Home / Romance / NABALIW AKO SA ISANG BALIW / CHAPTER 26 - THE TRUTH 5 YEARS AGO

Share

CHAPTER 26 - THE TRUTH 5 YEARS AGO

last update Last Updated: 2022-11-19 17:00:10

BLAZE’S POV

Tahimik ang buong biyahe namin ni King pauwi ng kanyang mansion na binili bago kami umuwi dito sa pilipinas. Alam kong masama pa rin ang loob niya ngayon dahil sa mga nasaksihan niya sa aming dalawa ni Zed kanina.

“King,” mahina kong tawag sa kanya habang nagdadrive siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay, ngunit pakiramdam ko wala siyang plano na kausapin ako.

"Not now, Blaze, please. I felt exhausted." malungkot ang kanyang mga mata, habang naka focus lang ang tingin sa daan. Kahit sa sagot niya sa akin, alam kong iniiwasan niyang mapag-usapan namin ang mga nangyari kanina.

Di nagtagal ay pumasok na ang aming kotse sa loob ng magarang mansion na pag-aari ni King. Kusa na akong bumaba sa kotse, hindi na ako naghintay pa na pagbubuksan niya ako ng pinto, dahil alam kong pagod din siya kanina sa pag entertain sa aming mga bisita. Nakita ko siyang kinuha si Ziane Blake, ang anak ko na ngayon ay mahimbing na ang tulog sa likurang upuan ng kotse. Maingat niya itong kinarga papaso
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana bigyan mo din ng chance na maipaliwanag sayo ni zed ang totoong nangyari nuon blaze
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 27 - I WILL SAVE MY SON

    Parang iiyak na niyakap ako ni King.“I’m sorry Blaze, kaya ko hindi sinabi sayo noon, dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal. At natatakot ako na kapag sinabi ko sayo, lalo mo lang sirain ang buhay mo. Alam mo mismo sa sarili mo, na nais mo ng mamatay noon, nang nalaman mo na nabuntis ka ng taong hindi mo kilala. Kaya nung nakumpirma kong si Zed ang ama ni ZB dahil sa DNA test na ginawa ko noong nasa Italy pa tayo, pinili ko na lang na huwag sabihin, dahil alam kong masasaktan ka. Sobrang mahal kita Blaze, at kahit hanggang ngayon mas pipiliin ko pa rin na hindi sabihin sayo ang totoong nangyari sa nakaraan, ngunit nadaig ako ng takot ko na baka kukunin niya kayo sa akin.”Ramdam ko na unti-unting humigpit ang pagka kayakap sa akin ni King. Naiintindihan ko kung bakit niya ginawa sa akin yun. Hindi ko siya masisisi dahil lahat ginawa niya para tulungan akong makalimot at tanggapin sa aking sarili na may anak na ako. Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya at hinayaan ang aking luha n

    Last Updated : 2022-11-24
  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 28 - TULUYANG KALIMUTAN

    Nakita ko ang patuloy sa pagbagsak ng mga luha ni Blaze, matapos marinig ang paliwanag ng Doctor sa akin tungkol sa kondisyon ni ZB na nakita nila sa result ng mga laboratories nito. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, gusto ko siyang yakapin at sabihin na huwag siyang mag-alala dahil hindi ko pababayaan ang aming anak. Akmang yayakapin ko na siya ng sakto namang pagdating ni King at lumapit ito sa kanya. Nakita kong agad na yumakap si Blaze sa kanya at tuluyang humagulgol sa dibdib ni King. Sobra akong nasaktan na makitang ang babaeng dati sa dibdib at katawan ko lang nakasandal at nakayakap ngayon ibang mga bisig na ang yumayakap sa kanya. Gayunpaman hindi na mahalaga kung ano nararamdaman ko ngayon, ang mahalaga ay ang kaligtasan ng anak ko. Binalingan ko si Cedric ang mid forties na Doctor sa loob ng ICU na ngayon ay busy sa pag-asikaso sa aking anak. "Ihanda nyo ang mga gagamitin ko sa operasyon." Agad namang nagmamadali ang mga Doctor at nurses upang ihanda ang mga kailanganin k

