Home / Fantasy / The Missing Kingdom Of Izles / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Missing Kingdom Of Izles: Chapter 1 - Chapter 10

29 Chapters

Prologo

Nasubukan mo na bang itanong sa sarili mo kung may iba pang mundo maliban sa mundong ginagalawan mo?Nasubukan mo na bang kwestyunin ang siyensya at ang mga bagay na hindi nito maipaliwanag?Nasubukan mo na bang maisip sa kawalan kung ano pang makikita sa malalim, madilim, at nakakatakot na karagatan?Nasubukan mo na bang kwestyunin ang mga pamahiin at lamang lupang hindi mo pa naman nakikita o napapatunayang totoo?Hanggang saan kaya ang kapasidad ng imahinasyon ng isang tao?Hanggang imahinasyon lang nga ba ang lahat?Sa loob ng napakahabang panahon na paninirahan natin sa mundo, iilan lamang ang tunay na nakakaalam ng pinakatatagong sekreto nito.Iilan lang ang nakasaksi at nakatawid sa lagusang naghihiwalay sa mundo ng mga tao at mundo ng mahika.Ang Paraiso kung saan naninirahan ang mga nilalang na may kakaibang kapangyarihan at kakayahan. Ang mundong binubuo ng apat na mga makapangyarihang kaharian.IZLESAng lugar na pinamumunuan ng mga Diwata, kilala ang kahariang ito sa enkant
last updateLast Updated : 2022-09-20
Read more

Kabanata 1

Puraw sa DagtumRamdam na ramdam ko ang tumatagaktak na pawis sa aking kabuuan. Ang init ng araw na nagdadagdag ng pagkahapo sa aking pakiramdam. Lalamunan na natuyo't na sa paulit ulit na pag aalok sa mga dumadaan.Palakad lakad sa harap ng simbahan, umaasang mayroong bibili sa panindang aking hawak hawak.Ang bawat taong nilalagpasan lamang ako ay hindi ko ininda dahil mas importante si Ina at ang kalansing ng mga baryang manggagaling sa kanilang bulsa."Ate, Kuya, bili na po kayo ng sampaguita, may lima at may sampung piso po." Hindi ako pinansin ng lalaking dumaan sa harapan ko, ang babaeng nakaangkla sa bisig niya naman ay tinarayan lamang ako, nakita ko ang disgusto sa kaniyang mga mata at bakas ang pandidiri sa reaksiyon niya habang sinisipat ang aking kabuuan. Tiningnan ko ang aking kasuotan, puting lumang bistida na mula kay Ina noong kabataan niya, kupas na ito at naninilaw ang ibang parte dahil sa kalumaan ngunit malinis naman. Hindi tulad ng nahihinuha ko sa kanyang mga ma
last updateLast Updated : 2022-09-20
Read more

Kabanata 2

Puting Orkids"Sir, pakiusap po. Pakawalan niyo na po si Ina, wala po siyang ginagawang masama." sabi ko nang halos mag magmakaawa na sa pulis na nasa aking harapan.Dinala nila si Ina sa presinto at ngayo'y nasa loob na siya ng selda! Hindi ko alam bakit ganito ang trato nila, wala naman siyang ginagawang masama!"Neng, umuwi ka muna. Hindi pa pwedeng pakawalan ang nanay mo. Bukas pa ng umaga." sabi niya habang may sinusulat sa log book.Ilan pagmamakaawa pa ang ginawa ko pero parang wala silang nakikita o naririnig. Hindi ko alam pa'no nila naaatim damputin ang mga taong hindi naman nagkasala.Sa huli, wala paring nagawa ang pag sasayang ko ng laway. Hindi parin nila pinalaya si Ina, bagkus ay binagyan lang ako ng ilang minuto upang bisitahin siya."Ina..." kalunos-lunos ang kalagayan niya. Natuyo na ang nagdudugong sugat niya kanina. Bitak bitak ang labi sa sobrang tuyo nito, pagod na tsokolateng mga mata, nanginginig na katawan, pilit na hinahapit ang balabal na lila, para bang map
last updateLast Updated : 2022-09-20
Read more

