Kampanteng umupo muna si Chandria sa silid ng tanggapan ng opisina ng Administrator ng school. May kausap pa kasi ang admin kaya pinaghintay muna siya ng secretary nito sa naturang silid.Kaagad siyang napatayo nang makitang palapit na ito sa kanya."Miss Santana, right?" tanong ng nakangiting Admin."Yes, ma'am. Chandria Santana po. Isa po sa guardian ni Ana Lentoco.""Ohh! Well, nice to meet you then. I'm Mrs. Ayuban." ani nito at nakipag-kamay sa kanya. Nakangiting tinanggap naman niya iyon. "Have a seat." sabay turo nito sa kaharap na sofa."Thank you po."Bahagya muna siya tiningnan ng admin bago ito nagsalita."I heard the bad news about Ana's scholarship and we're really sorry for Ana." panimula ng Administrator. "I know Ana very well at alam ko kung gaano ka dedicated ang batang ‘yon sa kanyang pag-aaral but—" bahagya itong huminga ng malalim. "kahit kami nagulat din nang bigla na lang nag-back out ang sponsor ng kanyang scholarship. Pero huwag po kayong mag-alala, I will try
"Good morning!" nakangiti niyang bati kay Lexy sa hapag kainan nila. Nakapangalumbaba ito at tila malayo ang tingin. "May problema ba?" nag-alala niyang tanong habang nagtetempla sa sarili niyang kape.Tipid naman siyang nginitian ni Lexy at umayos ito ng upo. "Ano kasi—" saglit itong napahinto at nilaro-laro ng daliri ang hawakan ng mug sa harapan nito. "natanggal sa trabaho si Ken." Bahagya niyang nabitawan ang kutsaritang hawak-hawak at nanlaki ang mata na napatingin kay Lexy. He knows Ken so well in terms of his work. Masipag naman ito bilang ahente ng mga condo."Bakit? Ano raw ba ang dahilan?" puno ng pag-alala na sabi niya. Humila ito ng isang upuan saka umupo bitbit ang tenimplang kape.Huminga muna ng malalim si Lexy bago muling nagsalita. "Hindi rin niya alam eh! Ayon sa manager nila nag-babawas daw ng mga empleyado ang kompanya nila at isa siya sa napili. Pero–ang nakakapagatataka raw ay bakit siya. Eh, malakas naman daw ang benta niya at lagi niyang naabot ang quota niya
Natulala na lang si Chandria sa maagang bad news na bungad sa kanya ni Ms. Hernandez, ang may ari ng inuupahan nilang building kung saan kinaroroonan ng kanilang shop. "Ms. Hernandez naman! Nagbibiro po ba kayo?" wika niya na nakapamewang ang isang kamay habang sapo naman ng isang kamay ang noo niya. Mukhang aatakihin yata siya ng migrain niya ngayong araw. "Saan naman kami makakahanap ng bagong pwesto sa loob ng isang buwan lamang?" "Pasensya ka na talaga, hija. Kailangan ko rin kasi ng pera para sa apat kung anak na mag-kolehiyo. Eh, masyado nang malaki ang kalahating milyon para sa pwesto ninyo kaya—hindi na ako makatanggi pa at kaagad ko ng tinanggap ang offer ng buyer." paliwanag sa kanya ng may-ari ng nirerentahan nilang shop. Tahimik naman na nakikinig lang si Lexy at Nanay Bebang sa isang tabi. Nag-iisip din ang mga ito kung ano na ang gagawin nila dahil kahit sila ay gulat rin. Mahigit walong taon na rin kasi sila sa kanilang pwesto at napa-mahal na rin ang lugar sa ka
Kanina pa siya naka-park sa parking area malapit sa kanilang shop at hindi na rin niya alam kung ilang minuto na siyang nasa loob ng kanyang kotse. She was just sitting there. Tulala at tila pagod na pagod ang utak.Mariin siyang napapikitat nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi sa kanyang isipan ang susunod na mangyayari sa kanila ni Niel. Pilit sinasagot ang tanong na kung sasaya ba siya muli kapag dadating ang oras na bibitawan na niya ito.Mabilis siyang tumingala ng pakiramdam niya ay tila babagsak na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang inayos ang sarili at hinablot ang bag sa tabi. Lumabas ng kotse at pilit na pinasisigla ang mukha."I'm back!" wika niya at pilit na pinasisigla ang boses."Welcome back, ate!" bati ni Ana ngunit nasa ginagawa nito ang mga mata."Buti dumating ka na," ani ni nanay Bebang sa kanya. Lumapit siya sa matanda at nagmano rito. "Mukhang pagod na pagod ka yata? Gusto mo bang ipagtempla kita n
