"Tita, alam mo bang bagay na bagay kayo ni Tito? Maganda ka na po pero noong nakapag-ayos ka ay mas gumanda ka pa." "Aysus binola mo naman ako, Rowan. Ganoon pa man ay maraming salamat.""Kung liligawan ka ni Tito Jun-Jun, Tita, sasagutin mo ba siya? Kasi ramdam naming mabait kang tao kagaya ni Mama Isadora. Napakabait niya." Simula nang dumating sila ng araw na iyon ay naririnig na niya ang pangalan ng bunsong kapatid ni Jun-jun. Kung sa iba, marahil ay galit na dahil sa pagkukumpira sa kanilang dalawa. Pero para sa kaniya ay iba. Dahil mas sumisidhi ang damdamin niyang makadaupang palad ito. Sa kaisipang iyon ay hindi niya namalayang napapangiti na siya. Napa-OO tuloy siya ng wala sa oras. Mga batang sutil ay halatang ibinibuyo siya sa kanilang tiyuhin."Yes! Walang bawian, Tita Glai," masaya at sabayang sambit ng apat na para bang nanalo sa lotto. Idagdag pa ang paglulundag nila."Ha? Ano iyon? Hala, ano pala ang tinatanong ninyo?" Paniniguro pa ni Glaiza pero hindi na inulit ng
"Boss, ano ang plano mo ngayon? Don't get me wrong bossing, pero ilang buwan na tayong walang ginawa."Pukaw ni Anton sa amo nilang animo'y nalunok na ang dila. Simula pa nang naglahong parang usok ang inampon nito pansamantala."Eh, anong gusto mong gawin ko, Anton? Pumalpak na kayo sa kaso ni Alcovar samantalang napakalaking pera na sana iyon. At ngayon ay nagtatanong ka kung ano ang gagawin!" Tama naman kasi ito, ilang buwan na silang walang income. Kung mayroon man ay ang ilang night club lamang subalit hindi rin kamahalan sa kadahilanang bagong bukas lamang din."Sorry, boss. Huwag ka ng magalit, bossing. Oo, nagkamali kaming pinagkatiwalaan ang baliw-baliwang iyon. Pero sino ba ang mag-aakalang edukado pala ang hayop? Kahit ganoon ang nangyari ay nasa iyo pa rin ang loyalty namin. At kaya ako nagtanong ay dahil may mungkahi ang mga kasamahan natin." "Okay go ahead, Anton. Siguraduhin ninyong nakakatuwa ang mungkahi ninyo ng mga kasamahan mo. Dahil kapag nagkataon walang katutu
"Anong oras daw ang dating nila bunso, Mama?" "Ikaw, anak, pang-ilang tanong mo na iyan? Aba'y kung marunong lang sanang magreklamo ang tinatanong mo ay kanina pa nagreklamo." Kaso sa pahayag na iyon ng Ginang ay napahalakhak ang dalagang si Glaiza. Natutuwa naman kasi siya sa mag-ina. Instantly ay nagkaroon sila ng questions and answers portion."Tama nga naman si Tita. Hindi na namin mabilang kung ilang beses ko nang tinanong iyan." Hagikhik na niya.Kaya naman ay napakamot sa ulo ang binata. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit gano'n na lang ang nadarama sa kaalamang darating ang kapatid at bayaw na matagal na ring hindi niya nakita. Lalo na ang bayaw niya na naging good Samaritan din ng bunso nila."Eh excited na hindi ko mawari ang lumulukob sa akin, Mama, Glaiza," sagot niya at nagpatuloy sa kapaparoo't parito."Tumigil ka nga sa kalalakad mo riyan! Para kang hindi makapanganak na pusa eh. Sinabi naman ni Isadora na tatawag siya kapag nandito na sila." Nakangiwing panan
