Nagugulat na napaharap ako sa aking likuran habang naghuhugas ng mga plato nang may yumakap sa aking baywang mula roon.
"Roy!" gulat pa na sambit ko ngunit kalaunan ay huminahon din.
Tinawanan lang niya ako at tinanggal na ang pagkakapulupot ng kaniyang mga braso sa aking baywang.
Nitong mga nakaraan na araw ay ganito na siya kung umasta sa paligid ko lalo na kung wala ang kaniyang asawa ay nasanay na ang din ako. Si Ate Anne na siyang pinagkakautangan ko ng loob dahil kung hindi dahil sa kaniya ay baka hanggang ngayon ay nasa bahay ampunan pa rin ako.
Nang dahil na rin sa edad namin na hindi nagkakalayo at sobra naman talaga ang effort na ginagawa nang mapunta siya rito sa bahay nila Ate Anne ay naging ganito na kami ka-close. Ika nga ni Ate Anne ay ituring ko na lang sila na parang pamilya lalo na ang bago niyang asawa at iyon nga ay si Roy. Na kahit ituring ko na lang na kuya ko katulad ng nais niya na ituring ko sa kaniya bilang nakakatandang kapatid sa akin.
Mabait si Roy. Malambing din siya lalo na kay Ate Anne na siyang asawa niya kaya naman ay hindi na rin naninibago pa ang lahat sa tuwing may nilalambing si Roy kaso nga lang ay aking ipinagtataka kung bakit parang nitong mga nakaraan na araw ay sumosobra. Sadyang hindi lang ako sanay na may ganito o yayakap siya dahil hindi naman umabot sa ganito ang mga kilos niya noon. Walang lalaki ni isa ang nakahawak o nakayakap sa akin bukod sa kaniya.
Inosente siya na ngumiti sa akin. Napakalaki noon at talaga naman na hindi mo aakalain na minsan ay may kasungitan din na taglay.
"May kanin pa tayo?" tanong niya.
"Gutom ka pa?" tanong ko rin.
Kakakain lang namin kani-kanina. Ang mag-iina ay nasa trabaho at paaralan. Kaming dalawa lagi ang siyang naiiwan dito sa bahay.
Katatapos lang gr-um-aduate ni Roy sa kolehiyo at sa kasalukuyan ay hinahayaan muna siya ng asawa niya na magpahinga muna sa ngayon bago siya isama sa kumpaniya upang maturuan.
Graduating na rin siguro ako sa kolehiyo kung nag-aaral lang ako subalit dahil na rin sa kahirapan ng buhay at mas kailangan ko buhayin ang sarili ko ay pumasok na lang ako bilang tagapag-alaga ng mga bata na kalaunan din ay naging isang kasambahay na.
Minsan nga ay napapaisip din ako kung bakit pinakasalan ito ng amo ko dahil na rin sa sobrang layo ng pagitan ng kanilang mga edad. Kung titingnan ay para na lamang niya itong anak.
"Hindi naman," sagot niya.
"Mayroon pa yata kanin doon kaso wala ng ulam," sabi ko at muling ipinagpatuloy na ang paghuhugas ng mga plato.
"Kakain ka?" tanong niya muli pero umiling na ako. Busog pa ako.
"Dito ka lang aasikasuhin ko lang mga labahan sa labas," paalam ko nang tuluyan na matapos.
"Oh? Tulungan na kita," alok niya pa.
"Hindi na! Hindi na naman ako matatapos. Dito ka na lang!" ani ko.
Huling paglalaba ko ay mas tumagal lang kami dahil sa kakadaldal niya tapos hindi pa nakukuntento at pinahihinto pa ako para lang tutukan ang mga kwento niya sa buhay.
"Bakit naman hindi," natatawa na aniya habang sumusunod sa akin.
"Kumain ka na rito. May pagkain pa riyan," ani ko.
"Pagsandok mo ako," aniya.
Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay ko ngunit mas tinaasan lang din niya ako ng kaniyang mga kilay.
Buntonghininga na bumalik ako at pinagsandok siya. Alam ko naman na sila ang amo ko pero hindi naman kasi siya baldado na hindi makakilos.
"Pagluto mo rin ako ng itlog ah," utos pa niya.
"Eh kung ikaw na kaya ang magluto?" asar na sambit ko.
"Oh, bakit ako? Hindi naman ako marunong sa gawaing kusina," sabi pa niya.
