HMH-8
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya pagbungad ng lungsod. Pansamantala niyang iniwan ang buhay sa Maynila at gugulin ang ilang buwan dito sa Bagiou para maayos na isilang ang kanyang anak.
Nagpaalam siya para magbakasyon at walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon maliban sa kanyang kuya Dindo. Huminto ang kanyang sasakyan sa isang bahay na may dalawang palapag. Kaagad siyang sinalubong ng isang ginang na nasa edad mahigit kwarenta na.
Ito ang kanyang tiyahin. Kapatid ng kanyang biological mother sa ama. Hindi niya ito palaging nakikita noon dahil malayo ito. At tanging sa phone lamang niya ito nakakausap.
Pero kagaya ng sabi ng kanyang ina noon, mabait ito at maaasahan kaya ito ang napili niyang lugar na puntahan. Isa pa, walang nakakakilala rito dahil hindi naman ito nagpakilala bilang anak ng kanyang lolo. Mas pinili nitong maging tahimik kaysa pag tampulan ng usap-usapan.
"Bakit naman pabigla-bigla ka ng pasabi? Mabuti na lamang at hindi ako sumama sa tiyo mo. Kung hindi baka wala kang abutan dito." nakangiting sabi nito na nilapitan siya at niyakap.
"Okay lang naman po, Tiyang, sanay naman po ako na pumupunta rito mag-isa."
"Halika sa loob at nang makakain ka." aya nito.
"Namiss ko rin dito, sobra!" aniya na niyakap ang sarili dahil sa lamig ng klima.
"Oo nga! At ngayong mga susunod na buwan, asahan mo nang mas malamig pa." Iminostra nito ang sala. "Maupo ka muna at ipaghahanda lang kita nang makakain.
Marami silang napagkwentuhan, hanggang sa humantong sa totoong dahilan kung bakit siya naroon.
"Dito po muna ako mamamalagi hanggang sa maisilang ko ang aking anak dito."
"Walang problema! Alam ba ng kuya Dindo mo na narito ka?"
"Opo!"
Matapos nilang kumain ay tinulungan siya ng tiyahin na mag-ayos ng kanyang mga gamit sa kanyang magiging silid. Kahit na malayo siya sa kanyang mga negosyo ay may tao naman siyang pinagkakatiwalaan doon. At hindi rin naman nawala ang koneksyon nya sa phone sa kanyang mga kasama.
Nakahiga na sya para magpahinga ng mag ring ang kanyang phone. Ang kanyang kuya ang nasa linya.
"Hello?"
"Oh, kumusta ang byahe mo? Hindi ka ba nahirapan?" nag-aalalang tanong nito.
"Okay lang naman kuya. Don't worry!"
"Sige! Yung mga sinabi ko sa 'yo, ha? Huwag kang masyadong naglalalapit kung kani-kanino. At saka bawasan mo ang maglalabas lalo na kung wala kang kasama."
"Yes, Master!" aniya na natatawa. Nasanay na siya sa pagiging over protective nito sa kanya.
"Oh, sya! May trabaho pa ako kaya ibababa ko na muna ito. Mag-iingat ka palagi diyan. Kapag nakahanap ako ng time, dadalawin ko kayo riyan."
"Sige, Kuya! Ikaw din, ingat!"
"Bye!"
"Bye!"
XANDER
"Ilang buwan na mula ng ipahanap ko sa 'yo ang babaeng nasa larawan, at hanggang ngayon, wala ka pa ring nahahanap na sagot sa trabahong ibinigay ko? Ginagawa mo ba talaga ang inuutos ko, o hindi?" pormal ang mukhang tanong niya kay Dindo. Ipinatawag niya ito dahil inip na inip na siya. Ilang buwan na rin na gumugulo sa kanyang isipan ang estrangherong babae na iyon na hanggang ngayon ay hindi pa niya muling nakikita. Gaano ba kalaki ang mundo para hindi ito makita ni Dindo? Kilala niyang mahusay ito pagdating sa paghahanap ng mga nawawalang tao kapag inutos niya. Pero anong mayroon sa babaeng ito na hanggang ngayon ay wala itong makuhang sagot na maibibigay sa kanya?
