Home / Romance / ISADORA, THE BATTERED WIFE / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of ISADORA, THE BATTERED WIFE: Chapter 21 - Chapter 30

90 Chapters

CHAPTER TWENTY-ONE

Sa hindi malamang dahilan ay nahulog ang frame na nakasabit sa dingding. Kaya naman ay hindi napigilan ni Aling Merced ang napaantada kasabay nang paglapit sa mga apo."Ano ang nangyari mga apo?" maang niyang tanong sa mga ito."Hindi po namin alam, Lola. Basta na lamang po iyang nahulog. Diba sabi mo ay si Tito Jun-Jun iyan? Saka sabi po nila kapag ganyan daw po na biglang may nahulog ay mayroong masamang mangyayari o 'di naman ay pangitain," pahayag ng panganay na apo."Diyos ko, huwag naman sana." Muli ay napaantada ang Ginang saka nagmadaling tinungo ang kinaroroonan ng walis at dust pan upang linisin ang bubog. Subalit ang nasa isipan niya ay ang panganay na anak. Malaki ang kasalanan nito sa kanilang pamilya pero kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit dito. Dahil kahit ano pa ang mangyari, kahit bali-baliktarin man nila ang mundo ay sa kaniya pa rin ito nanggaling. Kaya't labis pa rin ang pag-aalala niya sa tuwing may mga naririnig at napapanood na balita.SAMANTALA, dahil n
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENTY-TWO

Few days later"Hon, itigil mo," utos ni Isadora sa asawa."Ang alin, hon?" Wala siyang kaalam-alam kung ano ang tukuyin ng asawa kaya't imbes na sagutin ito ay tinanong.And yes, they are officially couples. They got the blessings from a lawyer. Dahil tama naman ang mga nakapaligid sa kanilang dalawa. Sa imahe ng ibang tao ay hindi magandang tingnan lalo at nakatira sila sa iisang bubong. Kahit pa sabihing hindi sila natutulog sa iisang silid. Kaya't kumuha sila ng lisensiya bilang mag-asawa habang hinihintay ang babang-luksa ng kapatid at dating asawa ni Isadora.Kung tutuusin ay kayang-kaya naman nilang bumili ng ticket for air buses. Pero mas gusto nilang mag-land transport. Dahil ang rason nila ay kaya pa naman nila ang magdrive kahit malayuan."Ikaw, honey, batukan kaya kita. Ano pa ba kundi ang sasakyan patigilin mo. Alangan namang ang pagmamahal mo sa akin." Nakangiwing irap ni Isadora."Liwanagin mo kasi, hon. I'll never stop loving you of course. Ano'ng mayroon, bakit mo ako
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENTY-THREE

"KUMUSTA ka na anak? Diyos ko, saan ka ba galing at ganyan ang hitsura mo?" may luha sa matang tanong ni Aling Merced sa panganay na anak."Mahabang kuwento, Mama, pero maari po ba kaming makipanuluyan ni Miss Alcovar? Alam ko pong napakarami na kasalanan sa iyo at sa buong pamilya natin. Ngunit maari po bang babalik ako sa piling mo kahit pansamantala?" lakas-loob na pahayag ni Jun-Jun."Anak, kahit kailanman ay hindi nagbago ang Mama sa iyo. Ikaw pa rin ang panganay kong anak. Kung ano man ang mga nagawa mong pagkakamali sa mga nakaraang taon ay kalimutan mo na. Ang pagbabalik mo sa piling namin ng mga pamangkin mo ay sapat na upang tanggapin kitang muli," sagot ni Aling Merced kasabay nang pag-agos ng luha sa pisngi.Sa narinig ay biglang lumuhod si Jun-Jun. Sa dinami-dami ng kasalanan niya sa kanyang ina pero heto siya muling tinanggap ng walang pag-aalinlangan."Huwag, anak. Huwag mo akong luhuran dahil hindi ako ang Diyos na dapat mong luhuran. Saka okay na ang lahat anak. Wala
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENTY-FOUR

