Share

ISADORA, THE BATTERED WIFE
ISADORA, THE BATTERED WIFE
Author: SHERYL FEE

Chapter One

Author: SHERYL FEE
last update Huling Na-update: 2022-12-02 03:52:08

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyun mong iyan anak?" tanong ni Merced sa anak na dalaga.

"Opo, Mommy. Mahal ko po si Albert." Tumango ang dalaga sa ina bilang pagsang-ayun.

"Kung iyan ang gusto mo ay wala na kaming magagawa ng Papa mo. Pero nasabi mo na ba sa Kuya mo ang balak n'yo ni Albert?" muli ay tanong ng Ginang.

Pero bago pa man makasagot ang dalaga ay naunahan na siya ng isa pang anak na babae.

"At bakit kailangan pa niyang magpaalam kay Kuya? Gusto na niyang mag-asawa 'di sumama na lang siya sa lalaking  papakasalan niya." Aryana smirked.

"Aryana! Huwag kang ganyan sa kapatid mo! Bakit may narinig ka ba noong nag-asawa ka kahit hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo? Wala kaming tutol sa lahat ng ninanais ninyo dahil ayaw namin ng Papa ninyo na magrebelde ang isipan n'yo kaya kahit ayaw namin ay sumasang-ayon kami. Kaya huwag kang bastos at palalo sa kapatid mo, Aryana!" hindi napigilan ng Ginang ang pagtaas ng boses dahil sa inasal ng anak.

Sa pag-aalalang baka mag-away ang kapatid at ina ay agad pumagitna si Isadora.

"Huwag ka na pong magalit, Mommy. Hayaan mo po at kakausapin ko si Kuya. And besides sabi naman ni Albert uuwi daw kami sa kanila pagtapos ng kasal namin. Doon na raw kami maninirahan." Hinawakan niya ang palad ng ina upang kalmahin ito. Ayaw niyang may nag-aaway dahil sa kaniya.

"Okay lang, Ate. Sana kapag nasa lugar na kami ni Albert ay alagaan mo sila Mommy at Papa although hindi naman sila imbalido." Binalingan niya ang kapatid saka ito kinausap ng maayos.

"Tsk! Kahit hindi mo sabihin iyan ay alam ko na iyan." Umirap pa ito sa kaniya.

Alam naman niyang hindi nito matanggap-tanggap na nasermunan dahil sa kaniya. Kahit alam niyang kasalanan nito. Pero hindi na niya ito pinatulan bagkus ay hinarap at h******n niya sa noo ang ina bago ito iniwan sa sala. Nang nakalayo na siya sa sala kung saan naroon ang kapatid at ina ay saka pa lamang niya pinakawalan ang malalim na paghinga.

"Diyos, ko sana gabayan at bigyan mo pa ako ng mas mahabang pasensiya at pang-unawa." Taimtim niyang dasal bago pumasok sa sariling kuwarto.

Hindi naman sila mayaman, pero hindi rin mahirap. They belong to the middle class family. May kaunting kabuhayan ang pamilya nila kaya kahit papaano'y nabubuhay sila ng maayos. Ang Papa nila'y isang company manager, samantalang ang Mommy nila'y isang Indiana na nakilala raw ng Papa niya noong pinadala ito sa India ng kumpanyang pinagtatrabahuan para sa meeting. Isa itong mananahi sa tailoring shop. Ang kapatid niyang lalaki ay nasa Maynila na kagaya ng Papa nila na nagtratrabaho, ang kapatid niyang si Aryana ay maagang nag-asawa. At siya fresh graduate sa college ng nakilala si Albert, kaibigan ng Kuya Jun-Jun niya.

Samantala sa tahanan ng mga Espina nalaman ng mag-asawang Noy at Adela ang tungkol sa planong pagpapakasal ng anak at ang nobya nito.

"Anong plano mo ngayon, anak?" tanong ng Ginang sa nag-iisang anak.

"What do you mean, Mommy?" balik-tanong ni Albert dahil wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang nais tukuyin ng ina.

"Anak, hindi naman kami tututol kung mag-aasawa ka na. Ang sa amin lang ng Mommy mo ay bakit sa iba pa namin ito nalalaman?" sa boses pa lamang ay halatang nagdaramdam na ito.

Dahil dito'y pumasok sa isipan ni Albert ang tungkol sa plano nila ng nobya. Wala naman siyang intensiyong ilihim ito sa mga magulang, ang nais lang naman niya ay ang mapasagot muna si Isadora na magpakasal na sila.

