Home / Romance / My Married Lover / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of My Married Lover: Chapter 1 - Chapter 10

103 Chapters

PROLOGUE

Nagugulat na napaharap ako sa aking likuran habang naghuhugas ng mga plato nang may yumakap sa aking baywang mula roon. "Roy!" gulat pa na sambit ko ngunit kalaunan ay huminahon din. Tinawanan lang niya ako at tinanggal na ang pagkakapulupot ng kaniyang mga braso sa aking baywang. Nitong mga nakaraan na araw ay ganito na siya kung umasta sa paligid ko lalo na kung wala ang kaniyang asawa ay nasanay na ang din ako. Si Ate Anne na siyang pinagkakautangan ko ng loob dahil kung hindi dahil sa kaniya ay baka hanggang ngayon ay nasa bahay ampunan pa rin ako. Nang dahil na rin sa edad namin na hindi nagkakalayo at sobra naman talaga ang effort na ginagawa nang mapunta siya rito sa bahay nila Ate Anne ay naging ganito na kami ka-close. Ika nga ni Ate Anne ay ituring ko na lang sila na parang pamilya lalo na ang bago niyang asawa at iyon nga ay si Roy. Na kahit ituring ko na lang na kuya ko katulad ng nais niya na ituring ko sa kaniya bilang nakakatandang kapatid sa akin. Mabait si Roy. M
last updateLast Updated : 2022-11-29
Read more

MML 1 - Off to Vacation

"Lily!" tawag ko sa panganay ni Ate Anne. "Po?" tanong niya. "Ito lang ba ang dadalhin mo lahat?" "Opo, Ate Ina. Sabi ni Mommy, I can buy na lang other clothes sa Boracay, eh," aniya. "Ah, sige. Puntahan ko lang si Andrei. Aayusin ko rin muna mga gamit niya. Dalhin ko na 'to," patukoy ko sa mga gamit niya. "Yes, sure. Inaasikaso na pala yata ni Mommy si Andrei," sabi niya. "Oh? Puntahan ko na lang din para kung sakali." Tinanguan lang niya ako at pinagpatuloy ang ginagawa sa cellphone niya. Mamaya pa naman ang flight kaya naman ay medyo hindi naman aligaga ang bahay. Napagpasiyahan ni Ate Anne na magbakasyon daw dahil hindi niya kinakaya ang mga nangyayari sa kumpaniya niya nitong mga nakaraan na araw dahil na rin sa sobrang hectic kaya ganiyan siguro. Isa pa ay nagtatampo na rin kasi ang mga anak niya dahil wala na itong oras para sa kanila. Madalas kasi kung umuwi siya ay tulog na ang lahat. Sa umaga ang talaga nagkakasama-sama at naghihiwalay rin naman agad kapag aalis na
last updateLast Updated : 2022-11-29
Read more

MML 2 - Avoiding Roy

"Sige po, ako na po ang bahala sa kanila," ani ko."Sige, salamat. Babalik din ako agad pero 'wag niyo na ako hintayin. Baka hindi rin kayo matuloy dahil hindi ko alam kung anong oras ang balik ko," sabi ni Ate Anne."Alam na po ba ni Roy at mga bata?" tanong ko sa kaniya."Hindi ko pa nasasabi pero ikaw na lang ang magsabi. Mala-late na kasi ako, eh. Sige na. Alis na ako," paalam niya at dire-diretso na umalis.Sa gulat ay napakurap na lang ako. Sa kawalan din ng magawa ay bumalik na lang ako sa loob.Mainit pa kaya naman ay pare-pareho kami na nasa loob lang ng cottage rito sa labas."Saan ka galing?" Binalingan ko si Roy na siyang nagtanong. "Nakita mo si Anne?" pahabol pa niya na tanong."Kaaalis lang?" patanong na sagot ko."Kaaalis lang? Saan pumunta?" tanong niya. Salubong ang mga kilay na naghihintay ng sagot."May meeting daw," sabi ko naman."Meeting saan?""Eh, ano bang malay ko kung saan?" tanong ko rin sa kaniya."You didn't even ask her?""Huwag mo ako ma-english-english
last updateLast Updated : 2022-11-29
Read more