"I'm sorry, Sir! Pero mukhang hindi naman yata talaga gustong magpakita ng babaeng hinahanap ninyo." katwiran nito. Ni hindi man lang ito natinag sa nakitang kapormalan ng mukha ng amo.
Nanliit ang mga mata niya at napakuyom ang kamao. Parang gusto niyang sumabog at manakit subalit pinigil ang sarili. Ngumisi ito at umiling.
"Huwag mong sabihin na nalalaos ka na, Mr. Perez? Nababawasan na ba ang pang amoy mo para ganun kahirap na makita mo ang nagi-isang babae na iyan?"
"Hindi naman po ako tumitigil, boss, sa paghahanap. Pasasaan ba at makikita rin natin sya!" seryosong sagot nito. Lihim na naikuyom nito ang kamao. Hindi malinaw sa kanya kung ano ba talaga ang pakay nito sa kapatid niya kaya hindi niya maaring pagtagpuin ang mga landas ng mga ito. Hanggat kaya nyang itago ang pagkakakilanlan ng kanyang kapatid ay gagawin niya. Alang-alang sa pinangako niya sa mga magulang na aalagaan ito at babantayan. Lalo na sa mga taong magsasamantala dito.
"Siguraduhin mo lang dahil nauubos na ang pasensya ko! Kapag wala kang maayos na balitang naibigay sa akin sa mga susunod pang buwan o araw. Ako na mismo ang maghahanap sa babaeng 'to!" anito.
Kinabahan si Dindo. Alam niya na kapag ginusto nito ay magagawa nito. Mas lalong mapanganib kapag ito ang naghanap sa kapatid. Madali lang para dito na magawa iyon dahil sa lawak ng koneksyon na mayroon ito.
"Yes, boss!" aniya.
"Sige na! Iwan mo na ako!" utos nito at muling ibinalik ang mga mata sa ginagawa.
6 months later
"Congratulations, Iha! Mommy ka na rin ngayon!" nakangiting bati nito.
"Thank you, Tita!"
"Naku! Ang gagandang bata ng mga ito!" masayang bulalas muli nito habang buong giliw na kinarga ang isang bata.
"Mukhang namana yata kay Yanna ang hugis ng mukha! Hindi ba at ganyang-ganyan sya noon ng iluwal ng mommy nya?" anang tiyuhin niya.
Napangiti siya sa sinabing iyon ng amahin. Kahit hindi siya lumaking kasama ang mga ito ay nakikita naman niya paminsan-minsan kapag dumadalaw sila sa mga ito noong maliit pa sya.
"Oo nga, sinabi mo pa! Pero itong isang gwapong 'to, malamang na sa tatay niya. Kita mo na, mukhang anak ng foreigner, oh! Ang tangos ng ilong!" natatawang saad muli ng ginang sa usang batang tahimik na natutulog. Kambal na lalaki at babae ang naging anak niya. Mabuti na nga lamang at kinaya ng normal delivery ang dalawa.
Mayamaya pa ay dumating ang kanyang Kuya Dindo na may mga bitbit na supot. May lamang mga prutas at kung ano-ano pang pagkain.
"Congrats, Mommy ka na rin ngayon!" bati nito na hinalikan siya sa noo.
"Thanks, Kuya! Akala ko nga, hindi ka makakarating!"
"Pwede ba naman na hindi ko makita ang mga little prince at princess? Marami akong dalang prutas, para mabilis kang lumakas."
"Thank you, Kuya! Buti pinayagan ka ng boss mo?"
"Wala kasi sya ngayon. Nasa business trip at baka bukas pa iyon darating kaya nakalusot ako! Anyway, baka mayamaya ay bumalik din agad ako kasi may kailangan pa akong asikasuhin."
Tumango si Yanna. At nagpatuloy pa ang kanilang kwentuhan.
MATAPOS ang isang buwan, nagpasyang bumalik sa Maynila si Yanna. Pansamantala niyang iniwan sa pangangalaga ng tiyahin ang kanyang maliliit na sanggol. Mahirap man ngunit kailangan niyang gawin alang-alang sa kaligtasan ng mga ito.
