All Chapters of Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1): Chapter 51 - Chapter 60

123 Chapters

Chapter 26 (Part 2)

Galit na galit na binalibag ko ang cellphone ko. Tumalbog pa ito sa carpeted floor ng opisina ko. Inabot ko ang bote ng whiskey at kaagad dinala sa aking mga labi at tinungga na iyon. T'ngna... maisip ko pa lang na may ibang lalaking pumuporma sa kanya lalo't hindi nalalayo sa edad n'ya, halos kainin na ang kamalayan ko sa subrang panibugho. Pakiramdam ko parang pinipiga ang puso ko at unti-unting nadudurog. Parang tinutusok ng malalaking karayom at 'di tinitigilan hanggang sa 'di magkagutay-gutay ng pino.Matapos naming pag-awayan ang Luigi na 'yon, I called Suarez right away. Hindi umabot ng ilang oras ay may balita kaagad akong natanggap mula dito. Halos uminit ang ulo ko sa subrang bilis nito. Meaning tanyag ang lalaking 'yon! Lalo pa akong nagulat ng malaman kong anak 'yon ng isa sa shareholder ng University kung saan nag-aaral si Sam. Kaya malakas ang loob ng gago para pormahan ang asawa ko.Hindi ko namalayan na nakakuyom na ang mga kamao ko sa subrang selos. Napaigtad pa ako ng
Read more

Chapter 27 (Part 1)

SamanthaNaglalakad ako papunta sa sakayan pauwi sa Unit ni Wayne ng makarinig akong malakas na sigaw ng babae.Galing akong Book Store. Bumili ako ng mga gagamitin ko sa gagawing kong portfolio. Dapat kanina pa ako nakauwi kaso ang bwesit na si Luigi inabangan na naman ako. Nahirapan ako makatakas sa kanya dahil wala sina Cait. Nanood ng basketball practice ng dyowa nila. Hindi ako sumama dahil akala ko nandun si Luigi, 'yon pala sumalisi ang luko.Nagtaka pa ako bakit hindi nagpractice at ginugulo ako. Sinagot pa ako na expert s'ya do'n kaya hindi n'ya na kailangan pa mag practice. Diba... akalain mo 'yon? Napakayabang! Tuloy ginabi na ako ng uwi.Habang tumatagal lalong lumalakas ang takot na takot na sigaw ng boses ng babaeng naririnig ko."No.. para n'yo ng awa! Sainyo na 'tong pera ko, wag n'yo lang akong sasaktan! Tulong..!" sigaw no'ng babae."Tulong.. tulong.." Malakas na tawanan ng lalaki ang narinig ko habang maarteng ginagaya pa ang pagsigaw no'ng babae. "T'ngna... naka jac
Read more

Chapter 27 (Part 2)

"Teka... saan ka ba umuuwi at ihahatid na lang kita.""Sa Mckenley Tower." sagot ko sa kanya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata n'ya ng sabihin ko ang pangalan ng Tower na 'yon. Siguro nagtataka s'ya ba't doon ako nakatira e mukha akong mahirap. Well my husband lived there. Napangiti ako sa aking naisip.Ilang minuto ang lumipas ng huminto s'ya sa harap ng Tower. Natanawan ko pa si Kuya guard na nakangiting nakatingin sa akin."Dito ka pala nakatira." nagtataka pa rin na ani n'ya sa akin."O-Oo." alanganing ngiti ko sa kanya."Sige. Thank you for saving my life again.""Wala nga 'yon. Salamat sa paghatid at dito sa binili mong gamot at sa pagpapagamot na rin sa akin.""Naku, maliit na bagay. Kulang pa nga yan e. Bawi na lang ako next time sayo. Alam ko naman na kung saan ka nakatira, baka makita kita ulit, pwede mo naman siguro ako paunlakan sa paanyaya ko?""Sure. No problem. Ingat ka sa pagmamaneho." paalam ko sa kanya at kaagad ko ng tinalikuran.Malalaking hakbang na nagtungo na a
Read more

Chapter 28 (Part 1)

