Home / YA/TEEN / Officially Yours / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Officially Yours: Chapter 21 - Chapter 30

31 Chapters

CHAPTER 20

Leslie's P.O.VNAKAHALUMBABA ako ngayon sa aking armrest at nakangiwi. Hinihintay ko ngayon ang pagdating ni Daphne at naiinip na ako sa kakahintay sa kanya.Napalingon ako sa gawing kaliwa at nakita ko si Phillip na nakatingin na sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Nagtataka pa rin ako kung ano ba talaga ang ipaparusa kuno daw niya sa akin.Nagsisimula nang magrambol ang puso at utak ko sa kakaisip. Napairap na lang ako. Naging matunog ang paghinga ko at pati rin siya ay nakarinig nun.Iidlip na sana ako kasi wala naman akong gagawin dito nang umalingawngaw ang tinig ni Daphne. Napairap ulit ako."Leslie! Oy! Nakita mo ba si Leslie ha?" tanong niya sa kaklase kong tahimik na nag-aaral. "Girl! Nasaan ka ba? Ay! Andyan ka lang pala! Saan ka ba nanggaling ha? At katabi mo pa talaga si Phillip ah? Ay, oo nga pala magkatabi naman talaga kayo hehe.""Baliw," bulong ko."Ha? Sinong baliw? Wala namang baliw ah?" inosenteng tanong niya. Ngayon pa lang gusto ko ay na siyang singhalan
last updateLast Updated : 2023-06-07
Read more

CHAPTER 21

Leslie's P.O.VNAKAHARAP ako ngayon kay Rey at hinihintay ang kanyang sunod na sasabihin. Nawala lang ang ngiti ko nang sumagi sa isip ko na muntikan na akong patirin ni Phillip kanina. Kahit nakatalikod siya sa akin ay hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin. Ang mga taong nasa table namin ay may kanya-kanyang mundo at nag-uusap lang sila."Ah, Rey?" tanong ko dahil napapansin ko na nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko naman maiwasang kiligin hehe.Baka matunaw ako sa nakakalusaw mong tingin Rey ah?"Ah, yes."Weird."Anong kailangan mo?""Tapos ka na ba sa assignment natin?" tanong niya."Hindi pa eh, bakit?""Ako rin kasi.""Ah, gusto mong sumabay sa amin ni Daphne pumuntang library? Doon kasi ang punta namin pagkatapos nito. Actually, tapos na ako hindi ko lang alam kung tapos na 'yung isa hehe." anyaya ko. May pinapagawa kasi sa amin ang teacher namin kanina before kami nagtanghalian. Kaya sabay kami ni Daphne na pupunta sa library para gawin iyon. At sakto naman na si Rey ay w
last updateLast Updated : 2023-06-07
Read more

CHAPTER 22

Leslie's POVWHO would you've thought na nagtatanong lang 'yung lalaki sa akin kanina? Akala ko naman kasi na kikidnapin na niya ako.Sinong hindi kakabahan di ba?Natawa tuloy 'yung lalaki kanina sa itsura ko. Pahamak 'yung suot niya eh, puro black ayan tuloy napagkamalan nang kidnaper.Psh!"Ate, patulong dito sa assignment ko.""Sige, anong subject ba 'yan?" tanong ko sa kapatid ko."Math po," sagot niya."Sus, sisiw lang 'yan eh.""Edi ikaw na ang magaling.""Eh kung batukan kaya kita? Nasa'n na ang assignment mo?""Ito oh," inabot niya sa akin ang notebook niya at nagsimulang magsulat.Nasa salas kami ngayon at kumakain ng meryenda. Habang gumagawa ako ng assignment niya ay tinuturuan ko rin siya kung paano magsolve ng problem. Ang dali-dali lang, hindi pa makuha. Psh! Dapat gayahin niya ako na magaling sa solving hehe.Matapos ko siyang gawan at turuan ay nanood na rin ako ng TV kasama si mama na katabi si papa at 'yung kapatid ko naman ay inaayos niya ang gamit niya na naiwan d
last updateLast Updated : 2023-06-08
Read more

