Semua Bab Beautiful Days with You: Bab 21 - Bab 30

35 Bab

Chapter 21

Next week na ang birthday ni Lexy kaya nag-paalam muna si Chandria kina Nanay Bebang na hindi muna siya papasok ngayong araw para makapag-shopping. Balak kasi nitong maaga pa lang ay makabili na siya ng iregalo sa bestfriend na magagamit talaga nito sa nalalapit nitong kasal.Mukhang maaga pa naman para mag-shopping kaya ang pinagkakaabalahan muna niyang scrapbook ang pinagtuunan niya ng pansin. Bawat araw kasi na magkasama sila ni Niel ay kinukunan talaga niya ng picture. Gusto niya na sa bawat kasama niya ito ay talagang magmamarka sa puso niya. Na hanggang sa pagtanda niya ay baon-baon niya pa rin ito. 'Beautiful Days with You' iyon ang napili niyang theme sa scrapbook niya.Inisa-isa niyang tiningnan ang mga picture na kuha nila ni Niel at sa loob ng anim na buwan na magkasama sila ay parang ang dami na nilang memories na nagawa together.Bigla siyang natawa ng maalala niya na sabay silang mag-jogging noon at hinabol ng aso. Muntik na siyang madapa non mabuti na lang at maagap su
Baca selengkapnya

Chapter 22

It's Sunday at parehong wala silang trabaho kaya naisipan ni Chandria na i-surprise and nobyo sa condo nito. Maaga siyang nagising at alam niyang tatanghaliin ng gising ang nobyo dahil halos 3 A.M na ito umuwi kagabi galing sa apartment nila. Isa pa ,wala naman silang naplanohang date kagabi kaya marahil mas maigi na pumirme na lang muna sila sa condo ng binata.Humarap na ito sa salamin upang makasimula na siyang mag-ayos sa kanyang sarili.Itinali na lang nito ang kulay purple niyang buhok in a bun. Kulay puti at itim na high waisted maong shorts naman ang kanyang outfit of the day. Naglagay lang ito ng konting make up sa kanyang mukha at bitbit ang bohemian tote bag ay tuluyan na itong lumabas sa kanyang kwarto.Hindi na ito nagpaalam pa kina Lexy at Nanay Bebang dahil alam niyang tulog pa rin ang mga ito sa mga ganitong oras. Hindi na siya nagdala ng sariling sasakyan at nag-book na lang siya ng Uber. Sigurado naman kasing ihahatid siya ni Niel pauwi mamaya.Saktong 10:00 a.m ay na
Baca selengkapnya

Chapter 23

Sobrang inagahan talaga ni Chandria ang pagpunta sa shop nila. Si Lexy naman kasi ang mawawala ngayong araw dahil may aayusin pa sila ni Ken ng ilang bagay para sa nalalapit nilang kasal. Nagpa-iwan naman sa bahay si Nanay Bebang dahil masama daw ang pakiramdam nito.Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos sa mga naka-display na mga accessories nang may magandang Ginang na pumasok. Sa mukha at pananamit nito ay siguradong mayaman talaga ito.Bigla siyang napako sa kinatatayuan ng mapagtanto kung sino ang magandang Ginang na ito. Mama lang naman ni Niel. Bigla siyang pinagpawisan ng malapot at tila nagpapanic na naman ang mga nerves niya sa katawan."Welcome po, ma'am!" bati ni Ana dito. Tipid na nginitian naman nito si Ana.Pasimple muna siyang tumingin sa salamin bago lumantad para salubungin ang ina ng nobyo. Hindi talaga siya prepare sa araw na ito kaya ganoon na lang ang kabang gustong kumawala sa buong pagkatao niya."Welcome po," aniya at ipagpasalamat na lang niya dahil hindi pum
Baca selengkapnya