"Share your blessing naman diyan, parekoy.""Hi, Miss beautiful. Baka naman maaring makipagkilala sa iyo?" "Oh, napipi na ba ang dakilang sugarol at lasenggo? Tsk! Tsk! Maghihirap ka lang, Miss beautiful, kung ang sugarol na iyan ang pipiliin mo. Pero kung si Bossing ang paniwalaan mo ay magbuhay prinsesa ka pa."Mga ilan lamang sa pahayag ng mga manyakis at humarang kina Glaiza at Jun-jun. Masaya pa naman silang namamasyal.Mabisyo na kung mabisyo! Tama naman sila, walang patutunguhan ang buhay ng taong magmamahal sa kaniya pero that was before! Noong nasa sistema pa niya ang alak at sugal. Maari nilang bastusin ang katauhan niya pero ang idamay ang babaeng nagpabago sa katauhan niya ay hindi na siya makakapayag na mangyari iyon."Dito ka lang, Glai," pabulong niyang sabi sa dalaga saka bahagya itong hinila sa tabi."Bakit, Villamor? Lalaban ka? Tsk! Para sa ikakaalam mo ay kalat na kalat dito sa buong Leyte ang kagaguhan mo sa Maynila. Tsk! Kung hindi lang sinuwerte ang kapatid mon
"Maraming-maraming salamat, Hijo, dahil hindi mo kami binigo ng asawa ko. What a coincidence, ikaw pala ang kapatid ng taong walang pag-aalinlangang tumulong sa amin ng gabing iyon." Walang katapusang pasasalamat ni Don Ernesto kay Jun-Jun ng nasa bahay na sila ng mga Villamor."Kahit naging bahagi ako ng grupong iyon ng ilang sandali may paninindigan po ako, Sir. Dahil hindi kaya ng konsensiya ko ang pumatay ng tao. At bilang kabayaran sa mga nagawa kong pagkakamali ay inalagaan ko po siya." "Tito ang itawag mo sa akin, Hijo. Dahil ang kapatid at bayaw mo ay ganoon ang tawag sa amin. Kumusta ka na rito?" "Sige po, Tito. Ano po ang plano n'yo ngayon ni Tita?"Subalit hindi na sumagot ang Ginoo bagkus ay tumingin sa gawi ng mag-asawang Isadora at Duncan."Plano natin, bayaw. Dahil tayo ang kikilos kasama ang mga tauhan ko. Huwag kang mag-alala dahil may tutulong sa atin upang isagawa ang pagkasakute ng grupo ni Uno," saad ni Duncan.Kaya naman napatingin ang binata rito. Sa tono pa l
"Parang kailan lang, anak. Halata na rin ang tiyan mo," ani Aling Merced."Opo, Mama. Patunay lamang na malapit ring mag-isang taon simula nang namayapa sila." Nakangiting pagsang-ayon ng buntis na si Isadora."Hmmm, mukhang excited ka na sa susunod na kasal, Mama. Narinig ko lamang ang usapan nina Tito at Papa. Mas mauna raw kayong ikakasal sa simbahan kaysa kina Tito at Tita," sabat ng dalagitang si Rowan kasabay nang paglapag sa tray.Sa tinuran ng pamangkin ay napangiti siya. Masaya na siya sa kasalukuyang status nilang mag-asawa. Kasal naman sila kahit civil ngunit sa kaalamang excited din ang asawa niya sa church wedding ay hindi niya naiwasang napangiti. Kinikilig siya sa kaisipang ilang buwan na lamang ay church wedding na nila."Sa ngiting nakabalatay sa mukha mo, Sis, ay kinikilig ka. Iba rin ba ang kilig ng may asawa sa kagaya kong umiibig?" hindi na rin napigilang tanong ni Glaiza at huli na upang bawiin ang sinabi."Para sa akin ay parehas lang, Sis. Pero depende rin iyan
"WELCOME home mga anak. Aba'y mukhang mag-unahan pa kayo ni Isadora na magdagdag sa mga pamangkin ninyo kay bunso ah. Pasok kayong mag-asawa." Masayang salubong ni Clyde sa mga bagong dating."The more the merrier, Daddy. Kaso sina kambal at hipag ang araw-araw mong nakakasama rito," tugon ng isa pang buntis na si Claudette matapos nakapagbigay-galang."Tama po ang asawa ko, Daddy. Kung hindi ako nagkakamali ay anim na buwan na rin ang tiyan ni Isadora at tatlo naman sa asawa ko," saad ni Adolfo.Ngunit hindi agad sumagot si Clyde dahil iginaya niya sa loob ng kabahayan ang mga bagong dating. Tama naman ang mag-asawa, tatlong buwan na lamang ay isisilang na ng manugang niya ang kambal. Samantalang ang anak niya ay anim na buwan pa."Oh, siya nga pala, Daddy. Aba'y mukhang nagsilayas na naman ang lahat ah. Aba'h makarating ito kay bunso baka lalabas na naman ang sungay niya," ilang sandali pa ay wika ni Claudette."Hindi iyang mangyayari, anak. Mukhang hindi nasabi ni Adolfo ang kasalu
