Share

Chapter 23

Sobrang inagahan talaga ni Chandria ang pagpunta sa shop nila. Si Lexy naman kasi ang mawawala ngayong araw dahil may aayusin pa sila ni Ken ng ilang bagay para sa nalalapit nilang kasal. Nagpa-iwan naman sa bahay si Nanay Bebang dahil masama daw ang pakiramdam nito.

Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos sa mga naka-display na mga accessories nang may magandang Ginang na pumasok. Sa mukha at pananamit nito ay siguradong mayaman talaga ito.

Bigla siyang napako sa kinatatayuan ng mapagtanto kung sino ang magandang Ginang na ito. Mama lang naman ni Niel. Bigla siyang pinagpawisan ng malapot at tila nagpapanic na naman ang mga nerves niya sa katawan.

"Welcome po, ma'am!" bati ni Ana dito. Tipid na nginitian naman nito si Ana.

Pasimple muna siyang tumingin sa salamin bago lumantad para salubungin ang ina ng nobyo. Hindi talaga siya prepare sa araw na ito kaya ganoon na lang ang kabang gustong kumawala sa buong pagkatao niya.

"Welcome po," aniya at ipagpasalamat na lang niya dahil hindi pum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status