Inalalayan ko si Roy nang magsabi siya na masakit ang kaniyang ulo at parang pinupukpok iyon. "Sobrang sakit ba? Tell me, pupunta tayong hospital." Taranta na kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Mama. "Ma, busy ka ba ngayon?" tanong ko. "Katatapos lang ng duty ko, why?" "Ma, masakit daw ang ulo ni Roy. Inaalala ko si Amari. Walang magbabantay sa kaniya." "Why? What happened?" tanong niya. Umiling ako. "Kaya mo ba maglakad, Roy? Let's go, sa hospital na tayo." "No, I can't. Sobrang sakit, Ina," naluluhang aniya. Natataranta at hindi ko alam kung anong gagawin. "Mama, anong gagawin ko?" "Breath, Dianna. I'm in my car now at diyan na ako didiretso. Don't panic, mas magpa-panic si Roy." Tumango ako. Kagat ang ibabang labi habang pinagmamasdan ko si Roy. Napapapikit na lang ako nang mapasigaw siya. "Roy, kalma lang. Huwag ka mag-panic. Papunta na si Mama," usal ko. Ngunit mas nataranta ako nang ilang sandali pa ay tumahimik na siya at parang walang nangyari na natulala siya
Last Updated : 2023-09-18 Read more