"Bilisan ninyo sibat na! Sabihan ninyo ang mga nasa labas!" sigaw ni Uno. Ngunit halos hindi pa natatapos ang sinasabi ay nahila na siya ni Anton, iyon pala ay kamuntikan na siyang matamaan ng bala.Nakipagpalitan sila ng putok! Pero dahil napalibutan sila ng mga tauhan ng kalaban o ni Duncan ay unti-unti na silang nauubos."Sabihan mo sina Paeng at Beo tara na sa sasakyan. Bilisan ninyo!" "Masusunod, bossing. Pero halika na sabay na tayong lumabas."Pero nasalubong naman nila ang mga kalaban. Kaya't agad din silang nagkubli."Napapalibutan na kayong lahat. Kaya't mas mabuti pang sumuko na kayo!" sigaw ng isang tauhan ni Duncan."Mga hangal! Sigurado akong tauhan kayo ni Alcovar kaya't hinding-hindi n'yo kami mapapasuko!" ganting sigaw ni Uno na nakamuwestra ang palad kay Anton na sabay silang aatake."Kayong dalawa na lang ang naiwan! Kaya't huwag na kayong magtangkang lumaban!" wika pa ng isa.Pero para sa mga tulad nila Anton at Uno ay hindi sila nakikig sa sinabi ng mga kalaban b
Many years later..."Ano ba, bilisan mo! Dinaig mo pa si miming na laging buntis. Ano ba iyan!""Anak ng diyaheng babaeng ito. Anong akala mo sa akin, pusa? Saan ka ba ipinaglihi ng Mama mo at lagi kang nakasigaw? Aba'y mas mainam na ang nag-iingat kaysa laging disgrasya ang naidudulot ng pagmamadali.""Ang sabihin mo ay inatake ka na naman ng kabaklahan mo, Liam! Aba'y kung hindi ka nababakla ay mas mabilis ka pa sanang kumilos kaysa sa akin!""Hoy, Kylie Rose Brielle Gomez De Luna! Sa tinis ng boses mo ay dinig na dinig hanggang gate. Ah, mali hanggang kalsada. Baka akalain nilang totoo ang sinasabi mong babae ka. Saan ka ba kasi pupunta at makautos ka ay wagas?""Kung hindi ka totoong bakla ay samahan mo ako sa Ma--- basta! Samahan mo ako sa labas. Dahil kung hindi ay muli akong haharang sa lintang kapit nang kapit sa iyo.""Kita mong babae ka! Ikaw na nga ang may kailangan ay ikaw pa ang may ganang manakot. Isumbong kaya kita kina Uncle Kyle at Auntie Juliette. Kasalanan mo kung w
Few years later..."Sa wakas ay nagwakas din ang pagbabangayan ng aso at pusa. Well, ano kaya ang sasabihin ko..." Imbes na batiin ng magkakapatid ang isa pa nilang kapatid na muling ikinasal ay kinantiyawan pa."Twin brother, aba'y madali lang iyan. Humayo kayong dalawa at inyong dagdagan si Liam. Dahil hindi na baby talk ang salita at naghahanap na ng kapatid." Panggagatong pa ni Gabrielle Brix sa kambal na si Kyle Brielle.Kaya naman ay napatingin ang groom sa kambal niya. Dahil sa hitsura pa lamang nito ay talagang may balak din itong gatungan ang mga kapatid nila. Ay hindi nga siya nagkamali dahil bago pa lamang niya maibuka ang labi ay nagsalita na ito."Grade school na si Liam, twin brother. Malinaw na rin ang pananalita niya. Hmmm, even my own child is growing so fast. Aba'y huwag mong sabihing mali ang sinabi nina Kuya KB at GB? Well, kung ako sa iyo ay tumakas na kayo ni hipag Shantal. At magparami ng lahi. By the way, heto na ang regalo naming tatlo, I mean our brothers. Ro