"Kayo na po muna ang bahalang tumingin sa mga babies ko, Tiyang, ha?"
"Oo naman! Huwag kang mag-alala. Palagi mo rin naman silang tatawagan kaya kahit paano hindi ka gaanong mahihirapan. Ipanatag mo ang loob mo, aalagaan namin sila ng maayos. Ang isipin mo ang trabaho mo."
"Thank you, Tyang!" Nilapitan niya ang dalawang natutulog na sanggol at sandaling binuhat. Niyakap niya at hinalikan ang mga ito bago tuluyang nagpaalam para umalis muli.
"I love you, my babies!" aniya at ilang beses na hinalikan ang mga ito.
"Mag-iingat ka palagi, ha?" paalala ng kanyang Tyahin.
"Kayo na po muna ang bahala sa kanila," aniya.
Tumango ito na nakangiti at niyakap siya saka tinapik sa balikat, "Ikaw ang mas lalong mag-ingat para sa mga anak mo."
Matapos ang ilang ma-emosyonal na sandali ay kaagad din siyang umalis. Mabigat sa kanyang dibdib na iwanan ang mga sanggol ay kailangan muna niyang gawin hanggat hindi pa tuluyang nagiging tahimik ang mundo niya. Mas gugustuhin niyang malayo muna sa mga ito kaysa malagay sa alanganin ang mga buhay ng mga ito.
HMH-9 1 YEAR LATER Kasalukuyang nasa loob ng bangko si Yanna. Maraming costumer na nakapila ng araw na iyon. Kahit isa siyang VIP at mauna sa mga ito ay hindi niya ginawa. Alam niya ang hirap na dinadaranas nang mga pumipila kaya dapat lang na maghintay rin siya sa pila niya. Matiyagang naghintay siya sa isang sopa roon. Mayroon siyang bagong business na ila-lunch kaya mangangailangan siya ng malaking pondo, at iyon ang sinadya niya ngayon para personal na ayusin at mapondohan. Personal niyang kailangan na makausap ang direktor ng bangko. Malapit na siya sa kanyang pila nang matuon ang pansin niya sa tatlong lalaki na pumasok. Matapos iyon ay may tumawag sa guard ng bangko at sandali itong pinalabas. Kasunod ang mabilis na pagsara sa pintuan ng bangko. Masama ang naramdaman ni Yanna, subalit nanatiling kalmado at lihim na pinagmamasdan ang tatlong lalaki. Pumuwesto ang isa malapit sa mismong cashier, habang ang isa pa ay nakiupo kasama nang mga tao sa loob.
HMH-10 "Good day, mr. Ching!" bati ni Xander sa matanda. Kilala sya ng matanda dahil ilang beses na niya itong nakaharap sa ilang pagtitipon. "Mr. Montero, long time, no see, huh?" ganting bati nito na nakipagkamay pa sa kanya. "Yeah!" aniya saka lumingon sa babaeng nakaupo sa tabi nito. Nahuli niya ang tingin ng babae na nakamasid sa kanya habang nakikipag usap siya sa matanda. "By the way, who's this beautiful lady besides you?" ani Xander na nakatuon ang mga mata kay Yanna habang nagsasalita. Mabilis na nag iwas ng tingin si Yanna at sandaling sumulyap sa matanda bago ito na rin ang naunang sumagot. "I think, It's none of your business, mr?" taas kilay at mataray na sagot ni Yanna. Biglang nanliit ang mga mata ni Xander na nakatunghay kay Yanna. Hindi nga yata at may katarayan din ito? Hamak naman na mas maganda siyang lalaki kesa sa matandang gurang na ito. "Oh, really?" patay malisyang sagot niya sabay kibit balikat. "I a
HMH-11 XANDER Dahil hindi nakatiis sa samot-saring isipin tungkol sa dalawang taong nasa loob ng silid ay ubod-lakas na sinipa niya ang dahon ng pinto, dahilan para pwersahang bumukas iyon. Subalit ang inaasahan niyang makita sa loob ay hindi nangyari. Napakunot ang kanyang noo ng wala siyang mapansin na anino ng babae. Tanging ang nakahilata sa kama at walang malay na matanda ang naroon. Sandali niyang inilibot ang tingin sa paligid bago tuluyang pumasok sa loob. Kaaagad na nilapitan niya ang walang malay na nakahiga at sinalat ang pulsuhan nito. Muling kumunot ang kanyang noo ng mapansing wala na itong pulso. 'Did she kill him?' bulong na tanong niya sa sarili. Tumayo siya upang hanapin ang babae na kasama nito, ngunit kaagad niyang naramdamana ang kung anong bagay na nakadikit sa kanyang ulo mula sa kanyang likuran nang papatayo na siya. "What are you doing here? Sinusundan mo ba talaga kami?" seryosong tanong ng babae sa kanyang li