    Last Updated : 2022-11-26
  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 29 - I'M SORRY DAD

    Matapos ang masakit na pag-uusap namin ni Blaze, mabigat ang aking mga hakbang na pumunta sa aking kotse, kailangan ko muna ang sapat na pahinga. Ang daming nangyari sa buong araw ko at halos wala pa akong tulog mula pa kahapon, simula ng magkita kami ni Blaze. Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch. Approaching 5 o’clock in the morning na, kaya pala halos nanghihina na ang buong katawan ko, dagdagan pa ng sakit na nararamdaman ng puso ko.Akmang paandarin ko na ang kotse ng magring ang aking telepono. Nang makita ko na si Leon ang tumatawag, agad ko itong sinagot. Kailangan ko rin kasing ipaalam sa kanya na kailangan ko munang magpahinga. Hindi ako sumama sa kanila na umuwi kahapon dahil gusto ko munang sundan kung saan ang bagong bahay ni King. Ngunit hindi ko inaasahan na mas lalo lang pala akong masaktan kagabi ng makita ko silang dalawa na magkayakap sa terrace ng kanilang silid. Yung pakiramdam na hanggang tingin ka na lang sa babaeng pinakamamahal mo habang binabalot ang ka

    Last Updated : 2022-11-29
  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 30 - FATHER AND SON

    Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas, simula ng ilibing ang aking ama. At isang linggo na rin ang nakalipas simula ng lumabas ang aking anak sa hospital. Ngayong araw excited na akong sunduin siya dahil nangako akong ipapasyal ko siya sa kahit saang pasyalan na gusto niya. "Sir, umupo na muna kayo dito, tatawagin ko lang si Ma'am Blaze." Narinig kong sabi ng katulong nang makapasok na ako sa loob ng kanilang sala. "No, nevermind manang, si ZB ang pinunta ko dito, susunduin ko sana siya." Agad kong pinigilan ang katulong sa pagtawag kay Blaze. Nangako na ako kay Blaze na hindi na muling lalapit sa kanya o kaya kausapin siya. Sapat na sa akin na pinayagan niya akong makasama ang aking anak. "Ah, ganun po ba sir? Sandali lang po ha, tatawagin ko lang ang young master." Agad nang tumalikod sa akin ang matandang ginang, ngunit hindi pa man siya nakaka akyat ng hagdan ng muli itong nagsalita. "Ay nandito na pala sila sir." Malamlam ang aking mga mata ng makita ko ang aking anak

    Last Updated : 2022-12-02
  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 31 - BEST WISHES INTO GOODBYES

    “Daddy, bakit kayo umiiyak?” biglang natanong sa akin ni ZB, nang mapansin ang pag-iyak ko. Agad kong pinahid ang aking mga luha at pilit na pinasaya ang aking aura.“Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko anak. Kailangan munang umalis ni daddy bukas, kaya, mamimiss kita ng sobra.” Nakita ko ang agad na pagbagsak ng luha ni ZB matapos marinig ang sinabi ko.“Bakit po, hindi na ba kayo masaya kapag kasama ako? Bakit pa kayo aalis?” humihikbi niyang wika sa akin. Halata na nagtatampo siya dahil ngayon lang kami nag bonding na mag-ama, tapos, iiwanan ko pa siya.“Anak, kung alam mo lang, sobrang saya ko, dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ka. Kailangan lang umalis ni daddy, dahil lalaban siya sa mga terorista na gustong sakupin ang bansa natin.” Nahihirapan kong paliwanag sa aking anak. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong pagpapaliwanag sa kanya, ngunit alam kong naiintindihan niya ako. “Yung katulad po ni Captain America, daddy? Palagi ko po kasi siyang pinapanood

    Last Updated : 2022-12-02
  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 32- HIS OWN BATTLE

