Share

Chapter 62

Author: ColaPrinsesa
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Parang hindi makaihing pusa si Lalaine nang lumabas si Roman mula sa banyo. Hindi kasi alam ng babae kung paano mapapatulog sa mabilis na paraan ang kasintahan.

"Maliligo ka rin ba, Babe?" tanong ni Roman habang pinupunasan ang basang buhok. Tanging ang nakapulupot lang na tuwalya sa kaniyang baywang ang nagsisilbing tabing sa kaniyang katawan.

"Later, Babe. Tinatamad pa ako. Anyway, gusto mo ba ng kahit anong maiinom? Like coffee, milk, or juice?"

Balak ni Lalaine na budburan na naman ng pampatulog ang inumin ng kaniyang kasintahan.

"No, thanks. Mas gusto kong subukan kung matibay pa itong kama natin," pilyo na ngumisi siya kay Lalaine kasunod ang paglandas ng kaniyang dila sa mapuputi at pantay-pantay na ngipin.

Biglang nakaramdam ng kaba si Lalaine. Parang ibang tao ang nasa kaniyang harapan ngayon. Madalas ay siya ang nanunukso kay Roman ngunit ngayon ay ito ang nag-i-initiate na may mangyari sa kanila.

"H-Hindi pa ako naliligo, Babe," pagdadahilan niya.

Hindi maaari na may mang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gretchen Dy
Gusto ko makarma si Vincent
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 63

    "Oh, bakit? Nagkukuwento lang ako, bayaw. Bakit parang gusto mo na akong suntukin sa mukha?" Sinasadyang tudyuhin ni Roman ang lalaki. Sa oras na lumapat ang kamao nito sa kaniyang mukha ay sisiguraduhin niyang may kalalagyan ito.Ngunit nabura ang kaniyang ngisi nang ngumisi rin ito pabalik. Dinakma nito ang kaniyang balikat at saka marahan na pinisil."Huwag mo kasi akong inggitin, bayaw. Alam mo naman na ilang linggo na akong tigang dahil natatakot akong galawin ang kapatid mo. Ayaw ko kasing may mangyari na masama sa anak namin."Kaya ba ang kasintahan niya ang pinaparausan nito? Walang kuwentang dahilan."Ganoon ba?" sabi na lang niya ngunit sa kaniyang loob ay lubha siyang nandidiri sa ginagawa nito.Lumabas na ito sa empty room na 'yon at saka dumiretso pabalik sa silid nila. Kuyom ang kamao ni Roman habang sinusundan niya ng tingin ang papalayo nitong likuran.Nang makabalik sa kuwarto si Vincent ay gising na si Romana. Kaagad napansin ni Romana ang mukha ng asawa na dinaig p

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 64

    "Narito na ako!" malawak ang ngiting sigaw ni Lalaine nang makabalik siya sa bahay. Walang sumagot kaya naman nabura ang kaniyang ngiti sa labi."Nasaan kaya nagpunta ang matandang 'yon?"Sinilip niya ang kusina ngunit wala ito. "Ate Romana?" Inakyat niya ang kuwarto nito sa ikalawang palapag para i-check ito roon. Walang sumagot kaya naman pinihit niya ang seradura ng pinto.Hindi iyon naka-lock. Malaya siyang nakapasok."Ate Romana?" Wala pa rin siyang nakuhang tugon bakas na walang tao roon. "Nasaan kaya 'yon?" Akmang papalabas na siya ng silid nang maulinigan ang lumalagaslas na tubig mula sa banyo."Nandiyan ka ba, Ate Romana?" Kinatok niya nang malakas ang pintuan ng banyo ngunit wala pa rin tugon. Naramdaman niyang mayroong hindi tama kaya naman binuksan na niya ang pinto nito kahit na wala ang pahintulot ng babae.Nanlaki ang mga mata ni Lalaine nang makita ang putlang-putla at walang malay na si Romana sa sahig ng shower room. Hubad ang babae at tila bumagsak habang nalili

