Parang hindi makaihing pusa si Lalaine nang lumabas si Roman mula sa banyo. Hindi kasi alam ng babae kung paano mapapatulog sa mabilis na paraan ang kasintahan."Maliligo ka rin ba, Babe?" tanong ni Roman habang pinupunasan ang basang buhok. Tanging ang nakapulupot lang na tuwalya sa kaniyang baywang ang nagsisilbing tabing sa kaniyang katawan."Later, Babe. Tinatamad pa ako. Anyway, gusto mo ba ng kahit anong maiinom? Like coffee, milk, or juice?"Balak ni Lalaine na budburan na naman ng pampatulog ang inumin ng kaniyang kasintahan. "No, thanks. Mas gusto kong subukan kung matibay pa itong kama natin," pilyo na ngumisi siya kay Lalaine kasunod ang paglandas ng kaniyang dila sa mapuputi at pantay-pantay na ngipin.Biglang nakaramdam ng kaba si Lalaine. Parang ibang tao ang nasa kaniyang harapan ngayon. Madalas ay siya ang nanunukso kay Roman ngunit ngayon ay ito ang nag-i-initiate na may mangyari sa kanila."H-Hindi pa ako naliligo, Babe," pagdadahilan niya. Hindi maaari na may mang
Last Updated : 2023-01-19 Read more