Daig pa ni Beatrix ang binuhusan ng yelo sa tanong ni Calvin. Ni hindi siya nakasagot sa anak. Hanggang sa makarating sila sa Pinas ay ginambala siya ng tanong nito.Hindi niya lubos maisip na ganoon ang naisip nito. Ni minsan ay wala siyang binanggit na Daddy sa mga ito. Sabagay, matalino ang kambal. Baka nagtataka ang mga ito kung bakit may Daddy ang napapanood nila sa TV.Hindi na nga niya napagtuonan ng pansin ang lugar at paligid sa kakaisip doon. Namalayan na lang niya ay nasa loob na sila ng condo unit ni Blaze. Pinapasok niya sa kwarto ang kambal upang makapagpahinga na. Si Blaze naman ay nag-order ng pagkain nila."Na-shook ka ba sa tanong ni Calvin, Bea? Wala ka sa sarili mo hanggang dito," komento ni Blaze.Napabuntong hininga siya at sumandal sa sofa."Ang aga naman niya maghanap ng Daddy."Humalakhak ito."Hindi mo naman habangbuhay na maitatago na wala silang Daddy. Imbis na maghiganti, hanapin mo na lang ang sperm donor mo—I mean, iyong lalaking hinila mo patungo sa hot
Nanggagalaiti sa inis si Beatrix. Ang kapal naman ng mukha ni Miggy na sabihing anak niya ang kanyang kambal. Ni hindi nga nito kamukha."Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Miggy. Kapag nabuntis mo na si Crystal, ipakikilala kita sa kambal," insulto niya.Hinawakan niya ang tig-isang kamay ng kambal at tumalikod mula roon. Malabo namang mabuntis nito si Crystal. Mas lalo niyang napatunayan na baog ang dati niyang asawa.Dumiretso sila sa cashier. Sinubukan niyang ngumiti kahit pa napupuno siya ng inis sa dibdib."Mommy, dito po ba tayo mag-la-lunch?" tanong ni Cyprus.Nawalan na siya ng gana. Kanina ay ganoon ang balak niya. Pero ngayon, mas gusto niyang bumalik na sa condo. Tama na muna ang insulto niya kay Miggy at Crystal."Sa condo na, Baby Girl.""Mommy, I'm already four! Hindi na ako baby!"Napangiti siya. Swerte niya nga, maagang naglakad at nagsalita ang kambal. Hindi siya nainip lalo pa't ang boring ng buhay niya noong buntis pa siya."You're still acting like a child, Cypr
Sinunod niya ang suhestiyon ng kaibigan. Isa pa, namimiss na niya ang mansyon. Gusto niya ring malaman kung sino na ang nakatira doon.Maaga siyang tumungo roon. Iniwanan niya lang ang kambal kay Manang Lupe. Kasambahay iyon ni Blaze at mapagkakatiwalaan naman kaya't panatag ang loob niya. Mother figure din ang Ginang kaya't hindi siya nag-aalala.Sa harap pa lang ng gate ay bumalik lahat ng alaala niya sa mansyon. Kahit madalas siyang pagalitan ng Daddy niya, mas pipiliin pa rin niyang umuwi. Ngunit wala na siyang uuwian ngayon.Mataman niyang hinawakan ang gate at nilingon ang mansyon. Walang pagbabago doon kahit pa mukhang bago ang pintura. Parehas pa rin ng kulay na puti. Nandoon pa rin ang brick wall at ang malaki nilang pinto.Tumingala siya. Gusto niyang hilingin na ganoon pa rin ang kwarto niya pero malabo na iyon. Pamilya kaya ang tumira? Matanda? Imposible naman kasing bilhin iyon ng dalaga o binata.Nagbabadya man ang luha niya, pinilit niya pa ring abutin ang doorbell. Nag
Gigil na gigil si Beatrix at inis na inis noong makabalik sa condo building. Binitiwan niya muna sa gilid ang mga pinamili niyang pizza at prutas. Hindi rin muna siya pumasok sa loob ng condo nila. Ayaw niyang dalhin ang inis sa loob. Uubusin niya muna sa labas bago magpakita sa mga anak niya.Hinampas niya ang pader. Nanggigil siya kay Levi. Kung masama na ito noon, mas masama ito ngayon. Ni hindi man lang siya in-offer na magkape sa loob ng mansyon. Iniwan pa siya sa labas at basta na lang umalis. Hindi man lang din siya in-offer na ihatid sa condo niya. Naubos na yata ng panahon ang pagiging gentleman nito"Levi Archer Alcanatara! Isa kang malaking sumpa!" gigil na bulong niya.Akmang hahampasin niya muli ang pader noong bumukas ang pinto ng condo nila. Iniluwa noon si Manang Lupe. Nagtataka pa ang Ginang sa kanya."Ma'am, bakit hindi pa po kayo pumapasok?"Nahiya siya bigla. Hindi na siya sanay na pi-no-po ng mas matanda sa kanya. Ngumiti siya at agad na kinuha ang mga pinamili ni