    BLAZE'S POV"Mommy! Mommy!"Kakatapos ko lang magbihis ng marinig ko ang kakaibang hiyaw ni ZB, mula sa sala. Mabilis akong lumabas ng aking silid at tumakbo pababa ng hagdan. Isang linggo na ang nakalipas simula ng ihatid siya ng kanyang ama. Saturday ngayon, dapat sinundo na siya ni Zed upang ipasyal, ngunit nagtataka ako bakit, tanghali na hindi pa rin ito dumating. "Oh, anak, bakit ka sumisigaw? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Saway ko kaagad kay ZB nang lapitan ko na siya. Nanonood lang pala ito ng TV."Mommy, look," sabay turo nito sa TV. "Si daddy, nasa TV, sinasabi ko na nga ba, katulad si daddy ni Captain America." Tuwang-tuwa na wika sa akin ni ZB dahilan upang ibaling ko rin ang aking atensyon sa pinanonood niya. Ganun na lang ang pag kasindak ko, nang makita, ang grupo ni Zed, na nakikipag barilan sa mga armadong lalaki, na kung hindi ako nagkakamali, mga Russian people. Agad na nagflash sa TV screen ang live coverage ng isang lalaking reporter habang iniintervie

    Last Updated : 2022-12-05
  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 33 - LEON, HINDI KO NA KAYA

    ZED DAVEN’S POV Nagising ako na, nakahiga na, sa isang mahabang mesa habang ang aking kamay at paa ay kapwa nakatali sa bawat dulo nito. Wala na sila, sigurong makita na pwedeng itali sa akin, dahil napansin ko na puro duct tape ang nagbibigkis sa kamay at paa ko. Naalala ko, sinubukan ko palang barilin ang isang lalaki na may hawak din sa akin, ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad akong hinampas sa ulo ng mga kasamahan nito, at parang may tinurok pa sila sa akin, dahilan upang mawalan ako ng malay. Binuka ko ang aking bibig, ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan din ito ng docktape. Inikot ko ang aking paningin, upang malaman kung saan nila ako dinala. Agad kong nakita ang iba’t-ibang klase ng kutsilyo na nakadispaly sa knifes shelves, at maraming kasangkapan, pangkusina. Ibig sabihin, dito nila ako dinala sa kusina na sa ilalim na parte ng barko. Naramdaman kong umuusad ang barko, dahil umaandar na ang makina nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang muling ipunin ang aking la

    Last Updated : 2022-12-05
  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 34 - MAHAL PA RIN KITA ZED

    Blaze’s POV“Ma’am ok lang po ba kayo?” Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.""Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV. Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala

    Last Updated : 2022-12-09

Latest chapter

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 41 - THE END

    ONE MONTH LATER…“Blaze, tama na yan, mukhang babagsak na ang ulan, kailangan na nating bumalik sa kotse.” wika ko kay Blaze, habang naksandal siya sa aking dibdib. Kasalukuyan kami ngayon nakaharap sa puntod ni King. Araw ngayon ng kanyang libing, at nag-aalala ako kay Blaze, dahil kanina pa siya iyak ng iyak. “Ewan ko ba Zed, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na si King. Masakit pa rin sa dibdib ko, na tuluyan na niya kaming iniwan ni ZB.” umiiyak pa rin na wika ni Blaze sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinihimas ang kanyang likod upang kumalma siya. “Nandito pa rin siya peanut, kasama nating dalawa. Kapag namimiss mo si King, tumingin ka lang sa aking mga mata, at makikita mong nakangiti siya habang nakatingin sayo. Ayaw niyang nakikita ka na umiiyak, kaya tahan na.” Umangat ng mukha si Blaze upang tingnan ako sa mga mata, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak at mahigpit na yumakap sa akin. “Zed, ang swerte ko kay King, kahit na mawawala na siya, kapakana

