Share

Kabanata 22

Chanelle Ayla Bernal.

Pinagpatuloy ko ang second year college ko habang buntis. Nag-oonline class nga lang ako at module. Tinutulungan pa ako ni Vincent sa mga subject na hirap ako. Hindi ko nga alam kung nagta-trabaho pa ito dahil halos dito na sa bahay umuwi.

"Malapit na birthday mo, ha?"

Tumango ako sa sinabi nito. Halos nakalimutan ko nang magbi-birthday ako. Mas hinihintay ko pa ang ang panganganak ko na ilang buwan pa.

"Anong gusto mong regalo?"

"Mall," mabilis kong sagot.

"Nako! Kayang-kaya kong bilhin 'yan. Ilang mall ba ang gusto mo?" Mayabang na tanong nito.

Inis ko siyang hinampas. "I mean, punta tayong mall. Hindi na ulit tayo lumabas e."

"Hindi mo kasi nililinaw..." tumatawang sabi nito. "Baka kasi sabihin ni Tito Gabriel, inaabuso natin. Kaya minsan lang dapat."

Tumango ako roon. Oo nga naman. Baka mamaya, mas paghigpitan ako ni Papa. Wala naman sila lagi ni Tita Janah dito sa bahay dahil maraming inaasikaso sa Palawan at Davao. Kaya halos ang mga katulong, at si Vincent
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status