Nanliit ang nga mata ni Bea kay Levi. Noon pa naman niya alam na may pantasya ito sa kanya. Walang mangyayari sa kwarto niya noon kung hindi siya nito gusto.Ngumisi siya at tinapatan ang titig nito."Sa tingin mo ba papayag ako?" malamig niyang tanong."Why not? Ang ganda ng offer ko. Ang tanong tatanggapin ba kita?" insulto nito.Naikuyom niya ang mga kamay. Pinipilit talaga nitong kailangan niyang mag-apply. Alam naman niyang iniinsulto lamang siya ng lalaki. Malamang na siya lang binigyan nito ng offer. Kating-kati ba itong maikama siya agad?"Naubusan ka na ba ng babae, Mr. Alcantara? O baka, hindi ka na nag-iinit sa iba?" Sinundan niya iyon ng insultong tawa.Hindi ito nagpatinag at ngumisi lang, "Kung hindi ka interesado. I think I need to entertain the other woman. Sa kanya ko na lang ibibigay ang lahat. Hindi mo naman yata kailangan."Napatigil siya sa pagtawa na mas kinangisi nito. Dumilim ang tingin niya. Hindi ba dapat ay siya ang naghihiganti rito? Bakit parang mas malaki
Tila nabingi si Bea sa utos nito. Hindi na niya maihakbang ang mga paa."Strip, Miss Del Rosario," pag-uulit pa ng lalaki.Napatitig si Bea sa mga mata nito. Walang halong biro iyon. Seryoso at madilim ang tinging binibigay ni Levi. Ni wala siyang makitang pagnanasa, o baka tinatago nito?Handa naman siya na ganito ang ipapagawa ng lalaki. Mas inasahan pa nga niya ang malala pero kinakabahan pa rin siya."H*bad, Miss Del Rosario. Tandaan mo na kailangan mo akong i-please para tanggapin kita," inip na ang boses nito.Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya pa rin sinunod. Basta niya binitiwan ang handbag sa sahig at humakbang palapit."H*bad!" galit na nitong sigaw. Nauubusan ng pasensya sa kanya.Sumilay ang maliit na ngisi sa mga labi ni Bea. Hindi pa rin niya sinunod at basta na lang humakbang palapit dito. Napirmi ang mga labi ni Levi. Akmang sisigawan siya ulit ngunit agad siyang kumandong sa kandungan nito. Pinwesto niya ang mga hita niya sa magkabilaang gilid nito. Dahilan upang
Natawa na lang si Levi sa sarili matapos siyang iwanan ni Beatrix. Alam niyang ang gago niya sa parteng iyon pero hindi niya babawiin ang mga sinabi. Naghanap siya sa loob ng limang taon, tapos ang hinahanap niya ay bigla na lang sumulpot sa harap ng gate ng mansyon. Nakaka-insulto. Nagsayang siya ng pera dahil lang nag-alala siya sa dalaga. Ngayon, babawiin niya lahat ng nagastos niya. Mabuti na lang at nabili niya lahat, may pangpain siya."Still the same Beatrix I know. So hard to resist," bulong niya sa hangin bago tumayo at bumalik sa swivel chair niya.Tinitigan niya ang mga palad. Matinding pagpipigil ang ginawa niya sa una pa lang. Nanggigil siya sa dalaga pero gusto niyang ipakitang hindi siya tinatablan ng alindog nito. Sino bang niloloko niya? Muntik na siyang mawala sa plano niya at *ngkinin na lamang ito bigla. Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi na yata niya gustong ipanghawak sa ibang bagay ang mga palad niya. O kahit ang uminom ng tubig sa bibig ay ayaw niya.Nangisi
Napatanga si Levi sa sinabi ng batang babae. Ngunit tila mas affected ang Lolo niya. Masama na ang tingin sa kanya."Levi Archer Alcantara!" madiing bulong nito, "Kaninong kweba ka nagpunla?" galit na tanong nito.Naitaas niya ang dalawang kamay. Ni wala siyang maalalang nabuntis niya. Matagal na siyang tumigil sa pambabae simula noong makilala niya si Beatrix. Paanong hindi siya titigil kung hindi naman tinatablan ng init ang katawan niya sa iba?"Lolo, hindi ako nakabuntis. Baka napagkamalan lang ng mga bata. Right, kids?" Binalingan niya ang magkapatid at nginitian.Pero natunaw ang ngiti niya noong hindi ngumiti pabalik ang dalawa. Malungkot ang itsura ng mga ito habang nakatitig sa kanya. Napalunok siya. Nagsisi siya sa sinabi. Nakaramdam siya ng awa para sa kanila."Maybe, he hates us both, Kuya. Kaya siguro hindi na siya bati ni Mommy," ani Cyprus."Or maybe, he is not really our father," mahinang usal ni Calvin.Natameme si Levi. Hindi niya alam ang sasabihin sa magkapatid. Wa
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan