Home / Romance / NABALIW AKO SA ISANG BALIW / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng NABALIW AKO SA ISANG BALIW: Kabanata 21 - Kabanata 30

41 Kabanata

CHAPTER 21 - I LOST HER VIRGINITY

"Lately ko lang nalaman na ang ama ni Lexie ay nakipag connive sa kalaban kong Mafia upang pabagsakin ako. Kaya kailangan kong gawin yun upang maniwala sila na talagang nagpakasal na kayo ni Lexie, at iisipan nila nagtagumpay sila sa kanilang mga plano.""Put****ng Ina! "Fuck!"Bigla akong napatayo at sinipa ang upuan na kanina lang, inupuan ko pa. Ramdam ko kaagad ang biglang pag-usok ng ilong ko sa sobrang galit. Sinabunutan ko ang aking sariling buhok dahil sa sobrang pagtitimpi ng aking galit kay dad. Kung hindi lang talaga masama na pumatay ng sariling ama, kanina ko pa siya binaril. Galit ko siyang tiningnan."Fuck! Dad, bakit kailangan mo pang idamay ang pagmamahalan namin ni Blaze sa problema mo! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo!? Naghiwalay kaming dalawa dahil akala niya totoong kinasal ako kay Lexie! Sana sinabi mo sa akin ng mas maaga, upang hindi kami umabot sa ganito! Ang galing mo talagang magpaikot ng tao dad. Kahit ako nagawang maniwala sa pag-arte mo!""I'm sorry son
Magbasa pa

CHAPTER 22 - I LOST HER

ALAS DIYES NG UMAGA ng magising ako mula sa himbing na pagkakatulog. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hangover ko kagabi, pinilig, ko ang aking ulo at bumangon na sa kama. Saglit akong natigilan ng mahagip ng aking mga mata ang bakas ng pulang mantsa na naiwan sa puting sapin ng kama. Nakakunot ang noo ko, pilit ina-alala kung ano ang nangyari kagabi. Inikot ng aking paningin ang buong silid, hindi ito ang silid ko. “Fuck,” mura ko habang mabilis na nagbihis ng mapansin, naka hubot-hubad ako. I recalled having sex with a virgin girl last night, ngunit wala na ito sa tabi ko pag gising ko. Nakita ko ang pinaghubarang damit ng babae sa dulo ng kama. Kinuha ko ito at inamoy. Parang bigla akong pinagsakluban ng langit ng mapagtanto kong damit ni Blaze ang hinawakan ko. Ito ang suot niya kahapon nang mag kasama pa kami. “Aaahhh!, Blaaaaaze!” dumadagundong ang boses ko habang sinisigaw ang pangalan ni Blaze. Bumabalik sa ala-ala ko ang ginawa namin kagabi. Kahit pareho naming ginusto yun
Magbasa pa

CHAPTER 23-THE REUNION OF TWO HEARTS

5 YEARS LATERPhilippine time 5:00 p.mKnock! Knock!"Come in!" Wika ko ng marinig ang magkasunod na katok mula sa pintuan ng aking opisina, ang Ashen Corporation.Kasalukuyan akong nakaupo sa aking swivel chair na sa loob mismo ng opisina, habang tinititigan ang picture frame namin ni Blaze na nakapatong sa ibabaw mismo ng aking lamesa. Sa picture, masaya kami habang magkayakap na nakaupo sa dalampisan. Remembrance namin ito na kinuha noong magkasama pa kaming naligo sa Guimaras Island. Parang kailan lang limang taon na ang nakalipas simula ng mawala sa akin si Blaze. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa kanya, araw-araw, umaasa ako na sana mahanap ko na kung sino man ang taong nakakuha sa kanya. "Boss,"Muli akong nanumbalik sa aking tamang hwesyo ng marinig ang boses ni Leon. Saglit ko siyang sinulyapan, na ngayo'y nakadungaw na sa pintuan at waring may sasabihin."Pumasok ka Leon, may balita na ba sa paghahanap nyo kay Blaze?" Agad kong tanong sa kanya ng m
Magbasa pa

