MAGHAPON akong nagkulong sa loob ng aking kuwarto, kahit na dinalhan ako ni Mommy ng pagkain ay pinabayaan ko lang at hindi kinain.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon nina Mommy at Daddy na gusto nila akong ipakasal kay Drex, imbes na kay Luke na siyang fiancè ko. Kahit na umiyak ako at nagmakaawa ay tinalikuran lang ako ng parents ko at sinabing buo na ang pasya nila. Itinago din ni Mommy ang phone ko, kaya hindi ako makatawag kay Luke.
Nang sumapit ang gabi ay naisipan kong tumakas, pero paglabas ko ng aking kuwarto ay puro mga naka-lock ang pinto ng bahay, kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kuwarto ko, naghanap pa ako ng telephone na maaaring gamitin pero itinago yata ni Mommy pati telephone.
Kinabukasan ay panay ang katok ng mommy ko at ng kapatid ko sa aking kuwarto pero hindi ko sila pinagbuksan at nanatiling tahimik.
“Anak, kailangan mong kumain. Buksan mo ang pinto may dala akong pagkain para sa 'yo,” ani Mommy pero hindi ko pinansin at nanatili lang akong nakahiga sa aking kama.
“Ate, pupunta raw dito ang parents ni Kuya Drex mamaya para mamanhikan!” malakas na sabi ng kapatid ko ngad namang sinaway ni Mommy.
Napabalikwas naman ako ng bangon sa narinig. “Anong oras sila darating?”
“On the way na sila papunta rito, anak. Kaya magbihis ka na para maharap mo sila mamaya,” mahinahon na sagot ni Mom.
“Sige, hintayin niyo na lang ako sa baba!” Nagmamadali akong pumasok ng bathroom at naligo.
Kailangan kong humarap sa parents ni Drex at sabihin mismo sa kanila na ayokong magpakasal sa anak nila. Si Luke ang mahal ko at sa kanya lang ako magpapakasal.
Pagkatapos kong naligo ay nagmamadali akong nagbihis at sinuot ang black t-shirt at short denim pants. Hindi na ako nag abala pang suklayin ang buhok ko at agad na akong lumabas ng aking kuwarto.
Pagkababa ko ay agad kong nakita ang parents ni Drex kausap ang parents ko, at hindi lang 'yon, dahil naroon din mismo si Drex na nakaupo at nakikipagtawanan pa kay daddy na para bang masaya ang kanilang pinag-uusapan.
“Oh, hija, nandito ka na pala,” nakangiting puna sa akin ni Tita Mesha, ang mommy ni Drex.
Napatingin naman silang lahat sa akin at pati na rin si Drex na kinahinto ko sa paglapit at kinakuyom ng kamao. Damn him!
Tumayo si Mommy at agad na lumapit sakin. “Anak, 'wag kang gagawa ng hindi maganda, nandito ang pamilya ni Drex. Pakiusap kumalma ka,” bulong sa akin ni Mom.
Mapait akong natawa at napakagat sa gilid ng aking labi. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap nila, dahil magmumukha lang akong kawawang sisiw kung sakali, ni wala nang pakialam sina Mom at Dad sa damdamin ko.
“Hi, Elize, can we talk privately?” tanong ni Drex. Tumayo ito at nagpaalam muna kay Dad bago lumapit sa akin.
“Tama si Drex, anak, mag-usap kayong dalawa nang mabuti, 'wag pairalin ang init ng ulo,” sang-ayon ni Mommy na hinaplos pa ang buhok ko at ngumiti bago bumalik sa kanyang upuan.
Nanatili ako walang kibo habang nakatayo lang sa tabi ng stairs, hanggang sa hinawakan na ni Drex ang kamay ko. “I have something to tell you, please let's talk inside your room.”
Inis kong binaklas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Wala naman tayong dapat pag-usapan pa. Wake up, Drex. I don't love you! And I don't want to marry you!”
Kita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha dahil sa sigaw ko. I know that I hurt him, but I don't care.
“Elize! Sumusobra ka nang bata ka!” saway ni dad sa akin at tiningnan pa ako ng masama, habang ang parents naman ni Drex ay nanatiling tahimik at nakatingin lang sa amin.
“Sumunod ka sa akin,” mariin kong sabi kay Drex bago siya tinalikuran at umakyat ng hagdan.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa aking likuran.
Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ay agad ko siyang hinarap at sinalubong ng malakas na sampal sa magkabilaang pisngi.
“Ayan! Para magising ka sa katotohanan na ayoko sa ’yo at hindi ako magpapakasal,” mariin kong sambit matapos siyang sampalin.
Sa lakas ng sampal ko ay kitang-kita ang bakas ng palad ko sa kanyang pisngi na ngayon ay namula na.
“I'm already awake, Elize. Kahit maka-ilang libong beses mo pa akong sampalin nang paulit-ulit ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na gusto kita, na mahal kita,” mariin na sagot ni Drex habang haplos ang namumulang pisngi.
“Mahal? Mahal mo ako?” I pointed myself. “Kung mahal mo ako dapat hindi mo ginawa sa akin ang bagay na 'yon, Drex! Dapat hindi mo ako pinagsamantalahan! Dapat kung saan ako masaya ay doon ka rin! Ganoon ang totoong pagmamahal, at ang nararamdaman mo para sa akin ay hindi 'yan pagmamahal, Drex! Kasakiman na 'yan!”
Napahilamos si Drex sa sariling mukha at napabuga sa hangin bago ako sinalubong ng tingin. “I know. Alam kong kasakiman ang ginawa ko, Elize! Dahil ayokong mapunta ka sa isang lalaking tulad ni Luke na ginamit ka lang! He just used you for the sake of their company! Palugi na ang kompanya nila at kailangan nila ng tulong ng Dad mo para makabangon sa pagkalugi! Ginamit ka lang ng tarantadong 'yon!”
Hindi na ako nakapagpigil at muling pinalipad ang palad ko sa namumulang pisngi ni Drex.
“Shut up! That's not true! Alam kong mahal ako ni Luke! Gumagawa ka lang ng kuwento para mapaghiwalay kami, but I don't believe you anymore. Minsan mo nang sinira ang tiwala ko, tingin mo ba pagkakatiwalaan pa kita?” Umiling-iling ako at dinuro siya sa dibdib. “No. Hindi na ako magtitiwala pa kahit kailan sa 'yo, Drex. At para sabihin ko sa 'yo, kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi ako magpapakasal sa 'yo! Itaga mo 'yan sa utak mo!”
Natigilan si Drex sa mga sinabi ko, kaya agad akong naglakad papunta sa pinto para sana lumabas, pero pagkahawak ko pa lang ng doorknob ay agad niyang pinigilan ang braso ko.
“Totoo lahat ng sinabi ko, Elize. Kahit ang mga magulang mo ay alam na 'yon, kaya nga ayaw ka na nilang ipakasal sa lalaking 'yon,” mariin na sabi ni Drex habang hawak ang isa kong braso.
Natigilan naman ako.
No! That's not true!
Alam kong mahal ako ni Luke, at hindi niya ako ginamit lang para makaahon ang kanilang kompanya. Alam kong pagmamahal ang dahilan kung bakit niya ako niyayang magpakasal kahit na tatlong buwan pa lang kaming magkasintahan.
Humarap ako kay Drex at sinalubong siya ng seryosong tingin. “Para sabihin ko sa 'yo, totoo man 'yang mga sinabi mo o hindi, magpapakasal pa rin ako kay Luke at hindi sa 'yo, Drex! Wake up, please! I don't love you!” Inis kong inagaw ang braso ko sa kanya at mabilis na lumabas ng kuwarto at iniwan siyang tulala.
Alam kong masakit ang mga salitang binato ko sa kanya, but I don't care. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi magalit.
Pagkababa ko ng kuwarto ay tanging sina Dad at Mom na lang ang naabutan kong nakaupo sa sofa, wala na ang parents ni Drex.
“Nakapag-usap na ba kayo ng mabuti ni Drex, anak?” tanong ni Mom sa akin.
“Oo, at hindi ako magpapakasal sa kanya. Babalik na ako sa apartment ko,” iritadong sagot ko at agad na naglakad papunta sa main door para sana lumabas, pero napahinto ako nang bigla nagsalita si Dad.
“Binenta ko na ang apartment mo, kaya wala ka nang babalikan pa dahil hindi na iyon sa 'yo. Dito ka na tumira sa bahay.”
