ang dalawa. Hinablot niya ang kaniyang kapatid na para bang papel. Wala namang ibang kalaguyo ng asawa niya kundi ang sarili niyang kapatid. At iyon ang nagbigay sa kaniya ng lakas sa kalooban niya upang hablutin ito na parang papel."Kaya pala galit na galit ka ng nalaman mong ikakasal kami ni Albert dati. Ako ang pinagbibintangan ninyong may kalaguyo pero kayong dalawa naman pala ang may ginagawang kababalaghan! Mga hayop kayo! Mga immoral kayong nilalang. Mga walang-hiya kayong dalawa! Dito pa talaga sa loob ng kuwarto naming mag-asawa!" sigaw pa rin niya.Kung tutuusin ay nasa stage of recovery pa lamang siya mula pagkakalaglag ng anak niya. Bawal ang ma-stress, bawal ang magalit lalong-lalo na kung mapupuwersa siya. Pero lahat ng iyon ay parang nawala sa isipan niya. Hindi niya sukat akalaing ang kapatid pa niya an
last updateHuling Na-update : 2022-12-12
Magbasa pa

Chapter Seven

"Ano ka ba naman, Aryana! Hindi ka na ba titigil sa pagbubunganga mo? Nakakairita ka na ah!" inis na sabi ni Albert sa asawa este sa kinakasama.Ang kapatid ng asawa niyang biglang naglaho ilang taon na ang nakalipas. Walang nakakaalam kung buhay pa ba ito o patay na. Ngunit wala naman sanang kaso iyon sa kaniya dahil ginusto rin naman niya. Kaso ang kasama niya sa kasalukuyan ay masyadong demanding at selosa. Masyado pa itong mapanghinala bagay na kinaiinisan niya."Hanggat hindi ka magtitino, Albert! Hinding-hindi ako titigil! Mukhang nakalimutan mo na yatang may pamilya kang tao? Oh, baka naman talagang gusto mong magpakabinata?" Aryana said in very suspicious way of talking."Ikaw kaya ang tumigil diyan, Aryana! Nakakasawa na ang bunganga mo ah! Imbes na makapahinga ang tao ay hindi na dahil sa pinaggaga-gawa mo!" malakas na sigaw ni Albert.Nakakarindi na talaga ang hayop niyang asawa! Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa. Mabuti sana kung matulungan siya nito sa pamamalakad sa k
last updateHuling Na-update : 2022-12-12
Magbasa pa

Chapter Eight

Sa pagdaan ng mga araw, kahit pa sabihing ilang taon na ang nakakalipas simula nang umalis siya ng Leyte ay may mga panahong dinadalaw pa rin siya ng bangungot sa kaniyang nakaraan. Hindi man niya matandaan kung ilang beses na siyang nagigising habang umiiyak, nananaginip kung paano siya ginagahasa ng asawa, kung paano siya sinasaktan, at higit sa lahat ay noong nadatnan niya sa ibabaw ng mismong kama nila ang kapatid at asawa niya na nagtatampisaw sa makamundong ligaya."Duncan, anak si Helena." Panggigising ni Clyde sa anak na natutulog.May edad na siya pero alerto pa rin ang isipan sa lahat ng bagay lalo na kung tungkol sa pamilya ang sangkot."Bakit po, Daddy? Ano ang nangyari?" nakapikit man subalit nagawa pa ring sumagot at nagtanong si Duncan.Akmang ibubuka pa lamang ni Clyde ang labi para ipaliwanag sa anak kung ano ang dahilan kung bakit niya ito ginigising pero muli niyang narinig ang pagsisigaw ni Helena."Mamatay tao ka! Mamatay ka! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya! P
last updateHuling Na-update : 2022-12-12
Magbasa pa

Chapter Nine

Sa 4C office, abala si Helena sa pagrereview sa mga papeles nang katukin siya ng secretary sa naturang kumpanya."Yes po, Ma'am? Any problem?" magalang niyang tanong dito."Si Ma'am talaga oo. Ako pa ang tinawag na Ma'am. Ikaw nga ang dapat kong tawagin sa paraan nang pagtawag mo sa akin. Siya nga pala, wala naman pong promlema. I'll just remind you about your meeting with Mr Martinez in Manila Hotel as well as Mr Espina in Bicol." Nakangiting nakangiti itong humarap sa kaniya."Thank, Miss Arlene. Ayan, hindi na Ma'am. But I prefer calling you Ma'am. Kasi lahat naman tayo ay tauhan dito," mapagpakumbaba niyang tugon."Alam mo, Ma'am, kahit tauhan ka rito ay ikaw pa rin ang manager namin. Kaya naman ay dapat lang na tawagin ka naming Ma'am. Siya, sige na po, Ma'am, babalik na ako sa table ko. Iwasan mo ang magpahuli dahil baka hindi ka makaabot doon. Advisable po ang plane Ma'am lalo at sa Bicol ang isa sa meeting mo." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis at bumalik sa lamesa.Hininta
last updateHuling Na-update : 2022-12-12
Magbasa pa

Chapter Ten

A necklace with heart shaped pendat with her name!Pero hindi iyon ang pumukaw sa atensiyon niya. She's speechless upon receiving a gift from him. Pinukaw nang nilalaman ng pendant ang atensiyon niya. Kaya't naitakip niya ang isang palad sa labi habang binabasa ang nakasulat sa nilalaman ng pendant."Happy birthday, Isadora. Mayay all your dreams come true. I miss you." A necklace with heartshape pendat, a birthday wishes lang naman ang nilalaman ng kahetang dinala sa kanya ng pangalawang ama. Dahil dito ay napaiyak siya. Siya ang mismong may kaarawan ngunit nakalimutan niya ang pinakaimportanteng bagay sa buhay niya. Samantalang ang mga taong nakapaligid ay hindi dahil sila pa ang nagpaalala sa kaniya.Subalit hindi pa siya nakahuma dahil sa natanggap na regalo mula sa binatang De Luna ay isa pang surpresa ang bumungad sa kaniya. Ang mga kasamahan niya sa trabaho ay nag-aawitan nang pagbati sa kaarawan niyang nakalimutan na.Nang igala niya ang kaniyang paningin ay napagtanto niyan
last updateHuling Na-update : 2022-12-12
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status