Home / Romance / HIDDEN MAFIA HEIR'S / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng HIDDEN MAFIA HEIR'S: Kabanata 51 - Kabanata 60

88 Kabanata

CHAPTER 50

HMH-50Halos hindi dalawin ng antok si Yanna nang gabing 'yon. Hindi maalis sa kanyang isip ang mga itinatanong ng kanyang tyahin at ang sinabi ng kanyang anak na si Natalie, na kahawig nila si Xander. Palibhasa hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin n'on, bagama't isa iyon sa una niyang napuna rito matapos ang una nilang pagkikita noon sa isang auction habang isinasagawa niya ang isang misyon. At hindi rin siya gaanong nakaramdam ng pagkailang dito matapos siya nitong tulungan sa hotel. Kailangan nga lamang niyang itago rito ang totoong feeling sa pamamagitan ng pagsusungit dito. Isa pa ayaw naman niyang lumabas na isang cheap lalo pa at isa na siyang disgrasyadang babae. Matapos na may mamagitan sa kanila ng kung sinong lalaki noon sa isang bar, hindi na siya nag-aksaya ng panahon na alamin pa kung sino man ito. At lalo na wala siyang balak maghabol dito matapos siyang mabuntis at maanakan. Aminado naman siya na siya ang may pagkukulang sa sarili kaya nangyari 'yon. Bumangon siya
Magbasa pa

CHAPTER 51

HMH-51MAAGA pa lamang ay handa na ang kanyang kambal para magtungo sa park. Kagaya ng ipinangako niya sa anak na si Natalie, pumayag siya na muling makipagkita ito kay Xander kahit pa nga labis-labis ang kabang nararamdaman niya. Hindi rin kasi niya maintindihan ang kanyang sariling nararamdaman kung matutuwa o maiinis. Hindi rin niya sigurado kung nagkataon nga lamang ba na narito ito o sadyang sinusundan siya. Ano pa man ang dahilan, narito na at nakita na ito ng mga anak niya, kaya no choice na rin naman para tumanggi siya sa munting hiling ng anak. Pagdating na pagdating pa lamang nila sa park ay kaagad nang nahagip ng tingin ni Natalie ang bulto ni Xander na kasalukuyan nag-dya-jogging sa park. "Mommy, he's there," Sabay turo sa gawi ni Xander. "Gusto mo ba talaga siyang lapitan? Kita mo naman parang busy 'yung tao," seryosong sabi ng kakambal nito na si Nataniel. Hindi maiwasan ni Yanna ang mapangiti. Aminado naman siya na may pagka-istrikto si Nataniel, taliwas sa pagiging
Magbasa pa

CHAPTER 52

HMH-52YANNAMATAGAL na hindi siya nakaimik matapos ang sinabi ni Xander. Makailang ulit pa muna siyang humugot ng malalim na hininga bago niya nagawang harapin ito. "You don't know me well. And you don't have any idea what happened to me before. Kung bakit at paanong may anak ako na walang asawa. Isa pa, hindi ko obligasyon na magpaliwanag sa 'yo ng kahit ano. Personal kong buhay at desisyon kung ano ang mayroon ako ngayon. At masaya na ako sa ngayon, ayaw ko nang maghanap nang dagdag sakit ng ulo. Kaya please lang, igalang mo sana kung ano ang gusto ko. And I want you to forget what happened to us that night. I hope that you'll understand me. Ayaw ko nang magtatanong ka pa ulit sa 'kin ng tungkol dito. Sa ngayon kalilimutan ko muna ang lahat nang 'yan. Pero sana hayaan mo na muna ako sa personal na buhay ko. Please lang naman sana?" Halos maglangitngitan ang mga ngipin ni Xander sa pangangalit matapos ang narinig. Tila gustong kumawala ng kanyang temper sa sinabi nito, ngunit pini
Magbasa pa

