"Good morning tita Lei.." Masayang bati ni Cena sa kanya nang pumasok siya sa kusina. Nakaupo ito sa upuang nasa hapag-kainan, sa mesa ay nakapatong ang isang baso ng gatas."Good morning, baby.." She greeted back. "Magandang umaga po Aling Soledad." Bati niya rin sa Ginang na noo'y bumaling rin sa kanya ng marinig ang pagbati ni Cena."Magandang umaga naman, iha. Tabihan mo na si Cena, ipagtitimpla rin kita ng gatas."Kimi siyang ngumiti. "Ako nalang po, Aling Soledad." Sabi niya saka humakbang papunta sa cabinet. Kumuha siya ng mug doon at ipinatong sa mesa. Naroroon na sa ibabaw ang lalagyan ng gatas, kape at asukal, may coffee creamer din, sliced bread at palaman.Tamang-tama lang na katatapos niya magtimpla at papunta na sa gilid ni Cena nang sumulpot si Levin sa entrada.Bumaling siya ng maramdaman iyon. Hindi na siya nagtanong kay Aling Soledad kung nasaan ito kanina, dahil alam naman niyang pumapalaot ito tuwing madaling araw. But seems like he didn't go now."Good morning..
Last Updated : 2023-06-12 Read more