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 65

    Nakumbinsi ni Lalaine si Romana sa kaniyang mga kasinungalingan."Alright. Don't worry, hindi na ito makararating pa sa kapatid ko but make sure na hindi mo siya niloloko. Kapag nalaman ko na may iba kang lalaki, ako mismo ang papatay sa inyong dalawa ng lalaki mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"Walang kaalam-alam si Romana na ang lalaking katabi niya gabi-gabi sa pagtulog ay siya rin ang lalaking karibal ng kaniyang kapatid kay Lalaine."Ako mismo ang babaril sa ulo ko kung mahuhuli mo akong may kasamang ibang lalaki," pang-uuto pa muli nito.Sa huli, pinalagpas ni Romana ang mga nangyari. Muli niyang kinuha sa kamay ni Lalaine ang larawan at saka pinunit sa maliliit na piraso."Para hindi na makita pa ni Roman," aniya.Sa company ni Roman, isang lalaki ang sumulpot sa harapan ng matayog na gusali. Nakasuot ito ng baseball cap, sunglasses, at facemask na tila itinatago ang mukha. Papasok na ito sa building nang pigilan ito ng security guard."Sorry pero bawal po kayong pumasok, Sir. Unle

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 66

    Itinaas ni Roman ang kaniyang noo. Desidido na siya na sabihin sa kapatid ang totoo. Handa na siya sa kung ano man ang kahihinatnan ng lahat."Tama ang narinig mo, Romana. Ang babaeng 'yan at ang asawa mo ay palihim na naglilingkisan sa tuwing nakatalikod tayo! Niloloko tayo ng dalawang iyan, matagal na!"Bumaling ang kaniyang tingin kay Lalaine. Nakasalampak pa rin ito sa lupa at tila maamomg tupa na nakatingala sa kaniya."T-Totoo bang may relasyon kayo ni Vincent?"Wala ng saysay kung itatanggi pa ni Lalaine ang kanilang mga ginawa. Marahan siyang tumango."S-Sorry, A-Ate Romana. H-Hindi ko gustong lokohin kayong dalawa," paghuhugas kamay niya. Nagbabaka-sakali na muling mabibilog ang ulo nito.Isang tunog ng malakas na sampal ang pumailanlang muli sa paligid. Napinid ang mukha ni Lalaine dahil sa lakas ng sampal ni Romana. Pakiwari ni Lalaine ay namanhid ang kalahati ng kaniyang mukha sa ginawa nito.Umiwas ng tingin si Roman. Naaawa siya sa nobya ngunit kasalanan naman nito kaya w

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 67

    Handa nang wakasan ni Lalaine ang buhay ng babaeng puno't dulo ng lahat. Mawawala lamang ang kaniyang galit kung makikita niya itong lumalangoy sa sarili nitong dugo."Tawagin mo na ang lahat ng Santa at Santo na kilala mo dahil ito na ang huling araw na masisilayan mo ang mundo!"Mahigpit na niyakap ni Roman ang kapatid."M-Maawa ka, Lalaine. M-Maawa ka sa anghel na nasa sinapupunan niya!""Maawa? Sila ba ay naawa sa akin noon? Hindi! Mas nanaig ang mga kalibugan nila kaysa awa! Kaya anong rason ko para maawa sa puta mong kapatid, ha? Bigyan mo ako ng isang rason na makakapagpabago ng isip ko.""Dahil mabuti kang tao, Lalaine! Nilamon ka lang ng galit mo kaya ka naging ganiyan! Please , Lalaine ... Idaan na lang natin ito sa mabuting usapan," nagsusumamong pakiusap ni Roman.Nanginginig naman sa takot si Romana, hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang anak."Mabuti? Isang kahibangan!" sigaw nito pabalik."Lalaine!" Nawala ang pokus ni Lalaine sa magkapatid dahil sa mala