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 40 - HIS EYES

    “Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon peanut, hindi ko inaasahan na darating pa ang pagkakataon na ito, na mayakap kita at muling mahagkan. Mahal na mahal kita.”“I love you too, Zed, at sana wag mo na ulit kaming iiwan ni ZB.” Matapos marinig ang sinabi ni Blaze, bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinaong siya. “Hindi ko na kayo iiwan ulit, Blaze, ngunit paano si King, baka hinahanap kana niya. Kailangan ka niya ngayon.”“Siya nga ang nag-utos sa akin na sundan si Dr. Clinton, upang kausapin ka. Bakit nga pala kinausap mo si Dr. Clinton, may kinalaman ba ito kay King?”“Oo, tinanong ko lang, kung may iba pang paraan upang ma dugtungan ang buhay niya. Ayaw ko kasing nalulungkot ka, kapag nawala siya. Alam kong mahalaga siya sa buhay mo.”“Pareho kayong mahalaga sa buhay ko. Ikaw mahalaga ka sa buhay ko, dahil naging kabiyak ka na ng puso ko, samantalang si King, mahalaga sa buhay ko, dahil simula noon pa, pamilya na ang turing ko sa kanya. Siya nga pala, pinasas

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 39 - HER LOVE NEVER DIES

    ZED’S POV“Leon, bakit ba tayo nagmamadali?” kunot noo na tanong ko kay Leon, dahil naramdaman kong pabilis ng pabilis ang pagtulak niya ng wheelchair ko palabas ng hospital. Binuksan muna niya ang pintuan ng kotse at tinulungan akong makaupo sa loob. “Leon, tinatanong kita, bakit ka nagmamadali, may humahabol ba sayo?”“Wala naman boss, nakita ko lang si Blaze sa loob ng hospital.” Mahinang sagot sa akin ni King. Naramdaman kong pinaandar na nito ang kotse. “Anong nangyari sa kanya?” Kinakabahan kong tanong kay Leon.“Wala naman nangyari sa kanya boss, si King ang sinugod sa hospital.” tipid n’yang sagot sa akin. Alam kong hanggang ngayon, nagtatampo pa rin si Leon kay Blaze, dahil nagawa kong ipatanggal ang mga mata ko, para lang e-donate sa kanya. Ngunit lagi kong sinasabi kay King, na ginawa ko yun dahil gusto kong masubaybayan ni Blaze ang paglaki ng anak namin. “Alamin mo ba, kung ano ang nangyari kay King?" Tanong ko kay Leon na agad naman niyang sinagot."Kapag may inuutos k

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 38- HE'S DYING

    Nanlulumo na umuwi ako ng mansyon ni King. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pakiramdam ko iniiwasan na rin ako ni Leon. Malakas ang kutob ko na si Zed ang kumakanta na yun, dahil kasama niya si Leon, ngunit bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Hindi ko na natuloy ang pagsunod sa kanila, dahil hindi ko na makita kung saan dumaan ang kanilang sasakyan."Nandito ka na pala. Kamusta naman ang lakad mo ng mga kaibigan mo. Nag-enjoy ka ba?"Saglit akong natigilan sa paglalakad, ng marinig ang boses ni King. Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nanonood ng TV. Napansin ko ang itim na bonnet na laging suot niya. Nagtataka ako, dahil nitong mga nakaraang araw lang, hindi na nito tinatanggal ang bonnet sa ulo niya. Kahit sa pagtulog suot niya pa rin ito."Hindi ka pa natulog?" Lumapit ako at malungkot na umupo sa tabi niya."Hindi ako makatulog. Hinihintay kita, sinisigurado ko lang na ligtas kang nakauwi." Nakangiting wika sa akin ni King. Sinandal ko

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 37 - WHEN HER EYES OPENED

    HEATHER BLAZE'S POV1 MONTH LATERBumalik kami ngayon sa clinic ni Dr. Fuentes, kasama si King at ang aking mga magulang. Ngayon na kasi tanggalin ang bendahe, sa aking mga mata. Tuwang-tuwa kaming lahat, dahil sa wakas, mayroon na ring naawa sa akin, na nag donate ng kanyang mga mata, upang muli akong makakita. Mabuti na lang at hindi naman na fractured ang aking buong katawan, kaya after ng ilang weeks, nakalabas na kaagad ako sa hospital."Sandali lang ha, relax mo muna ang iyong sarili, pagkatapos, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata." Narinig kong wika sa akin ni Doctor Fuentes, kaya sinunod ko na rin ang sinabi niya. Inikot ng aking paningin ang buong silid, Ilang sandali pa'y unti-unting nagkaroon ng liwanag ang aking mga mata at naging malinaw na rin ang aking paningin. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong kaagad ni Doc Fuentes sa akin."Nakakakita na ako, doc! Nakakita na ako!" Tuwang-tuwa na napayakap ako kay kay King, at sa aking mga magulang. "Mommy!"