“What?” hindi makapaniwala kong bulalas nang marinig ang sinabi ni Dad. “Akin 'yon, Dad! Hindi mo puwedeng ibenta 'yon nang wala ang pahintulot ko!” Napapadyak ako sa pagkainis.
“Ako pa rin ang nagbigay sa 'yo no’n, kaya may pahintulot ako para ibinta 'yon,” balewalang sagot ni Dad at dinampot ang magazine na nakalagay sa table bago binasa.
“It's okay, Tito,” sabat ni Drex na pababa ng hagdan. “Dahil ako naman ang nakabili ng apartment niya, puwede naman siyang tumira doon, dahil magiging pag-aari din naman niya ulit 'yon oras na ikasal kaming dalawa.”
Napaawang ang labi ko sa narinig at napakuyom ng kamao lalo na nang makita ko ang nakakalukong ngisi ni Drex sa akin.
“Oh, narinig mo ang sinabi ni Drex? Puwede ka naman daw tumira doon, tutal ikakasal na rin naman kayo next week,” ani Dad na parang natawa pa.
Damn! Pinagkakaisahan nila akong dalawa.
Nang mapatingin ako kay Mommy ay ngumiti lang 'to sa akin na para bang sinasabing sumunod na lang ako sa sinabi ni Dad.
Napabuga ako sa hangin para pigilan ang galit. Kailangan kong kumalma dahil baka masigawan ko si Dad nang wala sa oras.
“Kung gano'n naman pala, eh ’di, doon na lang ako sa apartment ni Luke titira!” Napatiimbagang si Drex, at napaangat naman ng tingin si Dad nang marinig ang sinabi ko.
Hindi ko na hinintay pang makasagot sila at agad na akong lumabas ng mansyon.
“Elize Mica!” rinig kong pagtawag ni Dad sa pangalan ko. He was mad, but I don't care anymore.
PAGKAHINTO ng taxi sa harap ng apartment ni Luke ay agad akong bumaba at sumilip sa driver."Pakihintay lang po muna, manong, hihingi lang ako ng pera sa boyfriend ko."Napasatsat ang taxi driver. "Hay naku, bakit kailangan ko pang maghintay? Oh, sige na, basta bilisan mo!"Hindi ko mapigilan ang mapasimangot sa reklamo ng taxi driver. Tsk. Pasalamat na nga siya at paghintayin ko pa siya, eh balak ko nga sanang takasan na lang, kaso natawa naman ako sa kanya.Napailing na lang ako at iniwan ang badtrip na taxi driver.Pagtapat ko sa pinto ng apartment ni Luke ay hindi na ako nag-doorbell pa dahil alam ko naman ang password ng apartment niya, kaya binuksan ko na lang. Pagkapasok ko ay walang tao sa loob ng apartment, at tingin ko ay wala si Luke, kaya dumiretso ako sa kuwarto niya para humanap ng pera na pambayad sa taxi driver. Habang papalapit ako sa kuwarto ay siya namang pagkunot ng noo ko nang makarinig ng sunod-sunod na ungol na nagmumula sa loob, kaya nagmamadali akong lumapit
Halos hindi ko na mahabol ang sarili kong hininga dahil sa klase ng halik ni Drex na para bang uhaw na uhaw at parang walang balak pakawalan ang labi ko. He kissed me while his right hand was massaging my breast. We are both naked in bed while kissing each other. "Drex, I need to breath…" mahina kong sambit sa gitna ng halikan naming dalawa. "Take my breath away, baby,” he replied but he didn't stop kissing me. "I will give you my breath with all my heart..." Pilit kong iniiwas ang labi ko para makalanghap ng hangin, pero kahit anong iwas ko ay nahahabol pa rin ni Drex at nasasakop. At dahil sa kailangan ko na talagang huminga ay wala na akong choice kundi ang sipain ang hita ni Drex. "Ouch—fuck! Damn! Elize Mica!" gulat na bulalas ni Drex na napabitaw ng halik sa akin at napaalis sa ibabaw ko bago tapahawak sa pagitan ng kanyang hita at halos hindi maipinta ang mukha. "Ano bang problema mo! Bakit mo sinipa ang alaga ko?" Napairap ako at umupo sa kama. "Paano kita hindi sisipa
