Devine POVNakaupo lang ako habang nakaharap sa taong mahal ko. "Hi baby, kamusta ka na? Pasensya ngayon lang ako nakadalaw kasi alam mo naman exam kaya kailangan kung magreview." saad ko."Sobrang namimiss na kita, hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit. Hindi ko alam kung kailan maghihilum ang sugat pero ginagawa ko ang lahat kasi ito naman ang gusto mo diba?" nagsimula ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata."Gusto kung magalit sayo, gusto kung sabihin na ang selfish mo. Kasi kung hindi mo sana ako niligtas wala ka ngayon diyan. Ang daya daya mo." dagdag ko pa."Pero kahit na gano'n ikaw pa din ang inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay kasi.... ayaw kung mapunta sa wala ang sakripisyo mo. Baby, I'm so proud of you. Palagi kang kasama sa mga pangarap at achievements ko, you will always be my forever love." hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol habang nakatingin sa kanya.Naramdaman ko naman na may yumakap sa akin at kahit hindi ko na tingnan ay alam kung si Jamilla 'yon ka
Huling Na-update : 2022-11-24 Magbasa pa