Share

Kidnapped By The Ruthless Billionaire
Kidnapped By The Ruthless Billionaire
Author: MissAngelSite

Kabanata 1

"SEÑORITA Vanessa, sabi po ni Señor Randall ay bumaba na raw po kayo," ani ng isa sa mga katulong sa mansyon ng mga Montecarlos. Ang pangalan niya yata ay Grace kung tama ang pagkakatanda ko.

Mga tatlong buwan pa lamang ako naninirahan dito sa tahanan ng mga Montecarlos. Ang asawa ko ay si Randall Montecarlos, kasama naming naninirahan dito ang kapatid at mga magulang niya.

Kasalukuyang may ganap na party sa mansyon at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak na lumabas.

"Susunod na lang ako, please. I'm still putting on make up," pakiusap ko sa katulong.

Inirapan niya ako. "Kung 'yon po ang gusto n'yo, Señorita. Masusunod." Umalis na siya ng kwarto ko at malakas na sinarado ang pinto.

Wala talagang ni isang mabait sa tahanang ito. Lahat na lang yata sila ay mainitin ang ulo, kahit pa ang mga katulong at trabahador.

Naglagay pa ako ng concealer sa cheekbone ko kung saan naruon ang pasa na natamo ko sa asawa kong si Randall. Lasing kasi siya kagabi, balak ko sana siyang pagsilbihan kasi nakita kong nahihirapan siya pero nasampal niya ako dahil sa inis. Kaylan pa ba ako matututo na huwag na lang siyang pakialam kung lasing?

Pero alam ko namang hindi niya iyon sinasadya. Sadyang lasing lang siya talaga, gusto kong magkaayos kaming dalawa dahil mag-asawa na kami. Sana nga lang ay tumigil na siya sa pag-inom ng alak, tuwing hindi siya lasing ay mabait naman siya sa akin. Inaalagaan niya rin ako at naglalambing.

Ayoko lang bumaba ngayon kasi alam kong lasing na naman si Randall, ayokong saktan niya ako at ipahiya ang sarili niya sa mga kaibigan niya.

Pagkatapos kong mag-make up ay umalis na ako sa kwarto ko.

"Vanessa! Kanina ka pa namin hinahanap! Ano ba!?"

Sinalubong ako ng sister-in-law ko na si Loraine, nagmamartsa siya papunta sa akin habang nakasuot ng pulang bestida na yumayakap sa magandang hubog ng katawan niya.

Pilit akong ngumiti. "Sorry, Ate Loraine. Nag-ayos lang po ako, nagulo kasi 'yong make up ko eh."

"I don't care what you're doing. Just follow me, our relatives wants to meet you. Pinapahiya mo kami!" Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila pababa sa hagdanan.

"Dahan-dahan lang, Ate Loraine."

Hindi niya ako pinagtuunan ng pansin. Maraming mga bisita, nilibot ko ang paningin para hanapin ang pamilya ko pero mukhang wala sila o hindi sila inimbitahan. Simula noong nakasal ako sa asawa ko tatlong buwan na ang nakalipas ay hindi na sila nagpakita.

Lumabas kami sa teresa kung saan naruon ang karamihan sa mga bisita, sa isang pahabang lamesa ay naroon ang mga in-laws ko.

"Mama, Vanessa's here!" Ate Loraine announced, her hold around my wrist became gentle.

Napangiti ako dahil hindi mukhang lasing ang asawa ko, pero iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"Good evening po, everyone," binati ko ang lahat nang nasa table. Tahimik silang lahat at kinabahan ako.

"Sit beside your husband, hija." Tinuro ni Judith Montecarlos ang upuan katabi ng asawa ko. Siya ang nanay nila Randall.

Tumayo si Randall, lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko. Hinalikan niya ako sa labi saglit bilang pagbati. He escorted me to my seat, he pulled a chair for me and let me sit first. Umupo na siya sa tabi ko, kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop niya ang kamay namin sa taas ng lamesa.

Nasa lamesa lahat ng pamilya ni Randall. Naroon ang mama niyang si Judith Montecarlos, ang papa niya na si Ramon Montecarlos at si Loraine na nakatatandang kapatid niya.

"Ikaw pala si Vanessa? Ang ganda naman ng napangasawa mo, Randall, mukha s'yang manika. Ang amo ng mukha." Sabi ng isang matanda, mga nasa 60 anyos pa yata ang edad niya.

"Thank you po, uhm... ano pong pangalan n'yo?" Natuwa ako sa papuri niya.

Natawa siya habang umiiling. "Ako si Minda Montecarlos, nakatatandang kapatid ako ng papa ni Randall."

"Señora Minda—"

"Tawagin mo 'kong Tita Minda, hija."

Malaki ang mga mata ko. Siya yata ang kauna-unahang Montecarlos ang naging mabait sa akin bukod sa asawa ko kung hindi siya lasing.

Tumikhim si Randall para kuhanin ang atensyon ng lahat. "Everyone, this is my wife, Vanessa Coldero-Montecarlos. Nessa, these are my relatives. You already met Tita Minda, then beside her is her daughter Marianne. She's about your age, I guess."

