NAGPAALAM AKO kay Fred na pupuntahan ko muna si Lyah. Wala naman akong masyadong maitutulong sa kanila, bukod sa moral support. Ang totoo, ako ang nagtulak kay Milady na paimbestigahan ang nangyari sa kanya noon. Ayaw niya pa noong una, pero dahil sa pagpupumilit ko para na rin sa ikagagaan ng loob niya, ay pumayag siya.Dalawang dekada na, alam ko na mahihirapan kami sa paghahanap ng testigo, ebidensya, maging ang primary suspect. Ni hindi naman kasi nag-file agad noon si Milady, dahil imbis na tulungan siya ng ama, pinagtabuyan pa siya nang malaman nito ang sinapit niya.I suggested that we look at tabloid, and news from that time. Sigurado ako na natabunan lang iyon lalo pa’t nabasa ko pa nga ang tungkol sa pagpapalayas kay Milady ng kanyang ama.Abala ako sa pag-eempake ng pangtatlong araw na damit. Mapapayag ko kaya si Lyah na sumama sa akin sa loob ng tatlong araw?“Master, ingat ka sa pamilya ni Young Lady. May aso rin silang malaki, si
Last Updated : 2022-12-19 Read more