"Tamad kasi," bubulong-bulong na sabi ko bago kumuha ng itlog sa ref at nang mailuto na iyon.
Pinagluto ko lang siya ng itlog tapos bacon at saka ko siya iniwan doon sa loob para maaga na rin na matapos.
"Hoy Ina!"
"Ano na naman?!" Hindi na matigil.
Binalingan ko siya muli sa pagkakatuwad upang kumuha ng mga damit sa basket.
Isinasampay ko na ang iilan sa mga damit na natapos na. Isa pa sa nakatulong sa akin ay itong washing machine na 'to. Napakadaling gamitin kaya naman ay hindi rin ako pagod na pagod kapag laundry day.
"Ina ng tahanan," natatawa na dadag niya.
"Tigilan mo nga ako Roy."
Sinamaan ko siya ng tingin nang hawakan niya ang mga kamay ko na naging dahilan upang matigil ako sa pagkuha ng mga damit.
"Mamaya ka na manggulo, parang-awa mo na," sabi ko at pilit na kinukuha sa kaniya ang mga kamay ko ngunit mas hinigpitan lang niya iyon habang sinisipat-sipat.
"Kaya siguro walang nagkakagusto sa'yo kasi magaspang 'yang kamay mo," sabi niya.
Nagtitimpi na tumingin ako sa kaniya na siya namang nakatungo.
"Ang ibig-sabihin lang niyan masipag ako at maraming gawa sa bahay. Hindi katulad ng iyo na sobrang lambot na halatang tamad at hindi tumutulong sa mga gawaing bahay!"
Nangingisi lang siya na tumingin sa akin. "Gusto mo ako na lang gagawa sa mga trabaho mo para may magawa na ako pero may kapalit," aniya.
"Ano?" tanong ko kahit na alam ko rin na pagti-trip-an lang ako ng lalaki na ito.
"Siyempre ako ang pagsisilbihan mo at saka kapag may inutos ako dapat walang angal," aniya.
"Ang kapal mo naman. Hindi lang ikaw ang nagpapasahod sa akin," sabi ko at malakas na kinuha ang aking mga kamay sa kaniya.
Natatawa siya na umupo at kumuha ng damit upang ibigay iyon sa akin. Kunot naman ang aking noo na kinuha iyon sa kaniya upang isampay na.
"Pero alam mo maganda ka naman kaso hindi ka lang palaayos," maya-maya'y pag-iingay na naman niya.
"Compliment ba 'yan?" tanong ko.
"Masipag ka rin naman. Wife material," dagdag niya. "Kung wala lang akong asawa baka ikaw pa asawahin ko."
"Sira," natatawa na ani ko. "Isumbong kaya kita kay Ate Anne," sabi ko.
"What if wala akong asawa. Magugustuhan mo ako?" tanong niya.
Salubong ang aking mga kilay na tinitingnan siya na seryoso lang din nakatingin sa akin. Sinasalubong ang aking mga mata.
"Hindi," sagot ko kalaunan at iniwan siya roon upang ilabas naman ang iba pang mga damit na katatapos lang umikot.
"Choosy mo naman! Akala mo sobrang ganda!" malakas na aniya.
"Wala akong sinabi na maganda ako! Ikaw pa nga may sabi noon!" sabi ko naman.
May binubulong-bulong pa siya ngunit hindi ko na rin naman naintindihan pa. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras na tanungin siya. Mas gusto ko matapos ng maaga rito sa mga labahan ko at nang makapaglinis naman sa loob kahit na wala naman gaanong lilinisin doon.
Matapos namin magsampay ay pumasok na rin kami sa loob.
"May lagnat ka ba?" tanong ko sa kaniya nang kinuha niya ang mop at doon niya iyon ginamit sa sahig.
Nagpupunas kasi ako ng mga vase pa lang. Mas inuuna ko na ito para mamaya ang mga alikabok kung sakali ay matanggal sa sahig.
Bihira rin kasi siya tumulong. Mas gusto lang niya umupo habang pinanunuod ako.
"Ayaw mo?" tanong niya.
"Hindi naman," sabi ko. "Ituloy mo na," sabi ko.
"Ano'ng mga tipo mo sa lalaki?" tanong niya muli.
"Ako?"
"Hindi, Ina. Ako. Ano ba 'yung tipo ko sa mga lalaki?" sarkastikong pagkausap niya sa kaniyang sarili.