"Sorry naman po, Mommy, Daddy. Hindi ko naman intensiyun na ilihim ito sa inyo. Ang nais ko kasi ay  okay na ang  lahat bago ko ipagtatapat sa inyo. Totoo  po iyan, Mommy, Daddy. Napapayag ko na po ang nobya ko na magpakasal sa akin." Nakangiti niyang inamin sa mga magulang ang tungkol dito.

"Wala namang problema, anak. Nauunawaan ka namin, ang tanging hiling lang namin sa iyo ng Daddy mo ay pakamahalin mo sana ang nobya mo or should I say ang future bride mo. Hopefully and I'm praying na wala sanang maghahabol dito sa bahay and you know what I mean, Iho." aniyang muli ng Ginang.

Napangiti naman si Albert sa narinig. Kahit hindi sabihin ng kaniyang ina ang nasa isipan ay alam na niya ang ibig nitong tukuyin. Hindi lang isa o dalawa ang naghabol sa kaniya kundi lima pero wala siyang pinanindigan sa limang humabol. Dinaan ng mga magulang  niya sa pera ang lahat kaya walang lumabas na isyu.

"Yes, Mommy. Don't worry, I love my Isadora kaya huwag po kayong mag-alala ni Daddy. Nakatakda na po ang pamamanhikan natin sa kanila kaya maghanda-handa na po tayo." Pumagitna siya sa mga magulang saka umakbay sa kanila.

Hindi naman niya ipinagkakailang hindi lang si Isadora ang naging partner niya. Pero ang dalaga ang bukod tanging hindi pumayag  na magsiping muna sila bago ang kasal, at higit sa lahat ang natatanging hindi nagpakita ng motibo. Sa madaling salita, sa lahat ng nakarelasyun niya'y si Isadora lamang ang hindi niya naikama.

"Umaasa kami, anak, na sa pagkakataong ito ay matutupad mo na iyang salita mo. Hangad namin ng Mommy mo ang iyong kaligayahan. At ang tungkol sa pamamanhikan ay walang problema dahil nakatakda na ito. Kung anong petsa ang itinakda ninyo ni Isadora ay masusunod para mapag-usapan na rin natin ang kasal n'yo." Tinapik naman siya ng ama sa balikat bilang pagsang-ayun.

"Thank you, Daddy," tugon na lamang niya.

Napagkasunduan nila na luluwas silang lahat sa itinakdang araw para sa pamamanhikan at pag-uusapan ang kasal.

Sa kabilang banda, sa Manila kung saan nagtratrabaho si Jun-Jun.

"Mukhang naka-jackpot ka ngayon ah," pamumuna ng isa sa mga kaibigan niya

"Sinuwerte lang, Pare. Heto pang-inum ninyo at mauna na ako sa inyo." Tumigil siya sa harapan nito saka nakangiting bumunot ng pera sa bulsa.

"Aba'y hindi mo ba kami sasamahan, Pare? Salamat pala dito aba'y malaking halaga na rin ito," masayang wika ng lalaking inabutan niya ng pera.

"Inaantok na kasi ako, Pare.  Gusto ko munang magpahinga dahil may pasok pa ako sa trabaho mamayang hapon, kaya nais ko ring matulog. Huwag kayong mag-alala dahil sa susunod sasamahan ko na kayo, kilala n'yo naman ako pagdating sa bagay na iyan ay may isa akong salita. Sige na mga Pare, mauna na ako." Tumalikod na siya. Hindi na niya hinintay na makasagot sila.

Malaki-laking halaga din kasi ang napanalunan niya sa sugal kaya malaki rin ang naibigay niya sa mga ito. Alam naman niyang kaya lang nagiging mabait ang mga ito sa kaniya dahil alam nilang may makukuha sila.

"Mga mukhang pera!" Lihim siyang napangitngit dahil na rin sa naisip. Hindi na rin niya nilingon ang mga ito pagkatalikod niya dahil naiinis lang siya sa kaisipang pera lang niya ang habol nila sa kaniya.

Nang nawala naman ang binata sa paningin nila'y saka pa nagsalita ang ilan sa mga ito.

"Mukhang masuwerte ngayon ang gagong ito ah," ani ng isa.

"Masuwerte nga mayabang naman aba'y nanalo lang hindi na raw mag-iinum? Naku, huwag kayong maniwala riyan dahil siguradong may iinumin siya sa bahay niya at ayaw ipaalam sa atin." Umismid pa ang isa.

"Tsk! Tsk! Huwag nga kayong maingay, aba'y ayaw n'yo ba iyon may tagabigay ng pang-inum natin." Nakangiting pagpapatahimik ng lalaking inabutan ng pera ni Jun-Jun.