"Mom! Dad! Where are you?!" ang boses na gumulantang sa buong kabahayan.Paanong hindi sila magugulat bukod sa may kalaliman na ang gabi ay dinaig pa ang boses ng commander in chief na kasalukuyang nagbibigay ng parusa sa mga nahuling iskalawag. At dahil sa gulat ay agad-agad ding lumabas ang mag-asawang Duncan at Isadora."Hey, man! Have you gone mad? What's on that screaming in the middle of the night? If you are not sleepy, just go quietly in your room and stay there alone not to wake up everyone," agad na saad ni Duncan.Kaso ang bagong dating ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Hindi rin pinansin ang paninita ng ama."Did you sent me in that place purposely, Dad, Mom?" tanong nito saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga magulang."Aba'y maari mo namang itanong iyan sa amin ng Daddy mo bukas ng umaga. O, 'di naman kaya ay sa taas mo kami sinugod at doon nagtanong. Hindi ang bulabugin mo ang lahat." Nakatawa at nakailing ang Ginang dahil sa tanong ng anak."Sa reaksyon mo, Mommy
One year later..."At sino ka namang herodes kang nakahararang sa dinaraanan ko?! Kapag ang batang iyan ay nakalabas sa gate ay ikaw ang ipasagasa ko sa kaniyang ama!" galit na saad ni Shantal patunay lamang ang lakas ng boses."Ako ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan babae ka! Ano ang ginagawa mo rito? Siguro may masama kang binabalak sa anak ko ano?!" ganting-sigaw ni Owen Liam."Aba'h! Aba'h! Kung pagbibintangan mo lamang ako ay maari ka nang umalis ngayon din! Aba'y sa akin na nga nila ipinagkatiwala ang bubwit na iyan ay ikaw pa ang may ganang manigaw at magparatang! Malay ko ba kung ikaw talaga ang ama niya! Baka naman balak mo siyang kidnapin? Kung ganoon ay lumayas ka sa harapan ko dahil kahit lalaki ka ay kaya kitang pitikin!""Teka lang---""Teka lang ang mukha mo! Oh, alam ko na! Ikaw iyong kapatid ng asawa ni Doktora---tama! Bakit ngayon ko lang naalala. Tama nga naman ikaw si Owen Liam De Luna!"Ayon! Ang newest version ng Tom and Jerry ay nagsimula na namang magb
"Damn that man! Let's go!" Sa galit ay biglang napatayo si Duncan. Ngunit dahil nasa pagamutan ay agad naharang ng mga anak."Daddy, hayaan mo na ang youngsters na kumilos. Si insan General na ang bahala sa hayop na Major Kernel na iyon. Dahil kung kikilos tayo as family ay revenge ang tawag doon. Ngunit kung si General ay hindi kundi military disciplines---""Tsk! Tsk! Mali ang ginamit mong salita, kambal. Military action kamo or punishment for being a greedy traitor." Nakangising pamumutol ni Ian Jeremiah sa kambal na humarang sa amang namumula sa galit.Tuloy! Ang pasyente nilang sightless ay napahagikhik. Kahit hindi ito nakakakita ay nauunawaan naman ang usapan. Kaya't hindi nila ito masisisi kung nakitawa sa kanilang harutan.Kaso!"Daddy! Kylie Rose Brielle is here!" Bigla na ngang bumukas ang private room door ay tumili pa ang maglimang taong gulang na bata."Grabe naman ang energy mo, baby girl. Did you sleep well with your Mama Elizza?" masayang salubong ni Isadora sa apo.
