Home / Romance / Isang Gabing Pagsasalo / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Isang Gabing Pagsasalo: Chapter 21 - Chapter 30

237 Chapters

KABANATA 21

Ilang araw na ang lumipas at kating-kati ng umuwi si Beatrix sa mansyon nila. Naaasiwa na siya sa hotel. Pilit din kasing pumapasok sa isipan niya ang unang pagtataksil niya kay Miggy. Ngayon, gusto niya na lang umuwi.Namalayan na lamang niya, nasa tapat na siya ng kanilang mansyon. Araw ng linggo iyon. Siguradong nasa bahay ang mga magulang niya."Bea? Anong ginagawa mo rito?"Lumawak ang ngiti niya matapos makita ang Ate Isabella niya. Nagkapag-asa siya."Ate! Malamig na ba ulo ni Daddy?" bulong na tanong niya.Hindi ito ngumiti. Mabilis lang din nitong sinulyapan ang mansyon. Lumapit sa gate. Akala niya ay bubuksan nito iyon, ngunit hindi."Bumalik ka na sa hotel, Bea. Baka ano pa ang gawin sa'yo ni Daddy—""Sinong kausap mo, Isabella?!" dumadagundong ang boses ng Daddy niya.Binugso siya ng kaba. Pagsilip niya ay papalapit na ang Daddy niya. Hindi maipinta ang itsura nito. Nahigit niya ang hininga noong buksan nito ang gate."What are you doing here?!"Napalunok siya. Tinago ang
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

KABANATA 22

Walang ampat ang pagluha ni Bea. Ni hindi siya makahakbang o makawala kay Levi. Ang buong isip niya ay nasa kanyang pamilya. Ang Daddy niya, ang Mommy, at ang Ate Isabella niya. Pinapanalangin niyang sana ay ligtas ang mga ito.Paanong na-ambush ang mga ito? Sino'ng gagawa no'n?Wala siyang mahanap na sagot. Nanginginig ang mga kamay niyang kumawala sa lalaki upang makaalis na. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang bewang."Ihahatid na kita. Baka maaksidente ka kapag nag-drive kang mag-isa."Walang galit ang boses nito o ano pa man.Mabilis siyang umiling, "Wala na akong sasakyan—""The more that I need to drive for you," bulong nito.Nanahimik siya. Mabilis na pinunasan ang mga luha niya. Lulunukin niya muna ang pride niya para sa pamilya niya. Tahimik siyang tumango. Tahimik din naman siyang giniya ng lalaki patungo sa elevator."So you'll leave me here, Levi?" maktol ng babae nito."It was nice meeting you, Miss. But, I don't need you anymore," ani nito sa babae bago mag
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

KABANATA 23

Bumagsak ang mga balikat ni Beatrix habang nililingon ang hotel na pinagtuluyan niya. Gusto niyang kuhanin ang mga gamit na naroon ngunit wala na siyang pambayad pa sa hotel. Baka singilin siya kapag nakita.Wala na ring natira sa kanya ni kusing. Ubos na ang laman ng mga wallet niya at cards. Wala siyang magawa kun'di maglakad. Ni hindi pa siya kumakain o umiinom man lang.Ang saklap ng tadhana niya. Simula ng makilala niya si Levi, nasira na ang pamilya niya. Kung may kapangyarihan lang siya ngayon, baka kanina niya pa binawi ang buhay nito.Bakit kasi kailangang mawala pa ang pamilya niya? Bakit hindi na lang kinuha ay iyong mga taong nanakit sa kanya. Bakit hindi na lang si Miggy at Crystal? O kaya ang Tiya Madel niya na hindi man lang nagpakita sa burol. Dapat ay si Levi na lang, tutal galit na galit ang pamilya nito sa kanila.Siguro ay nagdirawang na ang mga iyon sa kanyang pag-iisa. Malamang na nagfi-fiesta na ang dati niyang asawa at pinsan. Maging ang Tiya Madel niya ay mala
last updateLast Updated : 2022-09-12
Read more