Dahil dito'y hindi na nila sinalungat ang tinuran ng is a. Totoo naman kasing hindi madamot sa pera si Jun-Jun lalo kapag may suwerte ito sa sugal.

As the days goes on, dahil sa planong pagpapakasal nina Isadora at Albert, tinupad nga ng huli ang pangakong pamamanhikan at naitakda ang kasal.

"Ang nais sana namin anak dito sa atin ang kasal ninyo. Ikaw ang babae kaya sana naman ah dito naisasagawa ang kasal," wika ni Aling Merced.

"Wala pong problema, Mommy. Kung iyan po ang nais n'yo ay dito po isasagawa ang kasal ganyan ko po kamahal si Isadora." Inakbayan naman ni Albert ang kasintahan.

"Tama naman ang anak namin, balae. Dapat lang na gaganapin ang kasal dito. Kung iniisip ninyong baka walang makakadalo mula sa angkan namin ay walang problema ang  mahalaga'y mabigyang basbas ang pagsasamaw nila," pahayag naman ni  Aling Adela na agad sinegundahan ng asawa.

"Totoo iyan mga balae at huwag n'yo silang isipin ang mahalaga'y nabubuhay ang mga bata ng marangal.  Kung dito ang kasalan walang problema dahil kami ang bibiyahe para lang masaksihan ang  kasal," anito.

"Maraming salamat sa pang-unawa at makakaasa kayo na magiging maayos ang kahihinatnan ng lahat." Nakangiting pasasalamat ni Mang Jun.

Hindi na rin napigilan ni Isadora ang hindi sumabad, hindi lang naman iyon ang o pagkakataong nakaharap niya ang mga magiging biyanan niya. Wala siyang masabi dahil nakikita at nararamdaman naman niyang mababait sila.

"Maraming-maraming salamat po, Mommy, Daddy dahil sa pang-unawa ninyo sa amin. Tatanawin ko po itong utang na loob," masaya niyang sabi. In her mind, sana ay huwag magbago kung ano ang nakikita niya ngayon sa mga ito.

"Alam mo naman, Honey. Wala akong hindi maibibigay sa iyo. Ganyan kita kamahal. At kung sino man ang mahal ko'y mahal na rin ng mga magulang ko and you're not other from them anymore." Inabot naman ni Albert ang palad ng kasintahan saka ito pinisil. Nais lang naman niyang iparamdam dito na senssro siya sa pagmamahal niya rito.

"Totoo iyan Isadora, anak. Kaya wala kang dapat ipagpasalamat dahil ngayon pa lamang ay welcome ka na sa aming pamilya," wika naman ng Ginang.

Dahil sa wala ng masabi ang dalaga ay yumakap na lamang siya sa Ginang bilang tugon.

"At dahil nag-iisa naming anak si Albert iha, we want the best wedding for you. Kung gastos ang iniisip ninyo huwag n'yo sanang masamain dahil kami na ang bahala sa lahat lalo at sa amin ang lalaki. Just be ready here and we will do the rest. At kung ano man ang kailangan dito ay huwag sana kayong magdalawang-isip na magsabi sa amin." Tumango-tango rin ang Ginoo.

"Salamat po, Daddy.  Okay na po ang may pinaghahawakan akong mag-asawa kami. Hindi naman po kailangan ang bonggang kasalan," muling sinubukan ni Isadora na salungatin ang bonggang kasal, pero hindi pumayag ang pamilya ni Albert sa gusto ng niya. They said they want the best wedding for their one and only child. Kaya sa huli wala na ring nagawa ang pamilya ni Isadora kundi ang sumang-ayun.

Pero sa isang sulok ng kanilang bahay, nandoon si Aryana na nakaupo, nakasilip sa kinaroroonan ng dalawang pamilya na nag-uusap para sa kasal nina Albert at Isadora.

"Buwisit ka talagang babae ka! Paepal ka! Mamatay ka na lang sanang hayop ka!" She's cursing. She's praying that her sister will banish. She hate her to the bones.

How she hate her sister at all! 

"Sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya, Isadora! Kung hindi magiging akin ang lalaking pinapangarap ko'y mas mabuting magdusa ka rin dahil sa pagsulot mo sa kanya. How I wish that you will gone! Buwesit kang babae ka!" She cursed more. 

She is cursing her sister, wishing to be vanished and never be seen after all.

Few months later...

"So paano na iyan, Pare? May tali ka na, ibig sabihin ay hindi ka na puweding gumala-gala kagaya namin." Nakangising panunukso ng isa sa katrabaho ni Albert na dumalo sa kasal.