"Unang-una masipag," sabi ko. "Kung hindi masipag ang isang lalaki... baka hindi niya kami kayang buhayin ng magiging anak niya kung sakali."
"A-anak?" medyo utal pa na tanong niya.
"Oo, anak. Ano ba ang sense kapag naghanap ka ng partner kung hindi diretso sa pagpapamilya 'di ba? Ayaw ko naman na mage-entertain ako tapos hindi naman pala pang-long term," sabi ko.
"I see," aniya.
Nagkibit-balikat lang ako nang hindi naman na siya nagsalita pa at tahimik na ginawa ang pagpupunas ng sahig.
Nang matapos ako sa mga pinupunasan ko ay lumipat naman ako sa hagdan upang iyon naman ang aking isunod.
"Pupunasan mo isa-isa 'yan?" tanong niya.
"Oo?" patanong din na sagot ko.
Nagugulat ako nang bigla na lang niya ako hilain patayo. Mabuti kamo at nasa isang palapag pa lang kami ng hagdan!
Nanlalaki ang mga mata na tinulak ko siya nang maramdaman ang pagdikit ng dibdib ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit.
Hindi ko iyon pinahalata bagkus ay kalmado ako na lumayo sa kaniya.
"Ano na naman trip 'yan?" sabi ko.
"Pwede naman kasi i-mop bakit pupunasan pa isa-isa?" aniya at saka niya iyon sinimulan na punasan.
"Hindi ka pa kaya tapos magpunas doon," puna ko habang nakaturo sa pinupunasan niya kanina.
Hindi pa nga niya nakakalahati 'yung salas!
"Tapos na," sabi niya.
"Hindi pa!"
"Tapos na nga," pagpupumilit pa niya. "Babalikan ko naman mamaya," sabi niya nang masama na talaga ang tingin na ibinaling ko sa kaniya.
Kung dalawa 'yung mop ay ako na tatapos doon kaso isa lang ay ayaw pa niya ibigay nang kuhanin ko sa kaniya.
"Ano'ng gusto mong ulam?" tanong ko sa kaniya.
"Kahit ano," aniya.
"Kahit tuyo?"
"Kumakain ako ng kahit ano basta luto mo," aniya at kumindat pa sa akin ng bahagya.
Asta na ibabato ko sa kaniya ang basahan nang umilag siya kaagad. Nginiwian ko lang siya at ibinaba ang kamay bago siya tinalikuran upang lumakad na patungo sa kusina.
Napapainat na ipinasok ko sa banyo ang basahan at saka muling lumabas nang matapos iyon na labhan.
Dapat ay nasa school ako ngayon at kasama ang magkapatid ngunit hindi na rin muna ako pinasama ni Ate Anne kaya ang ending ay ang driver lang ang naroon at siya ang gumagawa ng gawain ko dapat.
Iniwan ko na na muna nakalaga ang manok doon at saka ako lumabas. Sobra 'yung init.
"Aray ko naman!" sabi ko nang pasalubong na binato sa akin ni Roy ang panyo.
"Magpunas ka ng pawis mo," aniya.
"Pwede naman iabot ng maayos 'di ba?" sarkastikong ani ko at ipinunas sa akin ang panyo.
Inamoy ko pa iyon ng bahagya baka kasi may kung ano na naman siya na nilagay.
"Mabango pawis ko ah," aniya.
Kagat ang ibabang labi na napapakurap ako habang tinitingnan siya. Nagtitimpi. Mabuti sana kung sobrang haba ng pasensiya ko kaso hindi at mas lalong umiiksi kapag siya na ang kausap ko.
Binato ko iyon sa kaniya na siya naman na tatawa-tawa na sinalo.
"Letse ka talaga," sabi ko.
"Arte. Inaamoy mo nga mga damit ko bago mo labhan," pang-aasar pa niya.
"Ang kapal mo naman," ani ko.
"Sabihin mong hindi totoo," aniya.
"Hindi. Kahit palagyan mo pa ng CCTV itong buong bahay niyo kahit kailan hindi ko inaamoy ang mga damit mo. At isa pa ay bakit ko naman aamuyin? Ayaw ko pa mamamatay!" sabi ko at iniwan na siya roon.
