--LEVIN--Walang ekspresyong minasdan niya ang mga alon na tila nagsasayaw sa karagatan.Naroroon ang buong tingin niya, ngunit wala doon ang kanyang isip. Hanggang sa mga sandaling iyon gimbal pa rin siya sa lahat ng mga nalaman niya, na kahit anong isip ang gawin niya, hindi pa rin iyon maproseso ng kanyang utak.Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin o kung ano ang iisipin. Dahil wala siyang maalala, pakiramdam niya, para siyang nawawala sa kadiliman. Para siyang nakalutang sa kawalan. If only he remember everything, hindi siya mahihirapan ng ganito. Kaya pala sa limang taon ng kanyang buhay bilang si Samuel, ramdam niya sa kaibuturan ng kanyang puso ang kahungkagan. Na kahit anong pilit niyang maging masaya, tila may kulang. Iyon pala, dahil nabubuhay siya sa katauhan ng iba. Hindi siya si Samuel, kundi si Levin. Ang katauhang nakalimutan na niya.He close his eyes, trying to remember everything on his past, ngunit pigain niya man ang kanyang utak ay wala talaga siyang
Last Updated : 2023-06-02 Read more