"Hindi naman mahigpit si Misis, Pare. Kung sa social life natin puwedi pa pero kung ibang usapan na iyan aba'y natural lay low muna tayo, Pare," nakatawa rin siyang sagot.

They are on their wedding reception kaya maraming nakarinig sa  biruan ng dalawa.

"Okay lang naman iyon, Honey. Mga katrabaho mo sila at tama ka kailangan mo ring makipag-social life lalo at business ang pinag-uusapan," ani Isadora. Kailangan niyang suportahan ang asawa.

"See? I tell you, Pare. Hindi mahigpit ang Misis ko kaya huwag kayong mag-alala dahil tuloy ang kasiyahan natin. But for now let's enjoy my day, my wedding day." Hinarap namang muli si Albert sa mga kaopisina.

"And besides huwag munang social life ang iniisip ninyo mga Pare, kailangang makabuo muna sila ng replica nila kaya hayaan n'yo muna silang magpulot-gata." Pangangantiyaw pa ng isa sa mga abay kaya naman nagkatawanan silang magkakaibigan pati na rin ang mga nasa malapit na lamesa.

But again, in the other table out there, may isang nilalang na nagngingitngit habang nakatanaw sa mga bagong kasal.

"Sige magpakasaya kayo ngayon pero sisiguraduhin kong balang-araw ay magiging impeyerno ang buhay ninyong dalawa," the lady silently saying those words as she cursed and praying for the misfortune of the newlyweds.

Then the wedding goes on successfully..

Kaugnay na kabanata

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Two

    "Kumusta na kaya ang anak natin?" naisipang itanong ni Along Merced. Isang gabi na namamahinga silang mag-asawa."Okay naman siguro asawa ko, hindi mo ba natawagan?" balik-tanong ng Ginoo."Ilang araw na iyong huli naming pag-uusap, asawa ko. Masaya man siyang nagkukuwento pero parang may lungkot sa boses niya." Tumagilid ang Ginang paharap sa asawa."Hindi naman siguro, asawa ko. Ikaw na rin ang nagsabing masaya siyang kausap mo, ibig sabihin ma okay lang siya. Kung gusto mo ay pasyalan natin siya sa lugar nila Albert, but it will takes time alam mo namang malayo din ang lugar nila, o di kaya'y ang manugang natin ang tawagan mo para mangumusta." Nakangiti namang suhestiyunni Mang Jun."Nakakahiya naman yatang disturbuhin natin ang manugang natin, asawa ko. Si Isadora na lang ang tatawagan kong muli." Napailing na pagsalungat ng Ginang. Hindi naman sa ayaw niyang tawagan ang manugang nila ngunit hindi siya kumportable.Gano'n na nga ang ginawa ng mag-asawa, ang kanilang anak ang tinaw

    Huling Na-update : 2022-12-02
  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Three

    "Kumusta na po ang pakiramdam mo, Mommy?" masuyong tanong ni Isadora sa biyanang babae."Okey lang ako, anak. Si Albert dumating na ba?" tanong ng may sakit na si Adela."Wala pa po, Mommy. Pero baka parating na rin po siya. Bakit po may kailangan ka po ba, Mommy?" sagot ni Isadora. Subalit duda siyang makakauwi ng maaga ang kaniyang asawa. Palala ng palala ang ugali nito, lingid sa kaalaman ng mga biyanan niya ay minsan hindi umuuwi ang asawa niya. Kung dati ay resibo ang nakukuha sa damit nito'y ngayon hindi na dahil gamit na ng babae. Minsan nakakuha siya ng lipstick, minsan hikaw, at iba pa pero hindi ma niya inulit ang pagkastigo dahil hindi na lang sakal ang inaabot niya dito.Samantala, sa tahanan ng mga magulang niya."Ano bang nangyayari sa iyo, Aryana? Bakit nag-alsa ka na naman? Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo?" sita ni Aling Merced dito."Hindi na po ako uuwi doon, Mama. Dito na lang kami ng mga anak ko," sagot ni Aryana."Ano kamo? Dito na kayo? Hindi naman puwedi i

    Huling Na-update : 2022-12-02
  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Four