HMH-12 Pakiramdam ni Yanna ay pagod na pagod siya pagdating sa bahay kaya kaagad niyang inilatag ang pagod na katawan sa malambot niyang kama. Mariin niyang ipinikit ang mga mata subalit biglang sumalit naman sa kanyang balintataw ang mukha ng lalaking kakikilala lang niya kanina. Ang paraan ng malagkit nitong pagtitig sa kanya na nakapagdudulot sa kanya nang kakaibang init. Ang mamula-mula nitong mga labi na tila nangangako nang ilang libong ligaya. Ang malaman nitong mga braso na humapit sa manggas nang suot nitong damit. Ang pasimple nitong paghawi sa maitim at malagong buhok nito. Kakaiba ang dating nang mga iyon sa kanya. Tila mas lalong dumadagdag iyon ng appeal para dito. At habang nakatitig siya dito kanina ay ramdam niya ang kakaibang epekto nito sa kanya. Kakaibang init ang mabilis na gumapang sa kanyang kabuuan matapos siya nitong pasadahan ng tingin sa kanyang kabuuan. "Shit! What's happening to me?" bulalas niya. Hindi naman siya ganito sa mga nakikilala niy
HMH-13 Kasalukuyang nasa mall si Yanna para mamili nang araw na iyon. Abala ang lahat at maraming tao. Pumasok siya sa isang store kung saan puro stuff toys ang tinda. Na-engganyo siyang tumingin sa mga naka display doon. Bagama't hindi pa naman iyon malalaro ng kanyang mga anak dahil masyado pang maliit ang mga ito ay gusto pa rin niyang bilihan. Pumili siya ng dalawang mickey mouse na hindi kalakihan. Isang lalaki at babaeng mickey mouse. Naaaliw siyang titigan ang mga iyon kaya kinuha niya. Hindi niya namalayan na may taong nakamasid pala sa kanya.XANDER Sa hindi kalayuan, napako ang tingin ni Xander sa pamilyar na babaeng natanaw niya na papasok sa isang stuff toy store. Kasalukuyan siyang naroon sa mall dahil binisita niya ang establishment. Isa ang mall na iyon sa pag-aari ng mga Montero. At dahil mapagkakatiwalaan naman ang mga tao niya kaya bibihira pa sa patak ng ulan kapag nagagawi siya roon. Sandali siyang napahinto para pagmasdan ang babae habang nam
HMH-14 Mula sa malayo ay nakasunod ang grupo nina Xander sa lalaking kanina lamang ay bihag nila. Tinungo nito ang lugar kung saan sila magkikita ng lalaking di-umano'y nag-uutos rito. Ang alyas na Judas ay hindi rin pamilyar sa kanila kaya minabuti na lamang nila na gamitin ang lalaking bihag para makilala at masundan ito. Mula sa kanilang kinaroroonan ay kitang-kita nila ng salubungin ang lalaki ng ilang tauhang armado, gamit ang telescope bago tuluyang pumasok sa loob. May ikinabit din silang surveilance camera sa suot na damit ng lalaking bihag para magsilbing mata nila sa loob habang ginagawa nito ang pakikipag-usap sa umanoy mastermind sa pag-uutos sa kanila. May ilang tauhan din si Xander na kasama at back-up habang hinihintay pa ang hudyat ng kanilang pagpasok sa loob. "Sa palagay n'yo ba, boss, hindi tutuga ang lalaking 'yon?" "Nasa sa kanya na iyon! Hindi lang naman sa kanya ang button na hawak. Once, na magkamali siya sa kanyang ginaga
