Akala ni Bea ay itataboy sila ni Levi base sa reaksyin nito. Mabuti na lang at tahimik silang pinapasok nito. Naging tahimik rin ang kambal, kaya lang pagpasok sa loob ng mansyon ay hindi nila maiwasang mapasinghap."Mommy, this is a huge house," bulong ni Cyprus."This is a mansion, Little girl," walang ngiting sagot ni Levi.Naitikom ni Cyprus ang mga labi at kumapit nang mahigpit sa kamay niya."Are we going to live here for good?" nangungunot ang noo ni Calvin habang tinanong iyon."If you don't want to, you are free to—"Natigil si Levi sa pagsagot noong tapunan niya ito ng masamang tingin. Hindi niya gusto ang pagtrato ng ganito sa mga anak niya. Ito talaga ang kinatatakutan niya. Alam niyang mainit ang dugo ng mga Alcantara sa Del Rosario, at mas iinit pa ngayon dahil nagdala siya ng dalawa pang Del Rosario."Uhm, kung ayaw mo sa amin, aalis na lang kami," bulong ko sa kanya.Napabuntong hininga ito at tinuro ang sofa."Sit down, I'll get some snacks," sumusukong bigkas nito.N
Huling Na-update : 2022-09-18 Magbasa pa