    "F-Fred ikaw pala. Pasok ka." Nautal na pagpapasok ni Jun-Jun nang napagsino ang nasa labas ng apartment niya. "Kailangan ko na ang pera ko, Jun-Jun. May usapan tayo at nangako kang ibibigay mo sa takdang panahon, pero ano ang nangyari? Iniwasan mo ako, ngayon akin na ang pera ko," bagkus ay sabi ni Fred sa napakalamig na boses. Dahil dito ay hindi agad nakasagot ang binata. Kaya't muling nagsalita ang kaharap. Ang mabait niyang kaibigan noong mayroon pa siya ay naging mapang-insulto na. Ang boses nito ay punong-puno ng pang-aalipusta. "Walang pera 'diba? Sige nga, Jun-Jun, saan ka ngayon kukuha ng pera para bayaran ako? Huwag mong sabihing mangungutang ka sa iba upang may maipambayad ka sa akin? Sa akala mo ba ay papaniwalaan ka pa ng kapwa ko inutangan mo? Inuulit ko, Jun-Jun, akin na ang pera ko kung ayaw mong samain sa akin," anito na mas bumagsik pa ang mukha. Sa madaling salita ay talagang handang-handa itong pumatay. Subalit para mapagtakpan ang kabang dumadagundong sa kaniy

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Five

    "Mamamatay tao ka, Albert! Pinatay mo ang magiging anak mo! Kriminal ka! Kriminal!" galit na sigaw ni Mang Noy.Kahit may sakit silang mag-asawa subalit hindi naging sagabal iyon nang narinig nila ang sigaw ng kanilang manugang. Pinilit nilang maka-akyat sa kuwarto ng mag-asawa kahit wala sana silang balak makialam lalo at usapang mag-asawa. Iyon nga lang ay halatang boses nang naghihingalo ang boses nito. Nadatnan nila ang walang-hiya nilang anak na nagbihihis samantalang walang malay si Isadora. Halatang wasak ang kasuutan at naliligo sa sariling dugo o mula sa kaselan dulot ng pagdurugo nito."Anong malay ko riyan, Daddy. Kinuha ko lang naman ang bahagi ko ah. At saka malay ko ba kung anak ko iyan eh may lalaki naman siya. Nadatnan ko nga silang magka-usap diyan sa bintana. Diyan na kayo late na ako sa lakad ko." Kibit-balikat ni Albert.Without hesitation, pinalagapak ni Aling Adela ang palad sa pisngi ng anak. Sa unang pagkakataon ay nasaktan niya ang anak. Ngunit wala siyang pin

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Six

    "Mga hayop kayo! Ako ang pinagbibintangan mong may lalaki pero ikaw naman pala ang may gawain! Mga baboy!" malakas na sigaw ni Isadora.Without a warning, sinugod niya ang dalawa. Hinablot niya ang kaniyang kapatid na para bang papel. Wala namang ibang kalaguyo ng asawa niya kundi ang sarili niyang kapatid. At iyon ang nagbigay sa kaniya ng lakas sa kalooban niya upang hablutin ito na parang papel."Kaya pala galit na galit ka ng nalaman mong ikakasal kami ni Albert dati. Ako ang pinagbibintangan ninyong may kalaguyo pero kayong dalawa naman pala ang may ginagawang kababalaghan! Mga hayop kayo! Mga immoral kayong nilalang. Mga walang-hiya kayong dalawa! Dito pa talaga sa loob ng kuwarto naming mag-asawa!" sigaw pa rin niya.Kung tutuusin ay nasa stage of recovery pa lamang siya mula pagkakalaglag ng anak niya. Bawal ang ma-stress, bawal ang magalit lalong-lalo na kung mapupuwersa siya. Pero lahat ng iyon ay parang nawala sa isipan niya. Hindi niya sukat akalaing ang kapatid pa niya an

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Seven

    "Ano ka ba naman, Aryana! Hindi ka na ba titigil sa pagbubunganga mo? Nakakairita ka na ah!" inis na sabi ni Albert sa asawa este sa kinakasama.Ang kapatid ng asawa niyang biglang naglaho ilang taon na ang nakalipas. Walang nakakaalam kung buhay pa ba ito o patay na. Ngunit wala naman sanang kaso iyon sa kaniya dahil ginusto rin naman niya. Kaso ang kasama niya sa kasalukuyan ay masyadong demanding at selosa. Masyado pa itong mapanghinala bagay na kinaiinisan niya."Hanggat hindi ka magtitino, Albert! Hinding-hindi ako titigil! Mukhang nakalimutan mo na yatang may pamilya kang tao? Oh, baka naman talagang gusto mong magpakabinata?" Aryana said in very suspicious way of talking."Ikaw kaya ang tumigil diyan, Aryana! Nakakasawa na ang bunganga mo ah! Imbes na makapahinga ang tao ay hindi na dahil sa pinaggaga-gawa mo!" malakas na sigaw ni Albert.Nakakarindi na talaga ang hayop niyang asawa! Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa. Mabuti sana kung matulungan siya nito sa pamamalakad sa k