chapter 24

Kinaumagahan nadatnan ni Chandria si Ana na umiiyak habang yakap-yakap ito ni Lexy sa loob ng kanilang shop. Naka-upo ang mga ito sa sofa kung saan madalas inuupuan ng kanilang mga customer habang naghihintay. Dali-dali siyang lumapit sa mga ito.“Bakit umiiyak si Ana? What happened?” sunod-sunod niyang tanong na puno ng pag-alala ang mukha.“She just lost her scholarship.” malungkot na sagot sa kanya ni Lexy. Napahugot naman ng malalim na hininga si Nanay Bebang.“What? Why?” mulagat ang mata na tanong niya na tila hindi makapaniwala. “May ibinagsak ka bang subjects?” usisa nito at umupo sa tabi ni Ana. “Wala po ate, Chandy!” sagot naman ni Ana sa kanya na hindi pa rin matigil ang pag-yak nito. “Hindi rin ko rin nga po maintindihan kung paano ito nangyari dahil hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Lahat ng grado ko steady lahat sa 90.”Siya naman ang huminga ng malalim at napakagat sa kanyang kuku. Nakapagtataka naman kasi kung bakit bigla na lang itong nangyari gayong alam
Baca selengkapnya

Chapter 25

Kampanteng umupo muna si Chandria sa silid ng tanggapan ng opisina ng Administrator ng school. May kausap pa kasi ang admin kaya pinaghintay muna siya ng secretary nito sa naturang silid.Kaagad siyang napatayo nang makitang palapit na ito sa kanya."Miss Santana, right?" tanong ng nakangiting Admin."Yes, ma'am. Chandria Santana po. Isa po sa guardian ni Ana Lentoco.""Ohh! Well, nice to meet you then. I'm Mrs. Ayuban." ani nito at nakipag-kamay sa kanya. Nakangiting tinanggap naman niya iyon. "Have a seat." sabay turo nito sa kaharap na sofa."Thank you po."Bahagya muna siya tiningnan ng admin bago ito nagsalita."I heard the bad news about Ana's scholarship and we're really sorry for Ana." panimula ng Administrator. "I know Ana very well at alam ko kung gaano ka dedicated ang batang ‘yon sa kanyang pag-aaral but—" bahagya itong huminga ng malalim. "kahit kami nagulat din nang bigla na lang nag-back out ang sponsor ng kanyang scholarship. Pero huwag po kayong mag-alala, I will try
Baca selengkapnya

Chapter 26

"Good morning!" nakangiti niyang bati kay Lexy sa hapag kainan nila. Nakapangalumbaba ito at tila malayo ang tingin. "May problema ba?" nag-alala niyang tanong habang nagtetempla sa sarili niyang kape.Tipid naman siyang nginitian ni Lexy at umayos ito ng upo. "Ano kasi—" saglit itong napahinto at nilaro-laro ng daliri ang hawakan ng mug sa harapan nito. "natanggal sa trabaho si Ken." Bahagya niyang nabitawan ang kutsaritang hawak-hawak at nanlaki ang mata na napatingin kay Lexy. He knows Ken so well in terms of his work. Masipag naman ito bilang ahente ng mga condo."Bakit? Ano raw ba ang dahilan?" puno ng pag-alala na sabi niya. Humila ito ng isang upuan saka umupo bitbit ang tenimplang kape.Huminga muna ng malalim si Lexy bago muling nagsalita. "Hindi rin niya alam eh! Ayon sa manager nila nag-babawas daw ng mga empleyado ang kompanya nila at isa siya sa napili. Pero–ang nakakapagatataka raw ay bakit siya. Eh, malakas naman daw ang benta niya at lagi niyang naabot ang quota niya
Baca selengkapnya