Kabanata 3

Berdeng MataNakapikit ako habang dinadama ang paligid. Masakit parin ang aking buong katawan, idagdag pa ang mga mahahapding sugat na lubos na nagpapahirap sa aking pakiramdam.Ang kinalalagyan ko, gumagalaw ito. Parang nakasakay ako sa kung saan. Hindi ko pa sana nais imulat ang aking mga mata ngunit bumaha sa alaala ko ang mga pangyayari bago ako tuluyang nilamon ng dilim.Dali dali akong bumangon. Kinakabahan at nagtatakang tiningnan ko ang kinasasadlakan.Minulat ko ang mata ko.Bakit purong itim parin ang nakikita ko?!Ilang beses kong sinubukang kumurap ngunit wala itong epekto!Bulag na ba ako?Itinaas ko ang kamay ko, umaasang may makakapa akong dingding o kahit anong bagay sa paligid. Hindi nga ako nagkamali dahil isang magaspang na bagay ang aking naramdaman. Kinapa ko pa itong mabuti, tila ang magaspang na teksturang ito ay ang buong dingding.Pinagpatuloy ko ang paggamit sa aking pandama hanggang sa naramdaman ko na lamang na biglang tumigil sa paggalaw ang kinalalagyan ko
last updateLast Updated : 2022-09-20
Read more

Kabanata 4

Fleur AcademyRinig na rinig ko ang huni ng ibon mula sa kawalan, ang banayad na pag ihip ng hangin sa aking buhok. Maging ang anino ng mga puno ay mas nagbigay buhay sa lugar.Maliwanag ang paligid at kitang kita ang bawat detalye nito, tila ipininta ng isang magaling na pintor ang bawat kurba at disenyo. Sa aking harapan ay ang naglalakihang kastilyo. Namangha ako sa lawak nito. Tila sakop nito ang isang maliit na pulo! Ilang metro din layo nito mula sa aming kinalalagyan.Naku! delikado, mukhang maliligaw ako dito!Nanatili ang pagkamanghang ekspresyon ko habang nililibot ang paningin sa paraisong ito. Nagsimulang maglakad ang mga tao sa aking harapan kaya't wala sa sarili ko rin silang sinundan.Nasa harapan namin ang babaeng bruha. Diretso ang lakad niya, parang isang sundalo ang galawan. Ganun din ang ginawa ng dalawa niyang alalay. Taliwas na taliwas sa kilos ng lalaking nasa aking tabi, paano ba naman at ngiting - ngiti ito, pag tinitingnan ko siya para siyang lumiliwanag. Para
last updateLast Updated : 2022-09-20
Read more

Kabanata 5

PagsusulitNanatili akong tulala sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Mga bagay na ibang iba sa kinalakihan ko. Ang mahika, mga bulalaklak, kakaibang nilalang at ang paaralang nasa aking harapan. Ang Unibersidad ng Fleur. Sinong mag aakala na ang imahinasyon ng mga manunulat ay totoo at hindi produkto ng imahinasyon lamang? Kung tutuusin, napakalaki ng mundo, marami pa tayong mga bagay na hindi natutuklasan mula rito, ngayon pa lang ay natatakot na akong malaman.Nauna nang humakbang ang Prinsipe sa harapan.Ang kanyang tikas ay katulad ng matatag na puno ng narra, ang bawat kilos ay maihahalintulad sa mabangis na leon, siguradong sigurado ang bawat hakbang at may paninindigan. Sulyap na kasing lalim ng karagatan, may kakayahang kilalanin ang iyong tinatagong kaanyuan. Ang kanyang maamong mukha na kasing liwanag ng araw at kasing tapat ng mirasol. Walang duda, siya ay isang Prinsipe.Yumuko ang bawat nilalang na kanyang dinadaanan, maging ang dalawang kawal na kasama n
last updateLast Updated : 2022-09-21
Read more

Kabanata 6

Bulaklak ng LiryoNasa madilim na parte na kami ng kagubatan at patuloy parin sa paglalakad si Puti. Habang papalayo kami ng papalayo sa pinaghulugan ko kanina mas nararamdaman ko ang simoy ng hangin, mas malamig iyon kumpara sa nakasanayan.Maraming tuyong dahon sa aming nilalakaran kaya't rinig na rinig ang bawat hakbang ko. Makikita rin ang malalaking anino ng mga puno habang sumasabay ito sa ritmo ng hangin.Pinagkrus ko ang aking kamay at niyakap ang aking magkabilang bisig. Masyado nang malamig, hiyang hiya naman ang sleeveless na suot ko."Puti saan ba tayo pupunta?" Alam kong isa siyang aso pero baka sakaling marunong siyang magsalita, baka katulad din siya ng mga kakaibang nilalang na nakita ko kanina.Ilang saglit pa'y tumigil bigla sa paglalakad si Puti. Huminto rin ako dalawang hakbang mula sa aso."Puti?"Imposibleng dito ang daan palabas. Dahil wala akong makitang lagusan kung saan, ngunit mayroong isang bangin sampung hakbang mula sa aming kinalalagyan.Nanlaki ang mata
last updateLast Updated : 2022-09-22
Read more