Tumango lang ang babae at binaba ulit ang tingin sa cellphone niya.

"And these are my Titos." Pinagpatuloy niya ang pagpapakilala ng lahat ng mga hindi pamilyar na mukha sa akin. Pagkatapos niyang ipakilala ang lahat ay unti-unting umingay ang table, nagkekwentuhan ang mga kababaihan habang ang mga kalalakihan naman ay nagsisiinuman.

Napangiwi ako dahil napapadami na ang pag-inom ni Randall, nanatili pa rin siyang nakahawak sa kamay ko.

"R-randall?" tawag ko sa kaniya.

Bumaling siya sa akin. Hindi ko maitatangi na gwapo siya, matangkad, at nasa kaniya na rin ang lahat. Siya iyong klaseng lalaki na pipilahan ng mga kababaihan.

"Huwag kang maglalasing, ha?" paalala ko sa kaniya.

"Nessa, don't worry about me. I'm drinking with Papa and my titos," he assured but I wasn't convinced. Pagkatapos ay binitawan niya na ang kamay ko, bumalik siya sa pag-iinom, pakikipagkwentuhan at pakikipagtawanan.

"Babalik na 'ko sa kwarto, nakalimutan ko kasi 'yong cellphone ko," nagpaalam ako.

"Do whatever you want, Nessa."

I excused myself to everyone, parang out of place naman kasi ako sa kanila. Pumasok ako sa mansyon, peke akong ngumingiti sa mga bisitang nakakapansin sa akin. Umakyat ako sa second floor at dumiretso sa kwarto ko, sinarado ko ang pinto at binagsak ang sarili sa kama.

Maglalasing na naman ang asawa ko, sasaktan niya na naman ako.

Of course, I was worried and scared. Gusto kong magkaayos kaming dalawa ni Randall dahil ganuon naman dapat ang mag-asawa. Mabait naman siya sa akin, pero madalas naman siyang lasing, at kung lasing siya ay nasasaktan niya ko. Pilit ko siyang iniintindi pero hanggang kaylan?

In the first place, I didn't want to be here and I would never want to associate myself in this family. His family hated me, he's the only one who liked me. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Ako ang pinangbayad ng mga magulang ko sa utang nila sa mga Montecarlos, dahil gusto ako ni Randall. Dahil mahal si Randall ng mga magulang niya ay pumayag ang mga ito. Hindi ako galing sa mahirap na pamilya, I actually grew up in a rich household but I was an only child.

My parents loved to gamble, that was the reason why they were deep in debts with the Montecarlos because they lost millions of money to them. Nagpatuloy pa rin sila sa posibilidad na mabawi ang pera, pero mas nabaon lang sila sa utang.

Sa tatlong buwan na kasal ako kay Randall ay hindi man lang ako nila binisita. Iniisip ko na lang na busy sila sa pagtatrabaho. Nangako silang babawiin nila ako at hindi ko pa binibitawan ang pangako nilang iyon. Malaki ang tiwala ko sa mga magulang ko.

Nakatihaya ako ng higa, nakatitig sa kisame at nangingilid ang mga luha. Ngunit hindi natuloy ang pag-iyak ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Bumangon ako, tumingin ako sa gawi ng pintuan. Tumambad sa paningin ko ang isang mataas at gwapong binata.

Nakasuot siya ng tuxedo tulad ng lahat, maayos ang buhok at malinis ang mukha. Mukha siyang isang matinong lalaki. Ngunit may hawak siya ng isang bote ng champagne sa kanang kamay niya.

Hinila ko ang sarili paupo. "H-hello?"

"Oh, I'm sorry, I thought this is the bathroom," he apologized with a gentlemanly smile.

"The bathroom is at the end of the hall. Do you want me to escort you there?"

"Thank you, Miss, but I'm fine. Don't bother with a drunken man like me." Pilyo siyang ngumiti, pero naroon pa rin ang pagkamaginoo sa ngiting iyon.

"L-lasing ka?" nabahala ako. "Kaibigan ka ba ng asawa ko?"

"Ng asawa mo?" Pumasok siya nang hindi nagpapaalam, dahil mukhang wala naman siyang balak ay hindi na ako nagreklamo. "Asawa ka ni Randall Montecarlos?"

Tumango ako. "I'm Vanessa Montecarlos. Sorry, hindi lang ako sanay sa maraming tao kaya umakyat muna ako. So, are you one of my husband's friends?"

"Yeah, I'm Aaron Augustino."

"Aaron..." I repeated his name slowly. "Are you really drunk? Because you don't look like it."

"I think I'm just tipsy. Bakit hindi ka bumaba? Naririnig mo ba 'yong music sa baba?"

Tumango ako. "My sister-in-law, Loraine hired a band."

"You're missing the show."

"If I'm missing the show, sabihin mo nga sa'kin ba't ka nandito?" Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang braso ko.

Mahina siyang natawa. Mas lumapit pa siya, hinila niya ang upuan na nasa vanity mirror ko at naupo rito. "Hindi ako mahilig manuod ng band."

"Akala ko ba magbabanyo ka?"