CHAPTER 23

Leslie's POVGABI na nang maabutan ko sina mama at papa na nakaupo sa upuan at mukhang problemado dahil sa sinapit kanina lamang."Oh, nariyan ka na pala anak," bungad sa akin ni mama at napalingon naman sa akin si papa."Halina't maghapunan na tayo," saad naman ni papa. "Wala po akong gana." usal ko dire-diretsong naglakad papasok ng bahay."Anak, alam namin na nasaktan ka sa nangyari kanina at hindi lang ikaw, kami rin ng papa mo. Ang maaari lang nating gawin ngayon ay tanggapin ang nangyari. Hindi na maibabalik ang nasira na, anak." puna ni mama."Naintindihan ko naman po pero sobra na po ang ginawa nila." napayuko na lang ako."Alam namin, pero nangyari na ang nangyari," si papa naman ang nagsalita."Kaya anak, 'wag ka nang magtampo sa amin ng tatay mo. Pati na rin kami nasasaktan dahil sa ginawa mong paglayo.""Pasensya na po.""Kumain na tayo anak," nagmamakaawang aya ni Mama."Busog pa po talaga ko 'Ma, kayo na lang po. Mauna na po ako," tinalikuran ko na sila at tinungo ang k
last updateLast Updated : 2023-06-08
Read more

CHAPTER 24

Leslie's POV"Halika at tuturuan kita," sumunod naman ako.Tinuro niya ang mga kailangan at hindi dapat gawin sa pag-operate nitong machine. Nung una, nalilito pa ako pero kalaunan ay natuto na ako. Medyo humigit isang oras din ang tinaggal bago ito natapos at nagutom ako.Shet, paano ba 'to?"Ayaw na ayaw ni Sir ang hindi naka-uniporme sa oras ng trabaho kaya susukatan ka na ng uniporme ngayon para sa susunod na linggo ay magkakaroon ka na." Sambit niya habang naglalakad kami sa kung saan. Sa tingin ko doon sa pasukatan ng damit.At tama nga ako, pumasok kami sa loob at iniwan niya ako sandali para kausapin ang sastre doon.Shet, nagugutom na ako. Paano ko sasabihin kay Miss Gina 'to? Baka kusa na lang itong kukulo 'tong tiyan ko.Hindi lang ako mag-isa dito dahil may kasama rin akong mga empleyado ata na naglilinis dito sa loob. Hawak ang tiyan ko ay pinilit kong ngumiti sa kanila para hindi nila mahalata na nagugutom na ako.Siguro sasabihin ko na lang kay Miss Gina pagbalik niya d
last updateLast Updated : 2023-06-08
Read more

CHAPTER 25

Leslie's POVNaalimpungatan ako ng gising at kitang kita ko ang sinag ng araw na dumapo sa katawan ko. Napagdesisyunan ko nang bumangon at gawin ang daily routine ko. Lunes na naman at papasok na ako sa school at pati na rin sa trabaho ko.Pagkauwi ko galing sa kompanya na pinag-apply-an ko ay doon ko din sinabi kina Mama at Papa na nag-apply ako sa nasabing kompanya. Nung una nagalit sila sa akin dahil nagsinungaling ako at hindi man lang ako nagsabi sa kanila kumbaga nagpadalos-dalos lang ako. Pero tinanggap na rin nila dahil gusto ko rin makatulong sa kanila at naiintindihan rin naman nila ang punto ko bilang mga magulang.Ang hindi ko lang maintindihan ay ang mga reaksyon nila. Imbis na galit ang dapat una kong makita, gulat ang kinalabasan. Bakit gulat na gulat sila nang banggitin ko 'yong kompanya? Dahil ba bihira lang sila tumanggap ng empleyado at nakatsamba lang ako? Hehe parang ganon na nga siguro 'yon.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at tingungo ang kus
last updateLast Updated : 2023-06-10
Read more

CHAPTER 26

Leslie's POVNakakapagod!Sobrang nakakapagod!Unang gabi ko pa nga lang sa trabaho pero parang bibigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Biruin mo, buong gabi akong pinapapunta sa kung saan-saang floor ng mga nagpapautos sa akin. Tignan natin kung hindi bibigay ang katawan mo nun.Kaya ang ending, inaantok pa akong bumangon sa kama ko. Parang hinahatak ulit ako nito at pilit pinapabalik sa pagkakatulog. Pero kailangan kong magising ng maaga kasi may pasok pa ako.Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at hindi na ako nagulat sa itsura ko ngayon. Para akong multo na ngayon lang nagpakita dahil bagsak ang mga mata ko, sabog ang buhok, at kumikilos na parang patay.Panget ka na nga, mas pumanget ka pa ngayon.Bigla nalang nagising ang diwa ko nang may naalala ako. 'Yung lalaki kagabi sa may elevator!Bigla na lang kasi niya ako kinausap at ako naman ay nagulat sa paglitaw niya."We meet again."'Yan ang sinabi niya na hindi ko maintindihan. Ano daw? We meet again eh kagab—teka... n
last updateLast Updated : 2023-06-10
Read more

