Home / Romance / Slow Dancing in the Dark / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Slow Dancing in the Dark: Chapter 21 - Chapter 30

37 Chapters

Kabanata 20

Break.Tulala ako habang nakatingin sa puting kabaong sa harap ko. Ni hindi ko magawang tingnan ang mga lumalapit sa akin para makipagdalamhati. Blangko ang isip ko. "I'm sorry, Gab," boses iyon ni Cartier.Sa ilang oras ko sa harap ni Mama na nakatulala, siya lang ang nakapagpaalis ng tingin ko roon. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Marahan niya akong niyakap habang humahagulgol ako na parang bata sa kaniyang dibdib. Malambing niyang hinaplos ang buhok ko habang hinahayaan akong umiiyak."Si M-Mama na lang ang mayroon a-ako. Hindi k-ko matanggap," humihikbi kong sabi.Marahan niyang hinahaplos ang buhok at balikat ko. Patuloy lang akong umiiyak sa dibdib niya nang kumalas siya sa pagyayakap sa akin at inalalayan akong maupo. Pinunasan niya ang pisngi ko bago lumayo sa akin. Kasunod no'n ang paglapit sa akin ni Papa. Hawak-hawak ni Papa ang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko.Yumuko siya habang hawak nang mahigpit ang aking dalawang kamay. Dinala
last updateLast Updated : 2022-11-08
Read more

Kabanata 21

Pregnant.Sinalubong ang umaga ko ng sunod-sunod na pagduwal. Hinang-hina akong humawak sa toilet bowl para kumuha ng lakas. Naiiyak kong hinawakan ang kwintas kung nasaan ang abo ni Mama.Buong gabi kong pinag-isipan ang desisyon ko. I don't want my child to suffer. I can't give her or him anything because I'm still broken. Mula sa pagkawala ni Mama hanggang sa pagtataksil sa akin ni Cartier. Hindi ko pa kayang bumuhay ng bata kung hanggang ngayon wasak na wasak ako."Papa!"Malakas kong sigaw habang naglalakad ako palabas ng aking kwarto. Mariin pa ang pagkapit ko sa staircase dahil nahihilo pa rin ako."Papa, are you going home?" Tanong ko nang makitang nakaayos siya.Naguguluhan siyang tumingin sa akin. Mabilis akong bumaba ng hagdan at humawak sa kaniya. Nanginginig ako. Ayaw kong maiwan mag-isa. Ayaw kong makita ang kahit na sino sa kanila."Sama ako, Pa. Please?""Gabriella, are you okay?" Marahang hinawakan ni Tita Janah ang braso ko para pakalmahin ako.Inutusan niya ang isa
last updateLast Updated : 2022-11-09
Read more

Kabanata 22

Chanelle Ayla Bernal.Pinagpatuloy ko ang second year college ko habang buntis. Nag-oonline class nga lang ako at module. Tinutulungan pa ako ni Vincent sa mga subject na hirap ako. Hindi ko nga alam kung nagta-trabaho pa ito dahil halos dito na sa bahay umuwi."Malapit na birthday mo, ha?"Tumango ako sa sinabi nito. Halos nakalimutan ko nang magbi-birthday ako. Mas hinihintay ko pa ang ang panganganak ko na ilang buwan pa."Anong gusto mong regalo?""Mall," mabilis kong sagot."Nako! Kayang-kaya kong bilhin 'yan. Ilang mall ba ang gusto mo?" Mayabang na tanong nito.Inis ko siyang hinampas. "I mean, punta tayong mall. Hindi na ulit tayo lumabas e.""Hindi mo kasi nililinaw..." tumatawang sabi nito. "Baka kasi sabihin ni Tito Gabriel, inaabuso natin. Kaya minsan lang dapat."Tumango ako roon. Oo nga naman. Baka mamaya, mas paghigpitan ako ni Papa. Wala naman sila lagi ni Tita Janah dito sa bahay dahil maraming inaasikaso sa Palawan at Davao. Kaya halos ang mga katulong, at si Vincent
last updateLast Updated : 2022-11-09
Read more