MML 3 - Alone in Mansion

Inayos ko na ang sako na laman ang mga tuyong dahon na naglaglagan sa puno noong narra at mangga sa tabi ng bahay.Isang araw pa mula nang makabalik kami at hanggang ngayon ay hindi ko na gaanong iniimik pa si Roy kahit na ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin na para bang walang nangyari na pag-uusap sa pagitan namin.Nanatili ang pag lapit-lapit niya habang ako naman ay ginagawa ang makakaya na maging civil pa rin sa kaniya.Hindi na rin naman kami nagtagal doon dahil busy rin naman si Ate Anne sa trabaho niya. Halos hindi namin siya nakasama na magpahinga katulad ng nais niya at ang plano na sinabi niya bago kami umalis.Salubong ang aking mga kilay habang pinupunasan ang pawis na tumutulo sa aking noo. Minadali ko ang aking sarili na tinapos iyon at saka ako pumasok sa loob. Wala pa akong naluluto na pagkain.Nagkatinginan pa kami ni Roy nang makapasok ako sa kusina. Hindi ko rin inaasahan na naroon siya."Pawis ka," aniya."Ah... mainit kasi sa labas," sabi ko at kumuha na la
last updateLast Updated : 2022-12-01
Read more

MML 4 - Pursuing Ina

Sinundan ko ng tingin ang walis na nawala na sa kamay ko at ngayon ay hawak-hawak na ni Roy na siya namang nagtutuloy sa pagwawalis ko.Mula pa kaninang umaga ay inaagawan na niya ako ng mga gagawin ko. Kahit paghuhugas na hindi niya ginagawa at ginawa niya kanina.Tanging ang pagluluto lang ang siyang hindi niya ginagalaw. Kanina pa siya ganiyan at ako naman ay kanina pa rin nababahala.Napamaang na lang ako muli sa kaniya nang agawin naman niya sa akin ang mga pinggan na pagkakainan namin."Pahinga ka na, ako na rito," sabi niya. Pinandilatan ko lang siya ng mga mata ko."Ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa nang-aagaw ng mga gawain. Bakit hindi mo na lang pagtuonan 'yung problema mo sa halip na lumapit ka sa akin?""Ha?" baling niya sa akin."Hindi ba at nagkausap na tayo kahapon na ititigil mo na 'yang mga trip mo sa buhay? Pero bakit parang mas inilalapit mo lang ang sarili mo sa akin?""Gingawa ko na. Sinabi mo gawin ko sa paraan na alam ko na mawawala pagkagusto ko sa iyo," aniy
last updateLast Updated : 2022-12-05
Read more

MML 5 - His Wife

"Kung sakali na hindi ako kasal. May chance ba tayo? May chance kaya na magugustuhan mo rin ako?" maya-maya ay tanong niya.Pareho kami na nakahiga ngayon sa harapan ng sasakyan niya habang nakatanaw pa rin sa nagkikinangan na mga bituwin sa langit."Hindi ko alam," sagot ko.Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin ngunit pinanatili ko ang sarili ko na nakatingin sa itaas."I mean, sa tingin mo lang. Isipin mo na wala akong asawa tapos ayon nga... nagkagusto ako sa iyo," sabi niya."Ano pa ang sense ng pagtatanong mo kung sa reality naman ay may asawa ka talaga," pambabara ko sa kaniya.Kasi totoo naman. Tatanungin niya iyon tapos kapag sinabi ko na posible ay wala pa rin naman mababago. Ganoon pa rin naman. Sa huli ay may asawa pa rin siya at hindi na mababago pa iyon. Hindi na pwede magkagusto pa sa iba kasi nakatali na siya."Mahirap ba sagutin ng oo o hindi?" bakas sa boses niya ang pagkaubos agad ng kaniyang pasensya."Hindi naman kasi mababago ang laha—""Oo o hindi lang, Ina.""Ka
last updateLast Updated : 2022-12-05
Read more

MML 6 - Burned Cookies

Buong araw ang nagdaan ngunit parang hindi naman niya sineseryoso ang sinasabi ko na ayaw ko na. Na layuan na lang siguro namin ang isa't-isa."Mas maganda kung lagi mong itatali ang mga buhok mo," aniya.Kanina ko pa pilit na inilalayo sa kaniya ang aking mga buhok ngunit sadyang parang wala lang iyon sa kaniya at lapit pa rin nang lapit."Ano ba?!" inis na sambit ko. Hindi na talaga natutuwa sa pinaggagawa niya.Naiinis ako sa part na ginagawa niya kung ano ang gusto niya kahit na ayaw mo. Kahit na tutol ka ay parang wala kang magawa kasi hindi ka niya pakikinggan at tanging kagustuhan lamang niya ang gusto niya na mangyari."May tali ako nakita sa banyo. Wait lang," sabi niya at nagmamadali na umalis.Salubong na salubong na ang mga kilay ko habang nakatingin sa papalayo niyang likod.Tumayo na lamang ako sa inuupuan ko at pinatay ang tv saka naman ako pumasok sa silid ko. Tamang-tama at wala na rin naman ako gagawin. Sadyang hindi lang ako dinadalaw pa lang ng antok kaya naman ay
last updateLast Updated : 2022-12-07
Read more