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 36 - TWO HEARTS BEAT AS ONE

    ZED DAVEN'S POV"Boss, hindi natuloy ang kasal ni Blaze, dahil ikaw ang pinili niyang puntahan. Ngunit naaksidente siya, at ngayon, kailangan niyang makahanap kaagad ng eye donor, dahil kung hindi, permanente siyang maging bulag."Pakiramdam ko, biglang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi ni Leon. Bakit ba sa tuwing gusto namin ni Blaze na ipaglaban ang pagmamahalan namin, lagi kaming sinusubok ng tadhana. Bakit sa tuwing gusto naming magsama, nasasaktan lang namin ang isa’t-isa. Minsan na tanong ko sa aking sarili, kung wala na ba talaga akong pag-asa na maging masaya, Ang hirap, parang hindi ako makahinga, nang dahil sa akin, kaya ito nangyari kay Blaze. "Leon, gustong kong makita si Blaze.""Pero Boss, galit sayo, ang mga magulang ni Blaze, baka ano ang gawin nila sayo? Hindi ka pa magaling."Mapait akong ngumiti, saka sinagot si Leon, "Wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin nila sa akin, gusto ko lang makita si Blaze, gusto ko siyang makausap, please Leon, dalhin mo ako

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 35 - EYE DONOR

    AUTHOR'S POV SAMANTALA, sa simbahan, walang kaalam-alam si King sa lahat ng mga pangyayari. Hindi na rin niya maintindihan ang nararamdaman, dahil fifteen minutes nalang, magsisimula na ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit kanina pa siya kinakabahan, dahil hanggang ngayon wala pa rin si Blaze. Hindi naman pwedeng magbago ang isip niya, dahil isang buwan niya itong binigyan ng pagkakataon upang sabihin sa kanya kung ayaw na nitong magpakasal. "Sir, sir, naku po, patawarin nyo ako, hindi ko alam kung anong nangyari kay Ma'am Blaze, ngunit umiiyak po siya kanina noong mapanood, mula sa TV screen, na naputol ang isang paa ng pinuno ng TAB." Umiiyak at humihingal na paliwanag ni Chloie, kay King. Nakita niya itong tumatakbo, mula sa labas ng simbahan parang lang ibalita ito sa kanya. "Fuck! Nasaan si Blaze!?" Ramdam ni Chloie, ang namumuong galit sa dibdib ni King, matapos niyang ibalita ang nangyari. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni King. Tawag 'yun galing sa kaibigan mi

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 34 - MAHAL PA RIN KITA ZED

    Blaze’s POV“Ma’am ok lang po ba kayo?” Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.""Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV. Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala

  • NABALIW AKO SA ISANG BALIW   CHAPTER 33 - LEON, HINDI KO NA KAYA

    ZED DAVEN’S POV Nagising ako na, nakahiga na, sa isang mahabang mesa habang ang aking kamay at paa ay kapwa nakatali sa bawat dulo nito. Wala na sila, sigurong makita na pwedeng itali sa akin, dahil napansin ko na puro duct tape ang nagbibigkis sa kamay at paa ko. Naalala ko, sinubukan ko palang barilin ang isang lalaki na may hawak din sa akin, ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad akong hinampas sa ulo ng mga kasamahan nito, at parang may tinurok pa sila sa akin, dahilan upang mawalan ako ng malay. Binuka ko ang aking bibig, ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan din ito ng docktape. Inikot ko ang aking paningin, upang malaman kung saan nila ako dinala. Agad kong nakita ang iba’t-ibang klase ng kutsilyo na nakadispaly sa knifes shelves, at maraming kasangkapan, pangkusina. Ibig sabihin, dito nila ako dinala sa kusina na sa ilalim na parte ng barko. Naramdaman kong umuusad ang barko, dahil umaandar na ang makina nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang muling ipunin ang aking la

DMCA.com Protection Status