KABANATA 24

After five years"Pwede ka namang maiwan dito kung ayaw mong sumama, Blaze."Nilingon niya ang lalaki na sinusuklay ang lagpas balikat nitong buhok. Bahagya itong nanguso."Kailangan ko na ring balikan ang negosyo ko sa mahal kong bansa. Isa pa, hindi na manggugulo si Mommy ngayong naipakilala na kita." Ngumisi ito bago tumayo. Lumapit sa kanya at tinulungan siyang mag-empake."Pero maghihiwalay tayo pagkarating doon?" mahinang pagkakatanong niya.Nanghihinayang siya. Mabait sa kanya si Blaze maging ang buong pamilya nito. Nakapagtrabaho pa siya sa boutique nila, at tinanggap siya bilang girlfriend nito kahit may anak na."Gusto mo ba?" Nagtaas ito ng kilay, "Girl ah, baka na-inlove ka na sa akin." Humalakhak ito kaya't hinampas niya sa matigas nitong braso."Bawal ba?" biro niya.Nanlaki ang mga mata nito. Kinuha ang brassiere niya. Pagkaraan ay tinapat sa dibdib nito."Hindi tayo talo, alam mo iyan."Umingos siya at binawi ang brassiere niya. Pinagpanggap siyang girlfriend nito upan
last updateLast Updated : 2022-09-12
Read more

KABANATA 25

Daig pa ni Beatrix ang binuhusan ng yelo sa tanong ni Calvin. Ni hindi siya nakasagot sa anak. Hanggang sa makarating sila sa Pinas ay ginambala siya ng tanong nito.Hindi niya lubos maisip na ganoon ang naisip nito. Ni minsan ay wala siyang binanggit na Daddy sa mga ito. Sabagay, matalino ang kambal. Baka nagtataka ang mga ito kung bakit may Daddy ang napapanood nila sa TV.Hindi na nga niya napagtuonan ng pansin ang lugar at paligid sa kakaisip doon. Namalayan na lang niya ay nasa loob na sila ng condo unit ni Blaze. Pinapasok niya sa kwarto ang kambal upang makapagpahinga na. Si Blaze naman ay nag-order ng pagkain nila."Na-shook ka ba sa tanong ni Calvin, Bea? Wala ka sa sarili mo hanggang dito," komento ni Blaze.Napabuntong hininga siya at sumandal sa sofa."Ang aga naman niya maghanap ng Daddy."Humalakhak ito."Hindi mo naman habangbuhay na maitatago na wala silang Daddy. Imbis na maghiganti, hanapin mo na lang ang sperm donor mo—I mean, iyong lalaking hinila mo patungo sa hot
last updateLast Updated : 2022-09-13
Read more

KABANATA 26

Nanggagalaiti sa inis si Beatrix. Ang kapal naman ng mukha ni Miggy na sabihing anak niya ang kanyang kambal. Ni hindi nga nito kamukha."Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Miggy. Kapag nabuntis mo na si Crystal, ipakikilala kita sa kambal," insulto niya.Hinawakan niya ang tig-isang kamay ng kambal at tumalikod mula roon. Malabo namang mabuntis nito si Crystal. Mas lalo niyang napatunayan na baog ang dati niyang asawa.Dumiretso sila sa cashier. Sinubukan niyang ngumiti kahit pa napupuno siya ng inis sa dibdib."Mommy, dito po ba tayo mag-la-lunch?" tanong ni Cyprus.Nawalan na siya ng gana. Kanina ay ganoon ang balak niya. Pero ngayon, mas gusto niyang bumalik na sa condo. Tama na muna ang insulto niya kay Miggy at Crystal."Sa condo na, Baby Girl.""Mommy, I'm already four! Hindi na ako baby!"Napangiti siya. Swerte niya nga, maagang naglakad at nagsalita ang kambal. Hindi siya nainip lalo pa't ang boring ng buhay niya noong buntis pa siya."You're still acting like a child, Cypr
last updateLast Updated : 2022-09-13
Read more

KABANATA 27

Sinunod niya ang suhestiyon ng kaibigan. Isa pa, namimiss na niya ang mansyon. Gusto niya ring malaman kung sino na ang nakatira doon.Maaga siyang tumungo roon. Iniwanan niya lang ang kambal kay Manang Lupe. Kasambahay iyon ni Blaze at mapagkakatiwalaan naman kaya't panatag ang loob niya. Mother figure din ang Ginang kaya't hindi siya nag-aalala.Sa harap pa lang ng gate ay bumalik lahat ng alaala niya sa mansyon. Kahit madalas siyang pagalitan ng Daddy niya, mas pipiliin pa rin niyang umuwi. Ngunit wala na siyang uuwian ngayon.Mataman niyang hinawakan ang gate at nilingon ang mansyon. Walang pagbabago doon kahit pa mukhang bago ang pintura. Parehas pa rin ng kulay na puti. Nandoon pa rin ang brick wall at ang malaki nilang pinto.Tumingala siya. Gusto niyang hilingin na ganoon pa rin ang kwarto niya pero malabo na iyon. Pamilya kaya ang tumira? Matanda? Imposible naman kasing bilhin iyon ng dalaga o binata.Nagbabadya man ang luha niya, pinilit niya pa ring abutin ang doorbell. Nag
last updateLast Updated : 2022-09-14
Read more