Hindi mabilang ni Chandria kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kanyang kwarto habang naka-talukbong ng kumot. Laking pasasalamat na lang niya dahil walang tao sa apartment nila kaya malaya niyang nailalabas ang kanyang nararamdaman.Nang mapagot ang mata sa kaka-iyak ay marahan itong bumangon sa kama at malungkot na nakatitig sa mga nagkalat na mga larawan nila ni Niel sa sahig. Hindi na naman niya napagilang muling humikbi dahil parang kanina lang ang saya-saya niya habang tinitingnan ang mga iyon.Kumuha ito ng malaking box at mabigat ang loob na nilagay ang mga iyon isa-isa para tuluyan ng itago. Kasama na rin ang hindi pa nito tapos na scrapbook. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil hindi rin niya alam kung matatapos pa niya ito o’ ipagpapatuloy pa.Bigla siyang napapitlag ng mag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Lexy. Inayos niya muna ang sarili bago sumagot at ganun na lang ang sumalakay na kaba sa kanyang dibdib sa ibinalita nito. Biglang sumikip daw ang dibdib ni
Dumaan ang isang linggo matapos ang break up nila ni Niel. Panay ang tawag ng binata sa kanya ngunit hindi niya lang ito sinasagot. Isang linggo na rin siyang nakakulong lang sa kanyang kwarto. Gustuhin niya mang pumasok sa kanilang shop pero alam niyang pupunta at pupunta doon si Niel at iyon ang gusto niyang iwasan. She can't take it to see him suffer in pain. Crying in front of her and begging for her to come back. Alam niyang masakit ang kanyang piniling desisyon and half of it ay gustong gusto niyang pagsisihan ngunit wala naman siyang magagawa. She just keep convincing herself that she do the right thing. Kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa mga taong nakapaligid sa kanila. At kung sila talaga ni Niel sa huli ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana at kung hindi man ay magiging masaya pa rin siya para sa binata. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Walang bituin sa kalangitan kaya bigla na lang siyang nalungkot dahil tila uulan ngayong gabi."Chandy!
A week after she totally lost Niel, she decided to go somewhere else that can heal her brokenness. Naintindihan naman iyon ng Nanay Bebang niya at ni Lexy. Gaya ng pangako ng ina ni Niel, ibinalik na nito ang lahat sa normal. Bumalik na si Ken sa kompanyang pinagtatrabahuhan pati na rin ang ama ni Ana. Hindi na rin natuloy ang paglipat nila ng bagong pwesto dahil biglang nagbago raw ang isip ng buyer ayon kay Mrs. Hernandez. Laking tuwa rin ni Ana ng ibalita sa kanya na may bago na itong sponsor sa kanyang scholarship. Wala na rin problema si Lexy sa catering at reception ng kanilang kasal ni Ken.Everything go back to normal, maliban lang sa kanyang nararamdaman. She can't deny the fact that she doesn't even know how to move on and go back to her normal life. Hindi naman siya dating ganito at alam niyang sanay na sanay siya sa disappointment na nangyayari sa kanyang buhay. Sa murang edad niya ay nasaksihan na niya kong paano masaktan ng husto. She grew up and tried so hard to be str
"May cancer po ang Mama nyo, two years ago pa," panimula ng P.A ng Mommy niya na si Norilyn. Parang nag-echo iyon sa kanyang pandinig. She kept on asking herself kung bakit ito nangyayari sa kanya. Bakit hindi man lang niya magawang maging masaya.Her mother is dying at hindi niya alam kung ilang araw at buwan niya na lang itong makakasama."Bakit niya nagawang ilihim ito sa akin?" nakatulalang tanong niya habang titig na titig sa natutulog na ina."Iyon po ang hindi ko alam pero alam ko po kung gaano kayo ka mahal ng iyong ina. Araw-araw, ikaw lang po ang bukambibig niya. Kung gaano na raw kayo ka ganda ngayon at kung gaano kayo kakulit noon." Napangiti siya ng mapait. "She really wanted to live a long more years kaya sa kabila ng sinasabi ng mga doktor sa kanya na may 30% na chances na lang ito na maka-survive. Hindi talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit na gustong-gusto na niyang sukuan ang mga chemo session niya ngunit pilit niyang kinakaya. Gustong-gusto niya kasing bumawi sa iny