CHAPTER 27

Leslie's POVHindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa hawak ko. Hindi naman sa first time kong makahawak ng Iphone at hindi marunong gumamit nito pero iba kasi sa pakiramdam na may nagbigay nito sa akin.At sa tao pa na kinaiinisan ko.Hindi ako mapalagay. Tinitigan ko lamang ang ito at masusing pinagmasdan. Kasalukuyan akong nagpapa-photocopy nitong mga nakatambak na mga papeles at nanatiling nasa hawak ang atensyon ko.Tungkol doon sa inalok niyang kapalit, hindi na ako nag-atubiling tumanggi pa dahil kailangan ko rin ng panibagong magagamit na cellphone. Nung una, nagdalawang-isip ako sa magiging desisyon ko pero nakikita ko sa kanya ang sinseridad sa kanyang mga mata kaya pinagbigyan ko siya kahit labag sa pride ko.Lakas maka-pride 'no? Pride chicken, gusto mo?Napagdesisyunan kong buksan ang laman ng paper bag na hawak ko. Karton lang naman ang cellphone ang laman nito maliban sa...Ano 'to?May namataan itong isang papel at isang makapal na papel na sa tingin ko ay lalagya
last updateLast Updated : 2023-06-10
Read more

CHAPTER 28

Leslie's POV"ATE, kanino 'yong magarang cellphone na nasa kama mo?" Tanong sa akin ni Cholo habang nasa hapag kainan kami, naghahanda na para pumasok sa eskwela."Sa akin," sagot ko nang may sinusubong pagkain."Talaga?! Sa'yo 'yon?!""Ito naman, parang hindi ka makapaniwala ano?""Nasaan ba 'yong dating cellphone mo at saan mo nakuha 'yan? Sweldo niyo na ba kaya nakabili ka ng mamahaling cellphone?" Usisa niya."Nasira kasi kahapon 'yong luma. Ito naman," sabay pakita sa kanya nitong cellphone ko. "... bigay sa akin ng k-kaibigan ko, oo bigay niya hehe." Nauutal na sambit ko.Bakit ang hirap bigkasin ang salitang kaibigan?"Kaibigan mo? Si ate Daphne ba?""H-Hindi.""Eh sino?""B-Basta kaibigan ko," sambit ko dito at sabay inom ng tubig."Baka bigay ng boyfriend mo?" Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya.Huk!"A-Anong boyfriend ka dyan?! Ni wala nga akong boyfriend eh!" Nauubong sabi ko."Okay ka lang ba, Ate?""Ikaw ba naman ang gulatin at masamid, sa tingin mo okay lang ak
last updateLast Updated : 2023-06-15
Read more

CHAPTER 29

Leslie's POVMabilis lumipas ang mga araw at kahit ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan 'yong nangyari noong paghalik sa akin ni Rey. Kahit palagi niya akong nakakasalubong, ngingiti 'yon at para bang walang nangyaring paghalik sa akin 'yong tao. Palagi ring bumabagabag sa isip ko ang katanungang, may gusto rin kaya siya sa akin? Hindi mawala-wala sa isipan ko ang tanong na 'yan. Hindi na nga ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip nun. Sinong hindi magugulat na bigla ka na lang hinalikan nung tao at first kiss ko pa siya ah. "Leslie, ano pang ilalagay namin dito?" Tanong ng kagrupo kong si Ivan.Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho ngayon at kasalukuyan kaming nagdedesign sa assigned project namin dito sa bench ng school. At bilang leader nila (bobong leader to be exact haha), ako 'yong nagmamanage ng mga gagawin namin."Marami pa, hintayin muna natin si Phillip nasa kasi kanya 'yong pinapabili natin eh." Sagot ko. "Ang tagal naman ni Phillip," naiinip na tugon ni Jane, k
last updateLast Updated : 2023-06-15
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status