ONE MONTH LATER…“Blaze, tama na yan, mukhang babagsak na ang ulan, kailangan na nating bumalik sa kotse.” wika ko kay Blaze, habang naksandal siya sa aking dibdib. Kasalukuyan kami ngayon nakaharap sa puntod ni King. Araw ngayon ng kanyang libing, at nag-aalala ako kay Blaze, dahil kanina pa siya iyak ng iyak. “Ewan ko ba Zed, hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na si King. Masakit pa rin sa dibdib ko, na tuluyan na niya kaming iniwan ni ZB.” umiiyak pa rin na wika ni Blaze sa akin. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinihimas ang kanyang likod upang kumalma siya. “Nandito pa rin siya peanut, kasama nating dalawa. Kapag namimiss mo si King, tumingin ka lang sa aking mga mata, at makikita mong nakangiti siya habang nakatingin sayo. Ayaw niyang nakikita ka na umiiyak, kaya tahan na.” Umangat ng mukha si Blaze upang tingnan ako sa mga mata, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak at mahigpit na yumakap sa akin. “Zed, ang swerte ko kay King, kahit na mawawala na siya, kapakana
Read more