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eight

    Sa pagdaan ng mga araw, kahit pa sabihing ilang taon na ang nakakalipas simula nang umalis siya ng Leyte ay may mga panahong dinadalaw pa rin siya ng bangungot sa kaniyang nakaraan. Hindi man niya matandaan kung ilang beses na siyang nagigising habang umiiyak, nananaginip kung paano siya ginagahasa ng asawa, kung paano siya sinasaktan, at higit sa lahat ay noong nadatnan niya sa ibabaw ng mismong kama nila ang kapatid at asawa niya na nagtatampisaw sa makamundong ligaya."Duncan, anak si Helena." Panggigising ni Clyde sa anak na natutulog.May edad na siya pero alerto pa rin ang isipan sa lahat ng bagay lalo na kung tungkol sa pamilya ang sangkot."Bakit po, Daddy? Ano ang nangyari?" nakapikit man subalit nagawa pa ring sumagot at nagtanong si Duncan.Akmang ibubuka pa lamang ni Clyde ang labi para ipaliwanag sa anak kung ano ang dahilan kung bakit niya ito ginigising pero muli niyang narinig ang pagsisigaw ni Helena."Mamatay tao ka! Mamatay ka! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya! P

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Nine

    Sa 4C office, abala si Helena sa pagrereview sa mga papeles nang katukin siya ng secretary sa naturang kumpanya."Yes po, Ma'am? Any problem?" magalang niyang tanong dito."Si Ma'am talaga oo. Ako pa ang tinawag na Ma'am. Ikaw nga ang dapat kong tawagin sa paraan nang pagtawag mo sa akin. Siya nga pala, wala naman pong promlema. I'll just remind you about your meeting with Mr Martinez in Manila Hotel as well as Mr Espina in Bicol." Nakangiting nakangiti itong humarap sa kaniya."Thank, Miss Arlene. Ayan, hindi na Ma'am. But I prefer calling you Ma'am. Kasi lahat naman tayo ay tauhan dito," mapagpakumbaba niyang tugon."Alam mo, Ma'am, kahit tauhan ka rito ay ikaw pa rin ang manager namin. Kaya naman ay dapat lang na tawagin ka naming Ma'am. Siya, sige na po, Ma'am, babalik na ako sa table ko. Iwasan mo ang magpahuli dahil baka hindi ka makaabot doon. Advisable po ang plane Ma'am lalo at sa Bicol ang isa sa meeting mo." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis at bumalik sa lamesa.Hininta

    Huling Na-update : 2022-12-12

Pinakabagong kabanata

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   FINAL CHAPTER

    Many years later..."Ano ba, bilisan mo! Dinaig mo pa si miming na laging buntis. Ano ba iyan!""Anak ng diyaheng babaeng ito. Anong akala mo sa akin, pusa? Saan ka ba ipinaglihi ng Mama mo at lagi kang nakasigaw? Aba'y mas mainam na ang nag-iingat kaysa laging disgrasya ang naidudulot ng pagmamadali.""Ang sabihin mo ay inatake ka na naman ng kabaklahan mo, Liam! Aba'y kung hindi ka nababakla ay mas mabilis ka pa sanang kumilos kaysa sa akin!""Hoy, Kylie Rose Brielle Gomez De Luna! Sa tinis ng boses mo ay dinig na dinig hanggang gate. Ah, mali hanggang kalsada. Baka akalain nilang totoo ang sinasabi mong babae ka. Saan ka ba kasi pupunta at makautos ka ay wagas?""Kung hindi ka totoong bakla ay samahan mo ako sa Ma--- basta! Samahan mo ako sa labas. Dahil kung hindi ay muli akong haharang sa lintang kapit nang kapit sa iyo.""Kita mong babae ka! Ikaw na nga ang may kailangan ay ikaw pa ang may ganang manakot. Isumbong kaya kita kina Uncle Kyle at Auntie Juliette. Kasalanan mo kung w