"Lily!" tawag ko sa panganay ni Ate Anne. "Po?" tanong niya. "Ito lang ba ang dadalhin mo lahat?" "Opo, Ate Ina. Sabi ni Mommy, I can buy na lang other clothes sa Boracay, eh," aniya. "Ah, sige. Puntahan ko lang si Andrei. Aayusin ko rin muna mga gamit niya. Dalhin ko na 'to," patukoy ko sa mga gamit niya. "Yes, sure. Inaasikaso na pala yata ni Mommy si Andrei," sabi niya. "Oh? Puntahan ko na lang din para kung sakali." Tinanguan lang niya ako at pinagpatuloy ang ginagawa sa cellphone niya. Mamaya pa naman ang flight kaya naman ay medyo hindi naman aligaga ang bahay. Napagpasiyahan ni Ate Anne na magbakasyon daw dahil hindi niya kinakaya ang mga nangyayari sa kumpaniya niya nitong mga nakaraan na araw dahil na rin sa sobrang hectic kaya ganiyan siguro. Isa pa ay nagtatampo na rin kasi ang mga anak niya dahil wala na itong oras para sa kanila. Madalas kasi kung umuwi siya ay tulog na ang lahat. Sa umaga ang talaga nagkakasama-sama at naghihiwalay rin naman agad kapag aalis na
"Sige po, ako na po ang bahala sa kanila," ani ko."Sige, salamat. Babalik din ako agad pero 'wag niyo na ako hintayin. Baka hindi rin kayo matuloy dahil hindi ko alam kung anong oras ang balik ko," sabi ni Ate Anne."Alam na po ba ni Roy at mga bata?" tanong ko sa kaniya."Hindi ko pa nasasabi pero ikaw na lang ang magsabi. Mala-late na kasi ako, eh. Sige na. Alis na ako," paalam niya at dire-diretso na umalis.Sa gulat ay napakurap na lang ako. Sa kawalan din ng magawa ay bumalik na lang ako sa loob.Mainit pa kaya naman ay pare-pareho kami na nasa loob lang ng cottage rito sa labas."Saan ka galing?" Binalingan ko si Roy na siyang nagtanong. "Nakita mo si Anne?" pahabol pa niya na tanong."Kaaalis lang?" patanong na sagot ko."Kaaalis lang? Saan pumunta?" tanong niya. Salubong ang mga kilay na naghihintay ng sagot."May meeting daw," sabi ko naman."Meeting saan?""Eh, ano bang malay ko kung saan?" tanong ko rin sa kaniya."You didn't even ask her?""Huwag mo ako ma-english-english
Inayos ko na ang sako na laman ang mga tuyong dahon na naglaglagan sa puno noong narra at mangga sa tabi ng bahay.Isang araw pa mula nang makabalik kami at hanggang ngayon ay hindi ko na gaanong iniimik pa si Roy kahit na ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin na para bang walang nangyari na pag-uusap sa pagitan namin.Nanatili ang pag lapit-lapit niya habang ako naman ay ginagawa ang makakaya na maging civil pa rin sa kaniya.Hindi na rin naman kami nagtagal doon dahil busy rin naman si Ate Anne sa trabaho niya. Halos hindi namin siya nakasama na magpahinga katulad ng nais niya at ang plano na sinabi niya bago kami umalis.Salubong ang aking mga kilay habang pinupunasan ang pawis na tumutulo sa aking noo. Minadali ko ang aking sarili na tinapos iyon at saka ako pumasok sa loob. Wala pa akong naluluto na pagkain.Nagkatinginan pa kami ni Roy nang makapasok ako sa kusina. Hindi ko rin inaasahan na naroon siya."Pawis ka," aniya."Ah... mainit kasi sa labas," sabi ko at kumuha na la
Sinundan ko ng tingin ang walis na nawala na sa kamay ko at ngayon ay hawak-hawak na ni Roy na siya namang nagtutuloy sa pagwawalis ko.Mula pa kaninang umaga ay inaagawan na niya ako ng mga gagawin ko. Kahit paghuhugas na hindi niya ginagawa at ginawa niya kanina.Tanging ang pagluluto lang ang siyang hindi niya ginagalaw. Kanina pa siya ganiyan at ako naman ay kanina pa rin nababahala.Napamaang na lang ako muli sa kaniya nang agawin naman niya sa akin ang mga pinggan na pagkakainan namin."Pahinga ka na, ako na rito," sabi niya. Pinandilatan ko lang siya ng mga mata ko."Ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa nang-aagaw ng mga gawain. Bakit hindi mo na lang pagtuonan 'yung problema mo sa halip na lumapit ka sa akin?""Ha?" baling niya sa akin."Hindi ba at nagkausap na tayo kahapon na ititigil mo na 'yang mga trip mo sa buhay? Pero bakit parang mas inilalapit mo lang ang sarili mo sa akin?""Gingawa ko na. Sinabi mo gawin ko sa paraan na alam ko na mawawala pagkagusto ko sa iyo," aniy