CHAPTER 53

HMH-53YANNATATLONG araw na mula ng huling makausap ni Yanna si Xander sa park, at hindi na niya ito muling nakita pa na bumalik sa park. Nakaramdam din siya ng pagkadismaya. Marahil ay dinamdam nito ang huling napag-usapan nila. Minsan din siya tinanong ng anak ngunit wala rin siyang maibigay na sagot. Kita ang lungkot sa mukha ni Natalie sa tuwing mamamasyal sila na hindi makita roon si Xander."I miss him na Mommy! Kailan kaya ulit s'ya babalik dito?" Minsan ay sabi ni Natalie habang nakaupo sila at kumakain."He said next month," maikling sagot ni Nataniel habang panay ang subo ng pizza. Nagkatinginan sina Yanna at ang kanyang tyahin. "Hindi ba sabi ko naman sa inyo na bising tao s'ya? Kaya nga huwag kayong umasa na makakabalik pa siya ulit dito para makita kayo. Sigurado naman ako na hindi naman iyon mangyayari. Sa dali jg work load n'un malilimutan na rin n'ya ang promise n'ya sa inyo," matabang na sabi ni Yanna. 'Kasalanan mo talaga ito, Xander. Kung hindi mo sana kinuha an
Magbasa pa

CHAPTER 54

HMH - 54YANNA"REMEMBER, may isang bagay akong ipinatabi noon sa 'yo? 'Yung nakuha ko sa loob ng mansyon, n'ong inilabas kita after ka nilang maging hostage?" tanong n'ya kay Kate. Sandali itong nag-isip bago tumango, "Hmm, oo nga meron. Ano na nga ba 'yon?" sandaling nag-isip na tanong nito."That's a blue print," biglang sagot naman ni Gina na abala naman sa pag-a-assemble ng armas nito, "Kailangan na mas mapag-aralan natin 'yon. Tiyak na malaking tulong 'yon sa atin." "Can you please give me that thing?" Mabilis na binuklat at hinanap iyon ni Kate mula sa mga files nila, "Here!" "Hmm," matamang pinag-aralan ni Yanna ang blue print. "That house has a secret passage," "Hindi ba expected na natin 'yon noon pa man?" si Trish."But this one is not an ordinary mansyon. Look!" Aniya at itinuro ang mga posibleng lusutan."Whoa! Sinong mag-aakala na may ganito pala itong design? So, kaya hindi sila basta-basta mahuli kahit ilang beses na silang nire-raid?" Bulalas ni Trish."Yup! Plus
Magbasa pa

CHAPTER 55

HMH - 55Isinuksok ni Yanna ang kanyang baril sa likuran bago lumabas sa kanyang sasakyan. Tahimik ang paligid dahil bihira na ang dumadaang sasakyan kapag alanganing oras na ng gabi. Wala rin CCTV sa lugar kaya malakas ang loob ng mga ito ang mag-ambush at magbantay doon. "Hmm, so she's Ms. Cordoja?" Tumatango at nakangising sabi ng isang matangkad na lalaking may kaitiman. Nakasabit ang baril nito sa hintuturo habang nilalaro iyon paikot-ikot sa daliri."She look so hot, huh?" sabi naman ng isa pang balbasan ang mukha at tila nanghuhubad kung maka-titig kay Yanna."Sayang naman kung hindi natin matitikman ang alindog na 'yan. Bakit hindi na lang muna natin alborin kay bosing?" nakangising sabi ng isang lalaking may kaliitan ngunit malaki ang katawan. Nagtawanan ang grupo at lumapit ang isa na tila lider ng mga ito kay Yanna. Huminto ito sa harapan ni Yanna nang may dalawang metro ang layo at sinipat siya mula ulo hanggang paa na may nakakalokong ngiti. "Wow! Sino ba naman ang mag
Magbasa pa

CHAPTER 56

HMH-56DITO muling nabaling ang kanyang pansin. Pormal itong nakatayo at nakasandal sa kotse n'ya. Hawak pa rin nito ang baril. "Ikaw pala. Salamat sa tulong mo. Anyway, bakit ka nga pala narito?" Tanong niya habang papalapit sa taong tumulong sa kanya na walang iba kundi si Xander."Gusto lang sana kitang makausap. Lately, kasi parang napapansin ko na umiiwas ka sa 'kin. May problema ba tayo?" Pormal na tanong nito at itinago ang baril sa likuran nito. "Saka sino ang mga taong 'to? Kilala mo ba sila?" Baling nito sa mga nakalatag na bangkay sa harapan nila."Hindi ko rin sila kilala at hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa akin. Pero salamat pa rin na dumating ka.""Yeah, mabuti na lang talaga. Dahil kung hindi, hindi rin natin alam ang nangyari sa dami ba naman nila at nag-iisa ka lang," anito na nanatiling nakatitig sa kanya. "Baka may naging atraso ka sa kanila? Anyway, mayamaya lang narito na ang mga pulis para mag-imbestiga," "Wala naman akong kilala na posibleng naging kaa
Magbasa pa

CHAPTER 57

HMH - 57MAAGA pa lamang nakahanda na si Yanna para sa pagsundo ni Xander. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit labis siyang kinakabahan. Kagabi pa kasi siya nag-iisip kung ano ang nais tukuyin ni Xander ngunit wala siyang mahanap na dahilan. Hndi mapakaling pabalik-balik siya ng lakad sa kabuuan ng sala habang wala pa ito. Bahagya pa siyang nagulat ng mag-ring ang phone niya. "Are you ready?" tinig ni Xander ang nasa kabilang linya."Yes!" "Okay, I'll pick you up," "No need! I'll go down, just wait me outside," "Okay!" Ilang minuto lang at nasa harapan na s'ya ng kotse ni Xander. Ipinagbukas siya nito ng pinto at inalalayan habang papasok."You look beautiful," anas nito."Thank you," hindi naiwasang pamulahan ng mukha si Yanna sa papuri nito. "Anyway, sino na nga ba ang taong kakatagpuin natin ngayon?" panimula ni Yanna matapos mailang sa ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila ni Xander."Isa sa pinagkakatiwalaang abogado ni Dad. Si Atty. Ruel Cueva
Magbasa pa

CHAPTER 58

HMH - 58"SHIT!" mura ni Xander nang biglang humarang ang isang itim na close van sa kanilang harapan paglabas pa lamang nila ng basement. "Down! Cover yourself!" malakas na utos nito kay Yanna na muling pina-atras ang sasakyan papasok sa basement. Mabuti na lamang at nagkataong wala silang kasunod na ibang sasakyan. Kasabay nito ay pinaulanan sila ng bala nang grupo. Hindi naman makaganti ng putok sina Yanna sapagkat parehong hindi nila inasahan ang nangyari. Tumama sa kung saan-saang parte ng sasakyan ni Xander ang mga bala ng mga ito at nabasag din ang front mirror. Mabilis naman na nakatago at nakahingi ng back-up ang isang security ng gusali na nakasaksi sa naganap, habang ang isa ay natamaan dahil sa pakikipagpalitan ng putok sa grupo. Ilang minuto lang at nag-si-datingan naman ang tatlong grupo ng mga pulis at naglabasan din ang ilang security na nasa loob ng gusali. Mabilis na sinundan ng mga ito ang papalayong itim na van. "Are you guys okay?" Nag-aalalang tanong ni Atty
Magbasa pa

CHAPTER 59

HMH - 59HALOS hindi dalawin ng antok si Yanna habang nakahiga. Late na rin silang nahiga dahil sa rami ng kanilang inayos na nakakalat na gamit. Wala rin siyang nagawa sa pasya ni Xander na mag-stay sa unit niya ng gabing iyon. Pansamantala nitong inokupa ang sala. Mahaba naman ang sopa roon bagama't medyo kinapos sa haba sa sobrang tangkad nito. Hindi rin naman niya ito mapilit na umuwi na lamang. Panay ang biling niya sa higaan. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata ay hindi ume-epekto. Gusto sana niyang lumabas para magtimpla ng gatas ngunit alam niya na naroon si Xander. Pasado alas dos na nang gabi at mulagat na mulagat pa rin ang mga mata ni Yanna. Nagpasya siyang bumangon para tunguhin ang kanyang secret room. Naka-connect naman ang secret door nito sa mismong kwarto niya kaya malaya siyang makakapasok na hindi makikita ni Xander. Kaagad niyang binuksan ang kanyang mini ref doon at naglabas ng maliit na alak at diretsong ininom. Humarap siya sa kanyang personal lap
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status