HMH-3 Agad napasalampak sa sahig si Yanna, matapos makitang nanlupaypay ang katawan ng lalaking kanyang binubuno. Kasabay ang lalaking nasa kanyang likuran. "Akala namin late na kami! Mabuti na lang!" sabi ni Trisha habang iiling-iling. Ito ang bumaril sa lalaking nasa likuran ni Yanna, habang nagawa naman kalabitin ni Yanna ang gatilyo ng kanyang baril na hawak at nasapol ang lalaki sa dibdib nito. Natawa ang tatlong babae at napailing. "Nasaan ang hostage?" tanong ni Gina. "Nasa loob, tsek n'yo na lang!" Mabilis na pinuntahan ito ni Gina at Trisha. Wala ng tali ang mga kamay nito paglabas. "Salamat! Kung hindi dahil sa tulong mo, baka kung ano na ang nangyari sa akin!" "Wala iyon, karangalan namin ang makatulong, ngunit sa isang kondisyon," aniya. "Ano 'yon?" tanong ng lalaki. "Wala kang pagsasabihan kahit na sino sa totoong identity namin, since nakilala mo na kami! Mananatiling tikom ang bibig mo kung sakaling tanungin ka man,
Read more