HMH-15XANDER Napailing na lamang siya nang makita mula sa computer ang nangyari. Napahugot pa siya ng hininga sabay sandal sa upuan. Kasalukuyang nakasakay siya sa loob ng kanyang sasakyan at kuntentong nanunuod sa mga nangyayari. Hindi rin siya makapaniwala na talagang ginamit ng lalaking nabihag ang bomba. Panakot lang nila ito dapat bago nila pasukin ang lugar, subalit taliwas dito ang nangyari. "Ano na ngayon, boss?" ani Dindo na hindi rin makapaniwala. "Alam mo na ang gagawin! Make sure na malayo na sila rito at ibigay mo ang para sa pangangailangan nila. Sigurado na babalikan sila ng ilang kalaban at kagrupo ng mga taong iyon." aniya. Ang tinutukoy nito ay ang relokasyon ng mag-ina ng lalaking namatay. Kagaya ng ipinangako niya na gagawing maayos ang buhay ng mga ito at malayo sa panganib. Kahit papaano, may silbi naman ang pagkamatay nito at dapat lang na may kaunting reward para sa pamilya nito. "Sige, boss! Asahan mo na maaasikaso s
HMH-16YANNA Kasalukuyang siyang nasa isang kilalang restaurant upang katagpuin si Mr. Que. Ito ang isang half american-spanish na negosyante at nag-aalok sa kanya na makipag-sosyo para sa kanyang bagong shop ng mga sapatos na bubuksan. Balak din nitong magpasok ng mga imported shoes at kung matutuloy itong maka-partner niya, gusto nito na magkaroon siya ng branch nito sa labas ng bansa. Si Aliza ang nagrekomenda nito sa kanya at hindi rin niya ito masyado pang kakilala. Subalit dahil narito na ito ay kailangan niyang maging professional at kaharapin ito. Ito ang unang pagkakataon na nagrekomenda sa kanya ng tao ang kanyang kaibigan. Hindi naman niya ito direktang mapahindian, kaya pumayag na lamang siya na makipagkita sa nasabing tao. Habang nag-uusap sila ay hindi niya inasahan nang lumapit sa kanila si Aliza. Hindi rin naman niya ito napansin na naroon din pala sa loob ng restaurant. "Aliza, what are you doing here?" nasorpresang tanong niya nan
HMH-87MULA sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni Yanna ang kabuuan ng lungsod. Mataas na mga gusali at parke. Para sa kanya napaka-perfect na nang lugar na iyon. Masuyong dumadampi sa kanya ang mahalina, malamig at sariwang hangin. Kasabay na sumasayaw ang mga dahon at puno sa ihip nito ganundin ang mga huni ng mga ibon sa paligid. Tanaw niya ang lagaslas ng tubig na nasa talon sa ibaba at ang malinaw na daloy ng tubig nito. Masasabi niya na kagaya ng paligid niya, nakamtam niya ang kapayapaan at katahimikan na hinahanap niya. Mula sa kanyang harapan, natatanaw rin niya ang nalalapit na paglubog ng araw na kay gandang pagmasdan."Malamig rito, hindi ka pa ba papasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanya at mula sa kanyang likuran ay hinapit siya nito palapit sa malapad nitong katawan.Masuyong isinandig ni Yanna ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib at ikinulong sa kanyang palad ang palad nitong nasa kanyang sikmura.Kasalukuyan silang nasa isang isla na pa
HMH-86"I can't believe it. Sa dami ng mga pangit na napagdaanan ko noon, I never imagine, na mabubuo ko pa pala muli ang pamilya ko na akala ko matagal nang wala sa akin," madamdaming ani Yanna. Kasalukuyan silang nakahiga ni Xander. Relax at kampante siyang nakahiga habang nakaunan sa malapad na dibdib ng lalaki. Panay ang himas nito sa kanyang mahaba at malambot na buhok habang dinadampian ng pinong halik at inaamoy."Are you happy now?" anas ni Xander at masuyong hinaplos ang kanyang balikat."I can't measure how happy I am at this moment. Masaya ako na napanagot na ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mga kinilala kong mga magulang. Atlast, matatahimik na rin sila kung saan man sila naroroon." "I'm sure nagagalak sila sa magagandang bagay na nangyayari ngayon," "Yeah!" Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang binata, "Thank you!" "Basta para sa 'yo at sa mga anak natin, always akong narito. I love you," anas nito at dinampian ng masuyong halik ang kanyang noo.
