Foursome "Good afternoon Sir Lawrence, and Ms. Thally," Napaangat bigla ang aking mukha ng marinig ko ang mga pangalang binanggit ni Ms. Rowena. Umawang ng bahagya ang aking bibig ng makita ko ang dalawang ito na magkasabay na naglakbay sa opisinang ito. I'm wondering kung bakit sila magkasamang dalawa. Kanina ay iniisip ko lang kung paano ko muling makita ang Lawrence na ito, ngunit ngayon ay nasa harapan ko na ito. "Good afternoon, Rowena... oh, Lala..." ngumiti ang panauhing babae na lumapit sa aking mesa. "How are you?" Napatayo ako sa aking upuan. "Hello, Ms. Thally... Magandang hapon. Okay lang ho ako. Um, hi Sir Lawrence," ginaya ko na si Ms. Rowena na tawagin itong Sir. "Just Lawrence or Renz, Lala. Mas gusto ko 'yon kesa sa Sir," wika nito na nakangiti sa akin. "O-okay, Renz." "That's better." "Um, anyway, nandiyan ba ang boss niyo?" tanong ng isa. "He's inside, Ms. Thally." sagot ni Ms. Rowena rito habang nakangiti. "Can we disturb him?" todong ngiti na tanong nito.
Read more