ACCIDENT, SHADOW AND ISKALAWAG"Huwag, anak. Huwag mong gawin iyan. Dahil oras na gamitin mo ang pagiging general mo upang gantihan ang nagkasala ay wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila!" Mariing pagsalungat ni Duncan sa pamangking si Prince Tommy nang ipinahayag nitong tanggalin sa trabaho ang mga suspek sa pagka-ambushed ng anak niyang si Kyle Brielle."I'm sorry to tell you these words too, bayaw. Ngunit hanggang sa huli ay makatao ka pa rin. I mean it, bayaw. Anak mo ang agrabyado ngunit si Tommy pa rin ang iniisip mo," ani Allick Francisco sa pinsan ng mahal na asawa."Wala naman kasing mangyayari kung pananaigin natin ang galit, bro. Tama, bilang magulang ni Kyle Brielle ay masakit at shocking news ang nangyari sa kaniya samantalang hindi naman siya pala-away na tao. Ngunit kagaya nang sinabi ng asawa ko ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga suspek kung gantihan natin sila kagaya nang ginawa sa atin. Instead, gawin nating legal. Advantage na rin nating si Prince Tommy ang genera
"Why you people are following my Boss?" tanong ng lalaking humarang sa magkakapatid."Ha? Sigurado ka? Aba'y public cemetery ito ah...!" Taas-kilay ding hinarap ni Ian Jeremiah ang humarang sa kanila."I know and I am aware of it. And I also know that you are not here to visit any grave. Since you entered this place you directly came here," anitong muli."Alam mo naman pala eh! Tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin. Mali ka dahil pumarito kami upang dalawin ang Mommy ng pamangkin ko!" singhal na rin ni Owen Liam.Hindi naman sa hindi siya marunong mag-english dahil mas mataas pa ang grado niya sa English kaysa Filipino. Ngunit naaalibadbaran siya sa pagkakataong iyon. Aba'y English ito nang English samantalang tagalog naman sila."Bro, ako ang ama ni Kylie Rose Brielle Gomez De Luna. At tama ang mga kapatid ko, nandito kami upang dalawin ang puntod ng Mommy niya. Huwag kang mag-alala dahil mga propesyonal kaming kausap." Alam niyang nawawalan na ng pasensiya ang mga hapatid niya kay
"Huwag n'yong sabihing excluded ako sa misyong binabalak ninyo?" tanong ng tinig na nagmula sa kanilang likuran."Kuya!""Kambal!"Sabayan nilang sambit saka patakbong lumapit dito. Saka mag-unahan sanang yayakap kaso pabiro rin itong tumakbo sa hagdan upang aakyat sana sa ikalawang palapag ng kabahayan."Wait for your turns, my dear brothers. Dahil ako ay yayakap muna kina Mommy at Daddy," saad pa nito.Kaya naman ay nagkatinginan silang tatlo. At bago nito mahulaan ang nais nilang sabihin ay tinawid na rin nila ang pagitan saka ito hinila pabalik sa upuan."Tsk! Tsk! Huwag kang mag-isip na nasa alapaap ka, brother. Dahil alam mo namang sa ganitong oras ay tulog na sina Mommy at Daddy with my beloved kid," nakangising ani KB."Kami na muna ang makibalita sa iyo, Kuya. Alright, ano may nabuo na ba?" mapang-asar ding saad ni Ian Jeremiah.Kaso sa tinuran nito ay agad na sinapak ng kambal."Tsk! Tsk! Ano'ng akala mo sa bagay na iyan, kambal? Porke't nagpulot-gata na sila ay nakabuo agad
***"Magandang gabi po, Tita. Maari ko po bang makita si Kylie Rose?" tanong ng bagong dating na babae."Same to you, Hija. Bago ko sagutin ang tanong mo ay magtatanong din ako. Sino ka ba? Bakit mo kilala si baby Kylie? Paano mo nalamang nandito siya sa pagamutan?" sunod-sunod ding tanong ng Ginang."Sure, Tita. At sasagutin ko po ang lahat ng mga iyan. Juliette Joyce Cordova ang pangalan ko. Nakadaupang-palad ko ang mag-amang Kyle Brielle at Kylie Rose sa park few months ago. Ngunit matagal ko ng kilala si KB dahil kamag-aral ko sila ng kambal niya noong nasa sekondarya pa lamang kami. Subalit naghiwalay ng landas noong nagtungo ako sa UK at doon nagpatuloy sa pag-aaral. And accidentally few months ago I met him and his daughter. Nalaman kong nandito ang anak niya dahil ako ang general pediatrician dito sa hospital. Kaya ko nalaman ang room number ninyo ay nakita ko ang admission papers ni Kylie Rose," mahaba-habang pahayag ng dalagang doktora.Natigilan si Isadora dahil sa naging p