MML 7 - Attached

Tiningnan ko si Roy na humihikab sa tapat ko. Nanunuod kami ng tv ngayon dahil wala rin naman kaming gagawin na. Natapos na lahat nang siya lang lang ang kumikilos.Inuuhan niya ako sa mga gawain ko. Halos lahat ng hahawakan at gagawin ko ay inaagaw niya kaya sa huli ay umupo na lang ako.Mukha pa siyang tanga na pinagsasabay ang pagwawalis kanina at saka pagpupunas ng mga gamit. Ngumingiti pa!Sa halip na iiwas ko ang mga mata ko sa gawi niya nang balingan niya ako ay hindi ko ginawa bagkus ay sinalubong ko lang iyon at napailing na lang nang ngitian niya ako.Sana ayos lang siya.Mukha pang pagod na pagod kahit na hindi naman ganoon karami ang kaniyang ginawa. Hindi rin mabigat. Sadyang nasanay lang yata siya na walang ginagawa at nakaupo lang kaya ganiyan.Ibinalik ko na lang sa pinapanuod ang aking atensiyon. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-unat niya at pagtayo roon.Tumabi siya sa akin at bahagya pa na itinaas ang dalawang kamay ko na nakakrus dahilan upang kusang tuma
last updateLast Updated : 2022-12-08
Read more

MML 8 - A Rainy Afternoon

"Kaya ko naman mag-isa, Roy," sabi ko.Kanina pa siya nagpupumilit na samahan ako na mag-grocery habang ako ay kanina pa rin siya pinipigilan.Magtatanghali na rin at wala na akong mailuto roon. Ubos na ang mga stock kaya naman ay napagpasiyahan ko na mag-grocery na lalo pa at ayaw rin naman mag-ulam ni Roy ng gulay.Galing sa hirap tapos ayaw ng gulay. Masiyado siyang patawa.Ayos na rin na makapag-grocery na kami dahil baka dumating si Ate Anne at walang masarap na pagkain na maihanda ay sa akin ipalamon lahat. Lagi kasi siyang nagagalit kapag ganiyan na wala siyang makita na kaayusan sa bahay. Kahit sino naman ay hindi matutuwa panigurado.Trabaho ko rin ito. Responsibilidad ko kaya wala rin ibang gagawa nito kung hindi ako lang. Ako at ako lang mag-isa.Mabuti na nga lang kamo at may sariling budget ang bahay. May sariling card na nakalaan para ipambili ng mga gamit o ipambayad kung sakali man na kakailanganin ng pera.Nadala na rin yata si Ate Anne dahil nang minsan kasi na iniwa
last updateLast Updated : 2022-12-09
Read more

MML 9 - Caught

Nanlalaki ang mga mata ko na umayos ng tayo at pinagpagan ang sarili.Takot at kaba ang siyang naramdaman ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata bagkus ay pilit ako na ngumiti bago humarap kay Lily."Nandito na pala kayo," sabi ko."Ano po'ng ginagawa niyo?" tanong niya muli habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa."Kanina pa kayo?" tanong ko. Pilit na inilalayo siya sa kaniyang nakita."Kararating-rating lang din po," sagot niya.Tiningnan ko si Roy na walang bakas ng kaba o takot sa kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. Pinaglalaruan pa niya ang kaniyang ibabang labi kaya naman ay roon napupunta ang aking mga mata.Pilit ko iyon iniwas sa kaniya sa abot ng aking makakaya. "Salubungin ko lang sila Ate Anne," paalam ko kay Lily.Hindi na ako naghintay pa ng tugon mula sa kanila at nagmamadali na ako lumabas doon. Sakto rin na nakasalubong ko si Ate Anne na mukhang galit na.Sobrang salubong ang mga kilay at nang magtama ang aming mga mata ay mas lalo lang sumama ang tingin niy
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more
PREV
123456
...
11
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status