“This is what you call the seismograph.” Pinakita ng teacher namin sa science ang picture na naglalaman ng seismograph. “The seismograph is the machine that is to measure the pattern of an earthquake,” dagdag niya.“Wala naman akong naintindihan e,” bulong ng nasa kaliwa ko. Hindi ko na kailangang sabihin kung sino iyon kasi kumukulo na talaga ang dugo ko sa kaniya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon muli ang atensyon ko kay Ma’am Angeles. Siya kasi ang science teacher namin.“The study of earthquakes and the waves they create is called seismology, from the Greek seismos, to shake. Scientists who study earthquakes are called seismologists.”Nanatili lang akong nakikinig sa discussion at heto namang katabi kong si Rey ay tahimik lang din. Ang gwapo niya, lalo na kapag seryoso siya.Lumipas ang oras nang magbigay si Ma’am ng test sa amin.“Leslie alam mo ba ang sagot nito? Naguguluhan kasi ako sa choices e,” sabi ni Rey na nakaturo ang daliri sa libro.“Letter A ang sagot dyan,” s
Read more