“MOMMY, I'm sorry! I'm really, really sorry!” paulit-ulit kong sambit habang umiiyak nang nakayuko. Nakabihis na ako at nakaupo na ngayon sa kama ko habang haplos ni Mommy ang likod ko para patahanin ako sa pag-iyak.“Kasalanan ko po lahat, tita. Handa naman po akong panagutan si Elize kung mamarapatin niyo. I can marry her,” ani Drex na nakatayo sa tabi ng kapatid kong walang kibo at nakatingin lang sa akin.“Lumabas ka muna, hijo. Mamaya na tayo mag-usap. Kakausapin ko lang muna itong anak ko,” mahinahon na sabi ni Mommy.“Sige po, tita,” magalang na sagot ni Drex bago lumabas ng pinto. Naiwan naman kaming tatlo nina Mommy at ng kapatid ko sa loob ng kuwarto.“Mommy, p-paano kung hindi matuloy ang kasal namin ni Luke?” pasinghak-singhak kong tanong at sinabayan ng mahinang pag-iling.“Kakausapin ko si Luke, anak, kaya tumahan ka na. Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa ni Drex.”Napaangat ako ng tingin kay Mommy. “He fooled me, mom. Nagising na lang ak
Last Updated : 2022-09-17 Read more