KINABUKASAN ay maaga akong gumising at pumunta sa bahay ng parents ko para sana kunin ang cellphone kong naiwan na itinago ni Mommy noong isang araw, dahil baka nag-text o tumawag na ang manager ko tungkol sa commercial. Sa pagkakaalam ko ay bukas na ishu-shoot ang gagawing commercial para sa bagong brand ng whitening lotion, at ako ang napiling mag-endorse ng CEO ng kompanya. Pagdating ko sa bahay ay wala na sina mommy at daddy, at tanging mga katulong na lang ang naabutan ko at bunso kong kapatid na nakaupo sa sofa at suot ang school uniform.“Loraine, nakita mo ba kung saan nilagay ni Mommy ang cellphone ko?” tanong ko sa kapatid ko na busy sa kaka-text sa kanyang cellphone.Napaangat naman ito ng tingin nang marinig ang tanong ko. “I'm sorry. Ayon sa pagkakaalam ko ay parang ibinigay yata ni Mommy ang cellphone mo kay Kuya Drex, ate.”Agad na nangunot ang noo ko. “What? At bakit naman ibinigay ni mommy sa lalaking ‘yon ang cellphone ko? Eh, akin ‘yon!”Napasimangot ang kapatid ko
“HEY! Stop!” natataranta kong sigaw habang nakatingin kay Luke at Drex na nagpapatayan na sa harap ko at parang walang balak na buhayin ang isa’t isa.“Gago ka! At talagang may lakas ng loob ka pang magpakita kay Elize matapos mo siyang pagtaksilan!” galit na sabi ni Drex na gumanti ng suntok kay Luke. “Kasalanan mo ‘tong lahat. Kundi dahil sa ’yo, kami pa sana ngayon ni Elize at baka kasal na kami. Pero sinira mo ang lahat! Walanghiya ka!” pabalik na sigaw ni Luke at gumanti rin ng suntok kay Drex. Pareho nang putok ang labi nilang dalawa.Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para tumigil silang dalawa. Kung bakit naman kasi wala man lang dumaan kahit isang tao dito sa parking lot. Wala tuloy akong mahingian ng tulong para awatin silang dalawa. “Ayoko lang naman na mapunta sa manluluko na tulad mo ang best friend ko! Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo siya maagaw sa akin!” sigaw ni Drex at muling pinalipad ang kamao kay Luke, pero agad namang nakailag si Luke.“Ipagpal
I SMILE bitterly while looking at my reflection in the mirror in front of me. I am wearing an expensive wedding gown. Today is my wedding day, and I'm not happy about it. I don't want to get married to someone I don't really love, but I don't have a choice."Elize? Are you done?" I heard my mom's voice while knocking at my door.“I'm done! I'm going outside, Mom! Just wait a minute!" I yelled back.Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago naglakad at binuksan ang pinto.“Buti naman at lumabas ka na, anak. Alam mo bang kanina pa si Drex sa simbahan? At sabi ni balae ay baka daw pupunta 'yon dito kapag hindi ka pa dumating! Sampong minuto na tayong late, Elize!” bungad ni Mommy pagkalabas ko ng kuwarto. Hindi ko ito pinansin at naglakad na ako palabas ng bahay habang hawak-hawak ang dulo ng gown ko.Agad akong sumakay sa bridal car na nakahinto sa labas ng gate.“Ngumiti ka nga, Elize. Tingnan mo 'yang mukha mo para kang namatayan!” sermon ni Mommy pagpasok ng sasakyan.“I don
“I’M SORRY… H-Hindi ko sinasadya na masugatan ka,” mahina kong sambit habang nakaupo sa kama at nilalagyan ng ointment ang maliit sa sugat ni Drex sa likod ng ulo.Hindi kumibo si Drex at nanatiling walang imik.Hindi ko alam kung galit ba siya o ano, ni hindi niya ako pinapansin mula kanina, pero pumayag naman siyang lagyan ko ng ointment ang kanyang sugat.“Drex, galit ka ba sa akin dahil sa pagbato ko sa ’yo?”Hindi siya sumagot.“Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya, Drex. I'm sorry.”Hindi pa rin siya kumikino hanggang kngayon kahit na pilit ko siyang kinakausap patungkol sa nangyari.Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pagbato ko sa kanya, kung hindi ko siya binato hindi sana siya masusugatan. This is all my fault.Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay agad siyang tumayo at walang sabi-sabing naglakad palabas ng kuwarto, kaya naiwan akong mag-isa sa loob. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago naglakad papasok ng banyo at hinubad ang wedding gown ko pa
