HINDI pa rin makapaniwala is Cherry sa nakikita niya. Ngayong umaga at maliwanag na ang buong paligid ay kitang-kita niya na ang lawak, ganda, at gara ng buong kabahayan nila Xander. Walang sinabi ang bahay ni Magsaysay, Rizal, at kahit ang Palasyo ng Malakanyang. "Eat up..." Agaw ni Xander sa nawiwindang niyang diwa. "...lalamig na ang pagkain.""Xander, puwede ba akong mag apply na katulong dito sa inyo?" Baliwalang tanong niya habang busy pa rin ang mga mata niyang naglilibot sa kusina.Ang lawak ng mesa, pang isang dosena yata pero dalawa lang silang naka-upo at kumakain. May katulong din ang mga ito na hindi niya alam kung ilan ang eksaktong bilang. Basta ang alam niya ay iba ang nagluto ng pagkain, iba ang nag serve, at iba rin 'yong naghuhugas sa lababo.Narinig niya ang pagtikhim ni Xander kaya naman napalingon siya rito. "Ano? Hiring pa ba kayo? Kahit taga suklay na lang ng buhok mo, tatanggapin ko na basta eksakto at hindi delay ang suweldo." Giit niya pa."I can comb my hai
Magbasa pa