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Nine

    Few years later..."Sa wakas ay nagwakas din ang pagbabangayan ng aso at pusa. Well, ano kaya ang sasabihin ko..." Imbes na batiin ng magkakapatid ang isa pa nilang kapatid na muling ikinasal ay kinantiyawan pa."Twin brother, aba'y madali lang iyan. Humayo kayong dalawa at inyong dagdagan si Liam. Dahil hindi na baby talk ang salita at naghahanap na ng kapatid." Panggagatong pa ni Gabrielle Brix sa kambal na si Kyle Brielle.Kaya naman ay napatingin ang groom sa kambal niya. Dahil sa hitsura pa lamang nito ay talagang may balak din itong gatungan ang mga kapatid nila. Ay hindi nga siya nagkamali dahil bago pa lamang niya maibuka ang labi ay nagsalita na ito."Grade school na si Liam, twin brother. Malinaw na rin ang pananalita niya. Hmmm, even my own child is growing so fast. Aba'y huwag mong sabihing mali ang sinabi nina Kuya KB at GB? Well, kung ako sa iyo ay tumakas na kayo ni hipag Shantal. At magparami ng lahi. By the way, heto na ang regalo naming tatlo, I mean our brothers. Ro

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Eight

    "Mom! Dad! Where are you?!" ang boses na gumulantang sa buong kabahayan.Paanong hindi sila magugulat bukod sa may kalaliman na ang gabi ay dinaig pa ang boses ng commander in chief na kasalukuyang nagbibigay ng parusa sa mga nahuling iskalawag. At dahil sa gulat ay agad-agad ding lumabas ang mag-asawang Duncan at Isadora."Hey, man! Have you gone mad? What's on that screaming in the middle of the night? If you are not sleepy, just go quietly in your room and stay there alone not to wake up everyone," agad na saad ni Duncan.Kaso ang bagong dating ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Hindi rin pinansin ang paninita ng ama."Did you sent me in that place purposely, Dad, Mom?" tanong nito saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga magulang."Aba'y maari mo namang itanong iyan sa amin ng Daddy mo bukas ng umaga. O, 'di naman kaya ay sa taas mo kami sinugod at doon nagtanong. Hindi ang bulabugin mo ang lahat." Nakatawa at nakailing ang Ginang dahil sa tanong ng anak."Sa reaksyon mo, Mommy

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Seven

    One year later..."At sino ka namang herodes kang nakahararang sa dinaraanan ko?! Kapag ang batang iyan ay nakalabas sa gate ay ikaw ang ipasagasa ko sa kaniyang ama!" galit na saad ni Shantal patunay lamang ang lakas ng boses."Ako ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan babae ka! Ano ang ginagawa mo rito? Siguro may masama kang binabalak sa anak ko ano?!" ganting-sigaw ni Owen Liam."Aba'h! Aba'h! Kung pagbibintangan mo lamang ako ay maari ka nang umalis ngayon din! Aba'y sa akin na nga nila ipinagkatiwala ang bubwit na iyan ay ikaw pa ang may ganang manigaw at magparatang! Malay ko ba kung ikaw talaga ang ama niya! Baka naman balak mo siyang kidnapin? Kung ganoon ay lumayas ka sa harapan ko dahil kahit lalaki ka ay kaya kitang pitikin!""Teka lang---""Teka lang ang mukha mo! Oh, alam ko na! Ikaw iyong kapatid ng asawa ni Doktora---tama! Bakit ngayon ko lang naalala. Tama nga naman ikaw si Owen Liam De Luna!"Ayon! Ang newest version ng Tom and Jerry ay nagsimula na namang magb

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Six

    "Damn that man! Let's go!" Sa galit ay biglang napatayo si Duncan. Ngunit dahil nasa pagamutan ay agad naharang ng mga anak."Daddy, hayaan mo na ang youngsters na kumilos. Si insan General na ang bahala sa hayop na Major Kernel na iyon. Dahil kung kikilos tayo as family ay revenge ang tawag doon. Ngunit kung si General ay hindi kundi military disciplines---""Tsk! Tsk! Mali ang ginamit mong salita, kambal. Military action kamo or punishment for being a greedy traitor." Nakangising pamumutol ni Ian Jeremiah sa kambal na humarang sa amang namumula sa galit.Tuloy! Ang pasyente nilang sightless ay napahagikhik. Kahit hindi ito nakakakita ay nauunawaan naman ang usapan. Kaya't hindi nila ito masisisi kung nakitawa sa kanilang harutan.Kaso!"Daddy! Kylie Rose Brielle is here!" Bigla na ngang bumukas ang private room door ay tumili pa ang maglimang taong gulang na bata."Grabe naman ang energy mo, baby girl. Did you sleep well with your Mama Elizza?" masayang salubong ni Isadora sa apo.