HMH-85Habang nasa loob ng banyo si Xander, sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na tingnan ang paligid ng silid. Nilapitan niya ang mesa na nasa bandang gilid at pinagmasdan ang mga larawan na naroon. Umagaw rin ng oansin sa kanya ang isag maliit ba box na nasa ibabaw. Curious na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita na isa iyong napakaganda at napaka-eleganteng singsing na may pusong bato na diamond.Dala ng kapilyahan, sinubukan niya iyong isuot sa kanyang palasingsingan at nagulat siya na makitang kasya iyon sa daliri niya. Hindi pa siya nakuntento at sinubukan niyang buksan ang ilang drawer na naroon. Matapos ay ang closet naman nito ang kanyang tiningnan. Kunotnoong napaisip siya, dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gamit nito na naroon. Natuon ang pansin niya sa drawer nito. Ewan ba at kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip niya at na-curious siyang makita kung pati ba ang mga underwear nito ay iilan rin. Binuksan niya iyon at tiningnan. Taliwas sa in
HMH-84"OH MY GOD! What happened to me last night? Why am I here?" Nailibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Simple ang ayos ng silid at nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Kulay gray ang kulay nito at may malaking chandelier sa pinakagitna ng ceiling. Naroon din ang amoy ng lavander na ginamit na air freshener. Bumangon siya sa kinahihigaan, ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makitang iba ang kanyang damit na suot. Isang malapad at malaking tshirt na kulay asul at halos hanggang sa kalahati ng kanyang hita ang abot ng tabas na ikinalabas ng kanyang mabibilog at mapuputing hita. At ang nakapag pahigit ng kanyang hininga ay nalaman niyang wala siyang suot na bra at ang kanyang pang-ibaba ay 'brief?' "Oh my God! Sino ang nagbihis sa akin? Why I am wearing this?" Shock sa sariling tanong niya at mabilis na tumayo. Akmang palapit na siya sa pinto ng silid para maghanap ng tao nang biglang bumukas iyon at nagulat siya sa taong nasa harapan. Bit
HMH-83"You are preoccupied with something. Care to share?" tanong ng kanyang kaibigan na si Trish na lumapit sa kanya. "I'm just wondering how my kid's say that Xander is their father? I am really surprised!" naguluhan at napaisip si Yanna sa isiping alam niya na anak ito ng kanyang biological father na si Sam. Which means na magkapatid pa rin sila at mali na maging ama ito ng mga anak niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang ang iba ay abala sa hardin at nagpa-party. Pinili niyang mapag-isa muna para makapag isip. Mula kanina, matapos ang mga nangyari, hindi pa rin bumabalik si Xander mula ng umalis ito na tila na nag aapura. "Yeah, even for me it was a surprise." ayon ng kaibigan."Just like the way you all surprised me," pairap na tugon ni Yanna rito.Natawa ito, "Yeah, sorry! Please forgive me. It was just to make sure that you are safe," sagot nito na naiilang."How's that? You all guys act excellently." Naiiling na sagot niya."Oh, We don't have bad intentions, look w