KABANATA 28

Gigil na gigil si Beatrix at inis na inis noong makabalik sa condo building. Binitiwan niya muna sa gilid ang mga pinamili niyang pizza at prutas. Hindi rin muna siya pumasok sa loob ng condo nila. Ayaw niyang dalhin ang inis sa loob. Uubusin niya muna sa labas bago magpakita sa mga anak niya.Hinampas niya ang pader. Nanggigil siya kay Levi. Kung masama na ito noon, mas masama ito ngayon. Ni hindi man lang siya in-offer na magkape sa loob ng mansyon. Iniwan pa siya sa labas at basta na lang umalis. Hindi man lang din siya in-offer na ihatid sa condo niya. Naubos na yata ng panahon ang pagiging gentleman nito"Levi Archer Alcanatara! Isa kang malaking sumpa!" gigil na bulong niya.Akmang hahampasin niya muli ang pader noong bumukas ang pinto ng condo nila. Iniluwa noon si Manang Lupe. Nagtataka pa ang Ginang sa kanya."Ma'am, bakit hindi pa po kayo pumapasok?"Nahiya siya bigla. Hindi na siya sanay na pi-no-po ng mas matanda sa kanya. Ngumiti siya at agad na kinuha ang mga pinamili ni
last updateLast Updated : 2022-09-14
Read more

KABANATA 29

Nanliit ang nga mata ni Bea kay Levi. Noon pa naman niya alam na may pantasya ito sa kanya. Walang mangyayari sa kwarto niya noon kung hindi siya nito gusto.Ngumisi siya at tinapatan ang titig nito."Sa tingin mo ba papayag ako?" malamig niyang tanong."Why not? Ang ganda ng offer ko. Ang tanong tatanggapin ba kita?" insulto nito.Naikuyom niya ang mga kamay. Pinipilit talaga nitong kailangan niyang mag-apply. Alam naman niyang iniinsulto lamang siya ng lalaki. Malamang na siya lang binigyan nito ng offer. Kating-kati ba itong maikama siya agad?"Naubusan ka na ba ng babae, Mr. Alcantara? O baka, hindi ka na nag-iinit sa iba?" Sinundan niya iyon ng insultong tawa.Hindi ito nagpatinag at ngumisi lang, "Kung hindi ka interesado. I think I need to entertain the other woman. Sa kanya ko na lang ibibigay ang lahat. Hindi mo naman yata kailangan."Napatigil siya sa pagtawa na mas kinangisi nito. Dumilim ang tingin niya. Hindi ba dapat ay siya ang naghihiganti rito? Bakit parang mas malaki
last updateLast Updated : 2022-09-15
Read more

KABANATA 30

Tila nabingi si Bea sa utos nito. Hindi na niya maihakbang ang mga paa."Strip, Miss Del Rosario," pag-uulit pa ng lalaki.Napatitig si Bea sa mga mata nito. Walang halong biro iyon. Seryoso at madilim ang tinging binibigay ni Levi. Ni wala siyang makitang pagnanasa, o baka tinatago nito?Handa naman siya na ganito ang ipapagawa ng lalaki. Mas inasahan pa nga niya ang malala pero kinakabahan pa rin siya."H*bad, Miss Del Rosario. Tandaan mo na kailangan mo akong i-please para tanggapin kita," inip na ang boses nito.Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya pa rin sinunod. Basta niya binitiwan ang handbag sa sahig at humakbang palapit."H*bad!" galit na nitong sigaw. Nauubusan ng pasensya sa kanya.Sumilay ang maliit na ngisi sa mga labi ni Bea. Hindi pa rin niya sinunod at basta na lang humakbang palapit dito. Napirmi ang mga labi ni Levi. Akmang sisigawan siya ulit ngunit agad siyang kumandong sa kandungan nito. Pinwesto niya ang mga hita niya sa magkabilaang gilid nito. Dahilan upang
last updateLast Updated : 2022-09-15
Read more
PREV
123456
...
24
DMCA.com Protection Status