Kabanata 23

Rouge.Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok doon si Papa na mukhang kagagaling lang sa trabaho. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago lumapit sa crib ni Ayla."Sarap ng tulog ni Itlog," nakangiting sabi ni Papa bago lumapit sa akin. "Kumusta ang pag-aaral?" Napapikit ako nang humalik ito sa aking noo."Okay naman po, Pa. Medyo naghahabol lang kasi late akong nag-enroll."Tumango siya. "Don't pressure yourself. Kapag hindi mo kaya, you can stop. May kompanya tayo, Gabriella. You can sit in every position you like."Umiling ako roon. Wala akong balak magpatakbo ng kompanya dahil hindi ko ito hilig."I can do this, Papa.""If you need anything, don't hesitate to tell me," tumango ako.Nagpaalam din naman siya agad pagtapos no'n. Saglit akong natulala sa pintuan. Muling bumalik ang alaala ko sa pagkikita namin ni Cartier kanina.Ang kapal-kapal ng mukha niyang magpakita sa akin. Ang kapal-kapal ng mukha niya para lapitan ako. Higit isang t
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more

Kabanata 24

Happy family.Halos hindi kami mapakali ni Rei sa kakaasikaso sa dalawang bata. Ang sabi niya, natuto raw siyang magluto dahil sila lang daw dalawa ng anak niya. May galit daw siya sa pamilya niya dahil pinipilit daw siyang ipalaglag si Rouge noon. Simula raw no'n, bumukod siya kahit buntis siya."Hindi mo ba ipapaalam sa tatay niya ang tungkol kay Ayla?" Tanong ni Rei habang inaasikaso ang pagkain nina Ayla at Rouge.Umiling ako. "Wala na siyang aasahan sa akin, Rei. Kahit si Ayla, hindi siya kailangan."Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko na siya tinanong pa. Sensitive siya tungkol sa kay Kuya Carlo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya pero magku-kwento raw siya kapag kaya niya na."So, kahit kay Cha ililihim mo?"Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Halos nakalimutan ko na si Charlynn na nasa Italy pala. Hindi pa kami nakakapag-usap kahit na matagal-tagal na mula nang magkita kaming muli ni Rei."H-Hindi ko pa naiisip 'yan, Rei. Kapag siguro kaya ko na," sagot ko.Ginala
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more

Kabanata 25

Bodyguard.Minsan hindi ko alam kung napa-praning ba ako o sadyang hinahanap ko ang presensya niya. Kapag lalabas ako ng university, tumitingin ako sa paligid ko para hanapin siya pero wala.Ang sabi niya magkikita kami para mag-usap, bakit wala siya rito? Ilang buwan na ang nakalipas, ha?"Kilala mo pala si Cartier De Dios, ha?" Sabi ni Maxi nang makaupo sa tapat ko."I'm reviewing, Maxi.""Nakikichismis lang. Siya ba iyong Architect mo?"Inis ko siyang sinamaan ng tingin. Mukhang nakuha niya naman ang sagot sa tanong niya dahil nagtakip siya ng bibig."Oh my god! Kaya naman pala nabuntis ka agad nang maaga dahil marahas ang jowa," sabi nito."Hindi ko na siya jowa," singhal ko."Edi ex boyfriend. Arte mo naman, Senyorita! Maka-deny sa De Dios porket Bernal na pag-aari ang kalahati ng Cebu," sagot nito.Sinamaan ko lang siya ng tingin at muling nagfocus sa pagbabasa. Patuloy ang pagdadaldal niya roon kaya paulit-ulit din ang pagbabasa ko. Walang pumapasok sa utak ko dahil ang ingay n
last updateLast Updated : 2022-11-11
Read more

Kabanata 26

Graduation.I became anxious when he told me that. Halos hindi ako lumalabas ng kwarto ko at laging nakadikit kay Ayla. Kung pwede ko lang siyang itago na lang muna, ginawa ko na. Hindi ako natatakot sa maaaring mangyayari sa akin, mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sa anak ko.Hindi ko kayang mawalan ulit. Dumating si Ayla sa akin nang mawala si Mama, pakiramdam ko siya ang alaala sa akin ni Mama."Vincent, can you take care of Ayla muna?"Gulat na tumingin sa akin si Vincent na seryosong inaayos ang higaan ni Ayla. "Bakit? May nangyari ba?" Tanong nito habang lumalapit sa akin.Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang mahigpit ang yakap sa anak. Pansin niya ang panginginig ng kamay ko kaya hinawakan niya ito."Gabriella, what the heck is happening with you?" Nag-aalalang tanong nito.Mabilis akong umiling habang unti-unting bumubuhos ang luha. He immediately hug me. Hinahagod niya ang likod ko habang nakayakap sa akin."I'm so s-scared," nanginginig kong sabi.Hindi ko alam kung da
last updateLast Updated : 2022-11-11
Read more