HMH-82Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinakbo ni Xander ang kinaroroonan ni Nathaniel. Wala siyang pakialam sa mga bantay na nakaharang at nasa kanyang daraanan. Buong lakas na itinulak niya ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya inisip ang panganib para sa kanyang sarili, kundi ang kagustuhan na masagip sa bingit ng panganib ang bata. Walang nagawa ang dami ng bantay na naroon para harangin ang lalaki. Buong lakas na itinulak niya sa gilid ang bantay sa batang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nalaglag. Dahilan para mas lalo nitong nabitawan ang lubid na nakatali sa katawan ng bata at mas mabilis na bumulusok ito pababa. Tinalon ni Xander ang natitirang pagitan bago pa man tuluyang maubos ang rolyo ng lubid. Maswerte na nahawakan niya ang lubid at makailang beses na ipinulupot iyon sa kanyang kamay upang masiguro na hindi iyon mabibitawan. Pigil ang hininga na napapikit siya. Nagawa niyang mapigil ang sanay pagbagsak ng katawan ni Nathaniel. Ngunit hindi pa man
HMH-81"Ms. Tessa Castro, also known as Lady Queen. Sa ngalan ng pagpapatupad ng batas. Kung nasaan ka man, mangyaring magpakita ka at harapin ang mga reklamo laban sa 'yo. Malaya kang manahimik at kumuha ng sariling tagapagtanggol mo." sabi ng isang officer na may hawak na arrest warrant para sa ginang at may mga kasunod pang mga pulis. "No! Kung inaakala n'yo na mahuhuli n'yo ako, malaking pagkakamali. Sana inisip n'yo muna ang mga mangyayari bago kayo pumunta rito. Ano na, Ms. Mendez? Hindi ba malinaw na kabilin-bilinan ko sa 'yo na walang ibang makaka-alam nang pagpunta mo rito? Alam mo na kung ano ang pwedeng mangyari, hindi ba? Pero sinuway mo pa rin ako! Masama akong magalit at hindi ako marunong magbigay ng chances, alam mo 'yan. Ano at narito ang mga gungong na alagad na 'yan?" galit na tinig nito mula sa speaker."No! Walang may alam na nagpunta ako rito. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman itong lugar na ito. Maawa ka, ibigay mo sa akin ang mga anak ko! Sabihin mo ku
HMH-80"OH MY GOD!" halos pakiramdam ni Yanna ay nanlalaki ang kanyang ulo at nananayo ang kanyang mga balahibo sa buong katawan. Daig pa niya ang namatanda sa kanyang itsura matapos makita ang tinutukoy nang nagsasalita sa speaker."Natalie?" halos hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay namamanhid iyon habang tila para siyang mauupos na kandila. Subalit, bago pa man siya panghinaan ng loob at mawala sa kanyang sariling komposyur ay kaagad niyang kinontrol ang sarili at mabalik sa realidad. Alam niya na wala siyang ibang maaasahan sa pagkakataong iyon. Nag iisa siya nang pumunta doon at walang kahit na sino ang nakakaalam nang kinaroroonan niya maliban sa isa. FLASHBACK:HABANG nakapikit ang mga mata ay gising na gising ang kanyang diwa. Kagaya ng bilin ni Xander ay nanatili siya sa loob ng hospital for her bed rest. Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman niyang pangamba matapos mangako ni Xander na hahanapin at ibabalik ang kanyang kambal. Hindi rin niya ma
HMH-79Bumungad kay Xander ang may kalakihang silid. Simple ngunit elegante ang ayos ng paligid. May ilan na naroon na mga kalalakihan at mga nakapornal ng kasuotan. Halos mga hindi sa kanya pamilyar ang mga ito. Nagkaroon nang ilang pagpupulong sa pagitan nang mga ito. Matapos ay nag kanya-kanyang alis. Naiwan si Xander at si Mr. Chu. Nilapitan siya ni Mr. Chu na nakapamulsa."I know what are you looking for," basag nito sa katahimikan niya.Hinarap niya ito na nag-iisip. Hindi niya matukoy kung kalaban ba ito o kakampi para sa kanya."Did you have a collaboration with Lady Queen?" diretsong tanong nito na ikinagulat ni Xander."What do you mean?" kunotnoong tanong ng binata."I know you know what I'm saying, Mr. Montero." seryosong sagot nito na bahagyang umiling. "How do you know about Lady Queen?" paniniyak ng binata. "Let say, pareho lang naman siguro tayo ng will against her. What do you think?""Did she annoy you?" "Let's say, mayroon lang naman siyang atraso na dapat hinah