The StrangerPANAY ang inom ko ng alak habang nasa high stand round table ako na kasama sila Maria at Ms. Rowena. Iniwan ko kasi muna si Lawrence dahil may mga kausap pa itong kakilala nila ni Alejandro at ni Ms. Thally."Huy, Lala... naglalasing ka ba?" tanong sa akin ni Maria.Umiling ako rito at ngumisi. "No. Hindi naman ito nakakalasing. It's only a lady's drink, kaya mild lang ang alak nito. Come on, cheers Maria and Ms. Rowena," itinaas ko ang aking baso."Pass muna ako sa alak. Kayo na lang muna. Juice lang akin," tanggi ni Ms. Rowena sa akin na tinanguan ko lang."Okay... sabi mo huh, hindi ito nakakalasing." Tinunga naming sabay ni Maria ang alak. Natawa ako dahil sa pagngiwi ng mukha nito. "Bakit ang pait?" reklamo nito sa akin.I smirked. "Oh, I forgot to tell you, hard pala. Sorry," I made a peace sign.Kumunot ang noo nito, maya-maya ay ngumiti siya at tinikman muli ang alak. "Hey, sa unang lunok lang pala ito mapait... at kapag tumagal na sa bibig ay tumatamis siya. How a
Read more