Kabanata 7

RepleksyonHindi maganda ang pakiramdam ko. Sapat na ang mga salitang iyon upang sumahin ang takot at kaduwagan na nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y nahihilo at masusuka na ako anumang oras. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi makahinga ng maayos at nanginginig ang dalawang kamay. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng pintuang iyon ay sunod sunod na ang rehistro sa utak ng mga posibleng mangyari nang oras na pumasok ako doon."Hoy Tao, ayos ka lang? " Boses ni Adeem ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad."Hindi." Dahil yun naman ang totoo. Hindi ako ayos! Walang maayos sa sitwasyon na 'to! Ito namang lalaking katabi ko, pangisi ngisi lang na para bang walang masamang mangyayari ilang minuto mula ngayon.Ang pakiramdam ko'y hinahatid na ako sa huling hantungan!"Lilipas din yan." Sagot niya.Anong 'lilipas din yan' ang sinasabi ng isang 'to? Lilipas din yan kung hindi na ako makalabas sa pintong 'yan?!Hindi ko na nasabi ang dapat kong sasabihin sa kanya dahil biglang may lumi
last updateLast Updated : 2022-09-24
Read more

Kabanata 8

BalatkayoNawiwirduhan ako sa paraan ng pakikipag usap sa akin ni Adeem ngayon. Paano'y pagkatapos kong makalabas ng pinto, masyado nang masaya ang persona niya. Madalas na rin siyang nakangiti kahit mukha siyang galit sa mundo nang una ko siyang makausap.Anong nangyayari?"Alam mo ba Liwayway, napakaraming ginto sa aming kaharian, nais mo bang dalhin kita roon?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang imuwestra kung gaano karami ang gintong sinasabi niya habang ako nama'y tahimik na nakikinig at kasabay siyang maglakad.Napangiwi ako.Mukha siyang sabik na sabik habang nagkukwento ng mga bagay na gustong gusto niya sa kaharian ng Vinetus. Sa katunayan, kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita."Liwayway?" Tumigil siya bigla sa paglalakad."Huh?" Nagtataka kong tingin sa kanya. Hindi ko na nasundan ang pinagsasabi niya kanina."Ang sabi ko nagugutom ka na ba?" Tiningnan ko nang maigi ang mukha niya. Wala akong makitang bakas ng kaibahan ng itsura niya ngayon sa itsura niya
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

Kabanata 9

MalayaNagkamali ako. Hindi siya nagbabalatkayo tulad ng inaakala ko. Hindi siya nagkukunwari, hindi siya ang impostor kundi ako.Hindi ko inaasahang paglabas ko sa unang pinto ay dadalhin agad ako nito sa ikalawa't ikatlo. Ako ang naliligaw at hindi siya. Simula umpisa palang ay totoo na lahat ng mga sinabi niya.Bakit hindi ko agad iyon nakita?GLUTTONY & WRATHIyan ang dalawang pintuang pinasok ko nang hindi namamalayan. Masyado akong naging pabaya at inisip na ako lamang ang tama. Ang sabi ko'y hindi ko ibaba ang aking depensa ngunit salungat ang aking nagawa.'Latak ng kasinungalingan, Tiyak na ika'y pagsasarhan.'Hindi lahat ng bagay na maganda ang panlabas na kaanyuan ay mayroong mabuting kalooban.Nalinlang kami ng aming mga mata. Nilason ang kakayahan naming makakita.Latak ng kasinungalingan mula sa pagkaing nakahain sa aming harapan. Sinarado ang isipan sa posibilidad na ito'y maaring maging ugat ng kapahamakan.Hindi nakikita ng mata ang lahat. Hindi nito lubusang nasusur
last updateLast Updated : 2022-09-27
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status