Chapter 27

Natulala na lang si Chandria sa maagang bad news na bungad sa kanya ni Ms. Hernandez, ang may ari ng inuupahan nilang building kung saan kinaroroonan ng kanilang shop. "Ms. Hernandez naman! Nagbibiro po ba kayo?" wika niya na nakapamewang ang isang kamay habang sapo naman ng isang kamay ang noo niya. Mukhang aatakihin yata siya ng migrain niya ngayong araw. "Saan naman kami makakahanap ng bagong pwesto sa loob ng isang buwan lamang?" "Pasensya ka na talaga, hija. Kailangan ko rin kasi ng pera para sa apat kung anak na mag-kolehiyo. Eh, masyado nang malaki ang kalahating milyon para sa pwesto ninyo kaya—hindi na ako makatanggi pa at kaagad ko ng tinanggap ang offer ng buyer." paliwanag sa kanya ng may-ari ng nirerentahan nilang shop. Tahimik naman na nakikinig lang si Lexy at Nanay Bebang sa isang tabi. Nag-iisip din ang mga ito kung ano na ang gagawin nila dahil kahit sila ay gulat rin. Mahigit walong taon na rin kasi sila sa kanilang pwesto at napa-mahal na rin ang lugar sa ka
Baca selengkapnya

Chapter 28

Kanina pa siya naka-park sa parking area malapit sa kanilang shop at hindi na rin niya alam kung ilang minuto na siyang nasa loob ng kanyang kotse. She was just sitting there. Tulala at tila pagod na pagod ang utak.Mariin siyang napapikitat nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi sa kanyang isipan ang susunod na mangyayari sa kanila ni Niel. Pilit sinasagot ang tanong na kung sasaya ba siya muli kapag dadating ang oras na bibitawan na niya ito.Mabilis siyang tumingala ng pakiramdam niya ay tila babagsak na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang inayos ang sarili at hinablot ang bag sa tabi. Lumabas ng kotse at pilit na pinasisigla ang mukha."I'm back!" wika niya at pilit na pinasisigla ang boses."Welcome back, ate!" bati ni Ana ngunit nasa ginagawa nito ang mga mata."Buti dumating ka na," ani ni nanay Bebang sa kanya. Lumapit siya sa matanda at nagmano rito. "Mukhang pagod na pagod ka yata? Gusto mo bang ipagtempla kita n
Baca selengkapnya

Chapter 29

Hindi mabilang ni Chandria kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kanyang kwarto habang naka-talukbong ng kumot. Laking pasasalamat na lang niya dahil walang tao sa apartment nila kaya malaya niyang nailalabas ang kanyang nararamdaman.Nang mapagot ang mata sa kaka-iyak ay marahan itong bumangon sa kama at malungkot na nakatitig sa mga nagkalat na mga larawan nila ni Niel sa sahig. Hindi na naman niya napagilang muling humikbi dahil parang kanina lang ang saya-saya niya habang tinitingnan ang mga iyon.Kumuha ito ng malaking box at mabigat ang loob na nilagay ang mga iyon isa-isa para tuluyan ng itago. Kasama na rin ang hindi pa nito tapos na scrapbook. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil hindi rin niya alam kung matatapos pa niya ito o’ ipagpapatuloy pa.Bigla siyang napapitlag ng mag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Lexy. Inayos niya muna ang sarili bago sumagot at ganun na lang ang sumalakay na kaba sa kanyang dibdib sa ibinalita nito. Biglang sumikip daw ang dibdib ni
Baca selengkapnya

Chapter 30

Dumaan ang isang linggo matapos ang break up nila ni Niel. Panay ang tawag ng binata sa kanya ngunit hindi niya lang ito sinasagot. Isang linggo na rin siyang nakakulong lang sa kanyang kwarto. Gustuhin niya mang pumasok sa kanilang shop pero alam niyang pupunta at pupunta doon si Niel at iyon ang gusto niyang iwasan. She can't take it to see him suffer in pain. Crying in front of her and begging for her to come back. Alam niyang masakit ang kanyang piniling desisyon and half of it ay gustong gusto niyang pagsisihan ngunit wala naman siyang magagawa. She just keep convincing herself that she do the right thing. Kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa mga taong nakapaligid sa kanila. At kung sila talaga ni Niel sa huli ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana at kung hindi man ay magiging masaya pa rin siya para sa binata. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Walang bituin sa kalangitan kaya bigla na lang siyang nalungkot dahil tila uulan ngayong gabi."Chandy!
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
DMCA.com Protection Status