Samantha"Ano, hindi ka pa rin papasok?" sabay-sabay pang tanong sa akin ng mga kaibigan ko.Kasalukuyan akong gumagawa ng portfolio sa sala ng mag video call si Cait. Ilang araw na nila akong ginugulo through text messages and calls pero hinahayaan ko na lang sila.Matapos kong ikwento ang nangyari sa akin no'ng gabing 'yon ay hindi na nila ako tinantanan pa. Lalo't kinabukasan hindi ako pumasok hanggang ngayon. Katakot-takot na sermon at paliwanangan ang ginawa ko sa walang humpay na sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko sa akin. Nasa canteen sila ngayon. Lunch break kaya may oras mambulabog na naman ang mga ito sa akin. Nakakatawa pa ang mga itsura. Nagkumpulan at pilit pinagkakasya ang mga mukha nila sa screen ng cellphone. Nasa gitna si Cait. Magkabilaang gilid n'ya naman si Sheeva at Criezel, nakatagilid na ang mga mukha. Si Rose at Bea naman nasa ibabaw ng ulo nila nakasilip. Pilit binababa ang ulo ni Cait para makita silang dalawa sa screen. Tuloy halos masubsob na sa mesa
Read more

Chapter 28 (Part 2)

Napaangat ako ng tingin matapos kong makita ang kamay na may hawak na panyong nakalahad sa harapan ko. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis pa sa alas kwatro na kaagad akong nagpunas ng luha sa aking mga mata ng mapagsino ko ang lalaking nakatunghay sa akin.Talaga naman!"Anong ginagawa mo dito, Luigi?" galit kong tanong sa kanya sabay iwas ng tingin.Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng paborito kong punong kahoy ng Molave na tambayan. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko kanina sa canteen na magbabanyo at dito ako kaagad dumeritso. Gusto kong mapag-isa at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa asawa kong babaero. Sinungaling! Walang kwenta! Paasa!Ilang araw na ang matulin na lumipas simula ng tumawag ang Maureen na 'yon sa bahay pero ang lintik na lalaking 'yon wala man lang sinabi sa akin. Para kaming hangin sa isa't isa. Hindi nagkikibuan. Makailang ulit ko pa s'yang nahuhuling nakatitig sa akin. Akmang may sasabihin pero kaagad ding tumatalikod. Animo'y may pumipigil sa kanya. Hi
Read more

Chapter 29 (Part 1)

WayneLangong-lango na ako sa alak ng may basta na lang humablot ng bote sa kamay ko habang tinutungga ko ito.Anak ng...Kaagad uminit ang ulo ko. Nakapikit na ang aking mga mata't bahagya pang nakabukas ang aking mga labi. Kaagad kong nilingon ang intruder. Napangisi ako matapos kong makita ang dalawang madilim na mukha ni Dad.What a surprise visit...Matagal ko s'yang tinitigan. Bakit... dalawa sila? Kaagad akong napahilamos sa aking mukha. Pero talagang dalawa sila.Damn... kailan pa si Dad nagkaroon ng kakambal?"Ano bang nangyayari sayo John Wayne at nagkakaganyan ka ha?! Nagpapakamatay ka na ba?!" nangangalaiting sigaw sa akin ni Dad.Nagpapakamatay?I smirked. Kung pwede lang sanang magpakamay ginawa ko na. But... no. Hindi pa ito ang tamang oras. Marami pa akong dapat itama at baguhin sa buhay ko. Ang mga kasalanan ko noon na unti-unti akong sinisingil ngayon. Sa subrang dami hindi ako makahinga. Tinubuan ako kaagad ng takot. Naduwag ako. Ang dating matapang, palaban, competi
Read more

Chapter 29 (Part 2)

Hindi ko inaasahan na bigla na lang tatawag si Maureen sa bahay at ang masaklap si Sam pa ang nakasagot. Nagtaka pa ako kung pa'no nalaman ng babaeng 'yon ang numero ng telepono ko. Matagal na kaming walang ugnayan at hindi na nagkikita pa simula ng palayasin ko s'ya sa opisina ko bago dumating ang kaibigan kong si Miguel galing States. Simula ng ikasal kami ni Sam nagpalit ako kaagad ng bagong sim card at passcode ng unit ko.Kinabahan ako at kaagad tinubuan ng takot. Ngunit ng makita kong parang wala lang sa kanya hindi ko mapigilan malungkot na isipin na hindi man lang siya nagselos sa mga naging babae ko. Hindi man lang n'ya ako kinompronta or magtanong man lang tungkol doon. Tapos ako itong si tanga hinayaan ko na lang din. Pinabayaan ko at hindi ko man lang magawang magpaliwanag. Natatakot ako. Takot na takot na sumbatan n'ya ako sa mga pambibitang ko sa kanya pero ako pala itong maraming lihim na tinatago.Iwan ko ba. Pagdating sa kanya nabobobo ako. Nawawalan akong utak. Palpa
Read more

