Malaki ang ngiti ko nang makababa ng bus. This is it! I'm already at my dream place. Dati nakikita ko lang ito sa mga magazine at telebisyon, ngunit ngayon ay naririto na ako. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko sila nanay at tatay tungkol dito. They're against my idea, ako lang kase ang babae sa amin at ang panganay namin ay nasa ibang bansa rin nagtatrabaho. Si bunso na lang ang nasa bahay na kasalukuyang nag-aaral sa college. Maging ako man ay nalulungkot na iwan sila, subalit hindi lamang ito sa para sa aking sarili. Ginagawa ko rin ito para sa kanila. Bata pa lamang, pinangarap ko na ito, ang makarating sa siyudad at maging magaling sa anumang larangan na aking tatahakin. At ngayong narito na ako, sisiguraduhin kong hindi ako mabibigo. “Hindi madali ang buhay sa siyudad anak.” wika ni nanay, ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi sundin ang desisyon ko. Nagkaroon pa ng mahabang paliwanangan ngunit sa huli ay napapayag ko rin sila, sa pangakong hindi ko pababayaan ang sarili
Read more