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Five

    ACCIDENT, SHADOW AND ISKALAWAG"Huwag, anak. Huwag mong gawin iyan. Dahil oras na gamitin mo ang pagiging general mo upang gantihan ang nagkasala ay wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila!" Mariing pagsalungat ni Duncan sa pamangking si Prince Tommy nang ipinahayag nitong tanggalin sa trabaho ang mga suspek sa pagka-ambushed ng anak niyang si Kyle Brielle."I'm sorry to tell you these words too, bayaw. Ngunit hanggang sa huli ay makatao ka pa rin. I mean it, bayaw. Anak mo ang agrabyado ngunit si Tommy pa rin ang iniisip mo," ani Allick Francisco sa pinsan ng mahal na asawa."Wala naman kasing mangyayari kung pananaigin natin ang galit, bro. Tama, bilang magulang ni Kyle Brielle ay masakit at shocking news ang nangyari sa kaniya samantalang hindi naman siya pala-away na tao. Ngunit kagaya nang sinabi ng asawa ko ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga suspek kung gantihan natin sila kagaya nang ginawa sa atin. Instead, gawin nating legal. Advantage na rin nating si Prince Tommy ang genera

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Four

    "Why you people are following my Boss?" tanong ng lalaking humarang sa magkakapatid."Ha? Sigurado ka? Aba'y public cemetery ito ah...!" Taas-kilay ding hinarap ni Ian Jeremiah ang humarang sa kanila."I know and I am aware of it. And I also know that you are not here to visit any grave. Since you entered this place you directly came here," anitong muli."Alam mo naman pala eh! Tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin. Mali ka dahil pumarito kami upang dalawin ang Mommy ng pamangkin ko!" singhal na rin ni Owen Liam.Hindi naman sa hindi siya marunong mag-english dahil mas mataas pa ang grado niya sa English kaysa Filipino. Ngunit naaalibadbaran siya sa pagkakataong iyon. Aba'y English ito nang English samantalang tagalog naman sila."Bro, ako ang ama ni Kylie Rose Brielle Gomez De Luna. At tama ang mga kapatid ko, nandito kami upang dalawin ang puntod ng Mommy niya. Huwag kang mag-alala dahil mga propesyonal kaming kausap." Alam niyang nawawalan na ng pasensiya ang mga hapatid niya kay

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Three

    "Huwag n'yong sabihing excluded ako sa misyong binabalak ninyo?" tanong ng tinig na nagmula sa kanilang likuran."Kuya!""Kambal!"Sabayan nilang sambit saka patakbong lumapit dito. Saka mag-unahan sanang yayakap kaso pabiro rin itong tumakbo sa hagdan upang aakyat sana sa ikalawang palapag ng kabahayan."Wait for your turns, my dear brothers. Dahil ako ay yayakap muna kina Mommy at Daddy," saad pa nito.Kaya naman ay nagkatinginan silang tatlo. At bago nito mahulaan ang nais nilang sabihin ay tinawid na rin nila ang pagitan saka ito hinila pabalik sa upuan."Tsk! Tsk! Huwag kang mag-isip na nasa alapaap ka, brother. Dahil alam mo namang sa ganitong oras ay tulog na sina Mommy at Daddy with my beloved kid," nakangising ani KB."Kami na muna ang makibalita sa iyo, Kuya. Alright, ano may nabuo na ba?" mapang-asar ding saad ni Ian Jeremiah.Kaso sa tinuran nito ay agad na sinapak ng kambal."Tsk! Tsk! Ano'ng akala mo sa bagay na iyan, kambal? Porke't nagpulot-gata na sila ay nakabuo agad

  • ISADORA, THE BATTERED WIFE   Chapter Eighty Two

    ***"Magandang gabi po, Tita. Maari ko po bang makita si Kylie Rose?" tanong ng bagong dating na babae."Same to you, Hija. Bago ko sagutin ang tanong mo ay magtatanong din ako. Sino ka ba? Bakit mo kilala si baby Kylie? Paano mo nalamang nandito siya sa pagamutan?" sunod-sunod ding tanong ng Ginang."Sure, Tita. At sasagutin ko po ang lahat ng mga iyan. Juliette Joyce Cordova ang pangalan ko. Nakadaupang-palad ko ang mag-amang Kyle Brielle at Kylie Rose sa park few months ago. Ngunit matagal ko ng kilala si KB dahil kamag-aral ko sila ng kambal niya noong nasa sekondarya pa lamang kami. Subalit naghiwalay ng landas noong nagtungo ako sa UK at doon nagpatuloy sa pag-aaral. And accidentally few months ago I met him and his daughter. Nalaman kong nandito ang anak niya dahil ako ang general pediatrician dito sa hospital. Kaya ko nalaman ang room number ninyo ay nakita ko ang admission papers ni Kylie Rose," mahaba-habang pahayag ng dalagang doktora.Natigilan si Isadora dahil sa naging p

DMCA.com Protection Status