"ITO NA 'yong pagkain mo." Dinalhan ako ng hapunan ni Sofia, hindi ko alam. I lost track of time, dahil walang bintana ay hindi ko alam kung anong oras na, wala akong ideya kung umaga na ba o gabi."Thank you," I muttered to her. Ang likod ko ay nasa pader, nakayakap naman ang braso ko sa binte kong tinatabunan ng kumot.Binigyan niya ako ng tingin na hindi ko maintindihan. Parang hindi niya nagustuhan ang sagot ko sa kaniya, parang hindi niya gusto na nagpasalamat ako na dinalhan niya ako ng pagkain."'Yong natirang adobong manok 'yan saka kanin," dagdag niya pa na masama pa rin ang tingin.Inalis ko na ang kumot ko sa binte, dahan-dahan akong umusog palapit sa nightstand sa gilid ko kung saan nakapatong ang tray ng pagkain at tubig.So it's probably noon or night time."Mabuti naman eh kumakain ka na."Dahan-dahan akong tumango at pinulot ang kutsara at tinidor, hindi ako makatingin sa kaniya. There was just something about this that is shameful and embarrassing. I could fee
Last Updated : 2022-09-11 Read more