Chapter 30 (Part 1)

SamanthaHay buhay...Malalim akong napabuntong-hininga.Araw ng sabado and another long boring day for me. As usual, wala na naman s'ya. Hindi ko alam kung saang lupalop na naman pumunta.Halos hindi na kaming dalawa nagkikitaan sa loob ng Unit n'ya sa ilang linggong nakalipas na mga araw. Hindi rin nagpaparamdam sa akin. Kahit tadtarin ko ng text messages at tawag. Wala pa rin! Nabubwesit lang lalo ako sa kanya. Kaso ang lintik kong puso hindi pa rin tumitigil at hinahanap-hanap pa rin s'ya.Si Kuya Damian na personal driver n'ya ang naghahatid sundo sa akin sa eskwelahan. Though hindi s'ya nakakalimot lutuan ako ng pagkain bago siya umalis ng bahay, still, nakakabwesit siya.Hanggang kailan ba ako magtitiis? Hanggang kailan magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Kaya ko pa ba?Argh...!Kaagad kong binato ang notebook ko. Hindi ako makapag concentrate magreview sa nalalapit naming exam kakaisip sa kanya. Bwesit talaga! Akala ko madali lang. Ang hirap pala pagsabayin ang pag-aaral tap
Read more

Chapter 30 (Part 2)

May isang luhang umalpas sa mga mata ko ang kaagad kong pinalis at pinagkakalas ang kanyang braso. Ngunit hinigpitan n'ya pa lalo ang pagyakap sa akin. Ayaw n'ya akong pakawalan.Hindi ako tumigil. "W-Wayne hindi na ako makahinga." mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman kong dahan-dahan lumuwag ang mga brasong nakapulupot sa akin. Kaagad akong lumayo sa kanya at nakangiting hinarap s'ya."Kararating mo lang ba? Kumain ka na?" tanong ko sa kanya habang panay iwas sa mapanuring mga mata n'yang nakatitig sa akin. "Wait lang at maghahain...""Sam..." tawag n'ya sa akin sabay abot sa kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya.Hindi ako makaalpas sa mahigpit n'yang hawak sa kamay ko. Kaagad n'yang hinawakan ang baba ko saka itinaas paharap sa kanya para magtama ang paningin namin. Umiwas ako pero binaling n'ya muli ang mukha ko.I smiled at him.He heaved out a deep sighs. "Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong n'ya sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kanyang mga matang nakatunghay
Read more

Chapter 31 (Part 1)

SamanthaAno ba! Magsitigil nga muna kayo d'yan sa loob at baka may biglang sumakay. 'Di na kayo maubos-ubos.Makailang ulit akong malalim na bumuntong-hininga habang pinapahid ang mga luhang panay ang patak sa aking mga mata.Pagdating ko ng ground floor ay nando'n na kaagad ang kotse ni Sheeva, nag-aantay.Bakit parang ang bilis naman nila?Nagtataka ko pang tanong sa aking sarili. Binilisan ko na ang paglalakad. Nginitian ko si Kuya Guard ng batiin n'ya ako at pinagbuksan ng glass door.Pagkalabas ko, lumapit ako kaagad sa kanila at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa back seat ng kotse ni Sheeva.Nakakunot-noo'ng isa-isa ko silang tiningnan pagkaupo ko doon. Pawang mga nakangiti sa akin at hindi ko makita ang pag-aalala sa kanilang mukha.Katabi ko sa back seat sina Criezel at Bea. Sa driver seat naman nakaupo si Sheeva at katabi si Rose. Kaagad pinaandar ni Sheeva ang kotse at nilisan ang lugar.Nasa kasagsagan na kami ng byahe ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.
Read more
PREV
1
...
45678
...
13
DMCA.com Protection Status