CHAPTER 24 - ENGAGEMENT PARTY

“Good Evening Ladies and Gentlemen, May I have your attention please,” narinig kong wika ng lalaki sa mikropono habang nakaakbay pa rin sa balikat ni Blaze. Naalala ko na kung sino ang lalaking kasama nito sa itaas ng stage. Siya si King, ang childhood friends ni Blaze at isa din sa masugid niyang manliligaw, ngunit hindi ko alam kung ano ang apelyido niya. “Gusto kong ipaalam sa lahat na mga nandito ngayon, na next month magpapakasal na kami ng babaeng mula pa noong mga bata kami ay minahal ko na. Ilang taon din ang panliligaw ko sa kanya at ngayon sobrang saya ko dahil sa wakas pumayag na rin siyang magpakasal sa akin. In one months time magiging ganap na kaming isang pamilya kasama ng anak namin ngayon at sa mga magiging anak pa namin sa mga susunod na taon. I Love you sweetheart.” Narinig ko ang masigabong na palakpakan ng mga tao sa loob ng function hall, matapos marinig ang anunsyo ni King. Samantalang ako, para akong kandila na unti-unting natutunaw sa aking kinatatayuan haba
Magbasa pa

CHAPTER 25 - KALIMUTAN MO NA AKO ZED

Parang gusto kong magwala dahil sa mga banta sa akin ni King. Nakita ko siyang tumayo at binalingan ang presidente. "I'm sorry Mr. President, kailangan ko ng umalis. Salamat sa pagtitiwala sa akin, ngunit ipagpaumanhin po ninyo, mas mahalaga ang babaeng mahal ko kaysa collaboration na ito. Excuse me." Ngumiti ako ng mapakla, habang sinusundan ng aking mga tingin si King palabas ng meeting room. Hindi ko matanggap sa aking sarili na mayroon ng lalaki na pumalit sa akin sa puso ni Blaze. Parang unti-unti akong pinapatay, sa tuwing naiisip ko na iba ang kasama niya ngayon at hindi ako. Pilit kong pinigilan and mga luha na gustong kumawala sa aking mga mata. "Zed," Agad akong nakabawi matapos marinig ang pagtawag sa akin ng presidente. Binalingan ko siya at matabang na ngumiti. "Okay lang ako Mr. President, sorry, sinira ko ang collaboration. Huwag kayong mag-alala, itutuloy pa rin natin ang plano. Ipapadala ko dito ang ibang mga tauhan ko galing America, upang madagdagan ang manpow
Magbasa pa

CHAPTER 26 - THE TRUTH 5 YEARS AGO

BLAZE’S POVTahimik ang buong biyahe namin ni King pauwi ng kanyang mansion na binili bago kami umuwi dito sa pilipinas. Alam kong masama pa rin ang loob niya ngayon dahil sa mga nasaksihan niya sa aming dalawa ni Zed kanina.“King,” mahina kong tawag sa kanya habang nagdadrive siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay, ngunit pakiramdam ko wala siyang plano na kausapin ako."Not now, Blaze, please. I felt exhausted." malungkot ang kanyang mga mata, habang naka focus lang ang tingin sa daan. Kahit sa sagot niya sa akin, alam kong iniiwasan niyang mapag-usapan namin ang mga nangyari kanina.Di nagtagal ay pumasok na ang aming kotse sa loob ng magarang mansion na pag-aari ni King. Kusa na akong bumaba sa kotse, hindi na ako naghintay pa na pagbubuksan niya ako ng pinto, dahil alam kong pagod din siya kanina sa pag entertain sa aming mga bisita. Nakita ko siyang kinuha si Ziane Blake, ang anak ko na ngayon ay mahimbing na ang tulog sa likurang upuan ng kotse. Maingat niya itong kinarga papaso
Magbasa pa

CHAPTER 27 - I WILL SAVE MY SON

Parang iiyak na niyakap ako ni King.“I’m sorry Blaze, kaya ko hindi sinabi sayo noon, dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal. At natatakot ako na kapag sinabi ko sayo, lalo mo lang sirain ang buhay mo. Alam mo mismo sa sarili mo, na nais mo ng mamatay noon, nang nalaman mo na nabuntis ka ng taong hindi mo kilala. Kaya nung nakumpirma kong si Zed ang ama ni ZB dahil sa DNA test na ginawa ko noong nasa Italy pa tayo, pinili ko na lang na huwag sabihin, dahil alam kong masasaktan ka. Sobrang mahal kita Blaze, at kahit hanggang ngayon mas pipiliin ko pa rin na hindi sabihin sayo ang totoong nangyari sa nakaraan, ngunit nadaig ako ng takot ko na baka kukunin niya kayo sa akin.”Ramdam ko na unti-unting humigpit ang pagka kayakap sa akin ni King. Naiintindihan ko kung bakit niya ginawa sa akin yun. Hindi ko siya masisisi dahil lahat ginawa niya para tulungan akong makalimot at tanggapin sa aking sarili na may anak na ako. Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya at hinayaan ang aking luha n
Magbasa pa