NASA studio ako ngayon habang nakaupo sa isang sofa at nakatingin sa manager kong si Gorgen. Kanina pa ito pabalik-balik ng lakad sa harap ko at panay ang sermon sa akin dahil sa mga hickey sa leeg ko, na siyang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang photoshoot para sa isang magazine. Kailangan kasing naka-swimsuit, kaya lang puro hickey ang nasa katawan ko at hindi kayang takpan ng make up. Highblood tuloy ang manager ko sa akin. “Akala ko ba ayaw mo diyan sa asawa mo? Pero bakit puro hickey na ‘yang buong katawan mo? Nag-iisip ka ba talaga, Elize Mica!”Napanguso ako. “Sorry na, nadala lang kasi ako sa tukso, eh.”Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Gorgen. “Tukso?” bulalas nito. “Anong klaseng tukso naman ‘yan, Elize? Eh halos minarkahan na niya ang buo mong katawan! Paano na ang photoshoot niyan? My goodness! Mauubos ang dugo ko riyan sa asawa mo! Ghad!” Napapaypay ito sa sarili na para bang nababanas na talaga kahit hindi naman mainit.“Gorgen, puwede naman sa susunod na
“Oh, Leila, why are you here? May kailangan ka ba?” tanong ni Drex sa babae habang nakayapos parin ang mga braso sa baywang ko. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi ni Leila at itinaas ang hawak na lunch box.“May dala akong pagkain para sa ’yo. Alam ko namang hindi ka pa nagla-lunch,” nakangiting sagot ni Leila at napatingin sa akin. “Is she your wife?”“Yeah, she is,” Drex replied. Napa-oh ang bibig ni Leila. She looked at me from my head down to my heels with a judgement in her eyes. “She's kinda badoy!” I heard her whisper. Parang kumulo ang dugo ko sa narinig. Is she trying to insult me? What a damn bitch! She didn't know that I'm a model. Palibhasa naka-faded jeans lang ako kaya ang dali niyang bigkasin ang salitang badoy sa harap ko.Ang sarap niyang sabunutan!Pumasok si Leila sa loob ng opisina at inilagay ang lunch box sa table ni Drex.“My gosh, Drex, bakit ang kalat naman dito sa loob ng opisina mo? May bata bang nakapasok dito?” maarte na tanong ni Liela nang makit
ELIZE NAPAHIKAB ako at inunat-unat ang aking katawan bago iminulat ang aking mga mata. Maliwanag na sa buong silid pero wala na akong katabi sa kama at mag-isa na lang sa loob kuwarto. Nang mapatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ay alas otso na, kaya kahit na parang inaantok pa ako ay pinilit kong bumangot at naligo sa loob ng banyo. Nang matapos sa pagligo ay hindi na ako nag-abala pang magbihis at isinuot ko na lang ang white bathrobe at binalot ng puting tuwalya ang ulo ko bago lumabas ng kuwarto at bumaba ng hadgan.Pababa pa lang ako ay rinig ko na ang pag-iyak ng kambal, kaya nagmamadali akong naglakad papunta ng kitchen. Pero nang mapatapat na ako sa nakasiwang na pinto ay agad akong natigilan nang makita kong ano ang nangyayari sa loob. Nakatalikod si Drex at walang damit na pang-itaas habang nakasuot ng apron at parang may hinahalo sa kawali, I think nagluluto, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kani-kanilang swivel chair at naka-seatbelt pa. Umiiyak si Shann
DREX I WAS just sixteen years old and Elize was fourteen when we first met in my parents house. I still remember the day when my mom introduced her to me. That day was my mom's birthday."Come here, son. May ipapakilala ako sa 'yo. Tama na muna 'yang pagbabasa mo ng libro," excited na sabi ni mommy pagkapasok ng kuwarto ko."I'm not interested, Mom," tamad kong sagot habang nakasandal sa headboard ng aking kama at nakatutok pa rin ang tingin sa binabasa kong libro."Oh come on, son. Pagbigyan mo na si mommy, anak. Huwag mo naman akong ipahiya sa Tita Amanda mo. Sinabi kong ipapakilala kita sa anak niya ngayon dahil magiging school mate mo siya by this year."I frowned at my mom as she grabbed my arm. "Mom, I'm not interested, okay? Look, I'm studying here. I don't want to go out!""Hay naku naman, anak. Puro na lang libro ang inaatupag mo kapag narito ka sa bahay. Subukan mo namang magkaroon ng kaibigan. Hindi ka ba nabo-boring sa life mo? School-bahay ka na lang palagi."Hindi na ak
