MAHIHINANG hikbi ang tila tumatawag sa ulirat ko, pero hindi ko magawang imulat ang mata ko. Natatakot ako na si Nathan iyon at nagsumbong na naman sa nanay niya.No!I’m already an adult, but I am still the same—the coward Yuri.Simula’t sapol, wala akong ginawa para sa sarili ko. Naging sunud-sunuran ako sa takot na baka latigo at mararahas na sampal at sabunot ang ibigay kapag hindi ako tumalima. Maging pagmulat ng mata ko sa umaga, nagiging bangungot na rin sa akin.Kahit ngayon na halos isang dekada na mula nang umalis ako sa poder ni Milady, naroon pa rin ang takot. Marinig ko lang ang boses niya, makita ko lang ang pamilyar nilang pigura—siya at ng mga anak niya—kung wala sina Fred at Paul, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.“Hubby, honey, husband, honeybunch, ano ba?! Anong endearment pa ang gusto mong marinig? Gumising ka na, Master!”Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng pagyugyog sa kata
Last Updated : 2022-12-18 Read more