NAGPALIT lang ako ng kumportableng damit—brown na jumpsuit at makapal na jacket. Nagsuot din ako ng running shoes, just in case na kailangan kong tumakbo kapag nakaramdam ako ng panganib mula kay Paul, kahit na masakit pa ang paa ko.Laptop bag lang ang dala ko kung saan naroon ang laptop, phone, at ilang necessities sa byahe tulad ng wetwipes, tootbrush, at iba pa.Mabilisang paghahanda lang din ang ginawa ko dahil ayaw kong maabutan ko ang paggising ni Master. Baka hindi na ako umalis kapag nakita ko siya. Hindi na rin ako nagsumbong sa nalaman ko tungkol kay Sir Fred dahil pinagbantaan ako ni Paul na kung bumalik pa ako o mag-iwan ng notes sa kwarto ni Master, hindi na ako makakalabas ng bahay.Sa may fountain na rin ako naghintay kay Paul. Madilim pa at nakakatusok ang lamig.First week of February. Hindi man lang kami umabot sa Valentine’s. Ngumiti ako nang mapait. After a few more weeks, birthday na namin. Pakiramdam ko, naglaro lang kam
Last Updated : 2022-12-19 Read more