CHAPTER 28 - TULUYANG KALIMUTAN

Nakita ko ang patuloy sa pagbagsak ng mga luha ni Blaze, matapos marinig ang paliwanag ng Doctor sa akin tungkol sa kondisyon ni ZB na nakita nila sa result ng mga laboratories nito. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, gusto ko siyang yakapin at sabihin na huwag siyang mag-alala dahil hindi ko pababayaan ang aming anak. Akmang yayakapin ko na siya ng sakto namang pagdating ni King at lumapit ito sa kanya. Nakita kong agad na yumakap si Blaze sa kanya at tuluyang humagulgol sa dibdib ni King. Sobra akong nasaktan na makitang ang babaeng dati sa dibdib at katawan ko lang nakasandal at nakayakap ngayon ibang mga bisig na ang yumayakap sa kanya. Gayunpaman hindi na mahalaga kung ano nararamdaman ko ngayon, ang mahalaga ay ang kaligtasan ng anak ko. Binalingan ko si Cedric ang mid forties na Doctor sa loob ng ICU na ngayon ay busy sa pag-asikaso sa aking anak. "Ihanda nyo ang mga gagamitin ko sa operasyon." Agad namang nagmamadali ang mga Doctor at nurses upang ihanda ang mga kailanganin k
Magbasa pa

CHAPTER 29 - I'M SORRY DAD

Matapos ang masakit na pag-uusap namin ni Blaze, mabigat ang aking mga hakbang na pumunta sa aking kotse, kailangan ko muna ang sapat na pahinga. Ang daming nangyari sa buong araw ko at halos wala pa akong tulog mula pa kahapon, simula ng magkita kami ni Blaze. Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch. Approaching 5 o’clock in the morning na, kaya pala halos nanghihina na ang buong katawan ko, dagdagan pa ng sakit na nararamdaman ng puso ko.Akmang paandarin ko na ang kotse ng magring ang aking telepono. Nang makita ko na si Leon ang tumatawag, agad ko itong sinagot. Kailangan ko rin kasing ipaalam sa kanya na kailangan ko munang magpahinga. Hindi ako sumama sa kanila na umuwi kahapon dahil gusto ko munang sundan kung saan ang bagong bahay ni King. Ngunit hindi ko inaasahan na mas lalo lang pala akong masaktan kagabi ng makita ko silang dalawa na magkayakap sa terrace ng kanilang silid. Yung pakiramdam na hanggang tingin ka na lang sa babaeng pinakamamahal mo habang binabalot ang ka
Magbasa pa

CHAPTER 30 - FATHER AND SON

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas, simula ng ilibing ang aking ama. At isang linggo na rin ang nakalipas simula ng lumabas ang aking anak sa hospital. Ngayong araw excited na akong sunduin siya dahil nangako akong ipapasyal ko siya sa kahit saang pasyalan na gusto niya. "Sir, umupo na muna kayo dito, tatawagin ko lang si Ma'am Blaze." Narinig kong sabi ng katulong nang makapasok na ako sa loob ng kanilang sala. "No, nevermind manang, si ZB ang pinunta ko dito, susunduin ko sana siya." Agad kong pinigilan ang katulong sa pagtawag kay Blaze. Nangako na ako kay Blaze na hindi na muling lalapit sa kanya o kaya kausapin siya. Sapat na sa akin na pinayagan niya akong makasama ang aking anak. "Ah, ganun po ba sir? Sandali lang po ha, tatawagin ko lang ang young master." Agad nang tumalikod sa akin ang matandang ginang, ngunit hindi pa man siya nakaka akyat ng hagdan ng muli itong nagsalita. "Ay nandito na pala sila sir." Malamlam ang aking mga mata ng makita ko ang aking anak
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status