Kabanata 27

Blood.Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang makita ang seryosong tingin niya sa akin. Para bang nakatingin siya sa kaluluwa ko at lahat ng nasa isip ko ay nababasa niya. Sigurado akong narinig niya ang huling sinabi ko at kung anomang iniisip niya, hindi ko alam.Nanginginig ang paa ko nang bumaba ako ng stage. Kamuntikan pa akong matalisod kung hindi lang ako hinawakan ng student council namin."Uuwi na ba tayo?" Tanong sa akin ni Vincent nang matapos ang program."Mauna na kayo, okay lang? I need to talk to M-Maxi," sagot ko.Kumunot ang noo niya sa sinabi ko ngunit tumango rin siya. Magkakaroon kami ng maliit na salo-salo sa mansyon. Hindi talaga pumayag si Tita Janah na walang magaganap na handaan kaya pumayag na rin ako.Kaming pamilya lang din naman ang naroon kaya komportable ako. Ang mga bodyguards ay pinaalis ni Tita Janah sa mansyon, sabi ni Papa. Nasa Davao raw sila para malayo sa amin. Tahimik ang ginagawang imbestigasyon nina Papa para wala raw maalarma sa ginagawa nam
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

Kabanata 28

Dada.Sinalubong kami ng maraming tao paglapag ng chopper namin sa Pontevedra. Nakita ko ang titig nina Tita Anna at Tito Carlos sa kay Ayla na natutulog sa bisig ko. Gulat nila itong pinagmasdan.Nakuha ni Ayla ang mukha ng ama niya, kaya kahit sino malalaman kung kanino siyang anak. Gano'n kalakas ang dugo ni Cartier."Gabriella Hija..."Nagulat ako nang lumapit si Tita Anna sa akin habang umiiyak. Mabilis akong lumuha habang nakatingin sa kaniya."I missed you, Hija." Nanginginig ang labi nito habang nakatingin sa aking mga mata.Hinawakan nito ang pisngi ko habang umiiyak. Napapikit ako. Isa pa rin talaga si Tita Anna sa mga taong malapit sa akin. Isa siya sa mga tumayong ina ko, at pinagkatiwalaan ko nang lubos."Ma, they need to rest." Inalalayan ako ni Tita Anna papasok ng mansyon nila. Walang nagbago sa lugar na ito. Parang ito pa rin ang bahay na tinatakbuhan namin lagi ni Cha kapag naglalaro kami.Tahimik ang lahat ng tao pagpasok namin. Lahat ay nakatingin kay Ayla. "Call
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

Kabanata 29

Dead.Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay nang malaman na nakarating na sina Vincent. Binilin ko lang si Ayla sa ama na halos gugulin ang buong oras sa paglalaro kasama ang anak. Ni hindi ko na nga iyon nakikitang nagta-trabaho o humaharap sa laptop niya."Vincent, oh my gosh!" Malakas kong sabi habang naglalakad papunta sa kaniya.Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko ang mukha niya. Natatakot akong hawakan siya sa kung saan-saan dahil baka ang sugat niya ang matamaan ko."Are you okay? I'm sorry dinala agad kami rito kaya hindi kita nasamahan," sabi ko.Nakatitig lang siya sa akin. Nakakunot ang noo, mukhang nagtataka. Gulat kong tiningnan ang gawi nina Papa na mukhang may seryosong pinag-uusapan."Excuse me? Do I know you?" Kunot-noong tanong nito.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad na nangilid ang luha ko habang napapaatras. Umiling ako habang unti-unting bumubuhos ang luha ko."You're kidding, r-right?" Umiiyak kong tanong.Tinitigan niya muna ako ng ilang seg
last updateLast Updated : 2022-11-13
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status