"Magbabanyo lang naman ako para uminom at mapag-isa. Masyadong maingay sa baba. Your room looks cozy and quiet though, hindi masyadong rinig dito 'yong music. Nagbibibrato lang." Binuksan niya ang bote ng champagne na hawak niya. "Do you wanna drink?"

"Pwede naman... pero wala tayong baso."

"Dito na lang sa bote."

I hummed, stretching my hand as he handed me the bottle of champagne. "Is this strong?"

"I don't know, ninakaw ko lang 'yan sa baba."

Sinimsim ko muna ang alak, lasang matapang at mapait ito pero nilagok ko pa rin nang tatlomg segundo at binalik sa kaniya. Nakangiti siya at nakatitig sa akin habang sinisimsim ang alak at binaba ito.

"You're interesting, Vanessa."

"It's Nessa for short, Aaron."

"You have a beautiful name. Vanessa or Nessa. Magandang pakinggan."

Tumahimik lang ako at pinanuod siyang sumimsim ulit ng alak, pinasa niya ito sa akin at sandaling kumaskas ang daliri niya sa daliri ko. Kinagat ko ang labi ko, hindi ko alam kung bakit parang naiilang ako sa kaniya.

"So, why did you let a stranger enter your room?"

I chuckled at his question. "Why did you enter my room without my consent?" I countered.

"Kwarto n'yo ba 'to ng asawa mo?" Naiiling niyang tanong.

"Yeah, but I think he'll be sleeping in the couch downstairs kasi baka malasing s'ya at 'di na makaakyat dito." Pangalawang lagok ko na sa alak, nilagok ko ulit ito ng isa pang beses bago ipasa sa kaniya. Though he doesn't seem to be drinking much. "Nakita mo ba s'ya sa baba? Anong ginagawa n'ya?"

"I think he had a girl on his lap, pero baka namalikmata lang ako. Hindi ko alam." Walang pake niyang sabi at nagkibit-balikat.

Natulala ako sa kaniya, hindi makapaniwang nagsumbong siya sa akin. Iniwas ko ang mga mata ko dahil ginagantihan niya ang titig ko, umiinit na ang leeg at pisnge ko dahil sa alak. Ang puso ko ay bahagyang sumisikip dahil sa nalaman.

"He's just drunk."

"Hindi ka bababa duon para pagalitan asawa mo?"

Umiling ako. "Hindi s'ya mambababae, iniimpluwensyahan lang 'yon ng tatay n'ya pero alam kong 'di n'ya ko lolokohin. Sabi n'ya mahal n'ya ko eh."

Nasasaktan niya nga ako tuwing lasing siya, mambabae pa kaya? Pero kaylangan ko siyang ipagtanggol dahil ayokong masira siya lalo na kung sa kaibigan niya.

"S'ya ba mahal mo?"

"Oo naman, asawa ko 'yon eh. Hindi ko naman s'ya pakakasalan kung hindi ko s'ya mahal." Pinaglaruan ko ang mga wedding ring ko sa ring finger ko.

"Wanna know what I think?" he said after the long silence. He handed me the bottle again, I drank from it while waiting for him to continue his statement. "I think your husband's an asshole."

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ganon asawa ko."

"He is, Nessa." Inabot niya ang wedding picture namin na nasa picture frame sa taas ng vanity table ko. Pinagmasdan niya ito. "If he's a loving, loyal and caring husband, hindi s'ya mag-eentertain ng ibang babae bukod sa'yo na asawa n'ya."

"What do you know about marriage and loyalty?" Sumama ang loob ko dahil tama siya, pero hindi ko 'yon aaminin.

"I don't," he admitted but it didn't sound convincing. "Kaylangan bang kasal ako para maintindihan ko 'yon? Gago ang asawa mo, hinahalikan na nga 'yong leeg ng babae hindi pa nambababae?"

Tumulo na ng luhang pinipigilan ko, para itago ito ay nilagok ulit ang alak. Nahilo ako nang tumayo ako, umiikot na ang paligid ko at para na akong masusuka.

"L-lumayas ka na sa kwarto ko." Tinuro ko ang nakabukas na pinto. "Layas na."

Magkasalubong na ang makakapal niyang kilay. "Lasing ka na?"

Mababa lang ang alcohol tolerance ko, sigurado akong hindi pa ako lasing ngayon pero ilang inom na lang ay baka matumba na ko. Hindi ko alam kung bakit uminom ako, dahil siguro sa pag-aalala ko kapag lasing na pumasok si Randall sa kwarto. Dumagdag pa ang sinumbong sa akin ni Aaron.

Dahan-dahan akong umiling. "Just a little tipsy."

"Really?" He looked happy. He stood up with a smirk on his face, his gentlemanly expression had disappeared in just a blink of an eye.

"Anong gagawin mo?" nanghihina kong tanong.

Inisang hakbang niya ang natitirang espasyo sa pagitan namin, kinuha niya ang alak sa kamay ko at nilagay to sa sahig. Pinasok niya ang kamay niya sa gilid ng leeg ko, napatingala ako dahil sa tangkad niya. Nasa balikat niya lang yata ako, hindi ako sigurado dahil bigla na lang siyang yumuko at sinakop ang labi ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status