"KUMAIN ka lang ng kumain, nangangayayat ka na eh." Ani Ace saka tinambakan ng anim na shang hai; tatlong puto; spaghetti; pansit; at gelatin ang plato niya.Pakiramdam niya tuloy ay daig niya pa ang patay gutom sa kagaguhang ginagawa ng kaibigan niya sa kaniya. Isa pa, hindi naman siya ganoon kapayat, sadyang hindi lang din siya tabain. Minsan na lang din sila magkita ni Ace kaya siguro sa paningin nito ay pumapayat siya."Kalbo lakas mo talagang mang gago 'no?! Sabihin mo lang kung ito na ang huling kain ko para makapaghanda pa ako, daig ko pa kasi ang bibitayin sa mga pinagtatatambak mong pagkain sa plato ko!"Pinaghila siya nito ng upuan na kaagad niya namang inupuan saka ito tumabi sa kaniya. "Hati tayo d'yan! Tingin mo sa'yo lahat yan? Aba, ang siba mo naman!" Napairap na lang siya saka sinungalngal ang isang shang hai sa bibig nito. Kung hindi lang talaga sila magkaibigan ni Ace, malamang na matagal niya na itong grinipuhan sa tagiliran. Napakasama kasi ng tabas ng dila nito,
Read more