MULA sa paghuhugas ng plato ay napasinghap ako dahil sa biglang pagyapos ng dalawang braso ni Drex sa aking baywang."Mahal ko, tama na 'yan, kanina pa kaya ako inaantok..." Inamoy-amoy niya ang leeg ko. "Pinatulog ko na ang mga anak natin, kaya dapat matulog na rin tayo.""Tatapusin ko lang 'tong mga plato. Puwede ka namang matulog kahit wala ako, hindi ko naman dala ang mata mo.""Hindi kasi ako matulog kapag hindi kita katabi. Oo nga at hindi mo dala ang mata ko, pero mahal ko, dala-dala mo ang puso ko..." nilambingan niya pa ang kanyang boses.Hindi ko na napigilan ang ngiti ko at nagpunas ng kamay bago humarap sa kanya. "Sus, nambubula ka na naman. Oo na, sige na."Agad na lumapad ang kanyang ngiti. "Okay, let's go!"Napayakap na lang ako sa kanyang leeg nang bigla niya akong buhatin palabas ng kitchen.Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ay agad niya akong inihiga sa kama at pumaibabaw naman siya sa akin na kinasimangot ko."Teka, akala ko ba inaantok ka na?""Let's make love fi
ANG tadhana ay talaga nga namang mapagbiro, hindi natin alam kung anong mangyayari sa ating hinaharap. Minsan ang akala natin na siya ang makakatuluyan natin ay hindi pala, minsan may mga pangakong hindi talaga natutupad, dahil 'yon na talaga ang nakatadhana. Nangyayari ang mga hindi nating inaasahang mangyari sa hinaharap.Nang ibalita namin ni Drex sa parents namin na nagkabalikan na kami ay talaga namang tuwang-tuwa sina Tita Mesha at mommy, and of course, si daddy and Tito Harold. Talagang makikita sa kanilang mga mukha ang tuwa sa nalamang nagkabalikan na kami ng dati kong best friend na ngayon ay asawa ko na.Nakauwi na rin sina mommy, daddy at Loraine sa mansyon. Nang malaman kasi nila na okay na kami ni Drex ay kinabukasan din ay umuwi agad sila, talagang binigyan lang nila kami ni Drex ng araw para mag-usap at nang sa gayon ay magkabalikan. Well, their plan was successful, dahil talaga namang nagkabalikan kami ni Drex, and I'm very thankful.And about naman sa aksidente namin
KINABUKASAN nang magising ako ay mag-isa na lang akong nakahiga sa kama at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang orasan, 2 minutes na lang at alas dose na ng tanghali.Napabalikwas ako ng bangon at nanghihinang pumasok ng banyo.Pakiramdam ko ay parang binugbog ang katawan ko. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko at parang kumikirot pa ang pagitan ng hita ko na kinangiwi ko. Paglabas ko ng kuwarto ay sa hagdan pa lang ako ay kitang-kita ko na ang kambal na nakaupo sa couch katabi ng kanilang ama."Hey, good morning!"Napalingon ang kambal nang marinig ang boses ko at mabilis na bumaba si Aeron sa sofa bago patakbong lumapit sa akin, kaya agad ko itong binuhat at pinaulanan ng halik sa mukha na kinahagikhik nito."I think it should be good afternoon, tanghali na kaya!" natatawang sambit ni Drex at binuhat naman si Shannel bago lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Nagutom ka na ba? Gusto mong ipaghain kita ng pagkain?"Mahina akong umiling. "Ayoko, hindi pa naman ako