AS the days goes on, muling naisipan ng mag-asawang Duncan at Isadora na bisitahin ang mga bagong kakilala sa Pampanga. Ilang oras lang naman ang biyahe Baguio City at Pampanga."Mukhang may lakad kayong dalawa mga anak? Maaga pa naman sa pagkakaalam ko upang papasok kayo sa trabaho," ani ni Clyde nang napagbuksan ang mag-asawang nakapanlakad."Actually yes po, Daddy. Kaya kami dumaan dito sa silid mo upang magpaalam. Pupunta kami sa Pampanga," tugon ng una."Mag-ingat kayo sa inyong biyahe mga anak. Siguraduhin ninyong makauwi kayo mamayang hapon. Dahil parating ang kapatid ninyo. Alam n'yo na ang ugali ng babaeng iyon," muli ay wika ni Clyde.Ang bunsong anak ang mayroong pinakamalalang temper sa tatlo niyang anak. Ito rin ang pinakasutil Kabaliktaran sa kambal, tahimik kahit pa sabihing palabiro. Maiksi ang pasensiya kaya't madaling uminit ang ulo. Ganoon pa man ay iyon ang assets nito."Opo, Daddy. Kaya nga po maaga kaming luluwas upang makauwi rin mamayang hapon. Mauna na po kami
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENTY-FIVE

"Tita, alam mo bang bagay na bagay kayo ni Tito? Maganda ka na po pero noong nakapag-ayos ka ay mas gumanda ka pa." "Aysus binola mo naman ako, Rowan. Ganoon pa man ay maraming salamat.""Kung liligawan ka ni Tito Jun-Jun, Tita, sasagutin mo ba siya? Kasi ramdam naming mabait kang tao kagaya ni Mama Isadora. Napakabait niya." Simula nang dumating sila ng araw na iyon ay naririnig na niya ang pangalan ng bunsong kapatid ni Jun-jun. Kung sa iba, marahil ay galit na dahil sa pagkukumpira sa kanilang dalawa. Pero para sa kaniya ay iba. Dahil mas sumisidhi ang damdamin niyang makadaupang palad ito. Sa kaisipang iyon ay hindi niya namalayang napapangiti na siya. Napa-OO tuloy siya ng wala sa oras. Mga batang sutil ay halatang ibinibuyo siya sa kanilang tiyuhin."Yes! Walang bawian, Tita Glai," masaya at sabayang sambit ng apat na para bang nanalo sa lotto. Idagdag pa ang paglulundag nila."Ha? Ano iyon? Hala, ano pala ang tinatanong ninyo?" Paniniguro pa ni Glaiza pero hindi na inulit ng
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENTY-SIX

"Boss, ano ang plano mo ngayon? Don't get me wrong bossing, pero ilang buwan na tayong walang ginawa."Pukaw ni Anton sa amo nilang animo'y nalunok na ang dila. Simula pa nang naglahong parang usok ang inampon nito pansamantala."Eh, anong gusto mong gawin ko, Anton? Pumalpak na kayo sa kaso ni Alcovar samantalang napakalaking pera na sana iyon. At ngayon ay nagtatanong ka kung ano ang gagawin!" Tama naman kasi ito, ilang buwan na silang walang income. Kung mayroon man ay ang ilang night club lamang subalit hindi rin kamahalan sa kadahilanang bagong bukas lamang din."Sorry, boss. Huwag ka ng magalit, bossing. Oo, nagkamali kaming pinagkatiwalaan ang baliw-baliwang iyon. Pero sino ba ang mag-aakalang edukado pala ang hayop? Kahit ganoon ang nangyari ay nasa iyo pa rin ang loyalty namin. At kaya ako nagtanong ay dahil may mungkahi ang mga kasamahan natin." "Okay go ahead, Anton. Siguraduhin ninyong nakakatuwa ang mungkahi ninyo ng mga kasamahan mo. Dahil kapag nagkataon walang katutu
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"Anong oras daw ang dating nila bunso, Mama?" "Ikaw, anak, pang-ilang tanong mo na iyan? Aba'y kung marunong lang sanang magreklamo ang tinatanong mo ay kanina pa nagreklamo." Kaso sa pahayag na iyon ng Ginang ay napahalakhak ang dalagang si Glaiza. Natutuwa naman kasi siya sa mag-ina. Instantly ay nagkaroon sila ng questions and answers portion."Tama nga naman si Tita. Hindi na namin mabilang kung ilang beses ko nang tinanong iyan." Hagikhik na niya.Kaya naman ay napakamot sa ulo ang binata. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit gano'n na lang ang nadarama sa kaalamang darating ang kapatid at bayaw na matagal na ring hindi niya nakita. Lalo na ang bayaw niya na naging good Samaritan din ng bunso nila."Eh excited na hindi ko mawari ang lumulukob sa akin, Mama, Glaiza," sagot niya at nagpatuloy sa kapaparoo't parito."Tumigil ka nga sa kalalakad mo riyan! Para kang hindi makapanganak na pusa eh. Sinabi naman ni Isadora na tatawag siya kapag nandito na sila." Nakangiwing panan
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENYY-EIGHT