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 68

    "Ipagpaumanhin niyo, Mrs. Suarez, ngunit nakalabas na mula sa bilangguan si Miss Montenegro. Nakapag piyensa siya at mananatiling malaya hangga't walang hatol ang itaas sa kaniya," mababa ang tinig na pagbabalita ng abogado sa kaniya."Piyensa? Frustrated homicide ang kaso na isinampa sa kaniya! Paano siya nakalabas, ha?" sandali siyang nag-isip kung paanong nakalusot ang babae sa kaso laban dito. Nang walang maisip na posibilidad ay mabilis siyang napailing, "Hindi ... Hindi maaari 'yang sinasabi mo.""Ikinalulungkot ko ... Ang suspect ay nag-claim na self-defense lang ang nangyari."Napapikit siya at kagyat na napahilot sa kaniyang sintido. Ganoon na ba talaga kabulok ang sistema sa bansang ito? Siya at ang kapatid niya ang pinagtangkaan ang buhay ngunit nagawa nitong baliktarin ang pangyayari."Pinagtibay pa ang statement ni Miss Montenegro nang paboran siya ng iyong kapatid na si Roman."Napamulagat siya sa narinig."Si Roman?! Pinagtakpan niya ang kasalanan ng walang kuwenta niy

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 69

    "What the hell are you doing, dickhead?!" naulinigan niyang sigaw ng isang lalaki mula sa katapat na bahay. Napasinghap siya nang bitawan ni Vincent ang kaniyang leeg. Ang buong akala niya ay tuluyan na siyang malalagutan ng hininga. Laking pasasalamat niya nang mayroong sumita sa lalaki."Huwag kang makialam dito! Away pamilya ito kaya labas ka rito!" ma-angas na sagot ni Vincent habang matalim na nakatingin sa lalaki.Nanghihina na napaupo si Romana sa lupa sapo ang kaniyang leeg. Hindi pa niya nababawi ang normal na paghinga.Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "Kesyo away ng pamilya o kahit na ano pa 'yan, mali na saktan mo siya! Ano ang laban ng isang babae sa lakas mong kupal ka? Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Hindi ka marunong gumalang sa mas nakatatanda sa'yo?"Sa pagkakataon na 'yon ay nag-angat ng tingin si Romana. Matanda? Bahagya siyang nainsulto ngunit wala naman siyang magagawa. Totoong may edad na nga siya.Doon niya lubusang nakita ang lalaking nagmamay-ar

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 70

    "Ang init naman ng ulo. Nagbibiro lang ako," nakangiti pa rin nitong sabi habang nakabitin sa bakal na gate. Lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. Paano nito nagagawa na magbiro? Hindi naman sila close at ngayon pa lang nagkakilala."Relax. Gusto ko lang sabihin na dumating na ang mga pulis na hinihintay mo," dagdag nito. Doon niya lang napansin ang dalawang pulis sa likuran ng lalaki. Kaagad siyang lumabas upang magbigay ng statement sa dalawang otoridad."Maaari po ba namin malaman kung ano ang naging kaganapan dito kanina, Mrs. Suarez?"Nakaramdam siya ng matinding pagkasuklam nang tawagin siya ng unang pulis gamit ang apelyido ni Vincent. "Maaari ba na Miss Lichauco na lang? Huwag niyo nang ipaalala sa akin na kasal ako sa halimaw na iyon!" nanginginig sa galit niyang sabi.Nagkatinginan ang dalawang pulis na kalauna'y nagkibit-balikat na lamang. Inihayag niya ang buong pangyayari. Sinigurado niyang wala siyang nakaligtaan maski napakaliit na detalye. Maging ang pagsagip sa

Pinakabagong kabanata

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   MGA ARAL

    1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 105

    "Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 104

    "H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 103

    "R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 102

    "Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 101

    Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 100

    "E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 99

    Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na

  • Hot Sugar Mommy (Tagalog)   Chapter 98

    "R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor

DMCA.com Protection Status