WALANG alinlangan kong tinugon ang kanyang labi. I missed him so much. I miss his lips, his body, I miss all of his. It's been two years at hanggang ngayon ay nadadala pa rin ako sa kanyang mga uhaw na halik.Nang maihiga niya ako sa ibabaw ng kama ay saka siya bumitaw sa labi ko at tinitigan ang mukha ko bago ngumiti nang matamis sa akin.He touched my face using his right hand. "Are you sure about this? Do you want me to continue?" he asked in a canorous tone. "I don't wanna force you anymore, so tell me if you want me to stop this."I slowly shook my head. "No. Don't stop, Drex. Just continue, please? I missed you so much. And I want you to continue!" I flirty answered, touching his face down to his sexy lips."You don't have to beg for it. I love you, my queen." He kissed my forehead. "I love you so much!"Matapos niyang halikan ang noo ko ay muli niyang sinakop ang labi ko, kaya muli akong tumugon at iniyakap ang mga braso sa kanyang leeg, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pa
EIGHT-THIRTY na nang makauwi kami sa bahay ng parents ko, at tulad nga ng gusto ni Tita Mesha ay iniwan namin ang kambal sa bahay nila. Pareho kaming walang kibo ni Drex habang nasa biyahe. Tahimik siyang nagmamaneho, at tahimik naman akong nakaupo sa kanyang tabi. Hanggang sa biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may mensaheng dumating.MommyAnak, kumusta na kayo ni Drex? Nagkaayos na ba kayo?Hindi ko mapigilan ang mapairap sa text ni mommy. Talagang inaasahan niyang magkakaayos kami ni Drex. Ngayon ay na-gets ko na kung bakit sila umalis."Break up with him, Elize."Napabaling ang tingin ko kay Drex. "Huh?""I said, break up with him. Paano tayo makakapagsimula muli kung nakabuntot pa sa 'yo 'yang fiancé mo?" Parang may pait pa sa kanyang boses habang masama ang tingin sa hawak kong cellphone.Oh, and speaking of Garry. Hindi ko na alam kung saan na ba napadpad ang bading na 'yon matapos mapaalis sa hotel, ni hindi na tumawag sa akin o nag-text man lang."Oo nga pala, Drex, pina
"TWO years ago, I saw you with Leila in your office. N-Naghahalikan kayong dalawa, at hindi lang 'yon dahil nakahubad pa si Leila. That day, sasabihin ko na sa 'yo ang t-tungkol sa p-pagbubuntis ko, p-pero gano'n 'yong naabutan ko. I thought you cheated on me, that's why I left you, Drex. I'm really sorry kung ngayon ko lang nalaman ang totoong nangyari. I'm really sorry!" pagpatuloy ko sa pagsasalita habang umiiyak sa kanyang dibdib at nakayapos pa rin sa kanyang katawan.Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya at nanatili lang siyang nakatayo habang yapos ko. Hindi ko makita ang expression ng kanyang mukha dahil nakasubsob ako sa kanyang dibdib, kaya naman unti-unti akong nag-angat ng tingin.Nakatitig pala siya sa akin, sa mukha ko.Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha, kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Magaling siya pagdating sa pagtatago ng emosyon."Kung gano'n iniwan mo ako dahil lang do'n? Tingin mo ba ay kaya kitang pagtaksilan at ipagpalit sa ibang babae?
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Drex na may pagtataka nang makita ang bigla kong pagtayo. "Hindi ka pa kumakain, Elize.""P-Puwede mo bang sabihin sa akin kung saan nakatira ngayon si Leila?"Mas lalong kumunot ang noo ni Drex sa tanong ko pero agad ding tumango."Sure, but before that kumain ka muna. Sa pagkakaalam ko ay kakabalik lang ni Liela kahapon mula sa China dahil may business meeting ang kanyang asawa rito sa Pinas. Isa kasi sa mga business partner ni Dad ang asawa niya at baka bukas ay babalik din sila agad ng China pagkatapos ng meeting. Ano nga pala ang kailangan mo sa kanya? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kayo malapit sa isa't isa."Hindi ko na namalayan ang pagkuyom ko ng kamao."May itatanong lang akong importante sa kanya. Mamaya na ako kakain, magbibihis lang ako. Pakihintay na lang ako sa kotse."Napapabuntonghininga na tumango na lang si Drex at hindi na umangal pa.Lumabas ako ng kitchen at mabilis na nagbihis sa kuwarto.Habang nasa biyahe ay nanatili akong wa