"Kung sakali na hindi ako kasal. May chance ba tayo? May chance kaya na magugustuhan mo rin ako?" maya-maya ay tanong niya.Pareho kami na nakahiga ngayon sa harapan ng sasakyan niya habang nakatanaw pa rin sa nagkikinangan na mga bituwin sa langit."Hindi ko alam," sagot ko.Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin ngunit pinanatili ko ang sarili ko na nakatingin sa itaas."I mean, sa tingin mo lang. Isipin mo na wala akong asawa tapos ayon nga... nagkagusto ako sa iyo," sabi niya."Ano pa ang sense ng pagtatanong mo kung sa reality naman ay may asawa ka talaga," pambabara ko sa kaniya.Kasi totoo naman. Tatanungin niya iyon tapos kapag sinabi ko na posible ay wala pa rin naman mababago. Ganoon pa rin naman. Sa huli ay may asawa pa rin siya at hindi na mababago pa iyon. Hindi na pwede magkagusto pa sa iba kasi nakatali na siya."Mahirap ba sagutin ng oo o hindi?" bakas sa boses niya ang pagkaubos agad ng kaniyang pasensya."Hindi naman kasi mababago ang laha—""Oo o hindi lang, Ina.""Ka
Buong araw ang nagdaan ngunit parang hindi naman niya sineseryoso ang sinasabi ko na ayaw ko na. Na layuan na lang siguro namin ang isa't-isa."Mas maganda kung lagi mong itatali ang mga buhok mo," aniya.Kanina ko pa pilit na inilalayo sa kaniya ang aking mga buhok ngunit sadyang parang wala lang iyon sa kaniya at lapit pa rin nang lapit."Ano ba?!" inis na sambit ko. Hindi na talaga natutuwa sa pinaggagawa niya.Naiinis ako sa part na ginagawa niya kung ano ang gusto niya kahit na ayaw mo. Kahit na tutol ka ay parang wala kang magawa kasi hindi ka niya pakikinggan at tanging kagustuhan lamang niya ang gusto niya na mangyari."May tali ako nakita sa banyo. Wait lang," sabi niya at nagmamadali na umalis.Salubong na salubong na ang mga kilay ko habang nakatingin sa papalayo niyang likod.Tumayo na lamang ako sa inuupuan ko at pinatay ang tv saka naman ako pumasok sa silid ko. Tamang-tama at wala na rin naman ako gagawin. Sadyang hindi lang ako dinadalaw pa lang ng antok kaya naman ay
Tiningnan ko si Roy na humihikab sa tapat ko. Nanunuod kami ng tv ngayon dahil wala rin naman kaming gagawin na. Natapos na lahat nang siya lang lang ang kumikilos.Inuuhan niya ako sa mga gawain ko. Halos lahat ng hahawakan at gagawin ko ay inaagaw niya kaya sa huli ay umupo na lang ako.Mukha pa siyang tanga na pinagsasabay ang pagwawalis kanina at saka pagpupunas ng mga gamit. Ngumingiti pa!Sa halip na iiwas ko ang mga mata ko sa gawi niya nang balingan niya ako ay hindi ko ginawa bagkus ay sinalubong ko lang iyon at napailing na lang nang ngitian niya ako.Sana ayos lang siya.Mukha pang pagod na pagod kahit na hindi naman ganoon karami ang kaniyang ginawa. Hindi rin mabigat. Sadyang nasanay lang yata siya na walang ginagawa at nakaupo lang kaya ganiyan.Ibinalik ko na lang sa pinapanuod ang aking atensiyon. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-unat niya at pagtayo roon.Tumabi siya sa akin at bahagya pa na itinaas ang dalawang kamay ko na nakakrus dahilan upang kusang tuma
"Kaya ko naman mag-isa, Roy," sabi ko.Kanina pa siya nagpupumilit na samahan ako na mag-grocery habang ako ay kanina pa rin siya pinipigilan.Magtatanghali na rin at wala na akong mailuto roon. Ubos na ang mga stock kaya naman ay napagpasiyahan ko na mag-grocery na lalo pa at ayaw rin naman mag-ulam ni Roy ng gulay.Galing sa hirap tapos ayaw ng gulay. Masiyado siyang patawa.Ayos na rin na makapag-grocery na kami dahil baka dumating si Ate Anne at walang masarap na pagkain na maihanda ay sa akin ipalamon lahat. Lagi kasi siyang nagagalit kapag ganiyan na wala siyang makita na kaayusan sa bahay. Kahit sino naman ay hindi matutuwa panigurado.Trabaho ko rin ito. Responsibilidad ko kaya wala rin ibang gagawa nito kung hindi ako lang. Ako at ako lang mag-isa.Mabuti na nga lang kamo at may sariling budget ang bahay. May sariling card na nakalaan para ipambili ng mga gamit o ipambayad kung sakali man na kakailanganin ng pera.Nadala na rin yata si Ate Anne dahil nang minsan kasi na iniwa
Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18
ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin
I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could
"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten
Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi
Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko. "Order in the court! Please let the questioning proceed without interruptions. There will be an opportunity for the victim to speak later during their testimony or when called upon. Mr. Gomez, I understand your emotions, but we must maintain a structured and fair process here," ani ng attorney ng kabila. "Makinig na lang muna tayo," pagkausap ko sa kaniya. "Continue," pagpapatuloy ng judge. Kinalma ko si Roy habang nagpapatuloy na ulit ang pag-uusap ni Ate Anne at ang abogado niya. Ang mas ikinagagalit ko ay pilit pa rin siya na nagsisinungaling kahit napaka-solid na ng ebidensiya na mayroon kami at si Anthony pa ang tumayo na defendant. "Hindi ko alam. Wala na akong koneksiyon pa sa kanila magmula nang ma-approve na ang annulment namin ni Roy kaya imposible ang ibinibintang sa akin," pagtatanggol ni Ate Anne sa sarili niya. "Umamin ka na lang!" halos maiyak na sigaw ko. "Hindi ito ang unang beses na gusto mo akong patayin, Ate Anne
"Hindi ko kasalanan kung iniwan ka ni Roy, Ate Anne. Lumayo na ako sa inyo at ngayon hindi ako ang dapat mong sisihin diyan sa galit at poot mo!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Yes, you should be to blame, Ina. Kasalanan mo dahil inakit mo ang asawa ko! Inakit mo siya at siniraan mo ako sa kaniya—" Natatawa na tiningnan ko siya. "Siniraan? Ate Anne, bakit hindi mo na lang aminin na nangaliwa ka at nagkataon pa na may asawa rin ang kinabit mo? Sige, palagay na natin na nagkamali ako noong una at hindi ikaw ang nakita ko na may kahalikan sa tapat ng bahay niyo pero paano mo pa maipapaliwanag ang pagpunta mo sa condo ni Kuya Erik, na asawa pala ni Mama. Paano mo ipapaliwanag 'yon?!" Dinuro ko siya. "Nang dahil sa'yo muntik na mawala ang anak ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa galit na nararamdaman. Nang hindi mapigil ang panggigigil sa kaniya ay lumipad ang palad ko sa pisngi niya. "Dianna, kumalma ka," pagpapakalma ni Mama sa akin. Sakto na paalis ako ng bahay nan
"Paano naman mangyayari 'yon? Iisang tao lang hinahanap niyo pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin makita?" hindi maiwasan na tanong ko sa mga police. "Baka naman abutin pa ng isang taon itong kaso na ito bago ma-close o ang tamang tanong yata ay kung mabibigyan pa ba ng hustisya ito?" "Dianna, calm down," pagpapakalma sa akin ni Carl. Naririto kami ngayon sa police station dahil hindi na sila nag-uupdate pa. Ni hindi ko alam kung umuusad pa ba ang kaso namin. "Paano ako kakalma, Carl? Magaling na lahat-lahat 'yung mga naging biktima ni Ate Anne tapos hanggang ngayon wala pang maayos na pag-uusap para sa kaso na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mrs. Gomez, we were doing our best to search for Mrs. Annalyn pero hindi ganoon kadali na mahanap siya at idala rito—" "At kung inasikaso niyo na ito at hinanap si Anthony nang mas maaga ay hindi na aabot ng ganito katagal! Ang hirap kasi sa inyo ay mas inuuna niyo pa ang mga bagong file na case kaysa sa amin!" "Dianna." "Mr. U