"Share your blessing naman diyan, parekoy.""Hi, Miss beautiful. Baka naman maaring makipagkilala sa iyo?" "Oh, napipi na ba ang dakilang sugarol at lasenggo? Tsk! Tsk! Maghihirap ka lang, Miss beautiful, kung ang sugarol na iyan ang pipiliin mo. Pero kung si Bossing ang paniwalaan mo ay magbuhay prinsesa ka pa."Mga ilan lamang sa pahayag ng mga manyakis at humarang kina Glaiza at Jun-jun. Masaya pa naman silang namamasyal.Mabisyo na kung mabisyo! Tama naman sila, walang patutunguhan ang buhay ng taong magmamahal sa kaniya pero that was before! Noong nasa sistema pa niya ang alak at sugal. Maari nilang bastusin ang katauhan niya pero ang idamay ang babaeng nagpabago sa katauhan niya ay hindi na siya makakapayag na mangyari iyon."Dito ka lang, Glai," pabulong niyang sabi sa dalaga saka bahagya itong hinila sa tabi."Bakit, Villamor? Lalaban ka? Tsk! Para sa ikakaalam mo ay kalat na kalat dito sa buong Leyte ang kagaguhan mo sa Maynila. Tsk! Kung hindi lang sinuwerte ang kapatid mon
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER TWENTY-NINE

"Maraming-maraming salamat, Hijo, dahil hindi mo kami binigo ng asawa ko. What a coincidence, ikaw pala ang kapatid ng taong walang pag-aalinlangang tumulong sa amin ng gabing iyon." Walang katapusang pasasalamat ni Don Ernesto kay Jun-Jun ng nasa bahay na sila ng mga Villamor."Kahit naging bahagi ako ng grupong iyon ng ilang sandali may paninindigan po ako, Sir. Dahil hindi kaya ng konsensiya ko ang pumatay ng tao. At bilang kabayaran sa mga nagawa kong pagkakamali ay inalagaan ko po siya." "Tito ang itawag mo sa akin, Hijo. Dahil ang kapatid at bayaw mo ay ganoon ang tawag sa amin. Kumusta ka na rito?" "Sige po, Tito. Ano po ang plano n'yo ngayon ni Tita?"Subalit hindi na sumagot ang Ginoo bagkus ay tumingin sa gawi ng mag-asawang Isadora at Duncan."Plano natin, bayaw. Dahil tayo ang kikilos kasama ang mga tauhan ko. Huwag kang mag-alala dahil may tutulong sa atin upang isagawa ang pagkasakute ng grupo ni Uno," saad ni Duncan.Kaya naman napatingin ang binata rito. Sa tono pa l
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

CHAPTER THIRTY

"Parang kailan lang, anak. Halata na rin ang tiyan mo," ani Aling Merced."Opo, Mama. Patunay lamang na malapit ring mag-isang taon simula nang namayapa sila." Nakangiting pagsang-ayon ng buntis na si Isadora."Hmmm, mukhang excited ka na sa susunod na kasal, Mama. Narinig ko lamang ang usapan nina Tito at Papa. Mas mauna raw kayong ikakasal sa simbahan kaysa kina Tito at Tita," sabat ng dalagitang si Rowan kasabay nang paglapag sa tray.Sa tinuran ng pamangkin ay napangiti siya. Masaya na siya sa kasalukuyang status nilang mag-asawa. Kasal naman sila kahit civil ngunit sa kaalamang excited din ang asawa niya sa church wedding ay hindi niya naiwasang napangiti. Kinikilig siya sa kaisipang ilang buwan na lamang ay church wedding na nila."Sa ngiting nakabalatay sa mukha mo, Sis, ay kinikilig ka. Iba rin ba ang kilig ng may asawa sa kagaya kong umiibig?" hindi na rin napigilang tanong ni Glaiza at huli na upang bawiin ang sinabi."Para sa akin ay parehas lang, Sis. Pero depende rin iyan
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status